Tita, kailangan mong operahan isang araw pagkatapos bukas, kaya matulog na po kayo ng maaga ngayong gabi." Sabi Jessie. Sa isip niya ay sinasadya niyang lambingan at maging mahinahon. Talagang ginawa niya ang lahat para maalagaan lamang ang ina ni Felix para makita nito ang malaling bagay na naitulong niya sa ina ni Felix."Kailangan kong sabihin sa iyo ang lahat ng gusto kong sabihin, kung hindi man ay natatakot ako na baka hindi ako makababa sa operating table. Felix, malinaw mo ba akong narinig Kailangan mong ipangako sa akin na pakasalan si Jessie at iuwi mo sa bahay." Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Felix.Nakasimangot si Felix, pero sa huli ay pumayag na rin lalo na ng makitang nanghihina na ang kanyango ina."Oo." Nakahinga ng maluwag si Donya Belinda at humiga sa kama."Okay, pwede na akong matulog ngayon.Maligaya na akong nakita kita.Maligaya akon nakikita ko kayong dalawa ni Jessie at excited na ako sa aking magigng apo.""Okay." Tinulungan ni Jessie si Donya
Kinabukasan ay abala si Yuna sa pagtatrabaho sa kanyang studio pansamantala kasi ay wala siyang assistant dahil si Myka ay nasa isang business trip kaya kinakailangan ni Yuna na magsipag at magtrabaho talaga araw araw. Sa kanyang kaabalahan ay bigla siyang ginambala ng kanyang isa pang assistant na si Lyn."Boss, may bisita po kayo sa baba at pinahanap kayo"sabi niyo."Sige paki sabi bababa na ako" sagot ni Yuna.Bigla nitong itinigil ang ginagawang sketch at nagmamadaling bumaba.Nagulat si Yuna nang makitang si Jessie ang naghihintay sa kanya sa ibaba. Nang makita ni Jessie na pababa si Yuna ay ngumiti ito at binati pa siya.Pagkatapos ay direktang tinanong siya."Yuna naibalik mo na ba kay Felix yung bag ?" tanong agad nito sa kanya.Napataas ng kilay si Yuna at hindi akalain na nagpunta lamang ang babae roon para tanungin ang mga ganung bagay."Oo, naibalik ko na" tamad na sagot ni Yuna sagot ni Yuna pero mahinahon ang boses. Pagkatapos ay tinanong ng sarcastic ang babae."Miss Jes
Pagdating sa shop ni Yuna sa kanyang shop. Hindi inaasahan, nang buksan ang pinto, gulo ang buong studio, at wasak ang lahat sa loob.Natigilan si Yuna at tinanong si Lin"Lin, ano ang nangyari? Nakawan ba ang studio kagabi?""Hindi ko alam Boss, ngayon lang ako nakarating dito." Nalilito din si Lin."Nasaan ang Anna? Pumasok na ba siya?" Tanong ni Yuna"Hindi pa po.Wala pa nga don po yun.Nakapagtataka nga dahil late na eh kadalasan maaga yun eh" sagot ni Lyn."Oo nga, pasado alas nueve na ng umaga." Doon lamang parang naalala ni Yuna ang oras. Biglang nagkaroon ng masamang pakiramdam sa kanyang puso at inutusan si Lin."Pumunta ka sa bodega at tingnan kung naroon pa ang batch ng mga bagong disenyo ng damit" utos niya. Nagmadali naman si Lin na nagpunta sa sa bodega.Tumakbo si Yuna paakyat sa ikalawang palapag. Magulo din ang kanyang opisina, at nadurog ang buong laptop niya.Biglang nanlamig si Yuna. Namutla ang kulay ng mukha niya at yumuko siya para hanapin ang mga drawings niy
