Bella and Brent 🫶
Bella's POV Nagising ako sa tunog ng malakas na ringtone ng cellphone ko. Halos mabulunan ako sa pagbangon habang kinakapa ang phone sa gilid ng kama.“Hello?” garalgal pa ang boses ko.“Bella! Nasa’n ka? Emergency case ‘to—kailangan ka namin sa operating room ASAP!”Agad akong natauhan sa sigaw ng isang resident doctor mula sa kabilang linya.“Oh, my god. On my way!”Napabalikwas ako ng bangon, hindi na ininda ang bigat ng katawan ko matapos ang stress kahapon.Shit. Late na ako.Dali-dali akong nag-ayos. Isang mabilisang hilamos, suklay, at pagkuha ng bag ang ginawa ko bago nagmamadaling bumaba.Pagdating ko sa sala, bumungad sa akin si Brent, nakaupo sa sofa at nakatutok sa balita sa TV. Kahit sa simpleng gray na shirt at sweatpants, hindi maitatangging nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. Samantalang ako, mukhang sabog.“Brent, may emergency case ako—”“Hindi mo ba balak maligo?” putol niya, hindi man lang nilingon ako.Napangiwi ako.“Wala na akong oras! Kailangan kong
Bella's POV "Mauna ka nang umuwi, Brent. May duty pa ako." Mabilis kong sinabi iyon habang inaayos ang ID ko. Kailangan kong bumalik sa rounds ko, at wala akong balak makipagtagisan ng tingin sa kanya sa loob ng ospital na ito. Tumikhim siya, tila hindi sang-ayon. “Sigurado ka? Pwede kitang hintayin.” Umirap ako. “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng yaya.” Nagtaas siya ng kilay pero hindi na nagsalita pa. Ipinatong niya lang saglit ang kamay niya sa likod ko bago siya tumalikod para umalis. I was about to head to the nurse’s station when— "Aba, aba! Sino 'yang pogi mong kasama, iha?" Napapikit ako nang mariin sa malakas na boses ng tiyahin kong si Brielle. She was my father’s elder sister—isang retired nurse na ngayon ay namamahala ng ospital. Kilala siya sa pagiging straightforward, at walang filter ang bibig. “Tita Brielle,” mahina kong sabi habang dinadama ang paparating na kahihiyan. "Hindi mo naman ako pinapakilala sa fiancé mo," aniya, malakas ang boses at
Bella's POV Mas bumigat ang ekspresyon ni Gabriel. “I know, and I’m sorry. Pero hindi gano’n kasimple ang lahat.” Natawa ako, pero puno ng pait. “Gano’n ba? At ano namang komplikasyon ang pinagsasabi mo? Dahil wala akong oras sa 'yo? Dahil mas pinili kong mag-focus sa career ko kaysa sa 'yo?” He didn’t respond. Instead, he just sighed and ran a hand through his hair. Tumingala ako, pinipigilan ang pag-apaw ng emosyon. Hindi ko ito hahayaang maging drama scene. Hindi ko ibibigay kay Gabriel ang kapangyarihang saktan ulit ako. “So that’s it?” I asked, my voice was cold. “Dumating ka lang para sa isang ‘I’m sorry’? Para sabihin sa akin na hindi ito ang iniisip ko? You want to ease your guilt, is that it?” “Bella, please—” “No.” Tumayo ako nang tuwid, hinigpitan ang kapit sa braso ko. “Tapos na tayo, Gabriel. And I don’t care about your excuses anymore.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nasaktan siya sa sinabi ko, pero wala na akong pakialam. I turned ar
Bella's POV Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang tumutunog ang tawag ni Mommy. I knew I had no choice but to answer it. Kahit pa pakiramdam ko, wala na akong ibang naririnig kundi ang pintig ng sariling puso kong puno ng inis at pangamba.Napabuntong-hininga ako bago ko tuluyang sinagot."Mom?""Bella, hija," bungad ng ina ko, ang tono ay pormal pero may bahid ng awtoridad—isang klase ng boses na alam kong hindi puwedeng pagtanggihan. "May family dinner tayo mamayang gabi. You need to come, at isama mo si Brent."Napapikit ako habang napakuyom ang isang kamay. Sa dami ng taong puwede kong isama, bakit kailangang si Brent?"Mom, I don't think—""Bella," putol ng Mommy ko, mas lalong tumalim ang tono. "This is not up for discussion. I already told everyone that you’re bringing Brent. You will be there, understood?"Napakagat ako sa labi. Sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw. Bakit ba itinutulak ako ng pamilya ko sa lalaking halos hindi ko kilala? Pero kahit anong galit a
Brent's POV.Napakalamig ng hangin nang lumabas kami ni Bella mula sa restaurant. Tahimik lang siyang naglakad sa tabi ko, pero ramdam ko ang bigat ng damdamin niya sa bawat hakbang. Hindi man niya sabihin nang direkta, alam kong apektado pa rin siya sa pagkikita nilang muli nina Danica at Gabriel. Hindi iyon isang bagay na madali niyang matatakasan.Nang marating namin ang kotse, agad siyang pumasok at isinara ang pinto nang may kaunting diin. Pinagmasdan ko siya sandali bago ako sumakay sa driver’s seat.Tahimik. Masyadong tahimik.Sa paningin ng iba, baka isipin nilang pagod lang siya, pero ako? Alam kong may bumabagabag sa kanya.Pinaandar ko ang sasakyan, pero hindi pa man kami nakakalayo, narinig ko na ang mahina niyang paghikbi.Napakapit ako sa manibela, bahagyang napapikit.Ayokong makita siyang umiiyak."Bella," mahina kong tawag.Hindi siya sumagot.Napatingin ako saglit sa kanya, at kitang-kita ko kung paano niya hinayaan ang luha niyang bumagsak sa pisngi niya. Mahigpit n
Brent's POV Maingat kong inakay si Bella papasok sa silid niya, pilit pinipigilan ang tawa habang kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya."Bakit ba ang dami mong sinasabi?" natatawang tanong ko habang sinusuportahan ang katawan niyang halos hindi na makatayo ng maayos."Because…" Lumingon siya sa akin, namumungay ang mga mata. "Dapat mo akong pakinggan!""Okay, I’m listening," sagot ko, pero halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya."Kasi, Brent…" Pumikit siya saglit at parang nag-iisip ng malalim. "Ikaw ang pinaka-annoying na taong nakilala ko sa buong buhay ko!"Napahinto ako, sabay napakunot-noo. “Wow. I feel so honored.”Nagtaas siya ng isang daliri sa harap ko. "Pero…" Bumuntong-hininga siya, saka ngumiti. "Nakakatuwa ka rin minsan."Napangiwi ako. "Minsan lang?""Oo, minsan lang." Tumawa siya ng mahina. "Pero ngayon… siguro, mga twice."Napailing ako, patuloy siyang inalalayan hanggang sa marating namin ang kama niya. Inihiga ko siya nang dahan-dahan, pero bag
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim. Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon. "Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan." "Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent. "Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?" Napabuntong-hininga ako. "At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?" Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? M
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin. Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko. Knock. Knock. "Bella, get up. May pupuntahan tayo." Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal." "Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na." Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang inii
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon