Good afternoon. Will update another chapter later. Stay tuned, Dragons!
Lunaâs POVPumasok kami sa loob ng pribadong jet ni Alexus, ang lahat ng mata ko ay nahulog sa mga pormal na kagamitan at ang maluwag na espasyo. Dati-rati, ako ang pasahero, isang ordinaryong flight attendant na hindi alam ang pakiramdam ng pagiging nasa kabilang panig. Ngayon, ako na mismo ang maghahatid kay Alexus, ang dating lalaki na iniwasan ko ng matagal, ang lalaking may puso na minsang tinanggihan ko, at ngayon ay siya ang aking cliente.Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang tinutulungan siyang mag-settle sa kanyang upuan. Ang pakiramdam na kahit anong gawin ko, hindi ko kayang itago ang alingawngaw ng nakaraan sa aming pagitan. Nakita ko ang malamig na ekspresyon niya habang inilalapag ko ang mga gamit sa tabi ng kanyang upuan, ang malalalim niyang mata na hindi ko matukoy kung naglalaman ng galit o pagnanasa. Ang saglit na katahimikan na pumalibot sa amin ay nagsanhi ng isang hindi maipaliwanag na tensyon sa hangin.âMaraming salamat, Luna,â sabay ang malamig na tono ng bos
Lunaâs POV Sa kabila ng lahat ng nagdaan, sa bawat paglipas ng oras, nararamdaman ko na may hindi pa tapos na kwento sa pagitan namin. Ang mga mata niyang iyon ay nagsasabi ng higit pa sa mga salitang hindi pa nasasabi. Ang mga galak na dulot ng mga simpleng moments na ito ay patuloy na naglalakbay sa puso ko, at kahit na ang mga bakas ng nakaraan ay nariyan pa rin, alam kong may pagkakataon pa kami. Ngumiti ako, at sa saglit na iyon, naramdaman ko ang init ng kanyang mga mata, at ang mga simpleng saloobin na hindi kayang ipaliwanag. Habang bumababa kami mula sa eroplano, hindi ko maalis ang kabila-kabilang kabog sa aking dibdib. Nasa Dubai na kamiâisang bagong destinasyon, ngunit ang mga saloobin koây tila hindi pa handang magbago. Alam ko na kahit saan man kami magpunta, may isang bagay na hindi ko kayang iwasan: siya, si Alexus. Naglakad kami pababa, at habang abala sa pag-aayos ng mga gamit, hindi ko maiwasang mapansin ang presensya niya sa aking tabi. Ang malalim na tunog ng m
Lunaâs POVAng malamig na simoy ng hangin sa Dubai ay tila hindi sapat para palamigin ang init na bumabalot sa loob ko habang nasa tabi ko si Alexus. Mula nang lumapag kami sa airport, hindi ko na maialis ang tingin sa kanyaâo baka naman siya ang hindi maalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam. Ang tanging sigurado ako, may kung anong bumabalot sa pagitan naming dalawaâisang tensiyon na hindi lang basta galit o tampo, kundi isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan.âLetâs go,â aniya, saka hinawakan ang maliit na maleta ko at hinila papunta sa black luxury car na nakaabang sa amin. Hindi ko nagawang umangalâsiguro dahil masyado akong nagulat sa ikinilos niya. Kailan pa siya naging gentleman ulit?âWait, ako naââ Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa akin, halos ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin.âLuna.â Malalim ang boses niya, puno ng awtoridad. âSumakay ka na lang.âAlam kong hindi ko siya matatalo sa argumento, kaya wala akong nagawa kundi pumasok
Luna's POV Nagpalinga-linga ako sa paligid ng resort na tinuluyan namin sa Dubai. Ang init ng disyerto ay napalitan ng malamig na simoy ng hangin mula sa dagat, at sa liwanag ng buwan, nagkaroon ng kakaibang magic ang buong paligid. Pero wala akong pake sa viewâang mas ikinababahala ko ay ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Si Alexus. Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong hinila palabas ng kwarto ko kanina. Ang sabi niya, may ipapakita raw siya sa akin, pero wala siyang binanggit kung ano. At knowing him, baka isang paraan lang ito para asarin ako. "Ano bang pinaplano mo?" tanong ko, nakataas ang isang kilay habang naglalakad kami sa buhanginan. "Hindi ko alam kung bakit napakatanong mo," sagot niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Nakatingin lang siya sa harapan niya, sa direksyon ng maliliit na ilaw na nakasabit sa mga puno ng palm sa paligid. "Basta sumunod ka na lang." "Sumunod ka na lang, sumunod ka na lang," irap ko. "Ano ako, aso?" Napahinto siya at napatingin sa a
Lunaâs POV Pagkarating namin sa Manila International Airport, abala ang lahat sa pagbaba ng mga gamit at pagpapasiguro na everythingâs in order para sa susunod na flight. Tanging si Alexus at ako lang ang tahimik na naglalakad palabas ng gate. Kasunod ang tunog ng mga malalaking hakbang ng mga crew at ang hindi mabilang na boses ng mga pasahero. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, para bang ang mundo namin dalawa lang. Madalas ko na sanang maramdaman ang tensyon, pero ngayon⊠hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko siya tinitignan. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kayang harapin ang mga mata niyang puno ng kung anong hindi ko kayang tuklasin. "May sasabihin ako," biglang sabi ni Alexus, na parang walang pakialam kung naririnig ng iba. Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang akong naglakad, pilit itinataboy ang alingawngaw ng mga salitang iyon. "Kahit hindi mo ako pahalagahan, nandiyan lang ako," dugtong niya. Tumigil ako. Ang init ng katawan ko. Puno ng kalituhan. Lum
Luna's POV "They found the culprit, Luna," bulong ni Alexus kasabay nang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Sa wakas, makukuha na namin ang hustiyang nararapat para kay Daddy," matigas niyang sabi kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng pangangamba. Bigla kong naisip si Papa. Limang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kaniya. "They found your father, Luna," saad ni Alexus. Nanuyo ang lalamunan ko. "Alexus..." Namilog ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Your father found the culprit," bulong niya. Mas lalo lang akong nagulat. Nakita ni Papa ang totoong pumatay kay Tito? "Hawak na rin ng mga pulis ang Papa mo. Don't worry, tutulongan kita para mabilis siyang makalabas sa kulungan," dagdag ni Alexus. Para akong nakalutang sa ulap - hindi ko lubos makuha at ma-process sa utak ko ang mga sinabi ni Alexus. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakita ni Papa ang culprit? Pero siya mismo ang pumatay kay Tito Raheel. Umamin si
Lunaâs POVNanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inakala na iyon ang magiging kondisyon ni Alexus. Ang puso koây tila binilog at piniga, sabay binagsak sa sahig. Pakasalan siya? Ibig sabihin, buong buhay kong magiging konektado ulit sa kanya? Isang bagay na matagal ko nang sinubukang iwasan.Napalunok ako, pilit na nilulunok ang kabang bumabara sa lalamunan ko. âAlexus... ano âtong pinagsasabi mo?â tanong ko, kahit na malinaw naman ang sagot. Hindi ito biro. Hindi siya nakangiti, hindi niya ako inaasar tulad ng dati. Ang lalim ng tingin niya sa akin, puno ng determinasyon at isang bagay na hindi ko matukoyâgalit ba iyon? O pagmamahal na pilit niyang itinatanggi?Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip, tumalikod siya saglit at tumingin sa labas ng bintana ng ospital, parang may pinipigilan sa loob niya. Nang humarap siya muli, nanlilisik pa rin ang tingin niya. âYou heard me right. Pakasalan mo ako, Luna. Thatâs the only way Iâll help you.âNanlambot ang tuhod ko. Napaupo ako sa gilid
Lunaâs POVNagising ako sa mahina ngunit tuloy-tuloy na pag-vibrate ng cellphone ko. Nasa ospital pa rin ako, nakaupo sa gilid ng kama ni Bella, pinagmamasdan ang payapang mukha niya habang natutulog. Kahit bahagya nang bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin nawawala ang takot sa puso ko.Napatingin ako sa screen ng cellphone. Si Cara.Napalunok ako. Alam kong wala siyang ibang dahilan para tumawag kundi ang ipaalala sa akin ang isang bagayâang perang kailangan kong ibigay sa kanya sa loob ng dalawang linggo.Mabigat ang kamay kong pinindot ang âanswerâ button. âAno na naman, Cara?ââNapakabastos mo pa rin, pinsan,â tugon niya sa kabilang linya, ang boses niya ay punong-puno ng pang-uuyam. âWala ka bang magandang pambungad sa akin?âHumigpit ang hawak ko sa cellphone. âWala akong panahon para sa laro mo. Sabihin mo na kung anong kailangan mo.âNatawa siya nang bahagya. âNapaka-straightforward mo talaga, Luna. Pero sige, heto na. Gusto lang kitang paalalahanan na may sampung araw ka na
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller IDâalam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bellaâs POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30âika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bellaâs POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita koâisang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng
Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang âyan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bellaâ" "Baliw ang ex-fiancĂ©e mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo
Bellaâs POV Hapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin. Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain! âManong, pahabol po!â halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda. Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko. âAno ba?!â galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo. Si Claudia. Ang ex-fiancĂ©e ni Brent. Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basketâmay fruits, sandwiches, at isang bote ng red wineânarinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang itoâhindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, âdi ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit. Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon. Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya. Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula. "I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon. Biglang bumigat ang paligid. "Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil saâyo, hindi na siya bumalik." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react. Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan. Ito ay sugat ng nakaraan na hin
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na âto, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin. Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko. Knock. Knock. "Bella, get up. May pupuntahan tayo." Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal." "Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na." Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang inii
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim. Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon. "Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan." "Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent. "Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?" Napabuntong-hininga ako. "At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?" Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? M