Share

Chapter 01

Author: aa_bcdeee
last update Last Updated: 2022-02-11 21:13:27

Nahulog ang hawak-hawak kong cellphone pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ni Ate, mabilis kong pinulot ang cellphone ko kahit nanginginig na ang kamay at paa ko. Nang makatayo na ako ay natigilan ako sa aking kinakatayuan. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikita ko. Totoo ba 'to? Sana panaginip na lang itong nakikita ko ngayon. Tinakpan ko ang aking bibig dahil ayaw kong magdulot ng ingay muli.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko, at sa mata kong iyon kitang-kita ko ang magiging asawa ko na magkasama silang matulog ng kapatid ko sa iisang kama. Mas lalo kong hinigpitang ang pagkakahawak sa aking bibig dahil naramdaman ko na ang pagbagsak ng mga luha ko. Pero imbis na magmukmok ako rito ay tinulungan ko ang sarili ko, sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa.

Pumunta ako sa closet ng Ate ko at doon ko naisipang na magtago. Gusto kong malaman kung ano ang maaari nilang gawin dito. Kahit na hindi ko pa rin matanggap ang ganitong ginawa nila sa akin. Sa lahat ng tao pa talaga, iyong kapatid ko pa. Napapikit ako nang mariin, iniisip ko na ang magiging asawa ko na dapat ngayong araw ay ito ang ginagawa. Pumasok na sa isip ko kung ano pa ba ang pagkukulang ko sa kanya at nagawa ito sa akin ng mahal ko.

Magkayakap pa silang dalawa habang natutulog at hindi ko na pa napigilan ang sarili ko na mapaiyak nang tahimik. Sa araw pa mismo na dapat na kasal namin ni Neon. Pinigilan kong huwag maiyak dahil nakita ko na gumalaw silang pareho na senyales na gising na sila, narinig ko pa ang mahinang bulungan at tawanan nila.

Nanlaki ang mata ko sa sunod nilang ginawa at kaagad kong kinuha ang cellphone ko upang ma-video-han ito. Nanginginig pa ang kamay ko at para akong nanghihina rito. Kahit na ang sakit-sakit na sa lagay ko, pinili kong ipagpatuloy ang pag-video sa ginagawa nila. Kahit naririnig na ang mahihina kong hikbi't sinubukan kong itikom pa lalo ang aking bibig.

Hinawakan ko nang mabuti ang bibig ko upang hindi nila ako marinig at maya-maya rin ay natapos na rin sila. Tinigil ko na ang pagvi-video sa kanila at sila naman ay narinig ko ang tawanan, tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa nila ngayon. Napapikit ako dahil hindi ko akalain na ganito sila, nakakadiri. Napahawak ako sa dibdib ko upang mapakalma ang aking sarili.

Kung makita ito ng marami kung ano ang ginawa nila ngayon, at sa araw pa mismo talaga ng kasal namin. Napuno na ng galit ang puso't isipan ko, wala na akong paki kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Gusto ko na silang pagsasampalin pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

"Kasal niyo na ng kapatid ko ngayon... ano tayo?" Napatingin ako sa kanila dahil sa tanong ni Ate, hindi ako makapaniwala na maririnig ko 'yon mula sa kanya. Nakita kong nagsusuot na sila ng damit para sa kasal namin ni Neon. Pinakinggan ko nang maigi kung ano pa ang magiging usapan nila.

"No one should know about this. This was nothing, and if you dare to say... remember you need my family more than we need you," malamig na sabi ni Neon na walang pakialam, na parang walang nangyari sa kanila ng kapatid ko kani-kanina lang. Hindi ko siya nakilala dahil sa inasta niyang iyon, hindi ganoon ang Neon na kilala ko. Ibang-iba siya ngayong umasta't magsalita. 

Nakita ko rin ang gulat mula sa mukha ng kapatid ko. "Let's go, I still have a marriage to attend. Which, your sister will be my bride," Neon said brutally, as if it was just a word that holds nothing. Like for him, words aren't powerful. Mabilis na nagbihis ang kapatid ko at naunang natapos si Neon kaya siya na ang unang umalis dito. 

