"Isa itong kalokohan!" Sigaw ni Donya Belinda at hinagis ang isang tasang porselana, kaya nabasag ito sa sahig at dahil sa pagpuwersa nito ay sumakit ang tahi nito mula sa operasyun.Nagmamadaling humakbang si Jessie upang pahinahunin ang matanda , tinapik ni Jessei ang likod nito gamit ang kanyang maliliit na kamay, "Tita, kagagaling mo pa lang, bawal pa po sa inyo ang kumilos ng labis lalo na hindi ka pa dapat magalit" paalala ni Jessie. Namumula ang mukha ni Donya Belinda sa galit."Jessie, tawagan mo si Yuna ngayon din at sabihin mong puntahan ako agad agad" utos ni Donya Belinda.Nagising si Yuna at nalaman niyang wala na ang lahat ng maiinit na paghahanap sa Internet. Gaya ng inaasahan, inalis na nga ni Patrick ang lahat ng maiinit na post sa internet.Medyo naantig siya at naisipang imbitahan ang binata sa hapunan mamaya. Kakatapos pa lamang maghugas ng mukha at palabas sana nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jessie."Yuna, magpunta ka daw sa ospital, gusto kang makita
Tiningnan ni Yuna ang telepono at tila nawawalan na ng pagasa. Bakit nga ba siya nagmamatigas, bakit ginagawa niyang malaking bagay sa kanya ang tumawag. Ngayon na hindi pa lumabas ang kanyang ama, wala siyang kalayaan.Kinuha niya ang mobile phone at ida-dial na sana ang police station nang bumukas ang pinto ng ward.Si Felix ang dumating na iyon at nakatayo sa pintuan kasama si Marlon. Tumama ang araw sa likuran nito kaya naging makapangyarihan ang anino nito.Ang liwanag ng silat ng araw at ang tikas ng personalidad nito ay nagsanib at nagdulot ng nakakakilabot na presensya. Pagkapasok ni Felix, ang kanyang mga mata ay bumagsak kay Yuna at nakita nito ang bakas ng sariwang dugo sa mukha ng asawa. Ang matatalalim na mga mata nito ay tumuon kay Jessie."Anong ginagawa mo dito Jessie?Nagsusumbong ka ba?" Nanginig si Jessie sa titig na iyon ni Felix. Si Donya Belinda ang sumagot ng tanong na iyon."Hindi niya sinabi yun. Ako ang nagtanong kay Hanna nang makita kong nagkukumpulan ang
Lumapit si Jessie kay Don Belinda at mahinang sinabi"Tita, hindi ko alam na ginawa ito ni Hanna noon. Ikinalulungkot kong abalahin po kayo ngayon sa bagay na ito" humingi ng pasensya si Jessie sa ina ni Felix.Nanahimik si Donya Belinda ng ilang segundo bago sinabi ."Hindi ikaw ang nagreklamo sa akin, kundi ang mga tagahanga mo sa labas at slang mga nagsimula ng gulong ito" sabi nito pagkatapos. Tumango si Jessie lumuhod sa lupa, at ang kanyang mga mata ay muling lumuha."Pero ang aking mga tagahanga ay mga bata pa, hindi ko kaya na naroon sila sa kulungan..." Sabi ni Jessie na nanantiling nakaluhod"Jessie, bumangon ka muna sa pagkakaluhod" natatakot si Donya Belinda na baka mapano si Jessie kakaluhod at masaktan ang bata.Tinulungan ni Manang Zonya si Jessie na makatayo. Pagkatapos ay pasimpleng sinulyapan ni Jessie si Felix..Naunawaan naman ni Donya Belinda ang nais ni Jessie at tumingin ito sa seryosong anak."Felix, pwede bang itigil mo na ang pakikipagtalo sa mga tagahanga
Pagod galing sa biyahe si Felix mula sa pakikipagusap sa mga bagong ka merge sa bago niyang business at hindi pa rin nawawala ang inis ibya sa biyanan sa ginawa nito ng lingid sa knayang kaalaman.Bagamat sinabi ng kanyang asawa na wala itong kinalaman sa naging hakbang ng ama ay hindi niya ito pinaniwalaan.Kaya kahit sana maaari na siyang umuwi sa ikalawang araw ay mas pinili ni Felix na umuwi sa ikatlo at magpalipas sa kanyang suites sa isang hotel na pagaari din naman niya. Kinabukasan pagpasok niya sa opisina ay nakatawag ng pansin sa kanya ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.Ikinagulat at ikinakuyom ng mga kamao ni Felix nang makita ulit ang folder na nasa ibabaw ng table sa kanyang opisina. Sa pagkakatanda niya, matagal na ito doon.Naging abala siya nang sobra nitong nakaraang buwan kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin. Pagbuklat niya ay divorce paper iyon mula sa asawa ngunit ang ikinakunot ng noo ni Felix ay ang dahilan o ground ng diborsyo na nakakabilog p
