"Ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Felix kanina? Na siya ang bahala sa akin? ano ba talaga ang kahulugan noon?" Bulong ni Yuna habang nalalasap ang mainit at banayad na paghalik ni Felix na unti unting naging sabik na halik na puno ng pagsamo.Bakit parang sa mga salita ni Felix ay parang nagpapahiwatig ito na hindi niti gustong maghiwalay sila ngunit kung hindi niya gusto ang maghiwalaya sila, bakit niya pinatulan si Jessie?" litong tanong pa ni Yuna sa isipan."Mag-focus ka." Napansin ni Felix na wala ang atensyon ni Yuna, sa mga halik niya kaya't kinagat kagat niya ang malambot na labi ng asawa.Nagtaas ng kilay si Yuna at umirap ang mga mata. Nais niya itong itulak, ngunit ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya kaya namula muli ang pisnge niya. Tumigil si Felix sa pagkagat at sa paghalik ngunit kayakap pa rin si Yuna"Ano ba? Hindi ba't mas masakit kung hahayaan kitang hawakan ako?" Sabi ni Yuna ng bitawan ni Felix ang labi niya."May sasabihin ako." Tinitigan ni
May kinausap si Jhong sa telepono kaya sinamantala iyong ni Yuna para muling umakyat sa sa itaas at iwan ang lalaki. Doon sana siya pupunta sa guest room para makapagpalit muna ng pangbahay pero dahil dadaanan muna ang master bedroom bago makarating doon nakita siya ni Felix at tinawag. Pinalapit ulit siya nito sa tabi nito at muli siyang kinabig at niyakap. "Saan ka ba nanggaling' tanong nito ngunit sinamahan iyon ng haplos sa kanyang mukha na naman katulad ng ginawa nito kanina."Magsasalita sana si Yuna at sasabihin bumaba lamang sana para silipin kung gawa na ang almusal nito pero hindi na nakapagsalita pa si Yuna dahil muli siyang kinabig nito at mulign hinalikan. Mas nakakakilig ang posisyun nila ngayon dahil nakaharap niya sa asawa kaya mas sakop nito ang bibig niya at mas yakap siya ng mahigpit.Halos nasa ibabaw siya ng nakaupong si Felix."Mister Felix......" Basta na lang niyang tinawag ang pangalang iyon, at pagkatapos ay namula ang kanyang mukha. “Bakit bigla mo na naman
Nagulantang man sa pagkabilang narinig sa boses ni Yuna ng tawagan niya ito ay nangpaliwanag ng malumanay si Felix. Bagay na nadadalas ata niyang gawin ngayon kesa ang magutos."Kase diba, bigla na lamang kase na dumating ang mga tao ng kumpanya para sa pulong, pagkatapos na maghatid ng kape si manang Azon, ipinag-utos ko na wala ng aakyat muna, wala akong payagan na pumunta sa itaas" sabi ni Felix.Nagulat si Yuna sa sinabi ng asawa. "So, Kaya pala mula umaga hanggang ngayon hindi ka pa kumakain?"nakokonsensyang sabi niya."At dahil sa iyon sa nangako ka na ikaw ang bahala sa akin?" sabi ni Felix , wala man bakas ng galit sa muha nito ay nahihiya si Yuna.Sino ba ang mag-aakala na maghihintay siya ng ganun katagal? Akala niya, kung hindi siya pumunta, siya na mismo ang tatawag sa mga katulong para magdala ng pagkain. Hindi talaga siya makapaniwalang siya ang hinihintay nitong magasikaso sa kanya. Dahil sa realization na dalawang meal na ang nakalipas sa asaw at kailangan nitong u