Lumabas ng istasyon ng pulisya na halos tulala. Nalilito talaga siya at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang mga bagay na nagyari. Pagkatapos mag-isip tungkol dito, nagpasya siyang tawagan si Patrick.Natahimik sandali si Patrict matapos sabihin ni Yuna ang mga natuklasan, at pagkatapos ay inaliw siya nito upajg hindi na siya magalala. "Huwag kang mag-panic, magpapadala ako ng isang tao para hanapin ang kinaroroonan ni Anna.Pagbabayarin natin ang tauhan mo na yan sa abala at krimen niyang ito" " "Talaga? Mahanap mo ba siya?" "Susubukan ko." Sabi sa kanya ni Patrick at ibinaba ang telepono. Inabutan siya ni Xia ng isang tasa ng kape at nagtanong."Boss Patrick, tutulungan mo ba talaga si Miss Yuna na mahanap si Anna?" Umupo si Patrick sa sofa na may eleganteng postura, binuklat ang mga dokumento sa kanyang kamay at nagtanong, "Kung lalabagin ni Yuna ang kontrata sa ating ABB Group, magkano ang kabayarang kailangan niyang bayaran?" Sumagot si Xia "Gumastos tayo ng 50 milyong s
Nakita din ito ni Jessie, ngunit sa pagkakataong ito ay nagkunwari siyang hindi ito nakikita. Ayaw niyang pumunta si Felix at magmalasakit na naman kay Yuna, at mas natakot siya na malaman ni Felix ang nangyari kay Yuna ngayon. "Felix, medyo pagod na ako" Biglang hinila ni Jessie ang manggas ni Felix. Sinulyapan ni Felix ang kamay ni Jessie."Tara na, iuuwi na kita." Palihim na nakahinga ng maluwag si Jessie."Doc.....Doc, tulungan niyo po siya."tawag ni Jhong sa doktor na talagang nagaalala.Dinala ni Jhong si Yuna sa hospital dahil nawalan ito ng malay dahil sa taas ng lagnat siya.Nakasandal ito sa mga braso niya na namumula ang mukha.Nagpunta si Jhong sa ABB group ng umagang iyon upang talakayin ang kooperasyon sana niya sa kumpanya. Palabas na sila ng building ng mapansin na maraming tao ang nagtipon sa labas ng building. Lumapit siya at nakita niyang si Yuna ang pinagkakaguluhan.Nasa semento iyo st walang malay. Kaya agad niya itong tinulungan.Kaya heto ngayon at dinala niya
"Anong pinagsasasabi mo?" Napag usapan na nila ito noong araw na iyon, at ngayon, dapat ay wala na silang relasyon sa lahat, maliban sa panahon ng deadline at makuha ang sertipiko ng diborsyo."Gusto mo ba ng dalawang bote ng fluid " Umupo si Felix at tinanong siya."Oo, sige." Hindi alam ni Yuna ang sasabihin, kaya inalis niya ang kamay nito at ipinagpatuloy ang pagkain ng lugaw.Nakita ni Felix ang paglaban nito at medyo masama ang mukha nito, at biglang inalis ang lugaw sa harap nito.Bahagyang natigilan si Yuna, tumingin sa kanya.Ano ba?""Paano ka gagaling? Anong sustansya ang makukuha mo sa pagkain ng lugaw lang " Napalingon si Felix at biglang sumigaw."Marlon.....!" Dumating naman si Marlon na may dalang lunch box na may ilang patong na layer, na naglalaman ng ilang klase ng pagkain, na pawang mga paborito ni Yuna."Madam, ito po yung ulam na pinagawa ng asawa mo sa Renz Restaurant, na pawang paborito mo." Pagmamalaki ni Marlon.Si Yuna ay lubhang nalilito, bakit niya alam
Nakinig si Felix sa mga sinasabi nito, hindi niya alam ang iniisip nito, at lalong dumidilim ang kulay ng kanyang mga mata."Ang lamig....." Bigla niyang niyakap ang sarili, nanginginig si Yuna sa lamig.Malamig talaga, parang nababad ang buong katawan ko sa tubig na yelo, at umabot sa buto niya ang lamig.Gusto niyang bumaloktot at magkumot ng sampong doble.Niyakap siya ni Felix, na para bang nagbibigay ng init, at humiga ito sa loob ng kumot, hinayaang siya nito sumandal sa kanyang mga braso.Hinipo ni Yuna ang dibdib nito ang pinagmumulan ng init at lalong nagsumiksik doon nang malapitan, ang maliit na mukha nito ay lalojg sumiksik sa dibdib nito, nanginginig habang sinasabi."Ang lamig Felix..ang lamig...""Huwag ka ng magalala, nandito na ako." Pinaikot siya ni Felix ng dahan dahang hinahaplos ang mahabang buhok niya at hinagod hagod ang kanyang likod.Niyakap naman siya ni Yuna nang mahigpit, ang mga kamay nito ay nasa leeg niya, na gusto ng mas maraming init.Kinailangan ni Fel
May pumasok na doktor kasunod si Doc Shen na nagkataong isa sa kanila. Nang makita niya ito ay namula si Yuna at nagtago sa ilalim ng kumot.Katatapos lang maligo ni Felix nang makita ito ni Shen, hindi niya maiwasang ng doctor na itaas ang kilay at nakangiti na sinabi."O, mukhang lumalala ang pasyente dahil ikaw ang bantay. Bakit nandito ka pa" "May sakit pa siya, kailangana ko siyang alagaan diba?." Hindi naman nahiya si Felix dahil si Sjen naman sng kausap. Dahan dahan niyang inayos ang kanyang manggas at lumapit kay Shen."Kumusta na siya ngayon?" Pagdating sa profesyun ay ibsng usapan na, bumalik si Shen sa seryosohan at sinabing."Tinamaan lamang si hipag ng Flu at matinding sipon dahil sa panahon. Ngayon ay humupa na ang lagnat. Hindi naman ito malaking problema. Magreseta na lang ako ng gamot at ipainum mo sa kanya sa oras" sabi ni Doc.Shen"Okay, sige" Kalmado si Felix. "Kailangan magpahinga ni Yuna kaya huwag mo siyang pagurin" bilin pa ni Shen habang nangingiting naka
Pinisil nito ng mahigpit ang kanyang maliit na kamay.Pero isinarado ni Yuna ang kanyang mga daliri.Ngumuso si Felix, mapanganib na umirap ang kanyang mga mata pagtingi niya sa asawa Naramdaman naman ni Yuna na mas ang timpla na ni Felix na parang kakainin siya ng buhay ng mga mata nito, kaya't mabilis siyang tumakas."Paalam na Felix papasik na ako sa loob. Mag -ingat sa kalsada!" Pasigaw na sabi ni Yuna.Tumakbo si Yuna papsok ng kabahayan na, medyo magulo at mabilis pa rin ang kanyang paghinga kaya halia hawak nuya ang kanyang diddib.Grabe talaga ang epekto sa kanya ni Felix."Nakaalis na si Felix?" Tanong ng kanyabg ama.Sa sandaling pumasok si Yuna sa villa ay umalingawngaw ang mapanuksong boses ng kanyang ama. Namula si Yuna at tumayo ng maayos, tulad ng isang mahiyaing bulaklak."Tay, ngayon mo lang ba kami nakitang ano...na ganito?" tumango ang kanyang ama at malapad ang ngiti."Nais ko sanang hanapin ka, ngunit sa hindi inaasahan ay...." hind na nais tapusin ng kanysng am
Natigilan si Yuna at mabilis na itinaas ang kanyang mga mata upang tumingin sa pintuan ng villa, sa takot na makita ito ng kanyang ama at lola."Mag focus ka sa akin." Hindi nasiyahan si Felix sa kanyang pagkaabala at bahagyang nakagat ang labi ni Yuna.Napangiwi si Yuna sa sakit at itinaas ang kamay para hampasin siya sa balikat."Huwag mong gawin ito sa bahay ko, magkikita pa ang tatay ko"babala niya. " Ayos lang na makitan nila kapag nagkataon ay sasabihin lang nila na maganda ang relasyon natin." Ngumiti si Felix at pinalalim ang halik kay Yuna Pati ang dila nito ay ipinasok pa sa bibig ni Yuna Mamula si Yuna st panandaliang nadala sa mga ahalik na iyon. Akala ni Yuna ay medyo matapang siya at baka tuluyang madala kaya't tinulak niya ng bahagya ang dibdib ni Felix."Hayaan mo ng makita nila tayo!" Kapag nakita nila eh di nakita nila walang dapat ikahiya" Naramdaman ni Yuna na hindi na niya mahanap ang Timog-Silangang at Hilagang Kanluran Marahan dahil sa mga halik nito. Para
Walang pagpipilian si Yuna kundi ang hindi humiwalay, ang mga sulok ng kanyang mga labi ay nakakurba, at siya ay naglakad papasok sa villa kasama ni Felix.Pumasok ang dalawa sa sala at nag-iba ang atmosphere ng paligid. Ang lamig pa ng umaga, pero ngayon ay nakakurba na ang mga kilay niya, at parang nakapag-peace na sa kanila.Ang ama at lola ni Yuna ay labis na nasisiyahang ng makitang masayang bumalik sa sala ang mag asawa.Bilang mga nasa hustong gulang, mas mabuting tingnan na lamang nila ang mga bagay-bagay kesa ng magsalita pa o magkomento pa.Pumunta ang pamilya sa dining room para kumain. Biglang tinanong ni Mrs. Parson si Felix."Felix, may plano ba kayo ni Yuna na magdaos ng maayos na kasal sa simbahan?" Tanong nito na ikinagulat ni Felix. Sinabi pa ng matandang babae."Ang kasal na ginanap mo dalawang taon na ang nakakaraan ay nagmamadali lamang. Hindi dumalo ang aming pamilya buong pamilya, at hindi ipinakilala ni Shintaro ang kanyang manugang nang personal..."Ang sinabi
Napanguso si Yuna at nabulunan Nakaramdam din siya ng inis pero hindi niya magawang itaboy ang sarili sa yakap ni Felix."Ikaw lang ang nakakaalam kung paano makuha ang puso ng mga tao. Tinatrato mo ako bilang bangko ng dugo para kay Rowena" sabi niya."Pagkatapos heto, binibigyan mo kami ng isang bagay na mahalaga sa pamilya namin at gusto mong habang buhay kami ay magpapasalamat sa iyo! sinadya mo ito hindi ba?"Pakiramdam ni Yuna ay sobra ang unfair ng lahat sa kanya Nakaramdam siya nang labis na hinanakit sa asawa kaya malungkot niyang sinabi."Alam mo ba na kapag palihim mong kinukuha ang dugo ko, lagi akong nawawalan ng lakas, hindi man lang gumuhit sa puso mo ang kalagayan ko at ang hindi magandang dulot nito sa akin" suminghot si Yuna."Ang mahalaga para sayo ay ang mapagtagumpayan ang nais mo para sa babaeng iyon at hayaan ako kahit manganib ang buhay ko. Alam mo bang sa mga sandaling iyon ay para mo na rin akong sinabihang mamatay para sa kaligayahan mo" lumuluhang sabi n
Ngunit nagkaroon siya ng buhol buhol na pakiramdam si Yuna sa kanyang puso at sa maraming agam agam na iyon ay talagang hindi niya maiwasang hindi isipin at problemahin ang kanyng sitwasyun.Kung saka sakali ay mapipilitan na naman siyang pakitunguhan ang asawa at muli ay mababaon na naman siya ng utang kay Felix katulad ng nakaraan. Magiging wala na namabg katapusang paghihirap ng damdni nang mundo niya Bakit ba sng unfair ng mundo sa kanya. Ang lalaking minamahal niya ay may mahal na ibaNgayon lamang ay natuklasan niyang ginagamit siya ng lalaking pinakamamahal niya para dugtungan ang buhay ng babeng pinakamamahal nito at sa dulo ng laban na ito saan siya dadamputin kung sa simula pa lang talo na siya.Samantlaa sa silid aklatan sa itaas ay binuksan ng ama ni Yuna ang pinto ng study.Natuwa ang am ni Yuna sa nakita. Ang kanyang anak na babae ay talagang kilala siya at ibinalik ang bahay mula sa larawan ng nakaraan. Kung titingnan ay parang walang nagbago sa silid na iyon kahit maha
Sa oras na iyon, isang matatag na boses ang nangsalita na nagmula sa likuran,"Hindi po, lola, nagkaroon lang po kami ng mga ilang hindi pagkakaintindihan noon, ngunit ngayon ay nagkasundo na kami" sagot ng boses na alam ni Yuna kung kanino nagmula.Paglingon niya ay nakita ni Yuna ang matangkad at guwapong asawa na nakatayo sa pintuan ng villa.Nakasuot pa ito ng suit na suot nito sa press conference kaninang umaga, mukhang matikas at gwapo pa rin kahit pagod na. Medyo nagulat si Yuna peri hindi nagpahalata.Hindi ba siya pumasok sa trabaho? Bakit bigla itong bumalik dito?Lumapit si Felix kay Yuna at marahang hinawakan ang kanyang kamay. Medyo naiirita si Yuna ngunit nagtimpi siya, nasa harap sila ng mga matatanda, kaya napilitan si Yuna na hindi humiwalay kay Felix.Tuwang-tuwa si Mrs. Parson nang makitang nagkabalikan na pala ang dalawa."Mabuti naman at ayos na kayo. Sabi ko noon gusto kong makausap si Yuna at pagalitan ito at payuhan. Aba saan pa ba siya makakahanap ng ganoon
Noong una ay nakonsensya muna siya kay Yuna, hanggang ang konsensya ay naging awa hanggang unti unti naramdaman ni Felix na nagkaroon na siya nang kakaibang damdamin para kay Yuna. Nang maglaon, dahil sa pagkuha ng dugo, si Yuna ay nawalan ng malay noong nangkaroon ng programa sa eskuwelahan nito at si Felix ay labis na naawa kay Yuna at mula noon hindi na niya muling ginawa ang kunan ng dugo si Yuna.Pagkatapos, nakiusap si Yuna sa kanya na bilhin niya ang lumang Villa ng pamilya ni Yuna na naibenta sa iba. Nang gabing iyon nang tumingin ito sa kanya nang malungkot at nakikiusap, ang puso ni Felix na walang malasakit sa loob ng maraming taon ay hindi na napigilan pang maakit sa asawa. Pinairal ni Felix ang damdamin at naging isang tunay na mag-asawa na sila ni Yuna. Iyong ang unang pagkakataon na inangkin ni Felix ang batang asawa. Alam ng Diyos na ng inangkin niya si Yuna ay mahal na ito ng puso niya hindi pa lamang niya maamin. Mula noon, itinuring na ni Felix si Yuna bilang
Ngumisi ng makahulugan si Yuna at pinandilatan ang asawa at direktang sinabi."Bakit hindi ito makakapaekto sa akin aber? Mayroon siyang rh-negative na dugo, at ganoon din ako. Alam kong palihim mo akong kinukuhanan ng dugo noon para ibigay sa kanya, tama ba?" Glait na sumbat ni Yuna."Ang babaeng iyon ay may Aplastic anemia.Kailangan niya ang pagsasalin ng dugo sa mahabang panahon.Mahigit isang taon na ang nakalipas, nalaman mo ang tungkol sa uri ng dugo ko at bigla kang naging mabait sa akin at ang dahilan niyon ay dahil alam mo na mayroon akong isang bihirang uri ng dugo na kailangan niya, tama ba?" Dagdag na sumbat ni Yuna.Itinikom ni Felix ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.Blangko ang expresion ng mukha nito kaya mahirap basahin ang nasa kalooban nito.Nang makita ni Yuna ang walang ekspresyon na mukha ni Felix , naramdaman ni Yuna na totoo ang lahat ng haka haka niya."Tama ako hindi ba? Totoo ang naramdaman ko noon.Totoo talagang lihim mong kinukuha ang dugo ko.Kaya
Hindi sumuko si Felix, hinigpitan niya ang hawak sa baywang ni Yuna at dinala ang asawa sa kanyang harapan at tiningnan ito ng gauze na nakabalot sa pulsuhan niya, kaya hindi niya makita kung ano ang hitsura ng sugat."Bakit nasugatan ang kamay mo?""Wala itong kinalaman sa iyo." Sabi ni Yuna na tingin sa malayo at iniwasang tingnan ang asawaNang marinig niya itong magsalita sa ganung tono ay medyo umasim na naman ang dulo ng ilong ni Yuna, kaya hinila niya ang kamay nito at gustong na niyang umalis talaga.Kumunot ang noo ni Felix at naging mas naging salubong ang kilay.Tumigil si Yuna sa kanyang mga hakbang at namula ang kanyang mga mata, hindi na niya napigilan ang mga luha.Kanina pa niya kinikimkim ang lahat.Alam naman ni Felix kung ano ang ikinagagalit niya, ngunit hindi man lang ito umiimik at patuloy lang na inaakusahan siya nang hindi makatarungan. Doon lalong bumulwak ang galit ni Yuna.Limang araw, limang araw na hindi sila nagkikibuan. Ang malamig nilang away ay tumagal n