"Huwag kayong manggulo dito sa shop.Umalis na kayo.Kapag nagpilit kayo ay tatawag ako nang pulis" banta ni Myca."Eh di magtawag ka ng pulis, baka akala mo ha! naka live kami ngayon kaya nakikita ng tao ang mukha ng kabit na babaeng yan.Heto o live kami" sabi ng isa sa mga fan at itinutok pa kay Myca ang cellpbone.Pagkatapos ay pinagkukuhaan ng larawan silang dalawa ni Yuna.Natakot si Yuna na may mangyari kay Myca, kaya tumakbo siya pababa. Ang mukha ni Yuna ay naging malinaw sa mga camera. Kitang kita ito sa live broadcast ng sandaling iyon. Maraming tao ang nanonood sa broadcast at may nagkomento pa na maganda daw pala ang kabit. "Napakaganda pala ni Kabit!" Komento ng ilan."Wow ang puti nIya pala at ubod nang ganda nga""Tumigil ka sa pagpupuri sa kabit na yan" sabi pa ng isang nang komento,"Anong maganda sa kanya? Hindi lang siya isang walang hiyang kabit, masama rin ang ugali niya, buntis si Jessie pero nagawa niyabg itulak pa rin.Aning klaseng tao siya. Dapat siya
Sinulyapan ng may matatalim na mga mata ni Felix ang nangsalitang babae. Ang taongo iyon ay ang babaeng humila sa buhok ni Yuna kanina lang.Lalong dumilim ang mukha si Felix ng makilala ang babae kaya mas lumamig pang lalo ang mukha nito pero kahanga hanga pa rin ang dating."Ikaw yung babaeng humila ng buhok niya kanina, hindi ba? Nakita ko ito sa live broadcast room?" Hinarap ni Felix ang babae.Nagulat ang babae at nagpaliwanag " Ginawa ko lamang iyong dahil sa galit ko.Iginaganti ko lamang si Jessie" "Sino ka para gawin yun?bakit kailangan mong magalit sa bagay na wala kang kinalaman.Sino ka?bayaran ka ba niya?Pinayagan ka ba niyang gawin ito" nanlisik ang mata ni Felix.Bumaling si Felix sa nasa unahang pulis at sinabi,"Ang grupong ito ng mga tao ay nakagawa ng krimen .Sila ang nangina naanggulo sa lugar na ito. Office. Paki huli ang silang lahat at paki dala silang lahat sa istasyon ng pulis"Utos ni Felix na determinadong hindi makikipagkasundo.Nang marinig ito, isang g
Sabihin mo sa kanila, hindi ko lang isasara ang kaso, kundi Kakasuhan ko rin sila ng intentional injury. Ang grupong iyon ng mga babae ay mahahatulan ng fixed-term na pagkakakulong na wala pang tatlong taon, at walang makakatakas"Sa ngayon ay pinigil lamang sila sa presinto pero gusto pa rin ni Felix na magsampa ng kaso sa kanila hanggang sa hindi na sila maglakas-loob na gumawa ng krimen muli.Napabuntong-hininga si JessieBakit kailangang maging malupit ng ganito? " sabk ni Jessie sa malungkot ang mukha.Kilala niya si Felix kaya alam niyang imposible.Eto ang kapalit at bunga ng kabiguan mong ikontrol at disiplenahin ang mga taga hanga mo" matapos sabihin ang katagang iyon ay tinapos ni Felix ang tawag ay nagtungo sa kanyang silid para harapin at usisain ang mga usaping kinakaharap, nag-dial siya ng numeroAttorney Sam, tulungan mo akong mag-handle ng isang kaso" ang kausap ni Felix ay si Samuel Briones ang nangungunang pinakamahusay na abogado ng bansa.Nagulat naman ang aboado
Nang makita ang kanyang malamig na ugali, hindi napigilan ni Felix na mapamura. "Ano ba? Talagang bang ang puso mo ay naagaw na niya ha Yuna?" Halos pasigaw ng tanong ni Felix. Grabe sng takot niya at pagaalala kanina tpaos ganito ang trato sa kanya ni Yuna."Nang marinig mo na gusto ka niyang tulungang harapin ang balita, ay gusto mong na bang ibigay ang sarili mo sa kanya ganun ba ha?"Halos walang gana si Yuna at pagod pa kaya hindi na lamang niya pinansin si Felix. Wala sa mood makipagtalo.Umupo si Felix at nagpatuloy. "Pero malungkot ka na sayang dahil malapit na siyang ikasalan kay Natasha Wala ka nang pagkakataong akitin siya" sabi pa ni Felix na nilolokob ng selos.Nainis si Yuna sa sinabi nito at lumingon kay Felix para titigan ito nang masama,."Masaya ka na ba sa mga sinabi mo?Okay na sapat na ba? Kontento ka na? Inis niyang sabi."Kung tapos ka na sa mga bintang mo. ay lumabas ka na " inis niyang taboy dito."Saan ako pupunta? Kuwarto ko din ito" Ngumiti si Felix."K
Pagod galing sa biyahe si Felix mula sa pakikipagusap sa mga bagong ka merge sa bago niyang business at hindi pa rin nawawala ang inis ibya sa biyanan sa ginawa nito ng lingid sa knayang kaalaman.Bagamat sinabi ng kanyang asawa na wala itong kinalaman sa naging hakbang ng ama ay hindi niya ito pinaniwalaan.Kaya kahit sana maaari na siyang umuwi sa ikalawang araw ay mas pinili ni Felix na umuwi sa ikatlo at magpalipas sa kanyang suites sa isang hotel na pagaari din naman niya. Kinabukasan pagpasok niya sa opisina ay nakatawag ng pansin sa kanya ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.Ikinagulat at ikinakuyom ng mga kamao ni Felix nang makita ulit ang folder na nasa ibabaw ng table sa kanyang opisina. Sa pagkakatanda niya, matagal na ito doon.Naging abala siya nang sobra nitong nakaraang buwan kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin. Pagbuklat niya ay divorce paper iyon mula sa asawa ngunit ang ikinakunot ng noo ni Felix ay ang dahilan o ground ng diborsyo na nakakabilog p
Nakatanaw sa bintana si Yuna, sa malayo tinangay ang kanyang kamalayan. Sa mga panahon ‘yon ay simple lamang ang kanyang gustong mangyari— ang makamit ang nag-iisang bagay. Pang-ilang araw na ba? Palagay niya ay matagal na. Inikot ni Yuna ang paningin sa labas ng mansyon ng mga Altamirano. Magara, matayog, malawak… pero salat sa ligaya, salat sa lahat. Sagana sa kung anumang makakapagpaligaya sa mata ang kanyang paligid ngunit nababalot ng lungkot at kadiliman ang puso niya.“Miss Yuna, dumating na po ang Senyorito Felix,” pukaw sa kanya ng nag-iisang katulong na kakampi niya sa malaking hawlang iyon. Dumagundong ang kaba at excitement sa dibdib ni Yuna nang marinig ang sinabi ni Manang Asun.“Totoo bang nandito na siya? Bumalik na siya?” Walang mapagsidlan ang kaligayahan at tuwa si Yuna. Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa isa pang bahagi ng bintana saka tumanaw sa malawak na bakuran. Humantong ang mga mata sa sasakyang nakahinto sa malawak na garahe.Kakaibang tuwa, kilabo
Isang araw ay niyaya ito ng kanyang ama na uminom at sa pakikisama ay pumayag ito. Ngunit hindi pala sanay ang mayaman na binata sa inuming inilatag ng kanyang ama. Medyo gabi na noon nang makabalik si Yuna mula sa paglalako ng paninda at nadatnan niyang lango na sa alak ang ama at ang binatang bisita nito. Hahayaan na sana niya ang mga ito sa labas nang biglang umambon at mababasa ang dalawa. Unang binuhat at kinaladkad ni Yuna ang ama at ihiniga sa sofa saka niya isinunod ang binatang bisita. Dahil maliit at lupa ang kanilang sahig ay sa silid niya ito dinala at pinahiga muna. Saka niya niligpit ang pinag-inuman ng mga nito. Ang kaso ay habang nagliligpit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog. Halos basang-basa si Yuna. Nagpalit na lamang ng damit ang dalaga at sumiksik sa isa pang maliit na sofang kawayan. Pero mga hating gabi ay naramdaman niya na para siyang binuhat at pagkatapos ay inilapag sa kama. Mainit ang pakiramdam niya kaya akal
Tahimik na lamang na lumuha si Yuna. Inaamin niyang crush niya noon si Felix kahit pa nga sampung taon ang tanda nito sa kanya noon. Sixteen pa lamang siya nang una niya itong makita at si Felix ay bente-otso na noon. Pinakabatang milyonaryo sa kanilang lugar. Sa loob ng isang taon ay mga apat na beses niyang nakita ang binata na kausap ng ama. Kaarawan niya nang muli itong makita at isinayaw pa nga siya. Doon muling nabuhay ang paghanga ni Yuna sa binata at inalagaan na niya iyon sa kanyang puso.Oo, mahal niya si Felix. Masaya siyang inadya ng kapalaran na maikasal sila. Ramdam naman niyang pinakialaman siya ni Felix nang gabing iyon kaya hindi na siya tumutol kahit pa nga mukhang shotgun wedding ang nangyari. Sa kanyang puso ay hindi na magiging mahirap ang mahalin ito kaya naman ipinangako niyang gagawin ang lahat upang matutunan siyang mahalin ng lalaki. Naniniwala kasi siya na kung nagawa naman siyang galawin ni Felix ay baka magawa din siyang mahalin nito. Ngunit sa pag