Tinititgan ni Yuna si Felix ng sabihin nito na gusto niyang kumain ng seafood. Namaangha siya kay Felix nitong nagdaang pang arawc . para itong naging mahina at bata. nawala ang Felix na tinitingala at para kang dudurugin palagi kapag nagsalita."Masama bang kumain ng seafoods ngayon?" Tanong ulit ni Felix."Syempre hindi, nasugatan ka Felix at hindi ka puwedeng kumain ng hilaw na pagkain, at lahat ng mga malalansang pagkain. Narinig mo ang sinabi ni Doc Shen hindi ba? Gusto mo bang mangati at mamasa ang dapat ay patuyo ng sugat ha?" sabi ni Yuna."Ow, eh bakit mo inakyat yan dito ?kung hindi mo naman pala ipapakain" nagtatakang tanong nito."Ah ito, ito ay para sa akin. Hindi para sayo" sabi ni Yuna na ngumiti pa ng pangiinis sa asawa saka inilagay ang lobster sa harap niya upang ipagyabang."Ako ang kakain nito, pero hindi ka puwede. Matamis ito, at napakasarap ng karne!" Sabi ni Yuna at binalatan ang lobster na napaka juicy at mabango naman talaga.Hindi na kinaya ni Felix ang
Nenerbiyos ng husto si Yuna ng bumaba ulit sng kamay ni Felix katulad ng ginawa nito kanina.Ang malamig na kay nito ay dahan dahang nanananalakay sa loob ng kanyang kasuotan.Napansin ni Felix ang sumagot si Yuna sa kanysng mga halik.Nagdulot ng excitement sa kanya ang pagtugon na iyon ni Yuna. Isa iyong munting aksyon nhunit sapat na iyon para magdulot ng pagiinit kay Felix.Hinawakan niya ang likod ng ulo nito gamit ang kanyang malaking kamay, at hinalikan siya nang mas marobrob at mas mapaghanap.Hindi makapigil si Yuna ang sarili. Ang halik na ito ay sobrang mainit, hindi niya ito kayang tiisin, unti unti ng nadadarang na siya at masaam iyon. Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay upang itulak siya palayo, ngunit hindi niya magawa dahil handa si Felix sa magiging aksiyon niya.Dahil ipinulupot pa nga nito ang dalawang kamay ng mas mahigpit saka baba sng halik nito sa kanyang leeg kaya napatingala si Yuna sa kiliti.Alam pa rin ni Felix kung saan ang kiliti niya."Felix teka, okay na dib
Hindi nakakibo si Yuna. Nakaramdaman nang lungkot si Yuna. Totoo kase iyon kung sakali ay mag isa siya sa laban at hindi niya kakayanin ang pamilya ni Felix. Lahat ay iniisip na siya ay masama at ginagamit si Felix. Pagod na siya Yuna sa mga ganoong salita. Nakakapagod ipagtanggol ang sarili.""Tandaan mo ang kasunduan sa natin at mag-divorce na dapat layo ni Felix sa lalong madaling panahon" bilin pa nito. Nabigla si Yuna sa sinabi ni ng biyenan."Mamili ka Yuna kung ano ang gusto mo? Ang kasal o ang iyong Ama? " May tonong pagbananta ang tanong nito. Pagkatapos noon ay naglakad pabalik si Donya Belinda sa kinaroroonan ni Jessie na naka-high heels at sinabi niya dito."Jessie tara na." Nanguna na si Donya Belinda."Yuna, mauuna na kami ni Tita, Alagaan mo si Feilx " sabi ni Jessie na kumaway pa sa kanya na akala mo ay close sila.Tinulungan ni Jessie si Donya Belinda na makapasok sa kotse at ang dalawa'y umalis na rin. Nakakapgtakang napakabilis na maging close ang dalawa samantala
"Talaga bang naaakit ka na kay Patrick?" Hindi sumagot si Yuna sa tanong na ito, ngunit sinabi na lamang niya ang saloobin."Napagpasyahan ko na. Hindi ko na gusto ang kasal na ito at hindi na ako lilingon sa nakaraan at aasa." Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na lumabas ng silid si Yuna. Hindi bumitaw ng tingin si Felix hanggang sa lumabas ng kuwarto si Yuna. nakatitig lamang tiya sa papalayong asawa. Ang kanyang mga mata ay malamlam at nakakatakot.Mula noong araw na iyon, hindi na masyadong pinuntahan ni Yuna si Felix. Araw-araw pumupunta naman si Doc. Shen at Jhon kaya kampante si Yuna na maayos si Felix gann din ang mga tao ng kompanya niot ay dumadalaw at nag-uulat araw-araw. Maliban sa pagtawag bni Felix na napipilitan si Yuna na magpunta, si Yuna ay nagtatago sa kuwarto araw-araw para mag-drawing.Isang linggo ang matuling lumipas, naka-recover nang mabilis si Felix, at halos tapos naman na ang draft ni Yuna, kaya't puwede na siyang bumalik sa studio para magtrabaho.Isan
