Nakita din ito ni Jessie, ngunit sa pagkakataong ito ay nagkunwari siyang hindi ito nakikita. Ayaw niyang pumunta si Felix at magmalasakit na naman kay Yuna, at mas natakot siya na malaman ni Felix ang nangyari kay Yuna ngayon. "Felix, medyo pagod na ako" Biglang hinila ni Jessie ang manggas ni Felix. Sinulyapan ni Felix ang kamay ni Jessie."Tara na, iuuwi na kita." Palihim na nakahinga ng maluwag si Jessie."Doc.....Doc, tulungan niyo po siya."tawag ni Jhong sa doktor na talagang nagaalala.Dinala ni Jhong si Yuna sa hospital dahil nawalan ito ng malay dahil sa taas ng lagnat siya.Nakasandal ito sa mga braso niya na namumula ang mukha.Nagpunta si Jhong sa ABB group ng umagang iyon upang talakayin ang kooperasyon sana niya sa kumpanya. Palabas na sila ng building ng mapansin na maraming tao ang nagtipon sa labas ng building. Lumapit siya at nakita niyang si Yuna ang pinagkakaguluhan.Nasa semento iyo st walang malay. Kaya agad niya itong tinulungan.Kaya heto ngayon at dinala niya
"Anong pinagsasasabi mo?" Napag usapan na nila ito noong araw na iyon, at ngayon, dapat ay wala na silang relasyon sa lahat, maliban sa panahon ng deadline at makuha ang sertipiko ng diborsyo."Gusto mo ba ng dalawang bote ng fluid " Umupo si Felix at tinanong siya."Oo, sige." Hindi alam ni Yuna ang sasabihin, kaya inalis niya ang kamay nito at ipinagpatuloy ang pagkain ng lugaw.Nakita ni Felix ang paglaban nito at medyo masama ang mukha nito, at biglang inalis ang lugaw sa harap nito.Bahagyang natigilan si Yuna, tumingin sa kanya.Ano ba?""Paano ka gagaling? Anong sustansya ang makukuha mo sa pagkain ng lugaw lang " Napalingon si Felix at biglang sumigaw."Marlon.....!" Dumating naman si Marlon na may dalang lunch box na may ilang patong na layer, na naglalaman ng ilang klase ng pagkain, na pawang mga paborito ni Yuna."Madam, ito po yung ulam na pinagawa ng asawa mo sa Renz Restaurant, na pawang paborito mo." Pagmamalaki ni Marlon.Si Yuna ay lubhang nalilito, bakit niya alam
Nakinig si Felix sa mga sinasabi nito, hindi niya alam ang iniisip nito, at lalong dumidilim ang kulay ng kanyang mga mata."Ang lamig....." Bigla niyang niyakap ang sarili, nanginginig si Yuna sa lamig.Malamig talaga, parang nababad ang buong katawan ko sa tubig na yelo, at umabot sa buto niya ang lamig.Gusto niyang bumaloktot at magkumot ng sampong doble.Niyakap siya ni Felix, na para bang nagbibigay ng init, at humiga ito sa loob ng kumot, hinayaang siya nito sumandal sa kanyang mga braso.Hinipo ni Yuna ang dibdib nito ang pinagmumulan ng init at lalong nagsumiksik doon nang malapitan, ang maliit na mukha nito ay lalojg sumiksik sa dibdib nito, nanginginig habang sinasabi."Ang lamig Felix..ang lamig...""Huwag ka ng magalala, nandito na ako." Pinaikot siya ni Felix ng dahan dahang hinahaplos ang mahabang buhok niya at hinagod hagod ang kanyang likod.Niyakap naman siya ni Yuna nang mahigpit, ang mga kamay nito ay nasa leeg niya, na gusto ng mas maraming init.Kinailangan ni Fel
May pumasok na doktor kasunod si Doc Shen na nagkataong isa sa kanila. Nang makita niya ito ay namula si Yuna at nagtago sa ilalim ng kumot.Katatapos lang maligo ni Felix nang makita ito ni Shen, hindi niya maiwasang ng doctor na itaas ang kilay at nakangiti na sinabi."O, mukhang lumalala ang pasyente dahil ikaw ang bantay. Bakit nandito ka pa" "May sakit pa siya, kailangana ko siyang alagaan diba?." Hindi naman nahiya si Felix dahil si Sjen naman sng kausap. Dahan dahan niyang inayos ang kanyang manggas at lumapit kay Shen."Kumusta na siya ngayon?" Pagdating sa profesyun ay ibsng usapan na, bumalik si Shen sa seryosohan at sinabing."Tinamaan lamang si hipag ng Flu at matinding sipon dahil sa panahon. Ngayon ay humupa na ang lagnat. Hindi naman ito malaking problema. Magreseta na lang ako ng gamot at ipainum mo sa kanya sa oras" sabi ni Doc.Shen"Okay, sige" Kalmado si Felix. "Kailangan magpahinga ni Yuna kaya huwag mo siyang pagurin" bilin pa ni Shen habang nangingiting naka
Kuha na niya na kung hindi siya magsisikap, ang kanyang asawa ay mananakaw ng iba. Mukhang impiyerno ang pakiramdam si Felix at walang pakialam na sinabi,"Subukan lang niyang maglakas ng loob...!."Samantala, Pagkaalis ni Jhong ay muling bumalik sa pagtulog sandali si Yuna. Paggising niya ay gabi na, at ang langit ay tila payapang napapalamutian ng mgabituin at mala bulak na mga ulap. Maganda ang kalangitan ngunit hindi ang pakiramdam ni Yuna.Nakabawi na ng lakas si Yuna kahit papaano at habang naiinip ay nagpunta sa hardin para mamasyal. Habang naglalakad, nakita niya ang isang pamilyar na pigura, ito ay si Jessie. Itinulak nito ang isang lalaking nakauniporme ng driver habang pinipigilang si Jessie na papasok. Ang mukhang laging nakangiti ay medyo galit na ngayon."Shiro, hayaan mo na ako, ano Ba?""Miss, Jessie huwag na kayong tumuloy, alam ko na ang sikreto mo, mas mabuting makinig ka sa akin." Ang lalaki ay driver ng ina ni Jessie. Itinaas ni Jessie ang kanyang kilay at nag
Sobrang lakas ng Tibok ang puso ni Yuna. Nang malapit na siyang makita ni Mang Chino ay nakita niya ang katabing gusali ng ospital.Nagmadali siyang tumalilis at pumasok nang hindi nag-iisip, at tumakbo sa itaas na hawak ang kanyang telepono. Nagmadali siyang umakyat sa pinakamabilis na bilis sa kanyang buhay, at pagkatapos ay natagpuan ang elevator. Hindi siya nangahas na tumigil sandali, pinindot ang button at tumakbo papasok.Lumipas ang oras minuto sa minuto. Hanggang sa huminto ang elevator sa 16th floor ng inpatient department saka lang nakahinga ng maluwag si Yuna at tumakbo palabas."Ay, Ano nga ba?" Sabi niya ng mabunggo ang isang pigura ng nagmamadali siyang lumabas ng elevator.Akala niya ay si ang lalaking kausap ni Jessie kaya natakot siya kaya itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal bigla ang lalaki."Lumabas ka dito!""Ano ba ang ginagawa mo " singhal ng boses ni Felix na nagmula sa itaas ng kanyang ulo.Natigilan si Yuna at tumingin sa itaas at nangsalubing ang ma
Samantala ay narating naman na nila Yuna ang lugar. Pinoprotektahan ni Felix si Yuna at binilinan siya."Sumunod ka sa akin at magtago ka sa likod nang mabuti.""Oo huwag kang magalala." May nerbiyos ang mukha ni Yuna. Hinila niya ang damit ni Felix at sinundan ang kanyang matatag na hakbang pasulong sa lugar.Lahat ng bodyguard ay may hawak na baril, lahat ay handa, lahat ay alerto. Nakita ni Yuna ang ganitong klaseng eksena sa unang pagkakataon at medyo natakot siya."Natatakot ka ba " Nakita ni Felix ang maliliit niyang kamay na nanginginig at nagkakabuhol-buhol."Sino... sino ba ang natatakot " Itinanggi ito ni Yuna."Hindi ako natatakot?""Bakit ka nanginginig ng ganito? Sabi ko lang wag mo akong sundan." Sabi ni Felix, niyakap ang baywang nito"Lumapit ka nga dito.""Tandaan mo, ang dahilan kung bakit nalantad ang bagay na ito ngayon ay dahil nakita ka ng asawa ni Felix na si Yuna. Sinabi mo ang mga walang kwentang salitang iyon tungkol sa pakikipagkumpitensya sa buong Alta Grou
"Myca, pasensya na, ako ang naging dahilan ng pagbagsak ng studio sa krisis...""Yuna, alam kong hindi mo kasalanan iyon. Ang bading na si Anna ang nagnakaw ng design draft. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang isipin natin ngayon kung paano malulutas ang problemang ito."Niyakap siya ni Myca para payapain ang kalooban niya.Ang suwerte niya na may kaibigan siyang tulad ni Myca.Nalibang at napatahimik nang husto ni Myca si Yuna matapao aabihin iyon.Pagkatpaos ikinuwento nan niya ang tungkol kay Jhong. Sinabi niya sa kanya ang tungkol sa kamakailang sitwasyon."Si Jhong ay tumutulong sa akin na mahanap ang kinaroroonan ni Anna kamakailan. Kung mahahanap ko siya, magkakaroon ng turning point sa proemang ito.""Sino si Jhong? " Nalilito si Myca. Bakit may ibang Jhong na lumitawi. Kinuwento sa kanya ni ang mga kamakailang bagay.Natigilan si Myca,"Aba? Biglang atang naging mabuti ang lalaking ito ""Eh, baka may pagbabago siya ng puso. Siguro nararamdaman niya na masyado siyang malupit