Nakatanaw sa bintana si Yuna, sa malayo tinangay ang kanyang kamalayan. Sa mga panahon āyon ay simple lamang ang kanyang gustong mangyariā ang makamit ang nag-iisang bagay. Pang-ilang araw na ba? Palagay niya ay matagal na. Inikot ni Yuna ang paningin sa labas ng mansyon ng mga Altamirano. Magara, matayog, malawakā¦ pero salat sa ligaya, salat sa lahat. Sagana sa kung anumang makakapagpaligaya sa mata ang kanyang paligid ngunit nababalot ng lungkot at kadiliman ang puso niya.āMiss Yuna, dumating na po ang Senyorito Felix,ā pukaw sa kanya ng nag-iisang katulong na kakampi niya sa malaking hawlang iyon. Dumagundong ang kaba at excitement sa dibdib ni Yuna nang marinig ang sinabi ni Manang Asun.āTotoo bang nandito na siya? Bumalik na siya?ā Walang mapagsidlan ang kaligayahan at tuwa si Yuna. Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa isa pang bahagi ng bintana saka tumanaw sa malawak na bakuran. Humantong ang mga mata sa sasakyang nakahinto sa malawak na garahe.Kakaibang tuwa, kilabo
Isang araw ay niyaya ito ng kanyang ama na uminom at sa pakikisama ay pumayag ito. Ngunit hindi pala sanay ang mayaman na binata sa inuming inilatag ng kanyang ama. Medyo gabi na noon nang makabalik si Yuna mula sa paglalako ng paninda at nadatnan niyang lango na sa alak ang ama at ang binatang bisita nito. Hahayaan na sana niya ang mga ito sa labas nang biglang umambon at mababasa ang dalawa. Unang binuhat at kinaladkad ni Yuna ang ama at ihiniga sa sofa saka niya isinunod ang binatang bisita. Dahil maliit at lupa ang kanilang sahig ay sa silid niya ito dinala at pinahiga muna. Saka niya niligpit ang pinag-inuman ng mga nito. Ang kaso ay habang nagliligpit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog. Halos basang-basa si Yuna. Nagpalit na lamang ng damit ang dalaga at sumiksik sa isa pang maliit na sofang kawayan. Pero mga hating gabi ay naramdaman niya na para siyang binuhat at pagkatapos ay inilapag sa kama. Mainit ang pakiramdam niya kaya akal
Tahimik na lamang na lumuha si Yuna. Inaamin niyang crush niya noon si Felix kahit pa nga sampung taon ang tanda nito sa kanya noon. Sixteen pa lamang siya nang una niya itong makita at si Felix ay bente-otso na noon. Pinakabatang milyonaryo sa kanilang lugar. Sa loob ng isang taon ay mga apat na beses niyang nakita ang binata na kausap ng ama. Kaarawan niya nang muli itong makita at isinayaw pa nga siya. Doon muling nabuhay ang paghanga ni Yuna sa binata at inalagaan na niya iyon sa kanyang puso.Oo, mahal niya si Felix. Masaya siyang inadya ng kapalaran na maikasal sila. Ramdam naman niyang pinakialaman siya ni Felix nang gabing iyon kaya hindi na siya tumutol kahit pa nga mukhang shotgun wedding ang nangyari. Sa kanyang puso ay hindi na magiging mahirap ang mahalin ito kaya naman ipinangako niyang gagawin ang lahat upang matutunan siyang mahalin ng lalaki. Naniniwala kasi siya na kung nagawa naman siyang galawin ni Felix ay baka magawa din siyang mahalin nito. Ngunit sa pag
Mabilis at malalaking hakbang na sinalubong ni Yuna ang dalawang walang kamalay-malay na naroon siya. Nataranta namang sumunod ang katulong na kasama niya. Pero napako ang mga paa ni Yuna na isang dipa na lang layo sa dalawa. Nakita kasi ni Yuna na malambing na inaakay ng kanyang asawa ang babae. Parang sinaksak ang puso niya. Dahil sa pagkatulala ay nakatawag iyon ng pansin kay Felix na napatingin sa direksyon niya. Kumunot pa ang noo nito. āBakit, Felix? Kilala mo ba ang babaeng iyon?ā tanong ng babaeng inaalalayan ni Felix. Hindi kumibo si Felix pero inakay ang babae papasok ng kotse pero hinarang sila ni Yuna na nagawa kumilos mula sa pagkatulala saka nakipagtitigan sa asawa. āFelix, sino ba ang babaeng ito?ā sabi ng babaeng kasama ni Felix.āAko sino ako? Hah! Sino nga ba ako, Felix? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ng malanding babaeng kasama mo?ā sabi in Yuna.āStop it, Yuna. Nakakahiya ka!ā Hasik ni Felix.āSino ka bang mahadera ka. Parang laking eskwater! Sino ba siya