Bakas ang galit sa malamig na mukha ni Felix."May gusto si Jhong kay Jessie hindi mo siya dapat akitin " sabi ni Felix nang may malungkot sa mata, "Hindi ka mag-aasawa kay Patrick, tigilan mo na ang pag-iisip." sabi pa nito."Ha! marahil dahil sa hitsura ko ganun siguro?" ipinilig ni Yuna ang kanyang ulo at biglang tumawa nang malakas."Ano ang nakakatawa Yuna?" kunot noogn tanong ni Felix."Tumatawa ako sa iyong kahangalan. Paano nangyaring maging ganun ka-inosente ang presidente ng Alta Group? Parang isipin mong kung makikipagtulungan ako kay Patrick ano ang mawawala sa akin? Sa pinakamalala, ay sinasabi mo pang gusto lamang niya akong gamitin. Kaya magpapanggap akong mabait na kuneho. Kung lahat ay magiging maayos, magiging isang international designer ako agad, at pagkatapos ay magiging isang kilalang personalidad. Kung hindi, maaari pa rin akong makakuha ng maraming pagmamahal at pera. Para sa akin, walang mawawala hindi ba" panunuya ni Yuna"May ponto ka nga?" bumaba ang tens
Ang Bagong Taon ay nagdala ng bagong pag-asa sa kanila, kaya gusto nilang bigyan ng magandang kapalaran ang kanilang mga empleyado. Pagkatapos ipamahagi ang mga pulang sobre, sumabay na umakyat si Myca sa kanya, "Nakarehistro ka na ba para sa diborsyo nyo ni Felix?"Oo" maiksing sagot ni Yuna."Totoo na ba sa pagkakataong ito?" Talagang sinabi ni Yuna sa matigas na tono na totoong naghiwalay na sila ng tuluyan.Buong araw ay abala si Yuna pero naglaan ng ilang oras upang tawagan ang kanyang ama, Sinabi niya sa kanya ama na ang dalawang katulong sa bahay ay naniniktik sa kanila at hiniling niya sa ama na tanggalin sila.Sumang-ayon si Ginoong Shintaru.Pagkatapos noon wala pang isang oras, ay tumawag si Felix."Bakit mo pinaalis ang dalawang katulong na iyon?" Puno ng sama ng loob ang boses ni FelixNgumiti si Yuna."Siyempre dahil sinusubaybayan ako ng dalawa. Kung ikaw, papayag ka bang magkaroon ng ganoong katulong? Sa buong maghapon mong sabihin sa iba ang iyong kinaroroonan, sa tin
Hindi na halos kumain ng agahan si Yuna, kaya siya maagang gumising dahil, papasok si Yuna para tapusin ang ilang trabaho. Nang makita siya nito na bitbit ang kanyang bag, nagtanong ang kanyang ama. "Yuna, magtatrabaho ka ba?""Oho itay, ngayon ang ikapitong araw mula ng bakasyun ng unang buwan at malapit nang mabuksan ang studio" matapos sumagot ni Yuna ay yumuko ito at isinuot ang kanyang flat shoes. Tumayo si Patrick at nagalok ng tulong"Yuna, Hayaan mong ihatid na lamang kita doon" alok nito. Saglit na natigilan si Yuna. "Ah, pababalik na din kase ako sa lungsod, kaya pwede kitang isabay." Tumango si Yuna, "Okay, salamat kuya Patrick"kailangan pa rin niyang sumakay ng taxi, sabayan pa ng masama niyang pakiramdam kaya minabuti na nga ni Yuna na magpahatid na lang.Si Ginoong Shintaru ay nakaupo sa tabi niya at nakikinig Nang marinig niya ang inisyatiba ni Patrick na ihatid ang anak, tumingin si Ginoong Shintaru kay Patrick nang may pagtataka.Si Patrick ay agad na tumayo n