Sumunod na rin ang kapatid ko na hindi pa rin makapaniwala at lumabas na rin siya't wala nang natira dito sa kwarto niya, kung 'di ako. Lumabas na ako sa closet niya at papalabas na ako ay biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya tuluyan na akong natumba sa sahig at dito na nagtuluy-tuloy ang pagbagsak ngaking mga luha at hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang malakas.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang umiyak, mamaya pa naman ang magiging kasal namin. Pero ngayon, hindi ko na ito itutuloy. Hindi ko matatanggap ang ginawa itong ni Neon sa akin. Hindi ko hahayaang ganu'n-gano'n lang 'yon. Hindi ko papalagpasin 'tong pagkakataon na ito. 

Dahil sa iniisip ko na 'yon, gusto kong maghiganti. Pinunasan ko ang mata ko at sinubukan kong pigilan na ang luha kong nagbabadya pang mahulog, inayos ko ang aking mukha at ang aking sarili na rin. Tumayo ako, at nagpaayos na akong muli. Nagtaka naman kaagad ang makeup artists at stylist kung ano ang nangyari sa akin dahil sa itsura ko pero ang sinabi ko na lang na ayusan na lang nila ako.

Ginawa naman nila 'yon at hindi na nagtanong pa. Maraming kulay ang nakahandang gown para sa akin, at pinili ko ang kulay itim na gown. Pinagsabihan ako ng stylist ko na hindi dapat 'yon ang suotin ko, pero hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ko ang gusto kong suotin at ang balak ko para dito. Wala silang nagawa na at sinuot ko na 'yon, at tinapos na nila ang makeup ko, at tinignan ko ang itsura ko mula sa salamin at nakita ko ang aking repleksyon.

"Ang ganda ko," tanging nasabi ko. Umikut-ikot pa ako dahil sa gown na suot ko. Nagagandahan ako sa sarili ko ngayon, lahat ay bumagay sa akin. Maya-maya lang ay tinignan kong muli sa huling pagkakataon ang sarili ko. Tinignan ko nang mabuti ang sarili ko at saka ako ngumiti nang mapait, nang may naalala. May balak na akong gawin, hindi ko hahayaan na ganoon lang 'yon.

Maaga na akong pumunta kung saan magaganap ang kasal namin ni Neon. Beach wedding ito, at kahit gaano pa kaganda ang tanawin na narito ay hindi naman magiging maganda ang hahantungan nito. Lumapit ako kung sino ang mga taong nagko-control ng mga papatugtugin mamaya at mga videos na ipla-play nila. 

Sinabi ko na mayroon pa akong gustong file na idagdag na agaran naman silang pumayag. Sinabi ko kung kailan ito ipla-play at tumango sila roon, at nag-okay. Nagtaka pa sila kung bakit ako narito at dapat mamaya pa ako, pero ngumiti lang ako sa kanila. Hapon magaganap ang kasal namin, pero after lunch pa lang ay narito na ako at wala pang masyadong tao. 

Nang matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay pumunta na muna ako sa nai-rent kong room dito, at kahit naka-gown ay nakayanan ko namang maglakad nang matiwasay. Nagpahinga na muna ako rito at maya-maya na lang din ay paparating na rin ang mga bisita, ang pamilya niya't pamilya ko. 

Patagal nang patagal, hindi ko maiwasan din na maiyak dahil sa nangyari sa amin ngayon. Kahit papaano ay mayroon din naman kaming pinagsamahang dalawa, at naging masaya rin naman kami at hindi ko naman ipagkakaila iyon. Kahit na alam naman namin na ginagamit lang namin sila dahil nabaon na kami sa utang, at kailangan namin sila. 

Pero totoong minahal ko siya, lahat ng pinaparamdam ko sa kanya ay lahat ng iyon ay totoo. Pero ngayon, ito ang sinukli niya. Masakit, sobrang sakit. Sinubukan ko ang huwag umiyak dahil ayaw kong masira ang makeup ko sa aking mukha. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang gilid ng mata ko upang saluhin ang luhang nagbabadyang mahulog. 

Napatingin ako kung nasaan ang cellphone ko at kitang-kita ko roon ang paulit-ulit na tawag ng magulang ko, pero hindi ko sila sinasagot ko. Nag-aalala siguro sila dahil mabilis akong nawala't natapos, hindi na nila ako nakita pa. Pero hindi nila alam ay narito na ako at makikita nila mamaya kung gaano kabastos ang lalaking papakasalan ko kung sakali.

Dumating na ang pinakahihintay ko. Oras na ng kasal namin at pumunta na ako kung saang nakapuwesto ang lugar. Luminga-linga pa ako dahil sa ganda ng tanawin dito at may nakita pa ako isang pigura ng lalaki. Tumingin siya sa akin at hindi ko ganoon nakita nang malinaw ang mukha niya dahil mayroon siyang shades na suot, at mukhang isa rin siyang guest dito pero hinayaan ko na siya't nagpatuloy na ako sa paglalakad kung saan magaganap ang seremonya ng dapat na kasal namin ni Neon.

Nang nakarating na ako ay nagulat ang lahat sa suot ko at narito na ako. Nakita ko rin ang nag-aalalang mukha ng magulang ko, ni Neon, at ni Ate. Ang galing nilang magpanggap, ah. Lumapit ang magulang ko sa akin at marami kaagad na silang binatong mga tanong pero hindi ko sila pinansin at saka ako naglakad papalapit kay Neon.

Binigyan ko kaagad siya ng mag-asawang sampal at lahat ng tao rito ay nagulantang dahil sa ginawa ko. Doon na tuluy-tuloy na mahulog ang aking mga luha. Ramdam na ramdam ko ang sakit dahil sa ginawa niya sa aking panloloko, at sa kapatid ko pa mismo. Lumapit kaagad ang magulang ko sa akin at nagsisimula na ring magkagulo rito.

"Bakit mo ginawa 'yon, Allison?!" galit na galit na sigaw ni Mommy. Malamang, pagtatanggol niya 'yong lalaking makakabangon sa amin mula sa kahirapan. Wala siyang paki sa maaari kong maramdaman basta para sa kanya, kailangan naming makaahon sa malaki naming utang.

Bigla na ngayong nag-play ang video na kung saan ayon ang ginawa nila ng kapatid ko kanina, marami ang tumingin doon at nagsilabasan ng cellphone nila para ganoon din nilang video-han. Wala nang tigil ang pagbuhos ng luha ko dahil nasasaktan din ako sa nakikita ko, hindi na ako makahinga nang maayos, hindi ko kinakaya. Masyadong mabigat sa akin. Gulat ang makikita sa mukha mula sa pamilya ko, pero ang pamilya ni Neon ay wala 'man lang karea-reaction.

"Kita mo na, Mommy? Ayan 'yong papakasalan ko?! Ayan ba 'yon sinasabi niyong aangat sa atin sa hirap? Ganyang lalaki ba?" tuluy-tuloy kong tanong sa kanya at humarap na rin ako kay Daddy na baka sakaling ngayon ay may sasabihin siya, pero wala. Wala siyang sinabi kahit isa. Nagsisisigaw na si Mommy na itigil ang pag-play sa video na 'yon, at natigil na nga ito.

Galit na galit na si Mommy at lumapit na siya sa akin. Sinampal niya ako at napahawak ako sa aking pisngi dahil sa sakit. Tumingin ako sa kanya, patuloy na nahuhulog ang mga luha ko. Ibang epekto kung ang magulang mo mismo ang nakapanakit sa 'yo.

"Kailangang matuloy itong kasal na ito, at kung hindi ikaw, ang Ate mo na lang!" malakas na sigaw ni Mommy at saka lumapit sa pamilya ni Neon. Tumingin ako kay Daddy, hawak-hawak ko pa rin ang pisngi ko dahil sa sakit. Nagsusumamo ako sa kanya na ipagtanggol niya naman ako, pero umiling lang si Daddy.

"Kailangan. Kailangang maituloy ito." Tumalikod na si Daddy at tumingin ako sa mga tao sa gilid at animo'y ako pa ang pinandidirian nila, na parang kasalanan ko pa. Hindi ko na kinakaya ang sakit at galit na nararamdaman ko, umalis na ako't pumunta sa lugar na kung saan na alam kong kahit papaano ay makakalimot ako, kahit saglit lang.

Pumunta ako sa isang kilalang bar, at saka ako uminom nang uminom. Sigaw ako nang sigaw rito, at kung sinu-sino ang pinagsusuntok ko dahil sa galit. Nakayanan ko naman ang sarili ko pero mayroong grupo ng lalaking papalapit sa akin, at susugurin ko na dapat sila pero agad naman silang lumayo.

Lasing na lasing na ako, wala na ako sa aking sarili. Tumalikod na ako para uminom ulit, at nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ang lalaking kanina ko lang kakakita. Bakit narito 'to? Anong ginagawa nito rito? Nakita ko kung paano siya ngumiti at tinitigan ko pa siya nang masama para matakot siya.

Umirap ako sa kanya at tumalikod na para uminom pa ulit. Humakbang ako at bigla akong na-out of balance, napapikit ako dahil alam ko nang mahuhulog na ako, pero mayroong sumalo sa akin mula sa likod. Ang sakit na ng ulo ko, parang umiikot na ang lahat sa akin. Hinayaan ko lang alalayaan ako ng kung sinuman dahil hindi ko na talaga kaya, hindi ko na alam ang ginagawa ko, minulat ko ang aking mga mata at nakikita ko ang mukha ni Neon kaya hinalikan siya bigla.

Pagkatapos ng halik na 'yon ay nagulat ako dahil ang lalaki pala mula kanina. Nakita ko na nang malapitan ang mukha niya at hindi ko maiwasan na matigilan sa guwapo niyang mukha. Kaagad ko naman siyang niyakap dahil nahiya ako. Pero ngayon lang, kahit ngayon; gusto kong makalimot.

"Make me forget what happened today," I begged him, even though I don't know him personally. But I just wanna forget everything just for now. I want to get away with this one. Just for one night, I want something. I heard his sexy laugh and I was turned on by that, he looks sexy and handsome as well. I can't get away my eyes from him, he looked like a god. My heart beats so fast and I feel like he could hear it.

I saw how he smirked. "My pleasure," he said huskily. I saw how he grinned, and after that, everything went black to me.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

:>

Related chapters

  • Reddish Tulips   Chapter 02

    Third Person POV. Nagising si Allison dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at pinunasan pa ang mga ito upang malinaw siyang makakita. Nanlaki kaagad ang mata niya dahil nasa hindi pamilyar na lugar at kwarto siya, hindi niya alam kung nasaan siya. Kinabahan siya bigla at napahawak sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan at nanlaki ang mata niya nang makita na underwears lang ang tanging suot niya. Tumingin siya sa kanyang gilid at lalong nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang isang hindi niya kilalang lalaki. Napahawak siya sa ulo dahil sa hangover. Naalala niya na rin ang mga nangyari sa kanya kagabi. Kung paano niya pinagsusuntok ang mga tao sa bar, at kung paano siya nagsisisigaw ng kung anu-ano at sigawan kung sinu-sino. "Ako ba 'yon?" mahinang sambit niya dahil hindi siya makapaniwala sa mga pinaggagawa niya at ngayong napunta na siya rito. Tumingin siyang muli sa lalaking kasama niya at tumibok nang mabi

    Last Updated : 2022-02-12
  • Reddish Tulips   Chapter 03

    "What?!" malakas na sigaw ni Louis sa telepono, napakamot siya sa kanyang batok at sinubukang kumalma. Umupo siya sa couch niya't napabuntonghininga. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari nitong lumipas na mga araw, dahil ang tagal niya nang naghihintay pero hindi pa rin nangyayari ang inaasahan niya. "Pasensya na po, boss. Hindi po namin siya mahanap, hindi po talaga namin siya ma-track kahit saan na po kami nagpupupunta," sambit mula sa kabilang linya. Napahilamos si Louis sa kanyang mukha dahil halos tatlong linggo na siyang naghihintay at wala pa ring nangyayaring maganda sa paghahanap sa babaeng nagbayad sa kanya sa nangyari sa kanila matapos ng gabing 'yon. "Kahit saan po, hinalughog na po namin ang buong lungsod, pero wala pa rin po. Hindi po talaga namin siya mahanap, mukhang mayroon pong malakas na koneksyon na nagpipigil para po hindi natin siya matagpuan," dagdag pa nito. Bumuntonghininga muli si Louis upang mapakalma ang kanyang sarili at saka na siya nagsalita.

    Last Updated : 2022-02-21
  • Reddish Tulips   Chapter 04

    Allison's POV. Hindi na ako makahinga nang maayos. Sinubukan kong lumangoy at tulungan ang sarili ko para makaligtas dito. Sobrang lalim ng ilog na ito, angat ako nang angat pero napapalubog din ako kaagad. Hindi ko na kaya pa, samu't saring emosyon at naiisip ko rito. Nawawalan ako ng pag-asa kung paano ko ililigtas ang sarili ko. Nanghihina na ako. Nawawalan na 'ko ng pag-asang maiangat ang sarili ko. Sino ang sasagip sa akin? Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba, nawawalan na ako ng hangin. Habang iniisip ko iyon ay bigla akong nakaahon. Mayroong tao mula sa likod ko. Hindi ko muna iyon inisip kung sino 'yon. Kumuha muna ako ng hangin at pinakalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang dahan-dahan at hinayaan ko ang sarili ko na makahinga nang maayos. Nang naging maayos na ako, kaninang ang kamay ng kung sino ay nasa bewang ko ay nakapulupot na sa akin ang buo niyang braso. Sino ba 'to? Humarap na ako at nagulat ako kung sino ito. N

    Last Updated : 2022-02-22
  • Reddish Tulips   Chapter 05

    "Richest man in our city?" Tinignan ko pa nang mabuti kung tama ang pagkakakita at pagkakabasa ko online. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala iyon? Ang Sorreño Company ay siya pa lang nagmamay-ari?! Sabay siya ang naka-one-night stand ko?! Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa impormasyon na ito. Naalala ko kung ano ang mga pinaggagawa ko sa kanya. Hiyang-hiya na ako at napapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ko ba ginawa ang mga bagay na 'yon? Ngayon lang tumaktak sa isipan ko na ngayon din pa lang araw ay magkakaroon na kami ng contracted marriage. Napatakip ako sa buong mukha ko dahil sa kahihiyang ginawa ko sa kanya. Pero kahit na! Kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo, tao pa rin naman siya at hindi ko babaguhin ang trato ko sa kanya. Weird pa rin

    Last Updated : 2022-02-22
  • Reddish Tulips   Chapter 06

    Because I had the assurance from him, I am just going to enjoy this moment. But I can't stop myself from missing that this could also be what happen if I and Neon were married. We have this nice reception, great party, seeing the smiles from our loved ones. Must be nice to have it, but it's fine. Nangyayari na rin naman na rin ito sa kasalukuyan, ano pa ba ang magagawa ko? Nakita ko ang pagkaway ng magulang ni Louis at napakaway na rin ako, sinenyasan nila akong lumapit muli sa kanila at ayon naman ang aking ginawa. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila ay saka akong muling niyakap ng Mommy ni Louis, medyo nagulat pa ako pero sa huli ay niyakap ko rin naman siya pabalik. Sa tabi nito ang asawa niya, hinalikan lang naman ako sa pisngi at saka niyaya na nila akong makisali sa circle nila. Pinaupo naman nila ako sa available seats nila at mayroon silang kausap na iba

    Last Updated : 2022-03-01
  • Reddish Tulips   Chapter 07

    Nang dahil sa sinabi niyang 'yon parang mayroon sa loob ko na na-excite. Ito naman ang hinihintay ko simula pa lang. At ngayong magaganap na ay hindi ko maiwasan na mapangiti dahil lang sa sinabing 'yon ni Louis. Parang nagising lahat ng parte ng katawan ko dahil sa excite na naramdaman ko. Pero bigla kong naisip ang magulang ko. Kahit papaano ay mahal na mahal ko pa rin sila, hindi ko kayang talikuran ang ginawa nila sa akin. I still love them, regardless. Sisiguraduhin ko na lang na hindi sila masasali o madadamay 'man dito. "Uhm, I just want to make it clear that you must not involve my parents in this," sabi ko kay Louis dahil ayaw ko silang makasama rito. Awkward pa akong ngumiti dahil sa hiya at tinitigan niya lang ako na parang may hinihintay pa siyang sasabihin ko. "I just wanted to take vengeance on my ex, and I am all right with my sister, af

    Last Updated : 2022-03-02
  • Reddish Tulips   Chapter 08

    Third Person POV. Lumipas muli ang ilang linggo at paunti-unti nang bumababa ang Perez's Company. Marami na ang wala nang interes sa kumapanyang ito. Parami nang parami na ang mga taong sinasabi ang karanasan nila sa kumpanyang ito na hindi kaaya-aya. Kalat na kalat ito sa bawat sulok ng bansa at talagang nahirapan na rin ito na makabangong muli. Wala nang nagtitiwala sa mga ito, at kahit subukan 'man nilang muling iangat ang kumpanya nila ay hindi na talaga ito magawa pa. Hindi na nila alam ang gagawin nila, kung 'di imbestigahan kung sino ang may kagagawan ang lahat ng ito. Kung sino ang nasa likod ng pangyayari nilang ito ngayon, at kinasusuklaman nila ito nang sobra-sobra. Matagal din nila itong hinanap, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ang may kagagawan ang lahat ng 'yon. Ang tagal nilang nanahimik sa media, at k

    Last Updated : 2022-03-03
  • Reddish Tulips   Chapter 09

    "Please, anak..." Pinunasan ni Allison ang kanyang luha at saka napahawak sa kanyang bibig upang mapigilan at mapakalma ang kanyang sarili. Pero dahil sa tindi ng kanyang nararamdaman ay hinayaan niya lang na iiyak nang iiyak ang kanyang nararamdaman. Kausap niya ngayon mula sa kabilang linya ang kanyang Mommy at kanilang pinag-uusapan ang tulungan sila sa nangyayari sa kanila, dahil walang-wala na sila. Napapikit naman siya nang mariin dahil sa sobrang tagal na niyang hindi narinig ang pagtawag sa kanya ng anak na mula sa kanyang magulang. Nasasaktan siya dahil bakit ngayon lang? Ang dami niyang gustong sabihin, marami siya gustong isumbat sa kanila. Ang dami niyang hinanakit na gusto niya itong ilabas, at wala siyang magawa at masabi at tanging iyak na lang ang kaya niyang magawa. Ngayon na ring pumapasok sa isip niya ang mga sinabi sa kanya

    Last Updated : 2022-03-04

Latest chapter

  • Reddish Tulips   Special Chapter 4

    "Look, Daddy! I have a perfect score!" bungad kaagad sa akin ni Philo pagkadating na pagkadating ko sa school nila para sunduin na sila. Hawak-hawak niya pa ang notebook niya para maipakita niya sa akin ang score niya at nakita ko nga roon ang perpekto niyang marka. "Wow! Well done, Philo!" Ngumiti naman siya nang matimis at si Allistair naman ay nahihiya niyang nilahad sa akin ang notebook niya at puro numbers 'yon kaya hindi na ako magdadalawang-isip na Math subject 'yon at perfect niya dahil paborito niya itong subject. Ginulo ko ang buhok ni Allistair at saka ko siya pinuri sa perfect score niya rin. "Ang galing ng mga anak ko ngayon, ah. We need to celebrate these small wins!" "Yay!" masayang sigaw ni Philo at si Allistair naman ay nakangiti lang. Sabay-sabay na kaming pumunta sa kotse ko at saka muna kami dumaan sa isang paborito nilang kainan after ng classes nila. Isa itong kilalang kainan dito dahil sa pang-snacks ang mga ito 'tulad ng mga donuts, drinks na mga milktea or

  • Reddish Tulips   Special Chapter 3

    Louis' POV "Daddy, Daddy, Daddy! Wake up! Please! Wake up, wake up!" sigaw ng matinis na boses at kahit inaantok pa ako ay pinilit ko namang imulat ang aking mata at nakita ko ang mala-angel na mukha ng anak kong babae. Napangiti naman ako dahil do'n, nakikita ko kasi si Allison sa kanya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. "Daddy, please! Stand up now, I'm getting mad already!" Natawa naman ako sa aking isipan ko dahil sa sinabi niya, para talagang makita kung magagalit talaga siya kaya nagtulug-tulugan pa muna ako para asarin siya. "Daddy, no!" Minulat ko ang aking mata at nakita kong namula na ang mata niya, malapit nang tumulo ang luha niya. Mabilis ko naman siyang niyakap at saka hiniga ko siya sa akin at saka mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko na maramdaman sa aking tabi si Allison siguro ay hinahanda na si Allistair sa unang araw ngayon sa eskwelahan nila na ngayong dalawa. Nakapang-alis na nga ang anak kong babae, baka magusot ko ang damit niya kaya nagrereklamo na siya. "Dadd

  • Reddish Tulips   Special Chapter 2

    "Allistair Kyzen Gomez Sorreño." Natuwa naman ako nang tawagin ko ang pangalan ng aking anak, nasa kamay ko na siya at ang liit-liit niya. Kakaibang tuwa ang aking naramdaman. Ang tuwang walang katumbas na tanging iisang tao lang ang makakapagbigay nito sa akin. Hinaplos ko nang dahan-dahan ang mukha ng anak ko habang natutulog ito. Dahan-dahan ko pa hinalikan ang pisngi nito at saka nilapit ko ang pisngi ko sa kanya. Pumikit ako at dinamnam ang pagkakataon at saka minulat ang aking mga mata at nakita ko na si Louis ito, nakangiti nang matamis at saka niya ako hinalikan sa noo. "Thank you for this, love." Nantubig ang mata ko dahil sa kakaibang saya na naging hatid nito sa amin 'to ni Louis para sa aming dalawa. Ang tagal ko na ring inaasam ang ganitong klaseng pangyayari sa aking buhay at si Louis ang kasama ko. Tinignan ko ulit ang anak naming dalawa at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumigaya naman ang puso ko dahil lang sa simpleng gano'n. Lumipas ang ilang araw a

  • Reddish Tulips   Special Chapter 1

    Allison's POV. "Love, pretty please?" pagpipilit ko pa sa kanya dahil hindi niya pa rin siya pumapayag sa gusto ko. Gustung-gusto ko na kasing gawin sa akib ni Louis ang isang bagay na kahit ito na lang kasi wala eh... bored ako. Gusto ko lang talaga gawi ni Louis ang bagay na hinihiling ko sa kanya. "Are you even serious?" Tumango naman ako sa kanya kaagad at saka nag-pretty eyes pa sa kanya para sundin niya na ako, hindi ko na nga alam kung maayos pa ba ang itsura ko at kung may kinang pa ba 'yong ganda ko, wala na akong pakialam. Bumuntonghininga naman siya at saka niya kinuha ang kamay ko at saka niya lang naman hinilot ang mga ito, pero... ang sinabi ko sa kanya na hanggang gabi niya gagawin 'yon. Natawa naman ako sa pinapagawa ko sa kanya. Talagang lahat ng gusto ko ay susundin niya, kahit ano pa 'yan. Well, siguro kaya niya ginagawa because I'm happy to announce that I'm already 9 months pregnant! Ang bilis talaga ng mga araw na nagdaan parang kahapon lang ay sinasabi lang

  • Reddish Tulips   Epilogue (4th Part of 4)

    "Allison!" tawag ko at saka naman nagtuluy-tuloy ang pagdaan ng mga tao, nakita ko na tumingin pabalik si Allison at hindi akong magkakamali na siya 'yon. Sabi ng tauhan ko na nasa airport ang mahal ko at papaalis na ito. Ayaw kong iwanan niyang ganito lang kami, ang halos tatlong taon namin o dalawang taon na magkasama kami ay matatapos lang din nang ganu'n-gano'n lang, hindi ako papayag. Nangako rin isyang kakauspain niya ako, na magkakaayos kami at papakinggan niya na ako. Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, nalaman ko na lang din sa mga katulong na kinuha na raw lahat ni Allison ang mga gamit niya. Ngayon ay ito pala ang rason, may kinailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya at ito na pala kaagad ang malalaman ko... iiwan niya na ako. Pero huli na ang lahat, wala na siya. Tuluyan na siyang nawala hanggang sa tinitigan ko na lang kung paano lumipad ang eroplanong sinasakyan niya at tuluyang na nga siyang nawala sa kamay ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kon

  • Reddish Tulips   Epilogue (3rd Part of 4)

    "Okay then, if that makes you feel okay. I'll do it, anything for you. Just name it, my love," sabi ko at kung ano ang gusto ng mahal ko ay gagawin ko. Nakakainis kasi 'yong nurse na 'yon kaya pinatanggal ko, i know that I acted so immatured pero hindi ko kasi mapigilan at 'yong mga tinginan no'ng lalaking 'yon. Kaya talagang galit na galit ako sa hospital at tinakot ko na kayang-kaya kong pabagsakin 'yon para lang matanggal nila 'yong nurse. Pero nalaman ng mahal ko, at sinabi niya na ngayon ang dapat kong gawin at mas alam niya. Kaya makikinig din ako sa kanya, wala, eh... under ako. Pagkatapos no'n ay balik na ulit kami sa kailangan naming gawin. Habang nagscro-scroll ako online at nakita ko na may mga alagang hayop ang iba't ibang celebrities at kahit papaano ay nakakuha ako ng idea na kumuha na rin ako ng isa, matagal ko na ring pangarap na mag-alaga ng mga hayop at nakakaginhawa siya kapag pag-uwi mo sa bahay na makikita sila na kasama ang Mommy nila, si Allison. Natawa naman

  • Reddish Tulips   Epilogue (2nd Part of 4)

    "Bro, what do you think? Punta ka na rin para pupunta na rin ako! Nakakatamad kasi baka mamaya ay wala akong kilala ro'n. Inimbita magulang ko sabay idadamay nila ako, eh, ayaw ko ngang dumalo roon," pagpipilit pa ng kaibigan kong si Hermes. Ilang beses niya na akong niyaya na um-attend ako ng isang kasal, isang kasal sa dami kong ginagawa. At sa tingin niya ba ay libre ako no'ng araw na 'yon? Hindi. Hindi na ako puwedeng gumawa pa ng ibang bagay dahil tambak ako ng daming gawain. "No," simple kong sagot sa kanya at natawa naman siya agad. "Ayan kasi! Lasing pa, inom pa, babae pa! Ano ka ngayon? Ang dami mong gagawin ngayon sa kumpanya niyo, tambak na tambak ka!" pang-aasar niya at saka siya tumawa nang malakas, sinamaan ko naman siya ng tingin. Palagi na lang sinasabi na kung sinu-sino ang babae ko, sila naman itong nagi-insist sa akin pero hindi ko tinutuloy hangga't walang consent nila. Ayaw ko rin namang gumawa ng gano'ng klaseng bagay lang ng walang permisyon ng babae at syemp

  • Reddish Tulips   Epilogue (1st Part of 4)

    "Bakit naman ako iiyak? Sino ba kayo?" narinig ko 'yon mula sa malapit na parte sa paligid ko kaya humarap ako kung saan-saan hanggang sa narinig kong muli ang boses ng matinis na babae. Nang makita ko na ay mayroong nakapalibot sa kanyang dalawang babae at mukhang inaasar siya nito. "Ano naman ngayon kung may bungal ngipin ko?! Eh, maganda pa rin naman ako. Eh, kayo ba?" dagdag pa ng babae, at hindi ko maiwasan na masiyahan dahil sa kung papaano siya magsalita.Maldita ito pero ramdam mo na tinatapangan niya lang ang kanyang boses para maipakitang matapang siya. Tinuruan ako ni Mommy na huwag akong makialam sa ginagawa ng ibang tao, pero naramdaman ko ngayon ay gulo naman ito at gusto kong maging maayos lang ang lahat ng ito kaya naman napagpasyahan ko na lapitan sila at awatin.Tinulak no'ng babae na inaasar 'yong babaeng tinatapangan ang kanyang sarili para hindi maapi, nag-alala naman ako kaagad kaya mabilis akong pumunta sa gawi nila. "Eh, bungal ka kasi! Ang pangit! At saka iiya

  • Reddish Tulips   Chapter 60

    "Huh? Puwede bang ipaliwanag mo muna sa akin kung ano'ng nangyayari? Akala ko ba ay may nangyayari kay Louis? Nasaan ba siya? Pinag-aalala niyo pa ako, lalo ka na! 'Yong mga sigaw-sigaw mo pa sa akin kanina, nag-aalala talaga ako nang sobra!" irita kong sabi sa kanya at siya naman ay nag-peace sign lang at tumawa. Napairap naman ko dahil kalokohan niya na naman ata kung anu-ano ang mga sinabi niya kanina. "Huwag ka nang maraming tanong at sinasabi basta ang malinaw ay narito ka na! Kapag sinabi ko sa 'yo, edi hindi na siya surprise, 'di ba? Okay 'yang pag-aalala mo, ibig sabihin lang no'n na sobra-sobra mong mahal si Louis, ayie!" Tinulak niya pa ako nang mahina at patuloy pa rin ang kasiyahan sa aking gilid, pero limited pa 'yong ilaw, may iba pang parte ng venue ay walang ilaw. "Well, ang galing ko na atang umarte at napaniwala kitang may nangyari nga sa mahal na mahal mo!" Tumawa naman siya nang malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At saka huwag mo muna siyang hanapin,

DMCA.com Protection Status