Share

Chapter 188

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-03 17:24:09
Luna's POV

Napatingin ako sa labas ng bintana ng private plane namin habang nasa biyahe papunta sa isang exclusive resort sa Palawan. Ang tanawin mula sa itaas ay breathtaking—ang mala-kristal na tubig, puting buhangin, at ang luntiang kagubatan na parang painting sa isang postcard. Hindi ko maiwasang mapangiti habang yakap-yakap si Bailey sa aking kandungan, mahimbing siyang natutulog.

Sa tabi ko, si Bella naman ay abala sa panonood ng cartoons sa tablet niya, habang si Alexus ay nasa tapat namin, nakasandal sa upuan at pinagmamasdan lang kaming mag-iina. Nang magtama ang mga mata namin, nagbigay siya ng isang matamis na ngiti bago siya yumuko upang halikan ang noo ni Bella.

“Are you excited?” tanong niya sa akin.

Napangiti ako. “Yes. Matagal ko nang gustong makapagbakasyon kasama kayo.”

Napatingin siya kay Bailey, na mahimbing na natutulog sa braso ko. “Mabuti na lang at hindi nag-inarte si little princess natin sa flight.”

Tumawa ako. “She takes after me. Relaxed.”

“Talaga l
Deigratiamimi

Good afternoon 🩷

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 189

    Luna's POV Pagkatapos ng buong araw na paglalangoy, paglalaro sa beach, at pagkain ng masasarap na seafood, napagdesisyunan naming bumalik sa villa para magpahinga. Habang natutulog si Bailey sa kanyang crib, si Bella naman ay mahimbing na nakayakap sa isang stuffed dolphin na nabili niya kanina sa isang souvenir shop. Nakatayo ako sa balcony ng villa, nakatingin sa malawak na karagatan. Ang alon ay marahang humahampas sa pampang, at ang buwan ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. It felt so peaceful. Bigla kong naramdaman ang mainit na bisig ni Alexus na bumalot sa bewang ko mula sa likuran. “Anong iniisip mo?” bulong niya habang hinahalikan ang gilid ng aking leeg. Napangiti ako at pinatong ang kamay ko sa ibabaw ng mga kamay niya. “Wala naman. Na-appreciate ko lang kung gaano kaganda ang gabi. Ang sarap lang sa pakiramdam.” Huminga siya nang malalim at mas hinigpitan ang yakap niya. “Mas gumanda ang gabing ‘to dahil kasama kita.” Napatawa ako at bahagyang tumaliko

    Last Updated : 2025-03-03
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 190

    Luna's POV Nakaupo ako sa veranda ng beach house namin, hawak ang isang tasa ng mainit na kape habang nakatanaw sa malawak na dagat. Malamig ang simoy ng hangin at ang alon ay banayad na humahampas sa dalampasigan. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng kalikasan na nagbibigay sa akin ng kakaibang kapayapaan. Ilang araw na kaming nandito, at sa bawat umagang nagigising ako sa tabi ni Alexus at ng mga anak namin, lalo kong nararamdaman kung gaano ako kaswerte. Mula sa isang relasyong puno ng pagsubok, sa wakas ay nasa puntong na kami ng buhay namin kung saan puro pagmamahal at saya na lang ang umiiral. Napangiti ako nang makita kong papalapit si Alexus, suot ang kanyang beach shorts at isang manipis na puting polo na nakabukas ang ilang butones. Mukha siyang modelo sa isang magazine cover, lalo na’t tila natural na natural sa kanya ang pagiging gwapo. “Good morning, my love,” bati niya habang inilapag ang isang tray ng breakfast sa lamesa. “Good morning,” sagot ko, kasabay ng pa

    Last Updated : 2025-03-04
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 191

    Luna's POV Maaga kaming umalis ng beach house para bumalik sa Manila. Halos isang linggo rin kaming nagbakasyon doon, pero parang kulang pa. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko pang magtagal. Ang sarap kasi sa pakiramdam na malayo sa gulo, stress, at lalo na sa mga taong hindi ko gustong makita. Sa loob ng van papunta sa airport, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hawak ni Alexus ang kamay ko habang si Bella ay nakasandal sa balikat ko, mahimbing na natutulog. Si Bailey naman ay nasa car seat niya, mahinang humihilik. "Parang ang lalim ng iniisip mo," bulong ni Alexus habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Wala naman. Medyo nanghihinayang lang umalis. Ang saya kasi rito." Ngumiti rin siya. "Puwede namang bumalik ulit. Anytime you want." "Talaga?" "Of course. Anything for my queen." Napailing ako sa sinabi niya, pero hindi ko napigilan ang sarili kong kiligin. Si Alexus talaga, kahit simpleng bagay, nagagawang romantic.

    Last Updated : 2025-03-04
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 192

    Luna's POV Pagkalapag namin sa Manila, agad kaming sumakay sa sasakyan papunta sa Del Fuego Mansion. Hindi na ako nagulat nang sabihin ni Alexus na gusto kaming makita ng mommy niya. Matagal na rin niyang hinihiling na bumisita kami roon kasama ang mga bata, pero hindi ko lang maipaliwanag ang hesitasyon ko. Siguro kasi, sa loob ng bahay nila ay naroon si Daniela, mas pinili kong lumayo. Mas pinili kong iwasan ang mundo nila—ang mundo kung saan kabilang si Daniela. Sa likod ng sasakyan, tahimik kong pinagmamasdan sina Bella at Bailey. Si Bella ay nakatingin sa bintana, mukhang excited sa pagbisita sa lola niya, habang si Bailey naman ay mahimbing na natutulog sa car seat niya. Si Alexus, na nakaupo sa tabi ko, ay mahigpit na hawak ang kamay ko. "You're tense," bulong niya habang hinihimas ang likod ng kamay ko gamit ang hinlalaki niya. "I just don't know what to expect," matapat kong sagot. Ngumiti siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "It's just my mom, Luna. Wala ka n

    Last Updated : 2025-03-04
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 193

    Luna's POV Dalawang buwan na ang lumipas mula nang huli naming makita si Daniela sa Del Fuego Mansion, at masasabi kong naging tahimik at maayos ang buhay namin. Hindi ko na siya inisip. Mas pinili kong ituon ang atensyon ko kina Bella, Bailey, at siyempre, kay Alexus. Sa wakas, sa unang pagkakataon mula nang naging magulo ang relasyon namin noon, naramdaman kong tunay na buo na kami. At ngayon, excited akong ipagdiwang ang ika-55 na kaarawan ni Mommy Anabelle. Malaking selebrasyon ito, kaya lahat ng pamilya Del Fuego, pati na rin ang ilang business partners at malalapit na kaibigan ng pamilya, ay imbitado. Sa loob ng buong linggo, naging abala kami sa paghahanda. Sinigurado kong maganda ang magiging outfit ng mga bata, habang si Alexus naman ang namahala sa pag-aasikaso ng catering, decorations, at entertainment. “Babe, sigurado ka bang okay na lahat?” tanong ko habang tinitingnan ang seating arrangement sa dining area ng mansion. “Of course,” sagot niya, tapos hinalikan niya a

    Last Updated : 2025-03-04
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 194

    Luna's Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ang ekspresyon ni Alexus. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang mga sigaw at panghuhusga ng mga bisita, o ang duda sa mga mata ng lalaking mahal ko. “Luna…” bulong ni Alexus habang dahan-dahan siyang lumapit. Kita ko ang gulat at pag-aalinlangan sa mukha niya. “Ano ‘to? Ano’ng nangyari?” Napailing ako, nanginginig at hindi makapaniwala. “Hindi ako…” Nabasag ang boses ko. “H-Hindi ako ang may gawa nito…” Pero bago pa ako makapagpaliwanag, lumapit si Daniela na umiiyak kunwari, pilit na ginagampanan ang papel ng isang inosenteng saksi. “Alexus! Nakita namin mismo! Hawak niya ang kutsilyo habang si Mommy Anabelle ay duguan sa sahig!” pasigaw niyang sabi, mistulang isang madrama sa pelikula. “Ginawa niya ‘to dahil galit siya sa pamilya mo! Hindi mo ba nakikita? Pinatay nga ng tatay niya ang Daddy mo!” “NAGSISINUNGALING KA!” Napasigaw ako, ramdam ang pag-apaw ng galit sa loob ko. “Wala akong ginawa! Nakita ko na lan

    Last Updated : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 195

    Luna's POV Mabilis kong tinahak ang madilim na hagdan ng apartment building, halos wala nang pakialam kung mahulog ako. Nanginginig ang buong katawan ko habang pilit kong nilulunok ang mga luhang hindi ko na dapat iniluluha pa. Paano niya nagawa ‘to sa’kin? Paano niya ako pinagtabuyan? Paano niya ako pinagpalit sa kanila—sa mga taong matagal nang gustong sirain ako? Humihingal akong huminto sa tapat ng pinto ng dating unit na tinirhan ko. Mabilis kong inilabas ang susi, pero hindi ko maipasok nang maayos dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Diyos ko, Luna. Magpakatatag ka. Pero paano? Paano kung naiwan ko ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko? Bella. Bailey. Halos mapatid ang hininga ko nang maisip ko ang mga anak ko. Naiwan ko sila sa Del Fuego Mansion. Sa poder ng mga taong hindi ko alam kung kaya kong pagkatiwalaan pa. Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong bumalik. Gusto kong kunin sila. Pero paano kung hindi ako papasukin? Nang sumakto ang susi sa lock, halos pasubs

    Last Updated : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 196

    Luna's POV Mas lalong lumakas ang tunog ng camera shutters at ang ingay ng mga reporters nang humakbang ako palabas ng building. Sunod-sunod ang pag-flash ng mga camera sa mukha ko, nakakasilaw at nakakahilo. “Mrs. Del Fuego, totoo bang sinaksak niyo ang inyong biyenan?” “Ano ang motibo niyo sa pag-atake kay Anabelle Del Fuego?” “Gaano katagal niyong pinagplanuhan ang krimen?” “Ano ang masasabi niyo sa mga ebidensyang hawak ng pulisya?” Tangina. Nagkaroon ng buhol sa sikmura ko sa dami ng tanong na pilit nilang isinisiksik sa akin. Parang mga buwitre. Hindi ako makakilos. Hindi ako makapagsalita. Parang ang bigat ng bawat hakbang ko habang itinutulak ako ng mga pulis papunta sa police van. “Hindi ko ginawa ‘yon,” mahina kong sabi, pero nilamon lang ng ingay ang boses ko. Wala ni isa ang nakarinig. Patuloy nilang isinaksak sa mukha ko ang mga microphone, mga cellphone, at kung ano pang pangkuha ng video. Para akong isang kriminal na ibinabalandra sa harap ng publiko. Nakaka

    Last Updated : 2025-03-05

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 36

    Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 35

    Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 34

    Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 33

    Bella's POV Hindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya. Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita. Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito? “Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.” “Simula po noong nagbakasyon kayo

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 32

    Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 31

    Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 30

    Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 29

    Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 28

    Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status