Share

Chapter 5

Isang linggo na ang nakakaraan noong huli kaming nagkita ni Axel. I miss him, nakakamiss ang pagiging gahamad niya sa pera, nakakamiss ang mga walang kwentang banat niya, at mas namimiss ko 'yung burat niya. Simula noong kunin niya ang pagiging inosente ko hinahanap ko ang init ng katawan niya. But it's better to stay away from him.

"Apologies once again for any inconvenience caused. Thank you for your call." after I delivered the closing spell. Nag-aux ako para makapag 15 minutes break.

Kinuha ko na ang tumbler ko. Nang mapadaan ako sa station ni Remi, kinurot ko ang tagiliran niya napatalon siya sa gulat habang nakikipag-usap sa customer. Sinamaan niya ako ng tingin habang tinutuloy ang pagdaldal.

"Psst, Mikana." tawag sa akin ng bagong TL ko na si Jian sa umaga, sa gabi Jianna. Kakalipat ko lang ng wave kahapon. Peaceful na ang buhay ko dahil hindi na si Jorge ang TL ko. Tsk.

"Po?"

"Bilhin mo na 'tong peanut butter ko oh."

Natawa ako sa negosyanteng TL ko. Lahat na lang ay binebenta niya dito sa floor.

"Sige TL Magkaano ba 'yan." kinuha ko 'yung jar ng peanut butter.

"270 pero 260 na lang para sa'yo."

"Sige, i-aabot ko na lang ang bayad pagbalik ko."

"Ge, salamat beh."

---

Bumalik na ako pagkatapos ng break. Nagkakagulo ang ibang agents lalo na ang mga bakla. Isa lang ibig sabihin 'nun may mga newbies na pogi. Paglingon ko sa kaliwa nakita ko si Ms. Amy siya ang trainer ko noon. Kasalukuyan siya nakikipag-usap sa mga newbies. Marami-rami rin sila ah? Pero katulad namin kukunti rin ang bilang ng batch nila. Mag re-resign o awol din ang iba.

Bumalik na ako sa station ko bago pa ako ma over-break. Mapapahiya ka talaga kapag sinigaw ng work-force ang name mo. Pagkaupo ko sinuot ko na ang headseat sa ulo. Napalingon ako sa kumalabit sa'kin.

"Mikana, puwede side by side mo si Mr. Dimples." nalipat ang tingin ko sa lalaking matangkad, at moreno. Napatayo ako sa sobrang gulat. Pag ngiti niya lumitaw ang malalim na dimples.

"Arthur?!" para akong nakakita ng multo pagkatawag ko sa pangalan niya.

"Long time no see, Mikana."

"Huy! Ano toooh! Magkakilala kayo?" high-pitch na tanong ni TL Jian.

"We're classmates in college, close friends din kami...noon." sagot ni Arthur.

I was speechless. Arthur is my boy best friend during college days. Kapwa kaming nakapagtapos sa kurso na business administration. I ignored his call and text after graduation. Para akong nawala na parang bola sa kan'ya. Huling balita ko ay nagtatatrabaho na siya sa isang sikat na firm.

"Great! Oh. Mikana guide him, okay?"

Nagpapasalamat ako dahil hindi siya nagbanggit o nag tanong tungkol sa sudden disappearance ko. Nung avail ako tinuruan ko siya paano gamitin ang avaya at pag familiarize sa call flow. Ang awkward nito.

"Bakit ka pala umalis sa previous company mo? Balita ko na promote ka na as supervisor."

"Yun na nga eh, sayang na promote na sana ako kaso nagkaroon kami ng problem ng dating live-in-partner ko, kaya 'ayon ako nag adjust at umalis na lang sa company."

Live-in-partner. Hindi ko nabalitaan may ka live in na pala siya. Sa totoo lang na miss ko siya ng sobra, silang dalawa ng bestfriend ko noon na si Trina.

"Ikaw may asawa ka na ba?" tanong niya na kinagulat ko.

"No, I'm single. Hahaha ba't dito ka sa call center na padpad?" pag-iiba ko ng topic.

"Pampalipas oras habang hinihintay ko ang application ko sa Canada,"

"Uy congrats!" tumawa ako ng hilaw shit. Umayos ka Mikana.

Laking pasasalamat ko noong tinawag na sila ni Ms. Amy para bumalik sa training room. Tinapik-tapik ni Art ang balikat ko.

"Hihintayin kita sa lobby mamayang 6." aniya na kinaputla ko. S***a, akala ko pa naman makaka-iwas ako sa kan'ya. Isang tango naman ang tinugon ko.

Binabagabag ako habang sumasagot ng calls. I had a HUGE crush on him before. One sided love ang nangyari. Nasaktan ako ng sobra noong malaman kong makarelasyon na sila ni Trina. Graduation noong umamin sila sa relasyon nila. I can't blame Trina for my pain. Wala naman siyang malay na may gusto rin ako sa best friend namin.

--

Hindi nga siya nagbibiro. Hinintay niya talaga ako sa lobby. Inalis ni Remi ang kamay niya naka hawak sa braso ko nang makita namin si Arthur.

"Sana madugtungan ang love story niyong dal'wa." bulong ni Remi sabay agik-ik na parang biik.

"Hello." bati ni Art sa kaibigan ko.

"Hi! Remi pala."

"Art."

"Yeah, I know na i-kwento ka na sa akin ni Mikana. Mauna na ako byeee."

Ngumiti at tinanguan niya si Remi. Nakangising umalis ang kaibigan ko. Huminga ako ng malalim.

"Kumain muna tayo, treat ko."

"Ano ka ba! Libre ko na." sabi ko.

"I insist, there is much catching up that we need to talk about." katulad ng dati'y nakakaakit pa rin ang ngiti niya. Mas lalo siyang gumwapo at mas naging masculine ang pangangatawan.

"Okay."

-

Dumukot ako ng fries habang nag kwe-kwento siya tungkol sa mga career ng mga classmate namin. I dipped my fries sa sundae. Natigil ako sa panguya no'ng tumawa siya.

"Hindi pa rin pala nagbabago 'yang weird combination mo."

"Try mo na kasi, I swear masarap." I extended my hands para maabot ko sa bibig niya ang fries na may ice cream.

Hindi ko inaasahan isusubo niya iyon. My fingertips brush his lips, at katulad ng respond ko noon namula ang pisngi ko. Inalis ko ang kamay na nakabibin sa ere at dumungaw sa labas para hindi niya mapansin ang pamumula ko.

"Ehh not bad."

An awkward silence followed. Many years have gone by yet my heart still knows the person who can make it beat like madman.

I miss your tan skin, your sweet smile

So good to me, so right

And how you held me in your arms that September night

The first time you ever saw me cry

Maybe this is wishful thinkin'

Probably mindless dreamin'

But if we loved again, I swear I'd love you right

Parang pinaglalaruan akong tadhana. Nag p-play sa background ang kanta ni Taylor swift na back to december.

"Bakit ka pala umiiyak noon sa graduation?" tanong niya. I find it difficult to maintain eye contact. Nakita kasi ako ni Trina umiiyak sa banyo noong araw na iyon. Naikwento niya 'ata kay Art. Kung saan nagkaroon na ako ng lakas ng loob umamin sa kan'ya ng feelings ko doon pa nila naisipan ilahad ang relasyon nila.

"Syempre tears of joy," I lied. Pagkatapos ng ceremony iniyak ko lahat ng sakit sa kwarto ko. Halos hindi ako makakain sa sobrang sakit ng sugat sa puso ko noon. Wala namang gamot na magpapagaling doon. Akala ko pagkalipas ng panahon makakalimutan ko na ang sakit at makaka move on na.

"Why did you cut ties with me after that?"

Pilit ko nilalabanan ang mga luha ko na magbagsakan. Para akong nasa loob ng masikip na drum ang hirap huminga, shit. Humahapdi na ang mga mata ko.

"Oh? Ayos ka lang ba?" sabi niya sabay abot ng tissue. Kinuha ko at ginamit para punasan ang luha.

"I just miss you, pasensya na kung nawala ako na parang bola pagkatapos ng graduation nagkaroon kasi ng problema sa bahay noon. I was kind of depressed during that time."

Bumuntong hininga siya. Tumayo at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Inakbayan niya ako at masuyong hinahaplos ang balikat ko.

"Nag-alala kami ng husto ni Trina noon, akala namin ano na nangyari sa'yo. Pinuntahan ka namin pero wala ka na doon sa bahay niyo."

Nasa public place kami kaya inurong ko ang nagbabadya pang mga luha.

"Pasensya na, si Trina ba ang live-in partner mo?"

"No... matagal na kaming naghiwalay, we stay in touch as a friend. By the way available ka this saturday? I'll message Trina para magkaroon tayo ng reunion tatlo."

"That would be great, RD ko naman this saturday."

"Mabuti, madami kaming ikwe-kwento sa'yo. Kung alam mo lang gaano ako kasaya makita ka ulit! Ang payat mo na! Na miss ko kurutin 'yong matambok na pisngi mo."

D*****g ako ng kurutin niya ang pisngi ko. Hindi pa rin siya nagbabago ang clingy at kulet pa rin niya. Isa sa mga insecurities ko noon ang pagiging mataba kumpara kay Trina na sexy, wala talaga akong panlaban sa kan'ya. Noon ko pa napapansin na may lihim na pagtingin din si Trina kay Art. Ano nga ba ang sumagi sa akin noong panahon na iyon at binalak kong mag confess?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status