Si Yuna ay masyadong malapit sa kinauupuan ni Felix kung kayat malinaw na narinig niya ang mga salita ni Rowena. Nilukot ni Yuna ang kanyang bibig saka nanulis."Alam kong hindi magiging masunurin si Rowena" sa isip isip niya.Ngayon ang araw na magparehistro sila para sa diborsyo.At malamang maaaring si Rowena ay sabik na sabik na malaman kung sila ay diborsiyado na.Walang siglabg sinagot ni Felix si Rowena,"Sasabihan ko si Marlon na samahan ka""Kuya, hindi ka ba pupunta?""May kailangan akong gawin ngayon" "Kuya nagpunta ka ba sa Civil Affair ngayon para i divorce si Hipag?" Tulad ng inaasahan na ni Yuna nagtanong nga ito.Nalukot ni Felix ang kanyang manipis na labi at napayuko at sinabi sa mahinahong boses,"Oo, nakarehistro na ako" sa mga salitang ito, nakahinga si Rowena tila may malamig na hangin ang bumalot sa kanya.Naramdaman ni Yuna na marahil ay masayang-masaya na si Rowena sa sandaling ito, ngunit ang bagkos ay nagpaawa pa ito sinabing nais sisihin ang sarili,"Kuy
Pumasok ng sabay ang dalawa sa loob ng gusali pero makalipas ang ilang hakbang ay napagtanto ni Yuna hindi na nakasabay sa kanya si Felix. Lumingon si Yuna at nakita siyang huminto sa entrance ng Civil Affairs Bureau, si Felix na tila balisa at hindi alam ni Yuna kung ano ang iniisip nito."Bakit hindi ka na sumunod? Anong tinatayo tayo mo dyan?" tanong ni Yuna."Sigurado ka bang gusto mong makipagdiborsiyo?" muling tanong ni Felix sa kanya."Oo naman." Si Yuna ay sigurado pa rin na ikinagigil ng mga panga ni Felix ngunit napayuko na lang. Pumasok ang dalawa sa Civil Affairs Bureau, kumuha ng numero, at pagkatapos ay pumila.Ang lugar ng diborsiyo ay puno ng ingay ng mga mag-asawang nag-aaway at nagtatalo.Inis si Felix sa ingay, kumunot ang noo at naglakad palabas. Natakot si Yuna na tumakas siya, kaya sinundan niya ito palabas at nakita siyang nakatayo lamang ito sa pintuan na naninigarilyo, ang silweta niyang tila malamig at malungkot. Nang makita siyang paparating, ngumiti ito."B
Kinabukasan, dumating si Felix sa tahanan ng mga Parson. Lalabas na sana si ginoong Shintaru ng makita si Felix sa pinto.Tumango lamang ito kay Felix.Matamlay naman na tumango si Felix.Ang dalawa sa kanila ay nakatadhana na hindi maging madamdamin."Itay." Tamad na bumaba si Yuna mula sa itaas na nakasuot ng damit na pantulog."Bakit ang aga mong lalabas?" Tanong ni Yuna sa ama ngunit nagulat si Yuna ng pagbaba niya ng hagdan ay hindi niya makita ang ama at si Felix ang nabungaran niya."Nasaan ang Itay ko? ""Lumabas siya?""Ah, nandito ka ba para alamin kung inasikaso ko na ang diborsiyo?" sumimangot si Felix."Ikaw ang nangungulit sa akin halos araw-araw, ganoon ka ba talaga kainip?" Ngumiti si Yuna."Oo." Kung hindi niya hinihimok, si Felix. Lalong ayaw niya ring galitin ito dahil baka hindi na siya muling mag-follow up.Nababanggit lang ito ni Yuna sa tuwing nakikita niya si Felix. "Dala mo na ba ang mga bagay?l na kailangan natin?" "Oo," walang buhay na sagot ni Felix"Si
Tinapos ni Yuna ang kanyang pagkain, inilapag ang kanyang mga kubyertos, tumayo, at naglakad-lakad sa bakuran sa labas. Habang lumilipas ang araw ay lalong naiinip si Yuna.Mabuti na lang at nandito siya sa lumang villa kahit papano pakiramdam ni Yuna safe siya.Tumingin si Felix sa bintana ng kusina at ponanood si Yuna na naglalakad sa bakuran Pumitas si Yuna ng ilang bunga cherry at inilagay ito sa kanyang bibig, nakangiting kuntento."Pagkatapos bumalik ni Yuna sa umang Villa ay mukhang masaya talaga ito" bulong ni Felix.Matapos magpahangin ay hindi na muling kinausap pa ni Yuna si Felix at nagpaalam ng aakyat ng silid.Kinabukasan.Biglang nakatanggap ng tawag si Yuna mula kay Felix na pumayag na ito sa usaping hiwalayan. Labis na nagulat si Yuna."Sumasang-ayon ka na?"takang tanong niya.Napakabilis kase nitong sumangayon hindi katulad noong una."Oo, tutulungan na din kita sa pagpa file." sabi pa ni Felix. Hindi ine-expect ni Yuna na ganun kadali niyang makakausap ang asawa. K
