Si Yuna ay halos hindi makapaniwala. Mapanlinlang ang babaeng kausap. Kaya sinabi ni Yuna sa sarili na huwag paniwalaan ang babae at talikuran na.Ngunit tumanggi si Jessie na umalis si Yuna at hinawakan nito ang kanyang pulso.Yuna, huwag kang umalis. Patutunayan ko sa iyo kung mahalaga bakay akoc at ang bata kay Felix." Bitiwan mo ako ! "Iniwas ni Yuna ang kanyang kamay at tumakbo palabas.Si Jessie ay isang buntis na babae, hindi siya makakalapit sa kanya, kung hindi, siya ay malalagay sa alangani nkapsg may nangyari dito. Pero huli na ang lahat para kay Yuna.Hinawakan ni Jessie ang kamay ni Yuna at kusang inihagis sa sahig ang kanya katawan.Ang mukha ni Jessie ay namutla at sumigaw."Tulong masakit ang aking tiyan..."Namutla si Yuna at lumingon siya sa sahig na may galit na mga mata,."Yuna, gusto ko lang makausap ka ng ilanf saglit, bakit mo ako tinutulak?"Nagulat si Yuna."Hindi ko ginawa sayo yan Jessie"Parami nang parami ang mga taong nanonood. Sa oras na ito, narinig
Samantala sa ibang dako,Ipinadala sa ospital ni Felix si Jessie, at ang obstetrician ay dumating upang suriin ito. Lalabas na sana si Felix, kaya nagulat si Jessie at pinigilan siya."Felix, samahan mo ako dito, takot na takot ako..." Nakita ni Felix na maputla ang mukha nito, kaya hindi niya binitawan ang kamay nito at hiniling sa doktor na suriin siya. Inireseta ng doktor ang ilang mga utos. Itinulak ni Felix ang pinto kung saan siya nakahiga para magsagawa ng ilang pagsusuri. Ang mga resulta ng pagsusulit ay normal lahat. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Felix."Pero nakaramdam pa rin ako ng sakit sa tiyan ko, masakit.Bakit ganit bakit ang sakit" Malungkot na iyak ni Jessie, hinawakan ang kamay ni Felix para pigilan siyang umalis.Binawi ni Felix ang kanyang kamay nang at hindi lumingon, tumalikod at tinanong ang doktor""Bakit sumasakit pa rin ang tiyan niya akala ko ba okay siya" "Siguro dahil na stress siya o natakot""Anong maaring gawin para kahit papaano ay mabawasan
Inabutan ni Patrick si Yuna na nakatayo ito sa harap ng isang lapida, malungkot ang kanyang mukha, ngunit mayroon siyang nakakagulat na kagandahan. Nang makita ng kanyang mga mata ang pangalanat larawan sa lapida, nagulat siya, at ang dugo sa kanyang katawan ay tila nagyelo hanggang sa mga talampakan ng kanyang mga paa."Siya ba ang iyong ba ang iyong ina, Si Yolanda Milies?," lumingon si Yuna sa nagsalita at nagtatakang nagtanong habang namumula ang ilong,"Kilala mo ang nanay ko? Tumingin si Patrick sa kanya ng malalim,"Ang nanay mo, nag-iwan ba sayo ng isang kuwintas?" Kinapa ni Yuna sa leeg ang kuwintas na suot niya pamana iyong ng kanyang ina ayon sa kuwento ng kanyang ama. Lumapit si Patrick at nang makita niya ang kwintas pinagmasdan niya itong mabuti, biglang lumiit ang kanyang mga mata."Ang simbolong pamilya Buenavista"Noon daw ay ayaw magpakasal ng panganay na anak na babae ng pamilya Alcasar na si Beatris Buenavista kaya tumakas siya sa pamilyang Amerikano at pinalitan a
