"Bumalik ka ba sa bahay. Magpapadala ako ng isa pang nurse" utos nito."Ikaw na lang ang bumalik mag-isa. Nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin.Kailangan ko siyang alagaan dito." Giit ni Yuna."Magpapadala nga ako ng dalawang tagapag-alaga na mag-aalaga sa kanya dito." Hinila siya pabalik ni Felix pero pumalag si Yuna.Tumanggi si Yuna. "Hindi na kailangan, nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin, kaya gusto ko lang siyang alagaan ng personal."Asawa kita, paano mo nagagawang magalaga ng ibang lalaki?"Hindi umimik si Yuna at lalong nagmamatigas lang at ayaw bumalik. Nanlamig ang mga mata ni Felix at bumulong ito sa kanyang tainga"Ayaw mong hindi makalabas ang iyong ama, hindi ba?" nanlaki ang mata ni Yuna. Sa ganoon sinabi ni Felix ay nanlamig ang buong katawan ni Yuna. Biglsngvnapstigni nsi Yuna kay Felix."Bumalik na tayo sa bahay" ulit nito. Huminga ng malalim si Yuna at sa wakas ay sinabi kay Patrick,."Kuya Patrick total wala ka ng lagnat, magpahinga ka muna dito. Pupunta na
Ang dapat Madam ang away at hindi hinahayaang abutin ng umaga. Kung anuman ang away ninyo dito sa loob ng silid ay dapat ding matapos sa loob ng silid at huwag ng ipagpabukas pa. Kung naguusap sana kayo at sinasabi nyo ang mga saloobin niyo lalo ka na Madam ay hindi magagalit si Sir" sabi nito.Sa tingin ni Manang Azun ay may malasakit pa rin ang amo niya sa batang asawa nito.Palagay niya at mahal talaga ito ng asawa, kung hindi ay hindi niya ito susunduin sa gabi, ngunit ang asawa ay hindi masyadong magaling sa pagpapahayag ng tamang salita, kaya tumulong si Manang na kausapin si Yuna para kay si Felix.Ngunit ayaw itong marinig ni Yuna. Bakit kailangan niyang i-comfort si Felix para mawala ang galit nito? Kung siya ang may kasalanan, maaari niyang iyuko ang kanyang ulo at aminin, ngunit hindi niya iyon problema ngayon. Nagpabalik-balik siya, sinabing hindi siya makikipagdiborsiyo, pero masyado siyang nagmamalasakit kay Jessie noon pa. Isa pa, nangako siyang ililigtas ang kanyang
Pagdating na pagdating niya sa ospital, ay pasimpleng tinawagan ng nurse si Felix. Lingid kay Yuna ay nabilinan nito ang nurse na inupahan at sinabing ipaalam sa kanya kapag may dumalaw sa pasyente nito.Si Felix ng mga sandaling iyon ay kasalukuyang nasa golf course at nasa isang pulong.May tinatalakay itong mga proyekto sa mga kliyente.Good mood ito ngayon na tila isang uhaw na halaman na nadiligan ng masaganang ulan.Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap siya ng tawag mula sa nurse, at sinasabi nito na si Yuna ay nagpunta muli sa ospital.Nakuyom ni Felix ang kamao at naipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, malungkot ang kanyang mukha, ngunit pagkaraan ng ilang sandali, bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon, at sumigaw siya sa malalim na boses."Marlon magpunta ka dito""Sir, nandito na po ako" sinabi ni Fleix habang nanatiling matikas sa magarang damit ang mga utos nito kay Marlon.Bagamat nagngingitngit sa galit at selos ay hindi nagpahalata si Felix at nanati
Hindi ito matanggap ni Natasha at sumimangot saka nagsalita, "Dahil ba ito kay Yuna kuya Patrick? mahal mo ba siya sa simula pa lang ha? "Si Patrick ay magiliw kay Yuna noon pa man at tinulungan nito si Yuna sa kanyang karera kaya halos mabaliw si Natasha sa selos. Hindi siya magaling magkagusto sa ibang tao at tanging si Patrick lang ang nagustuhan niya simula pa noong bata pa siya.Biglang sumagot si Patrick gamit ang pinakamalamig nitong mukha. "Sa madaling salita, hindi kita pakakasalan.""Kuya Patrick hindi mo ito magagawa sa akin! Ang kasal sa pagitan ng dalawang pamilya ay may mga relasyon na sa negosyo, at ang kasal ay parang nagiging mas matatag."Hindi kita pakakasalan." Mariing tinanggihan muli ni Patrick si Natasha.Oo, tama naman, sa mga interes ng ama ni Patrick at sa pagiging mapanloko ni ang kanyang kapatid, tiyak na gusto nilang mapadali ang bagay na ito. Dahil sa sandaling pakasalan niya si Natasha ay walang tunay na kapangyarihan si Natasha, nawalan siya ng pag
"Huwag kayong manggulo dito sa shop.Umalis na kayo.Kapag nagpilit kayo ay tatawag ako nang pulis" banta ni Myca."Eh di magtawag ka ng pulis, baka akala mo ha! naka live kami ngayon kaya nakikita ng tao ang mukha ng kabit na babaeng yan.Heto o live kami" sabi ng isa sa mga fan at itinutok pa kay Myca ang cellpbone.Pagkatapos ay pinagkukuhaan ng larawan silang dalawa ni Yuna.Natakot si Yuna na may mangyari kay Myca, kaya tumakbo siya pababa. Ang mukha ni Yuna ay naging malinaw sa mga camera. Kitang kita ito sa live broadcast ng sandaling iyon. Maraming tao ang nanonood sa broadcast at may nagkomento pa na maganda daw pala ang kabit. "Napakaganda pala ni Kabit!" Komento ng ilan."Wow ang puti nIya pala at ubod nang ganda nga""Tumigil ka sa pagpupuri sa kabit na yan" sabi pa ng isang nang komento,"Anong maganda sa kanya? Hindi lang siya isang walang hiyang kabit, masama rin ang ugali niya, buntis si Jessie pero nagawa niyabg itulak pa rin.Aning klaseng tao siya. Dapat siya
Sinulyapan ng may matatalim na mga mata ni Felix ang nangsalitang babae. Ang taongo iyon ay ang babaeng humila sa buhok ni Yuna kanina lang.Lalong dumilim ang mukha si Felix ng makilala ang babae kaya mas lumamig pang lalo ang mukha nito pero kahanga hanga pa rin ang dating."Ikaw yung babaeng humila ng buhok niya kanina, hindi ba? Nakita ko ito sa live broadcast room?" Hinarap ni Felix ang babae.Nagulat ang babae at nagpaliwanag " Ginawa ko lamang iyong dahil sa galit ko.Iginaganti ko lamang si Jessie" "Sino ka para gawin yun?bakit kailangan mong magalit sa bagay na wala kang kinalaman.Sino ka?bayaran ka ba niya?Pinayagan ka ba niyang gawin ito" nanlisik ang mata ni Felix.Bumaling si Felix sa nasa unahang pulis at sinabi,"Ang grupong ito ng mga tao ay nakagawa ng krimen .Sila ang nangina naanggulo sa lugar na ito. Office. Paki huli ang silang lahat at paki dala silang lahat sa istasyon ng pulis"Utos ni Felix na determinadong hindi makikipagkasundo.Nang marinig ito, isang g
Sabihin mo sa kanila, hindi ko lang isasara ang kaso, kundi Kakasuhan ko rin sila ng intentional injury. Ang grupong iyon ng mga babae ay mahahatulan ng fixed-term na pagkakakulong na wala pang tatlong taon, at walang makakatakas"Sa ngayon ay pinigil lamang sila sa presinto pero gusto pa rin ni Felix na magsampa ng kaso sa kanila hanggang sa hindi na sila maglakas-loob na gumawa ng krimen muli.Napabuntong-hininga si JessieBakit kailangang maging malupit ng ganito? " sabk ni Jessie sa malungkot ang mukha.Kilala niya si Felix kaya alam niyang imposible.Eto ang kapalit at bunga ng kabiguan mong ikontrol at disiplenahin ang mga taga hanga mo" matapos sabihin ang katagang iyon ay tinapos ni Felix ang tawag ay nagtungo sa kanyang silid para harapin at usisain ang mga usaping kinakaharap, nag-dial siya ng numeroAttorney Sam, tulungan mo akong mag-handle ng isang kaso" ang kausap ni Felix ay si Samuel Briones ang nangungunang pinakamahusay na abogado ng bansa.Nagulat naman ang aboado
Nang makita ang kanyang malamig na ugali, hindi napigilan ni Felix na mapamura. "Ano ba? Talagang bang ang puso mo ay naagaw na niya ha Yuna?" Halos pasigaw ng tanong ni Felix. Grabe sng takot niya at pagaalala kanina tpaos ganito ang trato sa kanya ni Yuna."Nang marinig mo na gusto ka niyang tulungang harapin ang balita, ay gusto mong na bang ibigay ang sarili mo sa kanya ganun ba ha?"Halos walang gana si Yuna at pagod pa kaya hindi na lamang niya pinansin si Felix. Wala sa mood makipagtalo.Umupo si Felix at nagpatuloy. "Pero malungkot ka na sayang dahil malapit na siyang ikasalan kay Natasha Wala ka nang pagkakataong akitin siya" sabi pa ni Felix na nilolokob ng selos.Nainis si Yuna sa sinabi nito at lumingon kay Felix para titigan ito nang masama,."Masaya ka na ba sa mga sinabi mo?Okay na sapat na ba? Kontento ka na? Inis niyang sabi."Kung tapos ka na sa mga bintang mo. ay lumabas ka na " inis niyang taboy dito."Saan ako pupunta? Kuwarto ko din ito" Ngumiti si Felix."K
Hindi namilit si Felix, kung sakaling ayaw nitong bumalik ay susuyuin niya ito at hahanapin kahit saan. Naging mag mahigpit ang yakap ni Felix kay Yuna. Pagkaraan ng ilang sandali, nakaramdam ng pagka awkward si Yuna, kaya binitawan niya ang kanyang mga braso at sinabing,"Manood na lang tayo ng TV kung hindi, wala nang ibangmaaring paglibangan dito?""Okay, sige" binitiwan siya ni Felix at naupo sa kama, agad namang binuksan ni Yuna ang TV. Isang costume drama ang nabungaran nila sa screen. Hinubad ni Felix ang kanyang coat, marahil dahil masyadong makitid at hindi komportable ang manggas, kumuha si Ye Xingyu ng kumot at tinakpan siya nito. Tumingin si Felix at ngumiti. Tahimik na nanonood ng TV ang dalawa, Pagkaraan ng hindi malamang tagal, medyo nanlamig si Yuna at hindi namamalayang hinawakan siya ni Felix sa braso. Pagkatapos ay tinakpan ito ng manipis na kumot. Tumingin si Yuna at nakita niya si Felix na tinatakpan siya ng manipis na kumot pagkatapos at niyakap siya, kaya napa
Kinabukasan...... Ang front page ng balita ay tungkol kay Jessie na tumalon sa isang gusali. Nakita ni Yuna ang balitang ito habang papunta sa trabaho niya, binasa ito ng ilang segundo at pagkatapos ay pinatay ang kanyang telepono. Sinabi sa balita na nagpakamatay si Jessie para sa pag-ibig. Kinilabutan si Yuna at naawa para kay Jessie. Ngunit alam ni Yuna na maaaring si Mr. Renato ang nag-utos sa isang tao na gawin ito. Matalino si Jessie sa buong buhay nito, ngunit nauwi sa ganito, na talagang nakakalungkot. Pagdating niya sa Shop, maging si Myca ay labis na nagulat at naantig rin, "Yuna, Yuna, ang iyong relasyon sa iyong asawa ay talagang nagkaroon ng maraming sigalot at pagliko. Pagkatapos ng maraming paikot-ikot, muli kayong magkasama " sabi ni Myca."Hindi pa ako pumayag na makipagbalikan sa kanya" "Kung hindi ka sumasang-ayon sa kanya, ano ang mangyayari sa sanggol sa iyong tiyan?" Kumindat si Myca sa kanya, "Sabihin mo na kaya sa kanya nang mabilis at paligayahin ang a
"Jessie, sa iyong katalinuhan, hindi ako naniniwalang hindi mo mareresolba ang banta ni Jhiro. Hindi naman sa wala kang pagpipilian, ngunit sa simula pa lang ay pinaplano mong gumanti sa amin hindi ba?" Bago muling magsalita si Felix ay nagsalita sa wakas si Jessie at sinabing,"Ipinadukot niya si Mr. Shintaru at dinala kay Jhiro" sabi in Jessie. Ang pangungusap na ito ay nakagulat kay Yuna. Muling nagtanong si Felix, "So, si Jhiro ay nagpaplano na mula noon pa? Alam niya na ang pamilya ni Yuna ay gustong pumunta sa ibang bansa, kaya sinasadya niyang hanapin si Yuna, takutin at utusang puntahan ako sa Alta Group, ""Oo," hindi ito itinanggi ni Jessie. "ang balita na si Mr. Shintaruay may malubhang karamdaman at ang Parson Group ay magkakaroon ng krisis, at ang posibleng pagkatapos ay maaari mong ibigay ang Parson Group sa akin." Napasimangot si Yuna. Ngumisi din si Felix at sinabing, "Ibigay mo ito sa iyo? Sinabi niya na ibibigay niya ito sa iyo?" hindi makapaniwalang tanogn ni
Pakiramdam kase ni Yuna, ay kailangan pa niyang pag-isipang mabuti ang mga bagay, at ang pagbibigay kay Felix ng pagkakataon ay hindi nangangahulugang tiyak na makakasama niya ito. Kung maganda ang maging trato nito sa kanya at handa na siyang makasama ito, saka niya sasabihin dito na buntis siya.Kung ayaw pa rin niyang magsama sa huli, hindi niya sasabihin dito ang tungkol sa pagkakaroon ng bata, dahil ayaw niyang mapunta silang dalawa sa korte dahil sa custody ng bata pagkatapos magkaroon ng anak.Kinagabihan.....Ang mga estado ng stock ng Parson groupo ay bumulusok paitaas sa merkado. Habang masaya ang pamilya Parson, may masamang nangyari kay Jessie.Naglalagay si Jessie ng facial cream sa harap ng salamin nang pumasok si Renato dala ang kanyang cell phone at walang sabi-sabing sinampal si Jessie. Sa lakas ng samapl sy nalaglag si Jessie sa upuan ng dressing table, namamaga ang kalahati ng mukha niya at tumingin kay Renato."Bakit mo ako sinaktan?""Hindi ba ang sabi mo, kapag
"Bakit? Bakit nagpapasalamat ka na naman?""Kanina lang kase tumawag si Tito Benedict ng Parson Group at nagsabing nagpadala ka daw ng isang tao para ayusin ang kompanya. Nagsimula na daw bumawi ang presyo ng stock ngayon"sabi ni Yuna."Hindi mo na ako kailangang magpasalamat kumita din nakan ako dyan. Kung tutuusin, ang inyong Parson Group naman ay sulit na iligtas" sabi ni Felix. Tumango tango si Yuna pagkatapos ay nanahimik na.Kinurot ng malambing ni Felix ang maliit na kamay ni Yuna,at si Yuna aynakaramdam ng kaunting sakit kaya siya napatingala kay Felix at sinalubong ang kanyang malalim na mga mata, na karamdam ng konting hiya si Yuna."Gusto kong pumunta sa banyo," sabi ni Felix matapo ang titigan na iyon. Hindi na masyadong nag-isip si Yuna at lumapit kay Felix para tulungan ito."Kaya mo na bang maglakad ngayon?"msyvpagaalalang tanong niya."Medyo, kaya na" sabi nito. Nslagpilit tayo si Felix, ipinatong niya ang lahat ng kanyang bigat sa leeg ni Yuna at magiliw na sinabi
"Aalagaan siya? Sinong may sabing gawino yan? Umalis ka na." Seryosong itong sinabi ni Yuna nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya naintindihan si Felix, hindi ba't gusto niyang ligawan ulit isya? eh bakit hinayaan nito si Sofia na pumunta para alagaan pa siya? lalo niyang kinaiinisan niya ang babaeng ito!"Nakita ko lang ang dumi sa mukha ni Mr. Felis at gusto kong punasan ito para sa kanya." paliwanag ni Sofia. Malamig na sinabi ni Yuna, "Umalis ka.""Nandito ako para alagaan si President Felix..." Tumanggi si Sofia na umalis. Malamig na bumuntong-hininga si Yuna, "Sinabi kong lumabas ka!"Ayaw umalis sana ni Sofia, ngunit ayaw niyang manatili rito at makipag agawan kay Yuna, dahil ayaw niyang magmukha siyang baliw, kaya napatingin si Sofia kay Felix, at nang makita niyang nakapikit ito, ay lumabas na si Sofia.Pagkaalis ng babae, isinara ni Yuna ang pinto, Nang maglakad siya pabalik sa ward, nalaman niyang umupo na si Felix at matamang nakatingin sa kanya nang walang bakas ng ant
