Letitia’s POVSabi nga nila "Fight for yourself because nobody will".Marami tayong natatanggap na payo sa ibang tao subalit hindi ito magiging epektibo kung hindi natin kayang gumawa ng aksyon para sa sarili natin. Tanging ang mga payo ay mananatiling gabay lang para saatin.Kaya matatawag ko pa rin talaga ang sarili ko na swerte dahil mayroon akong mga taong na nandyan lang saaking tabi hindi nagsasawa o napapagod saakin.Hindi ako makakarating sa gantong sitwasyon kung wala sila."Ma'am Letitiaaaa!" Bungad saakin ni Amy na papalapit saakin.Binigyan ako nito ng mahigpit na yakap.Siguro nang makaramdam si Amy ng hiya ay agad siyang kumalas sa aking pagkayakap."Thank you, Amy.""Ma'am akala ko 'di kana babalik nag-aalala na po kami buti nalang sinabi ni ma'am Krisha na nag babakasyon ka pala.” Mangiyak-ngiyak niyang sambit.I chuckled.Hindi sinabi ni Krisha ang totoo siguro ayaw lang niya mag-aalala saakin yung mga staff ko dito sa Cafe."Nakapag pahinga ka po ba ng maayos?" Tanon
Moving on from unrequited love hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal.Ito ang isang tumatak sa isipan ko, wala kami sa libro na puro piksyon lamang na ang lahat ng pagmamahal ay nasusuklian. Sa totoong kuwento ng buhay ko hindi ganoon 'yon tumatakbo.Nakaharap ako sa realidad dahil sa pagmamahal marami akong natutuhan.Parang lumakas ang loob ko na maging matibay ako sa lahat.Mas masarap palang mahalin ang sarili at bigyan ng halaga.Sa pagmamahal palang sa sarili marami na ang nababago paunti-unti nang gumagaling ang lahat ng sakit.Nabibigyan ko na ng oras ang aking sarili at higit sa lahat nabibigyan ko na rin ito ng halaga.Matapos naming mag usap ni Archer siya’y nagpaalam agad dahil may aasikasuhin pa siya sa trabaho niya.Busy raw kasi siyang tao, may oras pa talaga siyang maghangin bago umalis.Buti at nandiyan si Archer napasaya nanaman araw ko kahit puro ito kalokohan.Masyado 'tong private na tao kaya hindi ko nalang pinilit.Gusto ko rin kasi siya bisitahin kung may pagk
Letitia's POVGumising ako ng maaga para mag asikaso, pupunta kasi ako sa cafe bago pumunta sa puntod ni Lolo.Death anniversary ngayon ni Lolo limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari.Nakakamiss lalona’t pag-naalala ko lahat ng masasayang nagawa namin ni Lolo noong nabubuhay pa siya. Si Lolo na kasi ang nagpalaki saakin mula ng mawala ang mga magulang ko, siya ang kumatawan bilang magulang ko.At alam kong ayaw niyang maging malungkot ako o mahirapan. Gusto kong mapasaya at maibalik lahat ng nagawa niya saakin kaya ako nandito.Naisip kong hindi ko dapat siya sisihin kung bakit ako napunta sa sitwasyon na 'to.Masaya akong natupad ng Lola ni Bryson at Lolo ang pangako nila sa isa't isa.Bago pa sila mawala sa mundong ito.Nagluluto ako ngayon sa kusina ng fried rice at itlog nagluto na rin akong soup para sa may hangover na si Bryson.Ginagawa ko ito kasi kahit papaano may pinagsamahan naman kami.Kahit alam kong hinding hindi kami magkakasundo.Sinusunod ko l
Bryson's POVFlashback5yrs ago"B-Bryson kumain kana ba?" Tanong sa akin ni Letitia.Tinignan ko lang siya saglit at binalik ang atensyon sa aking binabasa.Hanggat maari ayaw kong pansinin siya.Pagod na ako sa pagiging mabait niya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatayo pa rin siya at nag- aantay.I sigh. “Please, stop bothering me.”Tinignan ko siya at bakas sa mga mata niya ang lungkot.Kailan ba ako titigilan ng babaeng 'to.I didn't like marrying her, but I accepted it for my grandmother.I did everything to please my grandma, but nothing changed; she continued to get me married to a stranger.Noong unang pagsasama namin hindi naman siya ganito.Wala kaming pake sa isa't isa nagulat nalang ako ng bigla itong nag bago ang pakikitungo saakin and it's really annoying.She's trying so hard to get my attention.She knows I love someone else, yet she still pushes herself.She acts as my wife.Sobra akong naiinis sa pagiging mabait niya. Hindi paba halata na ayaw ko siyang maka
Letitia's POVEverything that happened between me and Bryson was true, which shocked me.Just a kiss! Everything in my head was completely blown off by one kiss. Ang tanga ko para isipin ‘yon ngayon habang nagdadrive ng kotse. Parang masisiraan ako sa nangyari!Sumulyap ako sa natutulog na si Bryson. “This is insane!”Ang bilis ng pangyayari para itong bula na bigla nalang nawala.Pagkatapos niya akong halikan bigla nalang siyang nawalan ng malay kaya naman dali-dali ko siyang inalalayan papunta sa kotse kahit sobrang bigat niya.Wala naman tutulong saakin dahil kami lang naman dalawa ang tao sa sementeryo. Alangan naman iwanan ko siya roon, ako pa ang mapapahamak.Mabilis kaming nakauwi sa bahay, dadalhin ko na sana siya sa hospital ngunit ayaw niya. Ang kanyang gusto i-uwi ko siya sa bahay.“Bryson, nandito na tayo,” sabi ko.Tanging daing lang ang sinagot niya saakin. Namumula na ang kanyang pisngi sa init na lumalabas sa kanyang katawan.Hinawakan ko ang kanyang braso upang alala
Letitia’s POV"Ang tanda na natin but we're still here," aniya.Tumingin ako kay Krisha na abalang kumakain ng popcorn. "What do you mean?"."Walang lovelife,” she said.Walang lovelife? Ako rin naman eh.“Ay ako lang pala,” she added.Natawa ako ng makita ko ang busangot niyang mukha.Ewan ko ba sa babaeng ‘to, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig pero kahit magreklamo siya alam ko naman na hindi pa siya sa pakikipag-relasayon.Lagi niyang lintanya saakin na ang mga lalaki ay sakit lamang sa ulo.Marahil base sa kanyang nakikita sa kapaligiran at paano ako namumuhay hindi na niya pinangarap pang magkaroon ng asawa.Tumingin saakin ang mga matang matamlay ni Krisha."Nakakabored talaga ang day-off, anong masayang gawin?"Nagtaas ako ng kilay na para bang nag-iisip."Hindi ko alam.” Sagot ko.Napa ismid nalang saakin si Krisha sa sinabi ko.Ilang araw makalipas ng mag death anniversary si Lolo at gayun din ang Lola ni Bryson.Magkasunod lang ang araw ng pagkawala nila buti nalang at hind