Hindi naikubli ni Jessie ang poot sa kanyang mga mata lalo na at hindi pinansin ni Felix ang pagtawag niya. Hinahangaan niya si Felix mula pa noong bata pa siya at sampung taon na niyang minahal. Sa huli, hindi na niya mapantayan ang isang batang babae na nakasama nito sa loob lamang ng dalawang taon. Ang pagalis na iyon ni Felix ay alam niyang sa isang tao lamang ito pupunta Ang mga kuko ni Jessie ay bumaon sa kanyang laman ang poot ay bumulwak sa kanyang puso.Samantalang..si Felix ay nakaalis na at nagmaneho pabalik sa lumang Villa at naglakad papasok sa villa sa malakas na ulan nang hindi man lang nakahawak ng payong.Pero walang tao ang kwarto, walang Natatakot na Yuna.Walang naghihintay na asawa sa kanya "Hindi ba bumalik si Yuna?" Nagtatakang tanong ni Felix.Tinawagan niya ito, ngunit walang sumasagot sa tatlong ulit na tawag. Si Felix ay mukhang malungkot at tinawagan si Marlon."Tingnan mo kung nasaan si Yuna. Agad namang kumilos si Marlon at nagpunta upang alamin hindi
"Sir, mukhang ang asawa mo ang nasa balita" biglang kinilabutan si Felix."Nakabalik na ba si Yuna sa Villa ngayon?"Hindi pa ho Sir, inaalagaan pa rin niya marahil si Mr. Patrick sa ospital." Nang marinig ito ni Felix ay muli na namang bumalik ang pangungulimlim ng mukha ni Felix . Nanlamig muli ang mukha nito.Nagmungkahi bigla si Marlon,"Sir, gusto mo bang magpadala ng isang tao upang iuwi ang iyong asawa?""Hindi na kailangan pa" Si Marlon ay hindi nangahas na magsalita. Kinagabihan, bumalik si Felix sa Villa nina Yuna pagkatapos dalawain ang ang kanyang ina. May kausap si Manang Azun sa kusina ng dumating siya. Inakala ni Felix na nakabalik na ang yuna, kaya't hinubad niya ang kanyang coat at pumasok nang deretso ang mukha. Pero nang makalapit siya ay wala siyang nakitang bakas ni Yuna.Si Manang pala ay may kausap sa telepono at tinanong lamang si Yuna ang matanda kung ang pugad ng ibon ay dapat nilagang matamis o maalat sa gabi. Saglit munang nag-isip si Yuna bago sinabing.
"Bumalik ka ba sa bahay. Magpapadala ako ng isa pang nurse" utos nito."Ikaw na lang ang bumalik mag-isa. Nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin.Kailangan ko siyang alagaan dito." Giit ni Yuna."Magpapadala nga ako ng dalawang tagapag-alaga na mag-aalaga sa kanya dito." Hinila siya pabalik ni Felix pero pumalag si Yuna.Tumanggi si Yuna. "Hindi na kailangan, nasugatan si Kuya Patrick dahil sa akin, kaya gusto ko lang siyang alagaan ng personal."Asawa kita, paano mo nagagawang magalaga ng ibang lalaki?"Hindi umimik si Yuna at lalong nagmamatigas lang at ayaw bumalik. Nanlamig ang mga mata ni Felix at bumulong ito sa kanyang tainga"Ayaw mong hindi makalabas ang iyong ama, hindi ba?" nanlaki ang mata ni Yuna. Sa ganoon sinabi ni Felix ay nanlamig ang buong katawan ni Yuna. Biglsngvnapstigni nsi Yuna kay Felix."Bumalik na tayo sa bahay" ulit nito. Huminga ng malalim si Yuna at sa wakas ay sinabi kay Patrick,."Kuya Patrick total wala ka ng lagnat, magpahinga ka muna dito. Pupunta na
Ang dapat Madam ang away at hindi hinahayaang abutin ng umaga. Kung anuman ang away ninyo dito sa loob ng silid ay dapat ding matapos sa loob ng silid at huwag ng ipagpabukas pa. Kung naguusap sana kayo at sinasabi nyo ang mga saloobin niyo lalo ka na Madam ay hindi magagalit si Sir" sabi nito.Sa tingin ni Manang Azun ay may malasakit pa rin ang amo niya sa batang asawa nito.Palagay niya at mahal talaga ito ng asawa, kung hindi ay hindi niya ito susunduin sa gabi, ngunit ang asawa ay hindi masyadong magaling sa pagpapahayag ng tamang salita, kaya tumulong si Manang na kausapin si Yuna para kay si Felix.Ngunit ayaw itong marinig ni Yuna. Bakit kailangan niyang i-comfort si Felix para mawala ang galit nito? Kung siya ang may kasalanan, maaari niyang iyuko ang kanyang ulo at aminin, ngunit hindi niya iyon problema ngayon. Nagpabalik-balik siya, sinabing hindi siya makikipagdiborsiyo, pero masyado siyang nagmamalasakit kay Jessie noon pa. Isa pa, nangako siyang ililigtas ang kanyang
Pagdating na pagdating niya sa ospital, ay pasimpleng tinawagan ng nurse si Felix. Lingid kay Yuna ay nabilinan nito ang nurse na inupahan at sinabing ipaalam sa kanya kapag may dumalaw sa pasyente nito.Si Felix ng mga sandaling iyon ay kasalukuyang nasa golf course at nasa isang pulong.May tinatalakay itong mga proyekto sa mga kliyente.Good mood ito ngayon na tila isang uhaw na halaman na nadiligan ng masaganang ulan.Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatanggap siya ng tawag mula sa nurse, at sinasabi nito na si Yuna ay nagpunta muli sa ospital.Nakuyom ni Felix ang kamao at naipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, malungkot ang kanyang mukha, ngunit pagkaraan ng ilang sandali, bumalik sa normal ang kanyang ekspresyon, at sumigaw siya sa malalim na boses."Marlon magpunta ka dito""Sir, nandito na po ako" sinabi ni Fleix habang nanatiling matikas sa magarang damit ang mga utos nito kay Marlon.Bagamat nagngingitngit sa galit at selos ay hindi nagpahalata si Felix at nanati
Hindi makapaniwalang napatitig si Yuna sa mga mata ni Felix. Nang ma realize na niya kung ano ang ibig sabihin nito ay sya namang pagpasok ni Jessie na nakabalik na mula sa pagkuha ng tubig. Binuksan ito ang pinto at nakitang magkayakap ang dalawa.Nakita naman ni Yuna sa gilid ng kanyang mga mata na nanlilisik ang mga mata ni Jessie."Anong ginagawa nyo?" Patay malisyang tanong nito."Nag uusap" Sinagot siya ni Felix sabay tinitigan ng hindi kanais nais. si Jessie naman ay tumingin kay Yuna pagkatapos ay biglang naisip ang mga payong na sinabi sa kanya ni Felix kanina. At naisip nIyang tama nga na lumaban siya. Sa naisip na iyon ay may kapilyahang pumasok sa isipan niyo Yuna.Bigla niyang Inunat niya ang kanyang mga kamay iniyakap sa bewang ni Felix At niyakap ito ng mahigpit."Felix nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, tulungan mo ako Felix" sabi niYuna na sinadyang lambingan at boses at ireguest na alalayan siya ni Felix. Nakita ni Yuna na tumaas ang sulok ng bibig ni Felix at kumis
Nabigla man sa mga sinabi ni Yuna ay nanatiling nakangiti si Jessie."Sa totoo lang ay hindi ko kaya. Pero mahal ko si Felix kaya sinisikap kong mahalin na rin yung mga mahal niya.Kung pipilitin niya na panatalihin ka sa tabi niya ay pag aaralan kong tanggapin na dalawa tayo sa buhay nya at gagawin ko yun kasi mahal ko talaga sya" Sabi ni Jessie.Pero imbis na humanga ay para pang nasuka si Yuna a pagiging tanga at sakim ng babae."Sa totoo lang naiisip ko naman na hindi natin kailangan magtalo eh" Pagpapatuloy ni Jessie."Kung sasang ayon ka sa akin. Meron akong plano. Mula ngayon, pwede tayong tumira sa iisang bubong na magkakasama. Kung oras ko ay sa akin si Felix. Kung oras mo sayo si Felix tapos pag oras mo hindi ko kayo gagambalain pero wag mo rin kaming gagambalain sa oras namin.Pwede tayong ngkaroon ng scheduling tulabg ng kapag mwf ay sa kain siya at TThS naman sa akin at kapag linggo sama sama tsyong tatlo" mungkahi pa nito.Natawa ng pagak si Yuna sa pinagsasabi ni Jessie.
Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay isang napakasuyo at matagal na halik sa labi ang ginawa nito.Nagulat si Yuna at mahinang sinaaway si Felix"Felix, ano ang ginagawa mo?" "Saglit na lang" sabi ni Felix na itinuloy ang pagyakap sa kanya at mas pinalalim ang halik bago tumigil."Pinapupunta ako ng Mama sa hospital sandali" paalam nito.Gumalaw ang mga labi ni Yuna, may nais sabihin peroang tanging nasabi niya ay"Sige..." bukod sa salitang ito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pagkatapos niyang maaksidente sa sasakyan, iniligtas siya ni Felix at buong puso siyang inalagaan. Hindi niya kayang tanggihan ito ngayon o sa mas madaling salita ay hindi niya na kayang pakawalan ito ngayon.Kaya sa isip ni Yuna ay ayaw na muna niyang isipin muna ang mga masalimuot na bagay na iyon, tratuhin na lang niya ito bilang huling kasakiman niya.Sa ngsyon gusto niyang eenjoy na ganito sila ni Felix.Umalis na si Felix matapos siyang bilinan nang sangkatutak. Naghatid naman si Marlon ng isang ma
Ang akala ni Yuna ay aalalayan lamang siya ni Felix papuntang banyo pero nagulat siya dahil eto na ang nagtimpla ng temperatura pagkatapos ay dinala siya nito sa shower room at pagkatapos ay tinulungan na siyang magalis ng damit. "Ano ang ginagawa mo?sabi ko kaya ko na nga" tanggi ni Yuna.Ayaw niyang tulungan siya ni Felix na malinis ng karawan?."Huwag mong sabnihin papaliguan mo ako?""Oo naman, tama ang hula mo" sabi ni Felix."Ano? papaliguan mo talaga ako?ikaw ang maghuhugas ng katawan ko"gulat na tanong ni Yuna ."Anong nakakagulat doon? Anong parte ba ng katawan mo ang hindi ko pa nakita para magulat ka ng ganyan"msnghang tanong ni Felix " Biglang namula ang mukha ni Yuna "Huwag na nga hayaan mo na ako magisa" giit ni Yuna. "Hindi pwede, hindi ikaw ang masusunod, paano kung madulas ka sa banyo, mawalan ka ng malay o kaya tumama ulit ang ulo mo at maging delikado paano na? Bawal kang tumanggi" biglang sabi ni Felix pagkatapos ay bigla siyang binuhat ni Felix at dinala sa
"Nawala na ba ng kaunti ang pagkahilo mo" malambing na tanong nito na hinimas ng magaan ang kanyang ulo. Pagkatapos ay inilapag sa lamesa ang isang baunan."Ginawa ni Manang ang iyong paboritong chicken drumsticks at chopsuey ngayong gabi." Binuksan ni Felix ang baunan at humalimuyak ang mabangong amoy ng ulam.Napangiti si Yuna nang makita ang masarap na pagkain. Napangiti naman si Felix nang makita ang magandang ngiti ni Yuna, at bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.Habang kumakain sila ay may kumatok sa pinto ng ward, at pagkatapos ay itinulak ito pabukas. Si Patrik ang nakita nilang nakatayo sa pintuan, hawak ang isang bouquet ng pink na rosas sa kanyang mga payat na kamay. "Anong ginagawa mo dito?" Nanlamig ang mukha ni Felix nang makita siya. "Narinig ko na naaksidente si Yuna" sabi nito."At narito ako para kamustahin siya." Ngumiti si Patrick at mabilis na naglakad papasok. "Yuna, pumunta ako para kamustahin ka." Iniabot ni Patrick.Ngunit sa sandaling iyon, nais