Nakatitig si Yuna ng blangko sa kanyang telepono ng bigla na lang itong nag-ring. Napabalik siya sa kanyang ulirat at nakita ang salitang "Felix" na kumikislap sa screen. Agad na gumaan ang kanyang nalulungkot na kalooban."Hello." Mahina niyang sabi."Tulog ka na ba?" Tanong sa kanya ni Felix sa kabilang linya ng telepono."Hindi pa. Kakatulog lang ng Itay ko, hinintay ko pa siyang makatulog eh." Dahil hindi alam ang sasabihin, kinuwento niya lang ang nangyari ngayong araw."Ganun ba? masaya ako na okay ka ay ang iyong ama." Pagkatapos sabinihn iyon ay wala nang ibang nasabi ang dalawa. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sinabi ni Felix,"Bakit hindi ka pumunta para makita ako bago ka umalis?""Hindi ko alam ang sasabihin." Mahinang sabi ni Yuna,"Parang... wala namang dahilan para makita ka.""Paano naman walang dahilan? Hindi ba ikaw ang asawa ko? Natural lang na puntahan mo ako." Tumirik ang mga mata ni Yuna pero hind naitago ang kilig."Kailan pa ako naging asawa mo?""Sab
Bahagyang nagbago ang mukha ni Yuna ng makita ang ina at lolo ni Felix, Namutla siya at mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at tumayo sa pagkakaupo sa tabi ni Felix."Magandang araw po, Lolo.... Tita..." Pakiramdam niya ay hindi siya pamilyar sa biglang pagbabago ng tirahan at ng pakikipagugnayan sa mga ito.Nang makita siya ng matandang lalaki, isang bakas ng pagkagulat ang bumungad sa kanyang mga mata at tumango siya, "Oh nandito ka pala Yuna," tumango rin ang ina ni Felix."Narito ka ba para alagaan si Felix?" Tanong nito kay Yuna. Tumango lamang si Yuna at yumuko.Nakapagtataka man na pareho ang dalawang matanda na maayos ang pakikitungo sa kanya, onisip na lang ni Yuna na marahil sa sandaling ito, ang atensyon nila ay kay Felix at magaan ang loob nilang makita itong nagising na."Hindi ko inaasahan na ang hayop na si Jhiro ay gagawa ng ganoong bagay." Nagmura ang matanda sa galit, tinoktok ang kanyang tungkod sa sahig.Hindi rin maganda ang mukha ng Donya at nagpakita rin n
Ikrinoss ni Yuna ang kanyang mga braso. “Ang hirap-hirap naman ng araw na ito!” bulong niya sa sarili. Tinitigan niya lang ang ilaw sa operating room, isang bagay lang ang paulit-ulit na sumasagi sa isip niya, at natatakot siya maiisp lang ito. Ayaw niyang mamatay si Felix, hondi niya kakayanin. "Madam, kumain muna kayo." Tinig ni Marlon ang gumambala sa malalim na pagiisip ni Yuna. Umiling si Yuna, nanlalabo ang kanyang mga mata, "Ayoko kong kumain, wala akong gana" Sinabi ni Marlon, "Madam, dapat kumain ka. May kailangang mag-alaga sa iyong asawa pagkatapos ng operasyon. Kung pagod ka, paano...." Nang marinig ito, gumalaw ang mga talukap ni Yuna at na realise ang sitwasyun.Napatitig siya sa lunch box na nasa kamay ni Marlong at tumango. Sa wakas ay dahan-dahan niya itong pinilit kainin dahil, kailangan niysng magong malakas, dahil kailangan pa niyang alagaan si Felix at... at ang sanggol sa kanyang sinapupunan.Ang operasyon ay tumagal ng mahigit tatlong oras at sa wakas ay