Kung tutuusin ay matagal nabg plano ni Felix na ipadala si Rowena sa America at doon na ipagamot para mas maraming dalubhasa.Planado na talaga ni Felix na gawin iyon dahil nagiging madalas nilang pagawayan ni Yuna ang kapatid. Natakot si Felix na lumala ang away nila ni Yuna pero mukhang nangyari na nga.Ngunit ganun pa man ay itutuloy pa rin niya ang binabalak.Nabigla si Rowena sa narinig at agad namutla.Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Felix. "Kuya, di ba ngayon lang ako nag-aral ng design? Bakit kailangan ko nang pumunta ng America para magpagamot?"usisa nito na dismayado."Pwede ka naman mag-aral ng design sa America, habang nagpapagaling diba? mas maganda pa ang resources doon." Simpeng dahilan ni Felix. Meron pa rin namang takot sa dibdib niya dahil naka maulit ang nakaraang ginawa ni Rowena."Pero..." Nanginginig ang mapupulang labi Rowena, nang marinig niya ang suhestion ng kapatid ay ramdam niyang gusto siyang paalisin siya ni Felix kaya nagpaawa siya sa kapatid at na
Nang gabing iyon ay natagpuan ni Felix ang sariling nilulunod na lang ang sakit ng kalooban sa alak.Ang laser light sa bulwagan ng club ay tumatama sa gwapong mukha nito na nag-iwan ng malamig na madilim na kulay. Ang kalungkutan ng malamyos na musika ay nakadagdag sa makulimlim na atmospera.Pagkaraan ng ilang sandali, dumating ay si Doc Shen, umupo ito sa tabi niya at tinapik ang kanyang balikat."Kuya Felix kamusta, Bakit hindi ka magstay ng bahay nyo at magcelebrate kasama ang iyong asawa ngayong Bagong Taon?bakit nandito ka at uminom kasama ng mga single? Bakit ka naririto at mas pinili mo magsolong uminom?" "Umupo ka at salohan mo ako?" Sabi nito sa pinsan."Hindi ako malakas uminom.. Teka anong problema?" puna ni Doc.Shen "Ayos lang mukhang malapit na rin akong maging single eh" "Huh?" "Gusto akong hiwalayan ni Yuna" deretsong sagot nito.Natigilan si Shen.Nakitang seryoso ang kausap."Ano...eh bakit daw? Baka naman ginalit mo na naman?" Humigop ng alak si Felix , tina
Ipinatong ni Yuna ang kanyang mga kamay sa kanyang dalawang tuhod at tinanong si Felix."Nasabi mo na ba sa iyong pamilya ang tungkol sa ating diborsyo?" Tanong ni Yuna. Hindi nakakasagot ang asawa ay muli ng nangsalits si Yunap nagsalita"Dapat mo ng sabihin ang tungkol dito nang mas maaga, at subukang magparehistro para sa diborsiyo pagkatapos ng taunang bakasyon." dagdag pa ni Yuna.Natahimik si Felix saglit, at hininaan ang kanyang boses,"Hindi ba tayo pwedeng hindi magdiborsiyo?" Mahinang tanong nito."Hindi." Maiksing sagot ni Tuns buo na talaga ang pasya niya. ""Ano ang dahilan mo kung bakit kailangan kong kumuha isang diborsiyo, Sabihin mo sa akin kung ano ito?" Usisa ni Felix sa mahinahong boses, ngunit walang anumang emosyon. "Dahil na hindi ako masaya" tumingin pa si Yuna ng deretso sa mga mata ni Felix matapos sabihin iyon. Nakakagulat na walang pakialam sa damdamin niya ang nabasa ni Felix sa mga mata ni Yuna."Araw-araw akong nalulumbay, kaya gusto ko nang makipag