Hindi na namalayan ni Yuna kung paano siya nakatulog ng gabng iyon.Kinabukasan, Bagong gising si Felix ay nakita niyang itinulak ang pinto pabukas at pumasok sa silid si Yuna. Iniisip ni Felix na siya'y narito upang makita siya, kaya isinara niyang muli ang kanyang mga mata. Ngunit dumaan lang si Yuna sa tabi ng kama at kinuha ang kanyang cellphone,"Kailangan ko bang magdala ng jacket?" Sagot ni Yuna sa telepono."Oo." boses ni Patrick ang narinig niya sa kabilang linya ng telepono, "Mamasyal muna tayo bagho kumain ngayon.""Okay." sagot niya.Pumasok si Yuna sa cloakroom. Nangako siyang tatratuhin si Patrick nga maganda sa hapunan ngayon. Sinabi ni Patrick na gusto niyang mamasyal sa baguio at doon mamg dinner kaya pumayag siya .Pumasok siya at nagpalit ng damit. Saka niya natagpuan ang isang set ng sportswear, isang sombrero, at isang jacket, at isinilid sa kanyang na backpack..Bago pa siya lumabas, nakita niyang nakatayo si Felix sa pintuan,"Mamamasyal ka ba?" Nakatutok ang
Halos hindi makapaniwala si Yuna sa naging tanong ni Jhong. Kaibigan ito ni Felix at malamang ay alam nito ang tungkol kay Felix ar Jessie pero malakas ang loob nitong tanungin n siya kugn bakit niya tinatalikuran si Felix? Naiiling na lamang si Yuna pero taas noo niyang hinarap ang kababata ng asawa.Ngumiti si Yuna bago sinagot ang tanong ni Jhong."Mukhang nakakagulat ang tanong mo? Hindi si Felix ang nangaliwa dahil obvious na nariyan si Jessie at umeeksena?" sagot ni Yuna na taas ang noo."Iba 'yon. Lumaki silang magkasama at may iba't ibang nararamdaman""Hah! pakingga nmo ang ang sarili mo, so sinasabi mo ba na kapag kababata mo naman o bestfriend mo ang kinabit ng asawa mo valid yu nna parang okay lang kase close naman sila ganun ba?" hindi nmakapaniwalang si Yuna sa katwirang ng gonggong na kaharap." And Oh, kapag si Felixn ang nangaliwa, tawag doon ay ibang pakiramdam lang, init lang ganun? at kilala ko naman ang third party kay unawain ko ganun ba? yun ba ang ibig mong
Dumating si Felix at ang kanyang grupo. Si Jhong, na may suot na light blue suit, ay lumapit at tumuro sa direksyon ni Yuna."Bro, nakita mo na ba siya, nakita mo ba 'yon? Lumabas ang iyong asawa kasama ang ibang lalaki!"sabi agad nito. Tumingin si Felix na gawi ni Yuna.Si Yuna ay may suot na light pink suit at makulay na shoes. Siya ay nagwawarm up sa sa ilalim ng gabay ni Patrick. Hindi makita ang kanyang ekspresyon, ngunit bahagyang nakataas ang mga gilid ng kanyang mga labi, at mukhang sobrang saya. Itinuwid ni Felix ang kanyang tingin, na inis at selos sa kanyang anyo . maging ang kanyang mga kilay at salubong kaya ang linya sa pagitan ng kanyang mga kilay niya ay dumami.Sinadya ni Yuna na hindi tumingin kay Felix. Alam niya na narito abg asawa at nakapukaw ng pansin ng lahat ng mga babae sa manonood, ngunit hindi niya gusto na maging alipin ng kanyang emosyon. Hindi man lang siya tumingin dito at seryosong nagwawarm up sa kasama si Patrick. Nagti trining siyang magbalanse
Handa na si Yuna na tinulungan ni Patrick gumayak. Sinabi ni Patrick sa malumanay na paraan na hindi naman kailangan na maging mahusay agad sa pag surf ang mahalaga ay ang makatayo muna ssiya sa surf borad ng balanse at makayang kontrolin ang sariling bigat.Para kay Yuna ay yun lang naman ang goal niya ang mawala ang takot at ang maglibang na rin at magawa ang mga bagay na hindi inya nagawa noon."Yun ang pakatandaan mo, huwag tingnan ang iyong paa, huwag kng yuyuko at huwag matakot sa alon" sabi pa nito."Okay sige sususbukan ko lahaht ang payo mo!" Pumayag si Yuna na pumagit ng konti sa tubig, tumingin sa harap, sa hinarap ang takot at excitement ng bagong karanasan.Samantalang nakanda-haba naman ang ulo ni Felix sa kakatingin sa kinaroroonan ni Yuna. Nakaupo ito roon, may staff na naka-tuwad sa na naglalagay ng life vest sa kanya, may mabigat na ekspresyon sa mukha, walang gana si Felix. Lumakad si Felixpatungo nsa dalampasigan suot ang makisig nitong surfing attire. Kanina ba
"Bakit mo sinasabi sa aking ngayon yan Shenedy? bakit ngayon ganyan ka? Bakit noon pa man ay hindi hindi mo na pinayuhan si Felix na huwag mangaliwa o protektahan ang kanyang asawa?" Tumatawa si Yun habang tinitingnan siya."Tapos ngayon kung kelan ayan na, nagkasala na at mayroon ng bunga ang kataksilan nila, saka mo sasabihin yan? ano pa ang kahulugan ng pag-uulit at pagsasabi mo sa akin ng mga bagay na ito?" ulit ni Yuna."Kase Yuna, baka naman kase ang bata ay hindi naman talaga kay Kuya Felix?" Pahiwatig ni Shenedy, bagaman totoong sa tingin niya ang bata ay hindi talaga sa kuya Felix niya dahil sa mga ilabng patunay, pero hindi naman siya maaaring magcongclude kung hindi ipinaliwanag ng pinsan niya, hindi rin naman niya maaring ibunyag at pangunahan ang kkuya niya o anuman.Nagulat si Yuna, sandalign natigilan pero napagtanto rin naman na hindi maaaring mangyari iyon,"Hindi maaari ang sinasabi nmo Shenedy, kung hindi sa kanya ang bata, bakit siya ganoon ka concerned at ibinaba
" Felix natatakot ako" sigaw ni Yuna. ."Yakapin mo ako. Kumapit ka ng mahigpit Yuna huwag kang bibitaw. Huwag mo akogn bibitawan" sabi ni Yuna."Oo!" buong tiwalang sabi ni Yuna kay Felix. Kugn may siang katanginan si Yuna na isa sa mga minahal niya sa asawa, yn ay ang katotohanang may mahal man itong iba, hinding hindi hahayaan ni Felix na may masamang mangyari sa kanya.Ilang beses na nitong minsang hinarang ang ilang bagay na makakas akit sa kanya at ilang beses na rin niyang nakitang nataranta ito sa sandalign makita iyang nasaktan at nasugatan nagbago nga lamang itong ng dumating na ang dati nitong minamahal.Mahigpit niyang niyakap si Felix, at ang malamig na tubig na pumasok sa kanyang ilong at mga mata nagpawala ng konsestrasyun ni Yuna at pagkatapos ay ang kanilang mga katawan ay lumipad kasama ng alon at papgkatapos ay bumulusok sa ere, at muling bumagsak. Saka sila isinalpok ng bumabang alon sa bahaging batuhan ng dalampasigan.Magkayakap ng mahigpit ang dalawang b
"Shen, kamusta na si Felix. Okay na ba siya. Ligtas ba siya?" tanong agad nito na umastang akala mo siya ang asawa ng pasyente sa loob. Napasulyap muna si Doc Shen sa babaeng nakatayo sa gilid ng pinto bago nagsalita pero sinadyang lakasan para maringi ng taong nasa di kalayuan."Mayroong slight bone fracture sa kaliwang binti si Kuya Felix." sabi ni Doc Shen.Nang marinig ang tungkol sa buto na nabali, lahat ay halos napigil ang hininga, at ang mabigat na atmospera ay lalong nagka tensiyon. Si Yuna ay tahimik sa isang sulok habang hawak ang sarilign dibdib. Kahit apaano ay nakahinga siya ng maluwag at hindi na siya ganun kasama ang kanyang pakiramdam."Nakabitan na ng cast ang binti ni Kuya Felix, pansamantala ang fixator ang tutuwid ng bali. hindi na naman niya kailangang mag-stay sa ospital, pagkatapos ng obserbasyon ng kalahating oras, maaari na siyang umuwi. sabi ni Shenedy."Pagkatapos sabihin ito ni Shen, gumawi ang kanyang mga mata sa pasilyo, nakita si Yuna na nakatingin s
Pumasok si Yuna bitbit ang tray ng pagkain nito. Naabutan niya si Felix na nakaupo na sa kama pero nakasingangot. Lumapit si Yuna at inilagay ang pagkain sa mesa ng kama, saka nilapitan ang nakasimagnot na si Felix"Masakit ba ang binti mo?" nangaalala niyang tanong ."Hindi, hindi naman" sabi ni Felix ngunit patuloy pa rin itong nakasimangot. Naisip ni Yuna ang isang bagay."Masakit ba doon?" iinuro ni Yuna ang isang parte n katawan ni Felix, snundan naman ni Feix ng tigi nang tinuro ng asawa at nakita ang kanyang baywang ang itinuturo nito kaya nagtaka siya,"Sino ang nagsabi sa iyo?" nagulat na sabi in Felix kugn bakit alam nito ang masakit na iyon."Sinabi sa akin ni Dr. Shen, sabi kase niya maaaring ang binti mo ang nasugatan pero sa pagkakabagsak mo kase ay posibleng nabogbod ang iyong balakang kaya sinabi niya sa akin na maaring manakit iyna sa mga susunod pa araw" paliwanag ni Yuna.Umurong si Yuna at tinulungan tumagilid si Felix at tiningnan ang balakang ng asawa. Matapos
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng