Nagulantang man sa pagkabilang narinig sa boses ni Yuna ng tawagan niya ito ay nangpaliwanag ng malumanay si Felix. Bagay na nadadalas ata niyang gawin ngayon kesa ang magutos."Kase diba, bigla na lamang kase na dumating ang mga tao ng kumpanya para sa pulong, pagkatapos na maghatid ng kape si manang Azon, ipinag-utos ko na wala ng aakyat muna, wala akong payagan na pumunta sa itaas" sabi ni Felix.Nagulat si Yuna sa sinabi ng asawa. "So, Kaya pala mula umaga hanggang ngayon hindi ka pa kumakain?"nakokonsensyang sabi niya."At dahil sa iyon sa nangako ka na ikaw ang bahala sa akin?" sabi ni Felix , wala man bakas ng galit sa muha nito ay nahihiya si Yuna.Sino ba ang mag-aakala na maghihintay siya ng ganun katagal? Akala niya, kung hindi siya pumunta, siya na mismo ang tatawag sa mga katulong para magdala ng pagkain. Hindi talaga siya makapaniwalang siya ang hinihintay nitong magasikaso sa kanya. Dahil sa realization na dalawang meal na ang nakalipas sa asaw at kailangan nitong u
Tinititgan ni Yuna si Felix ng sabihin nito na gusto niyang kumain ng seafood. Namaangha siya kay Felix nitong nagdaang pang arawc . para itong naging mahina at bata. nawala ang Felix na tinitingala at para kang dudurugin palagi kapag nagsalita."Masama bang kumain ng seafoods ngayon?" Tanong ulit ni Felix."Syempre hindi, nasugatan ka Felix at hindi ka puwedeng kumain ng hilaw na pagkain, at lahat ng mga malalansang pagkain. Narinig mo ang sinabi ni Doc Shen hindi ba? Gusto mo bang mangati at mamasa ang dapat ay patuyo ng sugat ha?" sabi ni Yuna."Ow, eh bakit mo inakyat yan dito ?kung hindi mo naman pala ipapakain" nagtatakang tanong nito."Ah ito, ito ay para sa akin. Hindi para sayo" sabi ni Yuna na ngumiti pa ng pangiinis sa asawa saka inilagay ang lobster sa harap niya upang ipagyabang."Ako ang kakain nito, pero hindi ka puwede. Matamis ito, at napakasarap ng karne!" Sabi ni Yuna at binalatan ang lobster na napaka juicy at mabango naman talaga.Hindi na kinaya ni Felix ang
Nenerbiyos ng husto si Yuna ng bumaba ulit sng kamay ni Felix katulad ng ginawa nito kanina.Ang malamig na kay nito ay dahan dahang nanananalakay sa loob ng kanyang kasuotan.Napansin ni Felix ang sumagot si Yuna sa kanysng mga halik.Nagdulot ng excitement sa kanya ang pagtugon na iyon ni Yuna. Isa iyong munting aksyon nhunit sapat na iyon para magdulot ng pagiinit kay Felix.Hinawakan niya ang likod ng ulo nito gamit ang kanyang malaking kamay, at hinalikan siya nang mas marobrob at mas mapaghanap.Hindi makapigil si Yuna ang sarili. Ang halik na ito ay sobrang mainit, hindi niya ito kayang tiisin, unti unti ng nadadarang na siya at masaam iyon. Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay upang itulak siya palayo, ngunit hindi niya magawa dahil handa si Felix sa magiging aksiyon niya.Dahil ipinulupot pa nga nito ang dalawang kamay ng mas mahigpit saka baba sng halik nito sa kanyang leeg kaya napatingala si Yuna sa kiliti.Alam pa rin ni Felix kung saan ang kiliti niya."Felix teka, okay na dib
Hindi nakakibo si Yuna. Nakaramdaman nang lungkot si Yuna. Totoo kase iyon kung sakali ay mag isa siya sa laban at hindi niya kakayanin ang pamilya ni Felix. Lahat ay iniisip na siya ay masama at ginagamit si Felix. Pagod na siya Yuna sa mga ganoong salita. Nakakapagod ipagtanggol ang sarili.""Tandaan mo ang kasunduan sa natin at mag-divorce na dapat layo ni Felix sa lalong madaling panahon" bilin pa nito. Nabigla si Yuna sa sinabi ni ng biyenan."Mamili ka Yuna kung ano ang gusto mo? Ang kasal o ang iyong Ama? " May tonong pagbananta ang tanong nito. Pagkatapos noon ay naglakad pabalik si Donya Belinda sa kinaroroonan ni Jessie na naka-high heels at sinabi niya dito."Jessie tara na." Nanguna na si Donya Belinda."Yuna, mauuna na kami ni Tita, Alagaan mo si Feilx " sabi ni Jessie na kumaway pa sa kanya na akala mo ay close sila.Tinulungan ni Jessie si Donya Belinda na makapasok sa kotse at ang dalawa'y umalis na rin. Nakakapgtakang napakabilis na maging close ang dalawa samantala
"Talaga bang naaakit ka na kay Patrick?" Hindi sumagot si Yuna sa tanong na ito, ngunit sinabi na lamang niya ang saloobin."Napagpasyahan ko na. Hindi ko na gusto ang kasal na ito at hindi na ako lilingon sa nakaraan at aasa." Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na lumabas ng silid si Yuna. Hindi bumitaw ng tingin si Felix hanggang sa lumabas ng kuwarto si Yuna. nakatitig lamang tiya sa papalayong asawa. Ang kanyang mga mata ay malamlam at nakakatakot.Mula noong araw na iyon, hindi na masyadong pinuntahan ni Yuna si Felix. Araw-araw pumupunta naman si Doc. Shen at Jhon kaya kampante si Yuna na maayos si Felix gann din ang mga tao ng kompanya niot ay dumadalaw at nag-uulat araw-araw. Maliban sa pagtawag bni Felix na napipilitan si Yuna na magpunta, si Yuna ay nagtatago sa kuwarto araw-araw para mag-drawing.Isang linggo ang matuling lumipas, naka-recover nang mabilis si Felix, at halos tapos naman na ang draft ni Yuna, kaya't puwede na siyang bumalik sa studio para magtrabaho.Isan
Bakas ang galit sa malamig na mukha ni Felix."May gusto si Jhong kay Jessie hindi mo siya dapat akitin " sabi ni Felix nang may malungkot sa mata, "Hindi ka mag-aasawa kay Patrick, tigilan mo na ang pag-iisip." sabi pa nito."Ha! marahil dahil sa hitsura ko ganun siguro?" ipinilig ni Yuna ang kanyang ulo at biglang tumawa nang malakas."Ano ang nakakatawa Yuna?" kunot noogn tanong ni Felix."Tumatawa ako sa iyong kahangalan. Paano nangyaring maging ganun ka-inosente ang presidente ng Alta Group? Parang isipin mong kung makikipagtulungan ako kay Patrick ano ang mawawala sa akin? Sa pinakamalala, ay sinasabi mo pang gusto lamang niya akong gamitin. Kaya magpapanggap akong mabait na kuneho. Kung lahat ay magiging maayos, magiging isang international designer ako agad, at pagkatapos ay magiging isang kilalang personalidad. Kung hindi, maaari pa rin akong makakuha ng maraming pagmamahal at pera. Para sa akin, walang mawawala hindi ba" panunuya ni Yuna"May ponto ka nga?" bumaba ang tens
Nakabawi si Ye Xingyu mula sa pagkabigla. Ito nga ang ibig sabihin ni Jhong nang sabihin nito na tutulungan siyang magdiborsyo. Kaya hahayaan niya si Felix na lubos na maniwala na siya ay isang hindi mapakali na babae na lihim na nakikipagrelasyon sa kanyang mga pinsan. Sa ganitong paraan, hindi na gugustuhin pa ni Felix ang makisama sa kanya.Sa biglang pagdating ang sandaling ito. Naramdaman si Yuna ng kaunting lungkot sa kanyang puso, ngunit kailangan pa rin niyang makipagtulungan, dahil ito na ang pagkakataon niya para mapalaya ang ama. Ngumiti si Yuna."Paumanhin, Mr. Felix, pero iba ako sa iyo. Pagkatapos ng diborsyo, kailangan ko ng taong aasahan. Alam mo na, ang aming pamilya ngayon ay pinamamahalaan ng aking pangalawang tiyo. Ang aming pamilya ay nag-iisa at kailangan ng tagapagtanggol, kung hindi ay hindi kami pagkakatiwalaan ng iba sa negosyo." pont ni YunaSa pagkakarinig nito ay lalogn nanlisik ang mga mata ni Felix at saka siya tinitigan mula ulo hanggang paa Kumakabog
Kagabi ay nakita niya si Felix na nahihirapang lumabas ng kotse ng may baston. Bawat hakbang ay napakahirap para dito.Gustong sanang bumaba ni Yuna para tulungan siya. Pero m saktong lumbas si Marlon at tinulungan ang amo papasok sa villa. Sa wakas ay pinalaya ni Yuna ang kanyang puso.Papatulog na siya kagabi ng tumunog ang knayang telepono. Si Felix ito at sinabi lamang sa kanya na Bukas ang magdidiborsiyo na sila. Nabigla si Yuna at bahagya niyang naramdaman ang pagsikip ng kanyang puso, at sumubsob sa sakit. ISa yun sa dahilan ng kaang puyat dahil labis siyang umiyak.Gusto niyang sumagot kagabi ngunit pakiramdam niya ay wala siyang masasabi, at sa huli ay sumagot na lamang siya ng "Okay at Salamat"Samantalang sa silid ni Felix ay madilim ang lahaht ng atmospera. Maaaring ituring na ito ang kanyang nais.Walang dapat ipagdusa. Si Yuna ang humiling pero hindi niya maiwasang magluksa ang kanyang puso. Sa natitirang bahagi ng kanyang buhay, dapat siyang maging mahinahon.Tinangga
Nang gabing iyon ay natagpuan ni Felix ang sariling nilulunod na lang ang sakit ng kalooban sa alak.Ang laser light sa bulwagan ng club ay tumatama sa gwapong mukha nito na nag-iwan ng malamig na madilim na kulay. Ang kalungkutan ng malamyos na musika ay nakadagdag sa makulimlim na atmospera.Pagkaraan ng ilang sandali, dumating ay si Doc Shen, umupo ito sa tabi niya at tinapik ang kanyang balikat."Kuya Felix kamusta, Bakit hindi ka magstay ng bahay nyo at magcelebrate kasama ang iyong asawa ngayong Bagong Taon?bakit nandito ka at uminom kasama ng mga single? Bakit ka naririto at mas pinili mo magsolong uminom?" "Umupo ka at salohan mo ako?" Sabi nito sa pinsan."Hindi ako malakas uminom.. Teka anong problema?" puna ni Doc.Shen "Ayos lang mukhang malapit na rin akong maging single eh" "Huh?" "Gusto akong hiwalayan ni Yuna" deretsong sagot nito.Natigilan si Shen.Nakitang seryoso ang kausap."Ano...eh bakit daw? Baka naman ginalit mo na naman?" Humigop ng alak si Felix , tina
Ipinatong ni Yuna ang kanyang mga kamay sa kanyang dalawang tuhod at tinanong si Felix."Nasabi mo na ba sa iyong pamilya ang tungkol sa ating diborsyo?" Tanong ni Yuna. Hindi nakakasagot ang asawa ay muli ng nangsalits si Yunap nagsalita"Dapat mo ng sabihin ang tungkol dito nang mas maaga, at subukang magparehistro para sa diborsiyo pagkatapos ng taunang bakasyon." dagdag pa ni Yuna.Natahimik si Felix saglit, at hininaan ang kanyang boses,"Hindi ba tayo pwedeng hindi magdiborsiyo?" Mahinang tanong nito."Hindi." Maiksing sagot ni Tuns buo na talaga ang pasya niya. ""Ano ang dahilan mo kung bakit kailangan kong kumuha isang diborsiyo, Sabihin mo sa akin kung ano ito?" Usisa ni Felix sa mahinahong boses, ngunit walang anumang emosyon. "Dahil na hindi ako masaya" tumingin pa si Yuna ng deretso sa mga mata ni Felix matapos sabihin iyon. Nakakagulat na walang pakialam sa damdamin niya ang nabasa ni Felix sa mga mata ni Yuna."Araw-araw akong nalulumbay, kaya gusto ko nang makipag
"Saan sila nagpunta?" Umalingawngaw ang boses ni Felix sa buong kabahayan."Ang dinig ko po ay inalok niyang kumain sa labas ang inyong asawa" Ngumisi si Felix ngunit nakuyom ng mariin ang kamao.Si Patrick ay kakaputol pa lamang ng kanyang engagement sa kanilabg pamilya ngunit heto at nagsimula ng makipag-date sa kanyang babae..Ngumisi ng mapait si Felix.Ngayon ang isa sa kanila ay walang engagement at ang isa ay nakikipagdiborsyo.Hindi bat napakalaking pagkakakaton. Kung sila ay talagang magkakasama, wala dahilan upang tumutol.Sa pag-iisip nito, lalong nagdilim ang mga mata ni Felix at inutos niya sa malalim na boses."Ihanda mo ang kotse Marlon" madilim na madilim ang mukha ni Felix.Nagawan nan iya ng paraan noon para hindi na mangulit at umepal si Patrick kay Yuna ngunit ngayon na nakagawa ito ng dahilan para makawlaa sa pagkakatali kay Natasha. Muli na namang nabalisa at napuno ng panibugho ang dibdib ni Felix."Sir, ipapaalala ko lamang sayo na tumawag si Miss Rowena at sin
Matapos namang humingi ng paumanhin ni Patrick sa marandang Altamirano ay malugod nitong tinanggap."Nauunawaan ko iho, Hindi kita masisisi pwede.Pakiabot sa iyong pamilya ang aking paghingi ng paumanhin sa kaguluhang ito. Maari ka nang bumalik sa inyo" sabi ni Don Julio.Tinanggap ni Natasha ang lahat ng responsibilidad,at salamat at hindi nasira ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya.Si Patrick ng sandaling iyon ay lubos na nasisiyahan at bahagyang kinulot ang kanyang mga labi kung saan walang makakakita. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang ngiting ito ay nakakuha ng atensyon ni Felix.Ang malamig na mga mata ni Felix ay naglalaman ng malalim na kahulugan. Ngumiti sa kanya si Patrick na may malamig na mga mata.Matapos malutas ang mga katotohanan sa pagtanggi ni Patrick na ituloy ang kasal si Natsha ay humabol sa kanya habang umiiyak."Kuya Patrick, nakikiusap ako na pakinggan mo ang aking paliwanag. Na-frame ako sa pangyayaring iyon" pagmamakaawa ni NatashaNgunit inalis lamang
Naalala pa ni Yuna na ng noong gabing iyon, sinabi sa kanya ni Patrick na hindi ito magpapakasal kay Natasha ngunit pinakiusapan siya nitong isekreto iyon at umaasa itong maaasahan siya sa isang lihim.Kaya ngayon, paano niya sasabihin sa pamilyang ni Natasha ang sinabi ni Patrick noong gabing iyon. Pero kung sasabihin naman niya iyon, hindi ba ito ang magpapatunay na si Patrick ang may plano na putulin ang engagement nila ni Natasha noon pa man at wala siyang kinalaman?.Kapag magalit si Don Julio baka pumunta ito sa pamilya ni Patrick, at hindi magiging masaya noon si Patrick.Kahit papaano sa mundong ito si Patrick ay itinuturjng niyang kaibigan bukod kay Myca ay palagi niyang naaasahan si Patrick. Hindi gustong saktan ni Yuna si Patrick kaya nasabi na lang niya. "Hindi ko masasabi sa iyo ang napag-usapan namin noong gabing iyon. Nangako ako kay Patrick na ililihim iyon para sa kanya."Magaling, ang galign mo ngang msmgtsho ng lihim. Palihim kang nakipagkita kay Kuya Patrick, pero
Lalapat na sana ang palad ni Natasha sa pisnge ni Yuna ngunit Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay ni Natasha kaya napigil ang nais sanang pagsampal nito."Natasha, hindi ko sinira ang kasal mo, wala kang karapatang saktan ako" sigaw ni Yuna na hindi na rin nagawang magtimpi sa mga bintang ng mga ito."Ang lakas ng loob mong hawakan ang kamay ko pagkatapos mong gumawa ng isang bagay na nakakahiya?" halos magluwa na ng apoy ang mga mata ni Natasha at muling, itinaas nito ang isa pang kamay para muling sampalin siya.Hindi iyon nagawang iwasan ni Yuna sa oras at gusto sana niyang ipikit ang kanyang mga mata upang hindi masyadong maramdaman ang sakit.Ngunit ang inaasahang sakit ng pagtama ng sampal sa kanyang pisnge ay hindi dumating.Bagkos ay isang malagim na boses ang dumating."Tumigil ka Natasha!" Sigaw ng malagim na boses ni Felix na dumating na pala ng hindi nila namamalayan. Malalaking hakbang ang ginawa nito saka tumayo sa harapan ni Yuna at agad na hinata
"Hindi ko ho alam ang sinasabi ninyo?Anong nangyayari?" "Hindi rin ako sigurado pero nagpunta ako dito para magbigay ng pagbati sa Bagong Taon at nakita ko silang nagkakagulo kaya inutusan ako ng lolo mo na tawagan kita" sabi ni Donya Belinda. Medyo kumplikado ang pakiramdam ni Yuna Akala kase ni Yuna siya ay hinihiling na magpunta upang makipag-usap tungkol sa diborsyo, ngunit ito pala ay tungkol kay Natasha na naghahanap ng gulo. Kailangan ni Yuna ang manatili kung hindi ay hahanapin siya ni Natasha at gagawa pa ulit ng gulo. Pamilya ng mga Altamirano si Natasha.Si Felix ay maari pagsabihan at balaan si Natasha pero hindi iyon maaring gawin ni Yuna. Kung hindi niya maharap nang maayos ang sitwasyon ngayon, maaaring sundan siya ni Natasha pagkatapos ng diborsyo. Huminga ng malalim si Yuna at tinanong ang kanyang biyenan, "Mama, nasaan po si Natasha ngayon?" Tanong niya sa biyenan. "Nasa sala sila. Ang buong pamilya ay naroon" sagot ng kanyang biyenan. "Si Mr.Patrick p
"Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari kamakailan mula kay Yuna. Sinabi ni Yuna na hindi siya masaya sa kanyang kasal at gusto niyang hiwalayan ka. Pumayag ang pamilya namin dito" bungad ni Ginoong Shintaru."Medyo natakot si Yuna na salubungin ang mga mata ni Felix, kaya ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin sa hugis kuneho na cotton na sapatos sa kanyang mga paa."Ito ang inihanda kong kontrata sa paglilipat." Inilabas ni Ginoong Shintaru ang isa pang dokumento, na siyang kontrata ng paglipat na ibinigay ni Felix sa Parson Group noong panahong iyon."Ito ang kontrata ng paglilipat ng Parson Group. Hiniling ko sa isang abogado na i-notaryo ito ngayong hapon. Kung gusto mong bawiin ang Parson Group, pipirmahan ko ito. Ganun din ang Villa na ito.Kung gusto mong bawiin, ibabalik ko sa iyo ang lahat ng iyon."Sinulyapan ni Felix ang mga dokumento sa mesa at walang sinabi. Ang mga salita ni Shintaru ay nagpaunawa kay Felix na sa pagkakataong ito, sila ay talagang maghihiwalay n
Paguwi ni Yuna sa lumang Villa, pagpasok niya pa lang sa bahay, ay naramdaman na niyang may mali.Nakaupo sa sala ang lola ni Yuna.Nang makita nito si Yuna ay agad na tumayo ang matandang babae at nagtanong."Yuna, totoo bang gusto mo hiwalayan si Felix?" nang makita ni Yuna ang kanyang ama na nakaupo sa sofa ay tumango si Yuna mula sa kanyang puso at, sumagot."Kase lola, nakapagdesisyun na ako...""Yuna nahihibang ka na ba.Kinailangan ng matinding effort ng ama mo para makuha natin ang kasal na ito. Pagkatapos ay sasayangin mo lang. Si Felix ay napakabuti sa iyo. Bakit bigla kang makikipaghiwalay?" Sumbat nito.Tahimik na lamang na itinago ni Yuna ang kanyang pag-iyak, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabing."Pasensya na po, lola, hindi na po tayo maaarjng umasa sa kanya. Buo na po ang pasya ko." Ulit ni Yuna."Paano kung magdiborsiyo tayo pagkatapos magpakasal, ano ang gawin ni Felix.Paano kung bawiin niya ang Parson Group?" balot ng pagaalala ang tanong na iyong ng lola niya.