"Oo, nang ilang araw ka nang na-coma at hindi mo alam kung gaano siya kasungit sa amin. Kaming mga medical staff ay hindi na nangangahas na pumunta sa ward na ito. Dahil ng mga oras na hidi ka dumidilat ay halos patayin niya kami sa mga titig niya" kuwento ni Doc Shen.Hindi maisip ni Yuna kung ano bakit ganun si Felix.Hindi niya maimagin ang hitsura ng ekspresyong iyon. Galit ba ito dahil naaksidente siya? Ganun pa man ay naantig si Yuna. Saglit pa silang nagkwentuhan ni Doc Shen bago bumalik si Felix. Pagbukas nito ng pinto at pagpasok, nakita ni Felix na sila ay nag-uusap at nagtatawanan ng doktorSumulyap si Felix kay Shen, ang kanyang mga mata ay hindi maipaliwanag na malamig. Inakala ni Shen na baka galit ito dahil binubuking niya ang lalali kay Yuna.Kaya nagkunwaring ito nagulat at napasigaw."Kuya Felix nakabalik ka na taning niya sa papasok na si eix ba matalim ang titig sa kanya. "Kanina pa"sagot nito kaya nalaman ni Shen na narinig nga siguro nito ang kuwentuhan nipa ni Yu
Ang labis na pagaalala sa mukha ni Felix ay parang ipininta dahil hindi iyon nangbabago mula pa kanina."Normal lang ito.Naaksidente ka at ang-concussion ang sanhi ng hahihilo ka at sasakit ang ulo mo at baka masusuka ka rin. Nakukuka ka ba ngayon?" Umiling si Yuna.Ngunit pagdating sa aksidente sa sasakyan, naalala niya ang may peklat na mukha ni Mang Chino na siyang bumunggo sa kanya.Alam ni Yuna na sinadya ng lalaking sagasain ang sasakyan niya. Nanumbalik ang kilabot sa katawan niya kaya biglang hinawakan ni Yuna ang kamay ni Felix at nanginginig na sinabing."Si Mang Chino iyon... ang bumangga sa sinasakyan ko. Siya ang nakabanggga sa akin!"Nanlamig ang mga mata ni Felix. Bumalik ang poot sa mata kanina lamang ng marinig ang ulat ni Marlon."Alam ko, nasabi na nila sa alin.Nagpadala ako ng mga tao para arestuhin siya" sagot ni Felix.Sa ngayon si Chino ay natitikman na ang parusang ni sa panaginip ay hindi niya papangarapin.Tiyak na nagtatawag na iyon sa lahat ng santo ngayon.H
Samantala sa hospital ay walang malay si Yuna.Nabigyan na siya ng tamang lapat ng gamot.Habang nakapikit ang mga mata ay tila nanaginip si Yuna.."Yuna... Yuna..huwag kang matutulog...huwag mo akong iiwan...gumising ka please....Idilat mo ang mga mata please...huwag mo along iiwa, Yuna.....Yuna....!!"Napakalabo ng kahulugan, ngunit naririnig niya ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung sino ang taong iyon, pero ang alam niya lang ay paulit-ulit nitong sinasabi,"Huwag kang matulog, imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ako, huwag kang matulog..." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya. Nalilito at nalalabuan si Yuna hindi niya makita ang mukha ng kumakausap sa kanya.Hindi niya alam kung gaano ito katagal, pero pakiramdam niya ay parang nabitin ang katawan niya sa hangin, at may nagsindi ng flashlight sa mga mata niya. Narinig niyang may nagtanong na lalaki sa namamaos na boses...."Kamusta siya doc?""Doctor...? Doctor? nasa hospital n
Sumakay si Felix sa kanyang kotse at inutusan si Marlon na mabilis na magtungo sa direksiyon ng lumang Villa.Malayo layo ang lumang Vill sa kinaroroonan ni Felix kaya bago pa man makarating sina Felix sa lugar Pinauna na niya ang ilang mgha tauhan sa lugar pagkatpaos ay pinasunod ni Felix ang kanyang mga body guard upang tumulong sa paghahanap kung saka sakali.Pagsapit sa lugar ay agad kumilos ang mga ito. Ang isang grupo ay pupunta sa Villa mismo ni Yuna upang maghanap, at ang kabilang grupo ay pupunta sa shop ni Yuna upang maghanap din. Ang ilan ay sa paligid naman na daraanan ni Yuna naghanap. Pinayagan din niyang maghanap si Marlon kasama ng ilang tauhan para mabilis na mahanap si Yuna.Tinatawag ni Felix si Yuna sa habang nakaupo siya sa likurang upuan ng sasakyan at naghihintay ng balita ng mga tauhan.Ngunit hindi makalusot ang kanyang tawag, hindi niya makontak si Yuna at nagsisimula ng maging impeyerno ang pakiramdam ni Felix. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa sobra