Good evening. 💕
Luna’s POVAng malamig na simoy ng hangin sa Dubai ay tila hindi sapat para palamigin ang init na bumabalot sa loob ko habang nasa tabi ko si Alexus. Mula nang lumapag kami sa airport, hindi ko na maialis ang tingin sa kanya—o baka naman siya ang hindi maalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam. Ang tanging sigurado ako, may kung anong bumabalot sa pagitan naming dalawa—isang tensiyon na hindi lang basta galit o tampo, kundi isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan.“Let’s go,” aniya, saka hinawakan ang maliit na maleta ko at hinila papunta sa black luxury car na nakaabang sa amin. Hindi ko nagawang umangal—siguro dahil masyado akong nagulat sa ikinilos niya. Kailan pa siya naging gentleman ulit?“Wait, ako na—” Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa akin, halos ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin.“Luna.” Malalim ang boses niya, puno ng awtoridad. “Sumakay ka na lang.”Alam kong hindi ko siya matatalo sa argumento, kaya wala akong nagawa kundi pumasok
Luna's POV Nagpalinga-linga ako sa paligid ng resort na tinuluyan namin sa Dubai. Ang init ng disyerto ay napalitan ng malamig na simoy ng hangin mula sa dagat, at sa liwanag ng buwan, nagkaroon ng kakaibang magic ang buong paligid. Pero wala akong pake sa view—ang mas ikinababahala ko ay ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Si Alexus. Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong hinila palabas ng kwarto ko kanina. Ang sabi niya, may ipapakita raw siya sa akin, pero wala siyang binanggit kung ano. At knowing him, baka isang paraan lang ito para asarin ako. "Ano bang pinaplano mo?" tanong ko, nakataas ang isang kilay habang naglalakad kami sa buhanginan. "Hindi ko alam kung bakit napakatanong mo," sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Nakatingin lang siya sa harapan niya, sa direksyon ng maliliit na ilaw na nakasabit sa mga puno ng palm sa paligid. "Basta sumunod ka na lang." "Sumunod ka na lang, sumunod ka na lang," irap ko. "Ano ako, aso?" Napahinto siya at napatingin sa a
Luna’s POV Pagkarating namin sa Manila International Airport, abala ang lahat sa pagbaba ng mga gamit at pagpapasiguro na everything’s in order para sa susunod na flight. Tanging si Alexus at ako lang ang tahimik na naglalakad palabas ng gate. Kasunod ang tunog ng mga malalaking hakbang ng mga crew at ang hindi mabilang na boses ng mga pasahero. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, para bang ang mundo namin dalawa lang. Madalas ko na sanang maramdaman ang tensyon, pero ngayon… hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko siya tinitignan. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niyang puno ng kung anong hindi ko kayang tuklasin. "May sasabihin ako," biglang sabi ni Alexus, na parang walang pakialam kung naririnig ng iba. Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang akong naglakad, pilit itinataboy ang alingawngaw ng mga salitang iyon. "Kahit hindi mo ako pahalagahan, nandiyan lang ako," dugtong niya. Tumigil ako. Ang init ng katawan ko. Puno ng kalituhan. Lum
Luna's POV "They found the culprit, Luna," bulong ni Alexus kasabay nang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Sa wakas, makukuha na namin ang hustiyang nararapat para kay Daddy," matigas niyang sabi kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng pangangamba. Bigla kong naisip si Papa. Limang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kaniya. "They found your father, Luna," saad ni Alexus. Nanuyo ang lalamunan ko. "Alexus..." Namilog ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Your father found the culprit," bulong niya. Mas lalo lang akong nagulat. Nakita ni Papa ang totoong pumatay kay Tito? "Hawak na rin ng mga pulis ang Papa mo. Don't worry, tutulongan kita para mabilis siyang makalabas sa kulungan," dagdag ni Alexus. Para akong nakalutang sa ulap - hindi ko lubos makuha at ma-process sa utak ko ang mga sinabi ni Alexus. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakita ni Papa ang culprit? Pero siya mismo ang pumatay kay Tito Raheel. Umamin si
Luna’s POVNanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inakala na iyon ang magiging kondisyon ni Alexus. Ang puso ko’y tila binilog at piniga, sabay binagsak sa sahig. Pakasalan siya? Ibig sabihin, buong buhay kong magiging konektado ulit sa kanya? Isang bagay na matagal ko nang sinubukang iwasan.Napalunok ako, pilit na nilulunok ang kabang bumabara sa lalamunan ko. “Alexus... ano ‘tong pinagsasabi mo?” tanong ko, kahit na malinaw naman ang sagot. Hindi ito biro. Hindi siya nakangiti, hindi niya ako inaasar tulad ng dati. Ang lalim ng tingin niya sa akin, puno ng determinasyon at isang bagay na hindi ko matukoy—galit ba iyon? O pagmamahal na pilit niyang itinatanggi?Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip, tumalikod siya saglit at tumingin sa labas ng bintana ng ospital, parang may pinipigilan sa loob niya. Nang humarap siya muli, nanlilisik pa rin ang tingin niya. “You heard me right. Pakasalan mo ako, Luna. That’s the only way I’ll help you.”Nanlambot ang tuhod ko. Napaupo ako sa gilid
Luna’s POVNagising ako sa mahina ngunit tuloy-tuloy na pag-vibrate ng cellphone ko. Nasa ospital pa rin ako, nakaupo sa gilid ng kama ni Bella, pinagmamasdan ang payapang mukha niya habang natutulog. Kahit bahagya nang bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin nawawala ang takot sa puso ko.Napatingin ako sa screen ng cellphone. Si Cara.Napalunok ako. Alam kong wala siyang ibang dahilan para tumawag kundi ang ipaalala sa akin ang isang bagay—ang perang kailangan kong ibigay sa kanya sa loob ng dalawang linggo.Mabigat ang kamay kong pinindot ang “answer” button. “Ano na naman, Cara?”“Napakabastos mo pa rin, pinsan,” tugon niya sa kabilang linya, ang boses niya ay punong-puno ng pang-uuyam. “Wala ka bang magandang pambungad sa akin?”Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “Wala akong panahon para sa laro mo. Sabihin mo na kung anong kailangan mo.”Natawa siya nang bahagya. “Napaka-straightforward mo talaga, Luna. Pero sige, heto na. Gusto lang kitang paalalahanan na may sampung araw ka na
Luna’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na nagtanong pa si Alexus tungkol sa tawag ni Cara. Ngunit kahit pa nga sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Sampung araw na lang ang palugit sa akin, at wala pa akong ideya kung saan ako kukuha ng isang milyon. “Luna.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Alexus. Nakaupo na siya sa tabi ng maliit na mesa, nakasandal sa upuan habang nakatitig sa akin. “Kakain ka ba o kailangan pa kitang subuan?” Napasinghap ako, bahagyang nairita sa paraan ng pagsasalita niya. “Hindi na ako bata, Alexus. Kaya kong kumain mag-isa.” Natawa siya nang bahagya, pero hindi umalis ang matalim na tingin niya sa akin. “Hindi nga. Pero mukhang hindi mo rin kayang alagaan ang sarili mo. Ilang beses na kitang nahuling hindi kumakain nang maayos.” Itinapon ko sa kanya ang isang masamang tingin bago ako lumapit at umupo sa tapat niya. Kinuha ko ang kutsara at sinimulan nang kumain, kahit na wala akong ganang is
Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa tabi ng kama ni Bella habang marahang hinihimas ang buhok niya. Mahimbing siyang natutulog ngayon, matapos ang isang mahabang araw ng pagod at pagsusuri ng doktor. Ang tunog ng orasan sa dingding ang tanging naririnig ko sa loob ng kwarto, bukod sa mahihinang tunog ng makina na nakakabit kay Bella. Pilit kong pinapalakas ang loob ko, pero hindi ko maiwasang mag-alala—hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa kinabukasan namin. Napatingin ako sa orasan. Alas singko na ng hapon. Parang nagtagpo ang tibok ng puso ko sa pagbukas ng pinto. Pumasok si Alexus. Matikas pa rin ang tindig niya sa ilalim ng kaniyang puting long-sleeved polo na may bahagyang nakatuping manggas. Malamig ang ekspresyon niya, pero hindi ko pinalampas ang pag-aalalang sumilay sa mata niya nang mapadako ang tingin niya kay Bella. Hindi siya agad nagsalita. Marahan siyang lumapit, dahan-dahang inilapag ang dala niyang paper bag sa gilid ng kama bago tumingin sa akin. “Kumu
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon