Matapos malagyang ng gamot ni Yuna ang sugat ni Felix ay dahan dahan niyang pinalitan ang roba nito. Pansamantala ay hindi muna niya ito sinuotan ng pajama na putol para hindi na siya mahirapang bihisan ito. Kanina lamang niya naisip ang ganung idea.Lumabas si Yuna at nagtungo sa guest room para sana makapagpalit na rin ng damit. Hindi pa kase siya nakakapagpalit mula pa sa hospital at nanglalagkit na siya. Pagkatapos ay inilapat ni Yuna ang likod sa malambot na kama. Bukod kase sa tense sa sitwasyun kanina, sa totoo lang masakit ang tagiliran ni Yuna at pati na ring ang braso. Bagamst nahirapan makatulog dahil may pagaalala sa puso ay inakay na rin ng pagod at antok si Yuna hanggang makaidlip na. Kinabukasan.....Saktong kakagising lamang ni Yuna at katatapos lang maghilamos ng tumunog ang kanyang telepono. Pagkuha niya sa cellphone ay ang nag flash sa screen ang pangalang Felix kaya napakunot ang noo ni Yuna. Sinagot ni Yuna ang tawag nito na ang akala ay aasarin lamang siya ng
Saktong katatayo lamang ni Yuna ng tomonog ang kanyang telepono. Dinukot niya ito ng may yamot dahil naiisip nyang baka ang kabet na naman pero ito at eepal na naman ng ki aga aga. Pero ng makita inya ang name na nakaflash sa kanyang screen ay napangiti si Yuna at agad tumalikod at sinagot ang tawag."Hello...." sabi niya."Good morning" Sabi sa kabilang linya."Good morning din ? Napatawag ka Mr. Patrick" sagot ni Yuna. Ang magaang mukha ni Felix kanina lamang ay biglang lumamig at naging blanko na naman."Yuna, wala ka bang naranasan na masama pagkatapos mong umuwi kahapon? Mayroon bang masakit sayo?" Nagaalalang tanong nito."Wala naman! Hindii naman ako nasaktan, si Felix ang nasaktan, wala akong problema." Sagot ni Yuna. "Tama nga!! sabi ni Ptarick. Dahil ang nasaktan naman ay si Felix, hindi na kailangan pang magalala ni Patrick para kay Yuna, Tama....Tama....! Sabi nito na tumahimik na."Ano nga pala ang naging resulta ng pagiisip mo? may desisyun ka na ba? Napag isip-i
"Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Felix kanina? Na siya ang bahala sa akin? ano ba talaga ang kahulugan noon?" Bulong ni Yuna habang nalalasap ang mainit at banayad na paghalik ni Felix na unti unting naging sabik na halik na puno ng pagsamo.Bakit parang sa mga salita ni Felix ay parang nagpapahiwatig ito na hindi niti gustong maghiwalay sila ngunit kung hindi niya gusto ang maghiwalaya sila, bakit niya pinatulan si Jessie?" litong tanong pa ni Yuna sa isipan."Mag-focus ka." Napansin ni Felix na wala ang atensyon ni Yuna, sa mga halik niya kaya't kinagat kagat niya ang malambot na labi ng asawa.Nagtaas ng kilay si Yuna at umirap ang mga mata. Nais niya itong itulak, ngunit ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya kaya namula muli ang pisnge niya. Tumigil si Felix sa pagkagat at sa paghalik ngunit kayakap pa rin si Yuna"Ano ba? Hindi ba't mas masakit kung hahayaan kitang hawakan ako?" Sabi ni Yuna ng bitawan ni Felix ang labi niya."May sasabihin ako." Tinitigan ni
May kinausap si Jhong sa telepono kaya sinamantala iyong ni Yuna para muling umakyat sa sa itaas at iwan ang lalaki. Doon sana siya pupunta sa guest room para makapagpalit muna ng pangbahay pero dahil dadaanan muna ang master bedroom bago makarating doon nakita siya ni Felix at tinawag. Pinalapit ulit siya nito sa tabi nito at muli siyang kinabig at niyakap. "Saan ka ba nanggaling' tanong nito ngunit sinamahan iyon ng haplos sa kanyang mukha na naman katulad ng ginawa nito kanina."Magsasalita sana si Yuna at sasabihin bumaba lamang sana para silipin kung gawa na ang almusal nito pero hindi na nakapagsalita pa si Yuna dahil muli siyang kinabig nito at mulign hinalikan. Mas nakakakilig ang posisyun nila ngayon dahil nakaharap niya sa asawa kaya mas sakop nito ang bibig niya at mas yakap siya ng mahigpit.Halos nasa ibabaw siya ng nakaupong si Felix."Mister Felix......" Basta na lang niyang tinawag ang pangalang iyon, at pagkatapos ay namula ang kanyang mukha. “Bakit bigla mo na naman
Nagulantang man sa pagkabilang narinig sa boses ni Yuna ng tawagan niya ito ay nangpaliwanag ng malumanay si Felix. Bagay na nadadalas ata niyang gawin ngayon kesa ang magutos."Kase diba, bigla na lamang kase na dumating ang mga tao ng kumpanya para sa pulong, pagkatapos na maghatid ng kape si manang Azon, ipinag-utos ko na wala ng aakyat muna, wala akong payagan na pumunta sa itaas" sabi ni Felix.Nagulat si Yuna sa sinabi ng asawa. "So, Kaya pala mula umaga hanggang ngayon hindi ka pa kumakain?"nakokonsensyang sabi niya."At dahil sa iyon sa nangako ka na ikaw ang bahala sa akin?" sabi ni Felix , wala man bakas ng galit sa muha nito ay nahihiya si Yuna.Sino ba ang mag-aakala na maghihintay siya ng ganun katagal? Akala niya, kung hindi siya pumunta, siya na mismo ang tatawag sa mga katulong para magdala ng pagkain. Hindi talaga siya makapaniwalang siya ang hinihintay nitong magasikaso sa kanya. Dahil sa realization na dalawang meal na ang nakalipas sa asaw at kailangan nitong u
Tinititgan ni Yuna si Felix ng sabihin nito na gusto niyang kumain ng seafood. Namaangha siya kay Felix nitong nagdaang pang arawc . para itong naging mahina at bata. nawala ang Felix na tinitingala at para kang dudurugin palagi kapag nagsalita."Masama bang kumain ng seafoods ngayon?" Tanong ulit ni Felix."Syempre hindi, nasugatan ka Felix at hindi ka puwedeng kumain ng hilaw na pagkain, at lahat ng mga malalansang pagkain. Narinig mo ang sinabi ni Doc Shen hindi ba? Gusto mo bang mangati at mamasa ang dapat ay patuyo ng sugat ha?" sabi ni Yuna."Ow, eh bakit mo inakyat yan dito ?kung hindi mo naman pala ipapakain" nagtatakang tanong nito."Ah ito, ito ay para sa akin. Hindi para sayo" sabi ni Yuna na ngumiti pa ng pangiinis sa asawa saka inilagay ang lobster sa harap niya upang ipagyabang."Ako ang kakain nito, pero hindi ka puwede. Matamis ito, at napakasarap ng karne!" Sabi ni Yuna at binalatan ang lobster na napaka juicy at mabango naman talaga.Hindi na kinaya ni Felix ang
Nenerbiyos ng husto si Yuna ng bumaba ulit sng kamay ni Felix katulad ng ginawa nito kanina.Ang malamig na kay nito ay dahan dahang nanananalakay sa loob ng kanyang kasuotan.Napansin ni Felix ang sumagot si Yuna sa kanysng mga halik.Nagdulot ng excitement sa kanya ang pagtugon na iyon ni Yuna. Isa iyong munting aksyon nhunit sapat na iyon para magdulot ng pagiinit kay Felix.Hinawakan niya ang likod ng ulo nito gamit ang kanyang malaking kamay, at hinalikan siya nang mas marobrob at mas mapaghanap.Hindi makapigil si Yuna ang sarili. Ang halik na ito ay sobrang mainit, hindi niya ito kayang tiisin, unti unti ng nadadarang na siya at masaam iyon. Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay upang itulak siya palayo, ngunit hindi niya magawa dahil handa si Felix sa magiging aksiyon niya.Dahil ipinulupot pa nga nito ang dalawang kamay ng mas mahigpit saka baba sng halik nito sa kanyang leeg kaya napatingala si Yuna sa kiliti.Alam pa rin ni Felix kung saan ang kiliti niya."Felix teka, okay na dib
Hindi nakakibo si Yuna. Nakaramdaman nang lungkot si Yuna. Totoo kase iyon kung sakali ay mag isa siya sa laban at hindi niya kakayanin ang pamilya ni Felix. Lahat ay iniisip na siya ay masama at ginagamit si Felix. Pagod na siya Yuna sa mga ganoong salita. Nakakapagod ipagtanggol ang sarili.""Tandaan mo ang kasunduan sa natin at mag-divorce na dapat layo ni Felix sa lalong madaling panahon" bilin pa nito. Nabigla si Yuna sa sinabi ni ng biyenan."Mamili ka Yuna kung ano ang gusto mo? Ang kasal o ang iyong Ama? " May tonong pagbananta ang tanong nito. Pagkatapos noon ay naglakad pabalik si Donya Belinda sa kinaroroonan ni Jessie na naka-high heels at sinabi niya dito."Jessie tara na." Nanguna na si Donya Belinda."Yuna, mauuna na kami ni Tita, Alagaan mo si Feilx " sabi ni Jessie na kumaway pa sa kanya na akala mo ay close sila.Tinulungan ni Jessie si Donya Belinda na makapasok sa kotse at ang dalawa'y umalis na rin. Nakakapgtakang napakabilis na maging close ang dalawa samantala
Natigilan si Yuna at mabilis na itinaas ang kanyang mga mata upang tumingin sa pintuan ng villa, sa takot na makita ito ng kanyang ama at lola."Mag focus ka sa akin." Hindi nasiyahan si Felix sa kanyang pagkaabala at bahagyang nakagat ang labi ni Yuna.Napangiwi si Yuna sa sakit at itinaas ang kamay para hampasin siya sa balikat."Huwag mong gawin ito sa bahay ko, magkikita pa ang tatay ko"babala niya. " Ayos lang na makitan nila kapag nagkataon ay sasabihin lang nila na maganda ang relasyon natin." Ngumiti si Felix at pinalalim ang halik kay Yuna Pati ang dila nito ay ipinasok pa sa bibig ni Yuna Mamula si Yuna st panandaliang nadala sa mga ahalik na iyon. Akala ni Yuna ay medyo matapang siya at baka tuluyang madala kaya't tinulak niya ng bahagya ang dibdib ni Felix."Hayaan mo ng makita nila tayo!" Kapag nakita nila eh di nakita nila walang dapat ikahiya" Naramdaman ni Yuna na hindi na niya mahanap ang Timog-Silangang at Hilagang Kanluran Marahan dahil sa mga halik nito. Para
Walang pagpipilian si Yuna kundi ang hindi humiwalay, ang mga sulok ng kanyang mga labi ay nakakurba, at siya ay naglakad papasok sa villa kasama ni Felix.Pumasok ang dalawa sa sala at nag-iba ang atmosphere ng paligid. Ang lamig pa ng umaga, pero ngayon ay nakakurba na ang mga kilay niya, at parang nakapag-peace na sa kanila.Ang ama at lola ni Yuna ay labis na nasisiyahang ng makitang masayang bumalik sa sala ang mag asawa.Bilang mga nasa hustong gulang, mas mabuting tingnan na lamang nila ang mga bagay-bagay kesa ng magsalita pa o magkomento pa.Pumunta ang pamilya sa dining room para kumain. Biglang tinanong ni Mrs. Parson si Felix."Felix, may plano ba kayo ni Yuna na magdaos ng maayos na kasal sa simbahan?" Tanong nito na ikinagulat ni Felix. Sinabi pa ng matandang babae."Ang kasal na ginanap mo dalawang taon na ang nakakaraan ay nagmamadali lamang. Hindi dumalo ang aming pamilya buong pamilya, at hindi ipinakilala ni Shintaro ang kanyang manugang nang personal..."Ang sinabi
Napanguso si Yuna at nabulunan Nakaramdam din siya ng inis pero hindi niya magawang itaboy ang sarili sa yakap ni Felix."Ikaw lang ang nakakaalam kung paano makuha ang puso ng mga tao. Tinatrato mo ako bilang bangko ng dugo para kay Rowena" sabi niya."Pagkatapos heto, binibigyan mo kami ng isang bagay na mahalaga sa pamilya namin at gusto mong habang buhay kami ay magpapasalamat sa iyo! sinadya mo ito hindi ba?"Pakiramdam ni Yuna ay sobra ang unfair ng lahat sa kanya Nakaramdam siya nang labis na hinanakit sa asawa kaya malungkot niyang sinabi."Alam mo ba na kapag palihim mong kinukuha ang dugo ko, lagi akong nawawalan ng lakas, hindi man lang gumuhit sa puso mo ang kalagayan ko at ang hindi magandang dulot nito sa akin" suminghot si Yuna."Ang mahalaga para sayo ay ang mapagtagumpayan ang nais mo para sa babaeng iyon at hayaan ako kahit manganib ang buhay ko. Alam mo bang sa mga sandaling iyon ay para mo na rin akong sinabihang mamatay para sa kaligayahan mo" lumuluhang sabi n
Ngunit nagkaroon siya ng buhol buhol na pakiramdam si Yuna sa kanyang puso at sa maraming agam agam na iyon ay talagang hindi niya maiwasang hindi isipin at problemahin ang kanyng sitwasyun.Kung saka sakali ay mapipilitan na naman siyang pakitunguhan ang asawa at muli ay mababaon na naman siya ng utang kay Felix katulad ng nakaraan. Magiging wala na namabg katapusang paghihirap ng damdni nang mundo niya Bakit ba sng unfair ng mundo sa kanya. Ang lalaking minamahal niya ay may mahal na ibaNgayon lamang ay natuklasan niyang ginagamit siya ng lalaking pinakamamahal niya para dugtungan ang buhay ng babeng pinakamamahal nito at sa dulo ng laban na ito saan siya dadamputin kung sa simula pa lang talo na siya.Samantlaa sa silid aklatan sa itaas ay binuksan ng ama ni Yuna ang pinto ng study.Natuwa ang am ni Yuna sa nakita. Ang kanyang anak na babae ay talagang kilala siya at ibinalik ang bahay mula sa larawan ng nakaraan. Kung titingnan ay parang walang nagbago sa silid na iyon kahit maha
Sa oras na iyon, isang matatag na boses ang nangsalita na nagmula sa likuran,"Hindi po, lola, nagkaroon lang po kami ng mga ilang hindi pagkakaintindihan noon, ngunit ngayon ay nagkasundo na kami" sagot ng boses na alam ni Yuna kung kanino nagmula.Paglingon niya ay nakita ni Yuna ang matangkad at guwapong asawa na nakatayo sa pintuan ng villa.Nakasuot pa ito ng suit na suot nito sa press conference kaninang umaga, mukhang matikas at gwapo pa rin kahit pagod na. Medyo nagulat si Yuna peri hindi nagpahalata.Hindi ba siya pumasok sa trabaho? Bakit bigla itong bumalik dito?Lumapit si Felix kay Yuna at marahang hinawakan ang kanyang kamay. Medyo naiirita si Yuna ngunit nagtimpi siya, nasa harap sila ng mga matatanda, kaya napilitan si Yuna na hindi humiwalay kay Felix.Tuwang-tuwa si Mrs. Parson nang makitang nagkabalikan na pala ang dalawa."Mabuti naman at ayos na kayo. Sabi ko noon gusto kong makausap si Yuna at pagalitan ito at payuhan. Aba saan pa ba siya makakahanap ng ganoon
Noong una ay nakonsensya muna siya kay Yuna, hanggang ang konsensya ay naging awa hanggang unti unti naramdaman ni Felix na nagkaroon na siya nang kakaibang damdamin para kay Yuna. Nang maglaon, dahil sa pagkuha ng dugo, si Yuna ay nawalan ng malay noong nangkaroon ng programa sa eskuwelahan nito at si Felix ay labis na naawa kay Yuna at mula noon hindi na niya muling ginawa ang kunan ng dugo si Yuna.Pagkatapos, nakiusap si Yuna sa kanya na bilhin niya ang lumang Villa ng pamilya ni Yuna na naibenta sa iba. Nang gabing iyon nang tumingin ito sa kanya nang malungkot at nakikiusap, ang puso ni Felix na walang malasakit sa loob ng maraming taon ay hindi na napigilan pang maakit sa asawa. Pinairal ni Felix ang damdamin at naging isang tunay na mag-asawa na sila ni Yuna. Iyong ang unang pagkakataon na inangkin ni Felix ang batang asawa. Alam ng Diyos na ng inangkin niya si Yuna ay mahal na ito ng puso niya hindi pa lamang niya maamin. Mula noon, itinuring na ni Felix si Yuna bilang
Ngumisi ng makahulugan si Yuna at pinandilatan ang asawa at direktang sinabi."Bakit hindi ito makakapaekto sa akin aber? Mayroon siyang rh-negative na dugo, at ganoon din ako. Alam kong palihim mo akong kinukuhanan ng dugo noon para ibigay sa kanya, tama ba?" Glait na sumbat ni Yuna."Ang babaeng iyon ay may Aplastic anemia.Kailangan niya ang pagsasalin ng dugo sa mahabang panahon.Mahigit isang taon na ang nakalipas, nalaman mo ang tungkol sa uri ng dugo ko at bigla kang naging mabait sa akin at ang dahilan niyon ay dahil alam mo na mayroon akong isang bihirang uri ng dugo na kailangan niya, tama ba?" Dagdag na sumbat ni Yuna.Itinikom ni Felix ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.Blangko ang expresion ng mukha nito kaya mahirap basahin ang nasa kalooban nito.Nang makita ni Yuna ang walang ekspresyon na mukha ni Felix , naramdaman ni Yuna na totoo ang lahat ng haka haka niya."Tama ako hindi ba? Totoo ang naramdaman ko noon.Totoo talagang lihim mong kinukuha ang dugo ko.Kaya
Hindi sumuko si Felix, hinigpitan niya ang hawak sa baywang ni Yuna at dinala ang asawa sa kanyang harapan at tiningnan ito ng gauze na nakabalot sa pulsuhan niya, kaya hindi niya makita kung ano ang hitsura ng sugat."Bakit nasugatan ang kamay mo?""Wala itong kinalaman sa iyo." Sabi ni Yuna na tingin sa malayo at iniwasang tingnan ang asawaNang marinig niya itong magsalita sa ganung tono ay medyo umasim na naman ang dulo ng ilong ni Yuna, kaya hinila niya ang kamay nito at gustong na niyang umalis talaga.Kumunot ang noo ni Felix at naging mas naging salubong ang kilay.Tumigil si Yuna sa kanyang mga hakbang at namula ang kanyang mga mata, hindi na niya napigilan ang mga luha.Kanina pa niya kinikimkim ang lahat.Alam naman ni Felix kung ano ang ikinagagalit niya, ngunit hindi man lang ito umiimik at patuloy lang na inaakusahan siya nang hindi makatarungan. Doon lalong bumulwak ang galit ni Yuna.Limang araw, limang araw na hindi sila nagkikibuan. Ang malamig nilang away ay tumagal n
Nagulat si Yuna, at ibinaba niya ang kanyang mga mata at humingi ng pasensya."Pasensya na Kuya Patrick." Nahihiya niyang sabi."Okay lang, alam ko naman na lagi ka niyang binubully, siguro dapat na siyang pagsabihan sa lalong madaling panahon." May kislap ng galit sa mga mata ni Patrick ng sabihin iyon.Medyo nagulat si Yuna, at nang tumingin ulit siya sa mga mata ni Patrick ay nakangiti na ito sa kanya at wala na ang galit na nakita niya kanina lang."Tara na, mabuti pa ay kumain na lamang tayo." Sabi ni Patrick. Hindi naman na tumanggi si Yuna dahil sa totoo lamang ay gutom na siya matatagal siyang naghintay sa hospital kanina. Inalalayan ni Patrick si Yuna pasakay ng kotse. Napasulyap si Yuna sa lalaking palaging nariyan sa sandaling lubog siya sa problema.Hindi mahal ni Patrick si Natasha, at hindi dapat laging ikinokonekta ni Yuna si Patrick kay Natasha.Para kay Yuna si Patrick ay kanyang matalik na kaibigan at dapat rin niyang unawain.Habang kumakain, nagdala ang waiter n