Samantala sa ibang dako,Ipinadala sa ospital ni Felix si Jessie, at ang obstetrician ay dumating upang suriin ito. Lalabas na sana si Felix, kaya nagulat si Jessie at pinigilan siya."Felix, samahan mo ako dito, takot na takot ako..." Nakita ni Felix na maputla ang mukha nito, kaya hindi niya binitawan ang kamay nito at hiniling sa doktor na suriin siya. Inireseta ng doktor ang ilang mga utos. Itinulak ni Felix ang pinto kung saan siya nakahiga para magsagawa ng ilang pagsusuri. Ang mga resulta ng pagsusulit ay normal lahat. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Felix."Pero nakaramdam pa rin ako ng sakit sa tiyan ko, masakit.Bakit ganit bakit ang sakit" Malungkot na iyak ni Jessie, hinawakan ang kamay ni Felix para pigilan siyang umalis.Binawi ni Felix ang kanyang kamay nang at hindi lumingon, tumalikod at tinanong ang doktor""Bakit sumasakit pa rin ang tiyan niya akala ko ba okay siya" "Siguro dahil na stress siya o natakot""Anong maaring gawin para kahit papaano ay mabawasan
Inabutan ni Patrick si Yuna na nakatayo ito sa harap ng isang lapida, malungkot ang kanyang mukha, ngunit mayroon siyang nakakagulat na kagandahan. Nang makita ng kanyang mga mata ang pangalanat larawan sa lapida, nagulat siya, at ang dugo sa kanyang katawan ay tila nagyelo hanggang sa mga talampakan ng kanyang mga paa."Siya ba ang iyong ba ang iyong ina, Si Yolanda Milies?," lumingon si Yuna sa nagsalita at nagtatakang nagtanong habang namumula ang ilong,"Kilala mo ang nanay ko? Tumingin si Patrick sa kanya ng malalim,"Ang nanay mo, nag-iwan ba sayo ng isang kuwintas?" Kinapa ni Yuna sa leeg ang kuwintas na suot niya pamana iyong ng kanyang ina ayon sa kuwento ng kanyang ama. Lumapit si Patrick at nang makita niya ang kwintas pinagmasdan niya itong mabuti, biglang lumiit ang kanyang mga mata."Ang simbolong pamilya Buenavista"Noon daw ay ayaw magpakasal ng panganay na anak na babae ng pamilya Alcasar na si Beatris Buenavista kaya tumakas siya sa pamilyang Amerikano at pinalitan a
Hindi naikubli ni Jessie ang poot sa kanyang mga mata lalo na at hindi pinansin ni Felix ang pagtawag niya. Hinahangaan niya si Felix mula pa noong bata pa siya at sampung taon na niyang minahal. Sa huli, hindi na niya mapantayan ang isang batang babae na nakasama nito sa loob lamang ng dalawang taon. Ang pagalis na iyon ni Felix ay alam niyang sa isang tao lamang ito pupunta Ang mga kuko ni Jessie ay bumaon sa kanyang laman ang poot ay bumulwak sa kanyang puso.Samantalang..si Felix ay nakaalis na at nagmaneho pabalik sa lumang Villa at naglakad papasok sa villa sa malakas na ulan nang hindi man lang nakahawak ng payong.Pero walang tao ang kwarto, walang Natatakot na Yuna.Walang naghihintay na asawa sa kanya "Hindi ba bumalik si Yuna?" Nagtatakang tanong ni Felix.Tinawagan niya ito, ngunit walang sumasagot sa tatlong ulit na tawag. Si Felix ay mukhang malungkot at tinawagan si Marlon."Tingnan mo kung nasaan si Yuna. Agad namang kumilos si Marlon at nagpunta upang alamin hindi
"Sir, mukhang ang asawa mo ang nasa balita" biglang kinilabutan si Felix."Nakabalik na ba si Yuna sa Villa ngayon?"Hindi pa ho Sir, inaalagaan pa rin niya marahil si Mr. Patrick sa ospital." Nang marinig ito ni Felix ay muli na namang bumalik ang pangungulimlim ng mukha ni Felix . Nanlamig muli ang mukha nito.Nagmungkahi bigla si Marlon,"Sir, gusto mo bang magpadala ng isang tao upang iuwi ang iyong asawa?""Hindi na kailangan pa" Si Marlon ay hindi nangahas na magsalita. Kinagabihan, bumalik si Felix sa Villa nina Yuna pagkatapos dalawain ang ang kanyang ina. May kausap si Manang Azun sa kusina ng dumating siya. Inakala ni Felix na nakabalik na ang yuna, kaya't hinubad niya ang kanyang coat at pumasok nang deretso ang mukha. Pero nang makalapit siya ay wala siyang nakitang bakas ni Yuna.Si Manang pala ay may kausap sa telepono at tinanong lamang si Yuna ang matanda kung ang pugad ng ibon ay dapat nilagang matamis o maalat sa gabi. Saglit munang nag-isip si Yuna bago sinabing.
"Bumalik ka ba sa bahay. Magpapadala ako ng isa pang nurse" utos nito."Ikaw na lang ang bumalik mag-isa. Nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin.Kailangan ko siyang alagaan dito." Giit ni Yuna."Magpapadala nga ako ng dalawang tagapag-alaga na mag-aalaga sa kanya dito." Hinila siya pabalik ni Felix pero pumalag si Yuna.Tumanggi si Yuna. "Hindi na kailangan, nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin, kaya gusto ko lang siyang alagaan ng personal."Asawa kita, paano mo nagagawang magalaga ng ibang lalaki?"Hindi umimik si Yuna at lalong nagmamatigas lang at ayaw bumalik. Nanlamig ang mga mata ni Felix at bumulong ito sa kanyang tainga"Ayaw mong hindi makalabas ang iyong ama, hindi ba?" nanlaki ang mata ni Yuna. Sa ganoon sinabi ni Felix ay nanlamig ang buong katawan ni Yuna. Biglsngvnapstigni nsi Yuna kay Felix."Bumalik na tayo sa bahay" ulit nito. Huminga ng malalim si Yuna at sa wakas ay sinabi kay Patrick,."Kuya Patrick total wala ka ng lagnat, magpahinga ka muna dito. Pupunta na
Ang dapat Madam ang away at hindi hinahayaang abutin ng umagam. Kung anuman ang aways ninyo dito sa loob ng silid ay dapat ding matapos sa loob ng silid at huwag ng ipagpabukas pa. Kung naguusap sana kayo at sinasabi nyo ang mga saloobin niyo lalo ka na Madam ay hindi magagalit si Sir" sabi nito.Sa tingin ni Manang Azun ay may malasakit pa rin ang amo niya sa batang asawa nito.Palagay niya at mahal talaga ito ng asawa, kung hindi ay hindi niya ito susunduin sa gabi, ngunit ang asawa ay hindi masyadong magaling sa pagpapahayag ng tamang salita, kaya tumulong si Manang na kausapin si Yuna para kay si Felix.Ngunit ayaw itong marinig ni Yuna.Bakit kailangan niyang i-comfort si Felix para mawala ang galit nito?Kung siya ang may kasalanan, maaari niyang iyuko ang kanyang ulo at aminin, ngunit hindi niya iyon problema ngayon.Nagpabalik-balik siya, sinabing hindi siya makikipagdiborsiyo, pero masyado siyang nagmamalasakit kay Jessie noon pa. Isa pa, nangako siyang ililigtas ang kanya
Pagdating na pagdating niya sa ospital, ay pasimpleng tinawagan ng nurse si Felix. Lingid kay Yuna ay nabilinan nito ang nurse na inupahan at sinabing ipaalam sa kanya kapag may dumalaw sa pasyente nito.Si Felix ng mga sandaling iyon ay kasalukuyang nasa golf course at nasa isang pulong.May tinatalakay itong mga proyekto sa mga kliyente.Good mood ito ngayon na tila isang uhaw na halaman na nadiligan ng masaganang ulan.Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap siya ng tawag mula sa nurse, at sinasabi nito na si Yuna ay nagpunta muli sa ospital.Nakuyom ni Felix ang kamao at naipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, malungkot ang kanyang mukha, ngunit pagkaraan ng ilang sandali, bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon, at sumigaw siya sa malalim na boses."Marlon magpunta ka dito""Sir, nandito na po ako" sinabi ni Fleix habang nanatiling matikas sa magarang damit ang mga utos nito kay Marlon.Bagamat nagngingitngit sa galit at selos ay hindi nagpahalata si Felix at nanati
Hindi ito matanggap ni Natasha at sumimangot saka nagsalita, "Dahil ba ito kay Yuna kuya Patrick? mahal mo ba siya sa simula pa lang ha? "Si Patrick ay magiliw kay Yuna noon pa man at tinulungan nito si Yuna sa kanyang karera kaya halos mabaliw si Natasha sa selos. Hindi siya magaling magkagusto sa ibang tao at tanging si Patrick lang ang nagustuhan niya simula pa noong bata pa siya.Biglang sumagot si Patrick gamit ang pinakamalamig nitong mukha. "Sa madaling salita, hindi kita pakakasalan.""Kuya Patrick hindi mo ito magagawa sa akin! Ang kasal sa pagitan ng dalawang pamilya ay may mga relasyon na sa negosyo, at ang kasal ay parang nagiging mas matatag."Hindi kita pakakasalan." Mariing tinanggihan muli ni Patrick si Natasha.Oo, tama naman, sa mga interes ng ama ni Patrick at sa pagiging mapanloko ni ang kanyang kapatid, tiyak na gusto nilang mapadali ang bagay na ito. Dahil sa sandaling pakasalan niya si Natasha ay walang tunay na kapangyarihan si Natasha, nawalan siya ng pag