Letitia's POV Gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan na nagawa ko kagabi. Hindi ako makapaniwala na bumigay ako sa mga halik ng lalaking 'yon. Para akong manipis na plywood na matapakan lang nasisira na agad. Ganoon na ba ako karupok para madala sa mga halik niya? Naguguluhan nanaman ako. Pinagsisihan ko ang mga halik na 'yon, hindi dapat ‘yon nangyari. Nakakaramdam ako ng konsensya kahit ako yung tunay na asawa. Pwede bang humarap kay Bryson na parang walang nangyari sa aming dalawa kagabi. Kung pwede lang e, sana wala ako rito sa k'warto na parang presong nakakulong. Gumulong ako sa kama sa sobrang inis sa ginawa ko. Hindi na ako bata para magkaganito marapat na harapin ko siya ng walang issue, walang ilang subalit hindi ko man ito magawa. "Bwiset!" wika ko sa aking sarili. Tumayo ako sa higaan at inayos ang suot kong damit. Huminga ako ng malalim. Hindi naman p’wede na magkulong lang ako rito. May mga bagay na dapat akong gawin. Hindi dapat ako nag popok
Letitia’s POV"Here," he said.Lumawak ang ngiti ko sa mga labi ng makita ang ice-cream na hawak ni Archer."Salamat." Kinuha ko ang ice cream na hawak niya."Sabi ko na nga ito magpapangiti sa'yo, " aniya.Nakatitig lang saakin si Archer habang kumakain ako ng ice cream na binigay n'ya.Matapos naming mag-usap sa seaside napag desisyonan namin pumunta sa loob ng mall at kumain sa isang ice-cream parlor.Naisip ko rin na baka mabawasan ang lungkot ko kung kakain ako ng marami.Pampagaan lang ng loob kahit papaano.Sumama na rin si Archer dahil nagugutom na rin daw siya kaya hinayaan ko nalang ito."Wait," sabi niya.Kinuha niya ang tissue na nasa lamesa at pinunas iyon sa gilid ng labi ko.Napahinto ako sa pagkain at nanatiling nakatingin sa kaniya sa gulat."A-ah, salamat.” Tanging na sabi ko na lamang.Bigla-bigla nalang kasi gumagawa ng ikakailang ko.Marami ng naitulong saakin ni Archer at hindi ko mabilang 'yon.Alam ko hindi ko pa gaano kakilala ang lalaking 'to pero ginagawa ni
Letitia's POV"Oh, anong sinisimangot mo riyan?" taas kilay na tanong ni Krisha.Tumingin ako sa kaniya at tanging buntonghininga lamang ang sinagot ko."Alam mo girl? parang salo-salo mo nanaman ang mundo dahil diyan sa istura mo,' aniya at sinimangutan ako."Tigil-tigilan mo ako bes," ismid ko sa kaniya at muling tumulala sa malayo.I didn't get much sleep last night. Everything that's been happening has really been keeping me up. Hindi pa alam ng babaeng 'to na nagkita na kami ni Archer at paano ko naman sasabihin na may nangyari sa amin. "Bes! What's bothering you?" she asked with grave concern in her voice.I look at her and bite my lower lip. "I met Archer." "Shit!" sigaw niya. "Really?How? and Why?" sunod-sunod niyang tanong na parang naguguluhan sa sinabi ko."Bes, calm down!" sita ko sa kaniya at tumingin sa paligid.Nakakahiya dahil nasa coffee shop kami at maraming taon. Baka umagaw pa kami nga atensyon. Buti na lang at may sari-sariling mundo dito."How can I calm down?
Letitia’s POV Dahan-dahan akong tumayo at binalot ang aking katawan sa kumot. Para akong tangang nakatingkayad na naglalakad papunta sa banyo para hindi magising si Archer. Ano na lang ang ihaharap ko sa lalaking ‘to. Wala man lang akong maalala sa mga nangyari, paano napunta si Archer sa kama ko at talagang wala pa kaming saplot na dalawa. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ano bang itsura ito at ang gulo-gulo ng buhok nagkalat pa ang lipstick sa aking labi. “Tama ba ang iniisip ko?” usap ko sa aking sarili. “May nangyari sa aming dalawa?” Ginulo ko ang aking buhok sa inis at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Malamang may nangyari talaga, ano ‘to nag bato-bato pick sa kama. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong maalala sa nangyari kagabi, sumasakit pa ang ulo ko at katawan. Oh! God! Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Ayoko munang lumabas doon at makita si Archer, hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko pagnakita siya. Mata
Letitia’s POV WARNING! 18+ I don’t know where am I right now tanging hilo lang ang aking nararamdaman. Minulat ko ang mata ko, naglalakad ako? Or someone is helping me to walk properly. Ugh! I’m so dizzy! “Letitia, drink some water,” saad ng pamilyar na boses. I couldn't figure out his face, but I knew he was a man. I can't remember if I met someone in the bar. I’m so wasted, nararamdaman ko ang init sa aking katawan. Gusto kong maghubad. “Shit! What are you doing?” sigawa noong lalaking kasama ko. “It’s hot!” I answered. Tinanggal ko ang aking pantaas at itinapon ito. Sinandal kong muli ang ulo ko sa sofa. The smell of this place is familiar kahit hindi ko maaninag masyado. I know it's my house, but how does that man know the address? "I'm trying to stop this kind of feeling," he says, "but there are some things that are more difficult to get rid of." I don't know him, but his abundant voice makes me want to see him. I'm curious as to what's going on. I tried to open my eye
Letitia's POV“Letitia, I miss you.”Damang-dama ko ang simoy ng hangin sa aking balat subalit napapalitan ito ng init nang yakapin ako ni Archer mula sa likod. Mas lalong nag-init ang dalawa kong pisngi nang banggitin niya ang mga katagang iyon.Nakakabingi ang katahimikan tanging naririnig ko lang ang tibok ng puso naming dalawa.Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na sa mga nalaman ko. Matagal nang alam ni Chloe ang tungkol sa akin, at pinagmukha nanaman nila akong tanga.Humarap ako kay Archer. “Gago ka ba!” malakas ko siyang sinampal sa kaliwa niyang pisngi.“Pinagloloko mo ba ako?” tanong ko at hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. “Niloloko ninyo akong lahat!” sigaw ko. Hindi na napigilan ng luha at bumagsak na ito ng tuluyan.“Letitia! Let me explain okay!” saad niya sa matigas na tono.“Ano pa bang ipapaliwanag mo!?”“Please, just listen! It's okay with me if you don't forgive or believe me; I just need to explain myself." Ngayon lang Le
Archer's POVReally, I have no idea what to do at all. Nakaupo lang ako sa sofa and I can't even move. Why did this happened right now when there is an important talk to be had.Nakatingin lang ako sa natutulog na si Letitia habang ako nakaupo kahit nakakaramdam na ang hita ko ng ngalay. Siguro kalahating oras na rin ganito ang aking puwesto. Habang pinagmamasdan ko ang babaeng 'to. Hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa niya. Fck it! I really don't she was like that when she was drunk.Pero mas nangingibaw pa rin sa akin ang iniisip ko dahil sa mga nangyari sa limang taon. I was not aware, wala man lang akong kamalay-malay na mag-isa lang siya sa limang taon na 'yun. Mas pinairal ko pa ang pagiging makasarili ko. “I thought if you chose him, you'll be happy,” usap ko sa natutulog na si Letitia. Inayos ko ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. “Akala ko talaga siya na ang pinili mo, napakamanhid mo na hindi iyon maramdaman,” dagdag ko.Sabi ko sa aking sarili na hindi ko si
Letitia's POVKung p'wede lang iiyak lahat ng sakit pero hindi e, iiyak ka lang para kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman mo. Tanging simoy lang ng hangin ang naririnig ko. Sobrang lamig nito pag tumatama sa aking balat. Nakatayo lang ako at nanatiling nakatitig kay Archer. Inaantay ang magiging sagot niya sa aking mga tanong.“Letitia....” Paunti-unti siyang naglakad papunta sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya ngayon pero naramdaman ko ang pagkabog ng puso sa paglapit niya.Nang malapit na siya sa akin, napalingon kaming dalawa sa nagsalita.“Archy?”“Chloe?” usal ni Archer. “What are you doing here?” dagdag niya.Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Pinunasan ko agad ang aking mga luha at pilit ngumiti kay Chloe.“Oh, Hi Letitia!” aniya sa akin at kumaway-kaway pa.Nginitian ko lang siya at tinaas ko ang mga palad ko. “H-Hi.” Hindi ko alam kung nakikita niya ang namumugto kong mga mata. Hangga't maari ayokong ipakitang umiyak ako. Baka kasi anong isipin niya, wa
Letitia's POVPasilip-silip ako sa asawa ni Archer at anak nila na sa sala habang ginagawa ko ang inumin nila. Dahil nga bungad agad ng sala ang kitchen area sa bahay, nakikita nila ang kilos ko. Hindi ko man ipahalata sa kaniya ang kabang nararamdaman ko kaso hindi nakikiayon ang mga kamay ko. Nanginginig ito at kaunting galaw ko lang may natatabig na agad akong gamit. Sino ba naman kasi hindi kakabahan sa mga oras na 'to kung ang na sa harapan mo ngayon ay asawa ng minahal mo dati diba at hanggang ngayon mahal ko pa.Hindi ko talaga maiwasan na humanga sa kagandahan nito. Halata naman na half-half ang lahi niya. Yung ganda ay napaka natural lang hindi na niya kailangan mag lagay ng koloretes sa mukha. Siguro kung maglalagay man siya nako paniguradong mas maganda siya. Impossible talagang hindi siya mabibighani sa kagandahan nito.Habang pinagmamasdan ko siya nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti siya sa akin at naglakad papunta sa akin. “Nakalimutan ko pala ibigay sa'yo ito
Letitia's POV“Hay!” buntong-hininga ko matapos kong ilipat lahat ng gamit sa sala. Hindi na kasi ako nagpatulong pa sa mga nagdeliver nang napamili kong furnitures at appliances. Naiplano ko na rin kasi kung saan ko ilalagay lahat ng furnitures ko. Mayroon na akong sketch kung anong magiging design sa sala kitchen at kuwarto. Matapos kong mai-ayos lahat ng gamit binagsak ko ang aking katawan sa mahabang sofa.Cozy type lang naman ang ginawa ko, gusto ko kasi malinis at binabagayan ang paligid dahil nasa Baguio ako ngayon. Gusto ko refreshing lang ang style ng mga gamit sa bahay. The house is not that big, sliding door na agad ang bubungad pagpapasok ka mula sa gate. Makikita mula sa labas ang sala at kitchen. Pag pumasok ka sa loob ng bahay mauuna ang sala at sumunod naman ang kitchen area. Mayroon din naman akong kuwarto sa itaas. A simple bedroom na tanging harang lang din ang sliding door, may coffee table sa labas ng balkonahe sa kuwarto at may mini office room din ako. Sa labas
Letitia’s POVSumimsim ako sa aking tasa habang nakatingin sa malayo nang biglang magsalita si Krisha.“Bes! Mukhang hindi kita masasamahan sa pagbili ng mga appliances,” saad niya.Panigurado about nanaman ito sa kaniyang trabaho dahil matapos naming mamili ng mga damit niya biglang may tumawag sa cellphone nito."Don't mind me bes, if it's an emergency, then you can go," sagot ko at nginitian ko siya. Gusto ko matawa sa ekpresyon na para bang ayaw umalis.“Babalik ako agad matapos lang ‘to,” aniya at sinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag niya.Tumango-tango ako at hinawakan ang balikat niya. “Welcome na welcome ka bes don’t worry.”Nang ma-assure ko si Krisha agad naman itong umalis. Gusto talaga nito ng assurance ni Krisha. Nagpaalam na rin ako sa mga staffs ko dahil aasikasuhin ko pa yung bago kong titirhan, naipalinis ko naman ‘yun. Ang kulang nalang talaga ay appliances and furnitures.Dahil hindi makakasama si Krisha sa pagbili ng mga gamit ko sa bahay ako na lang ang mag-i