Share

Chapter 195

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-03-05 01:59:51
Luna's POV

Mabilis kong tinahak ang madilim na hagdan ng apartment building, halos wala nang pakialam kung mahulog ako. Nanginginig ang buong katawan ko habang pilit kong nilulunok ang mga luhang hindi ko na dapat iniluluha pa.

Paano niya nagawa ‘to sa’kin?

Paano niya ako pinagtabuyan? Paano niya ako pinagpalit sa kanila—sa mga taong matagal nang gustong sirain ako?

Humihingal akong huminto sa tapat ng pinto ng dating unit na tinirhan ko. Mabilis kong inilabas ang susi, pero hindi ko maipasok nang maayos dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Diyos ko, Luna. Magpakatatag ka.

Pero paano?

Paano kung naiwan ko ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko?

Bella. Bailey.

Halos mapatid ang hininga ko nang maisip ko ang mga anak ko. Naiwan ko sila sa Del Fuego Mansion. Sa poder ng mga taong hindi ko alam kung kaya kong pagkatiwalaan pa.

Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong bumalik. Gusto kong kunin sila. Pero paano kung hindi ako papasukin?

Nang sumakto ang susi sa lock, halos pasubs
Deigratiamimi

Don't forget to leave a comment, gem vote, and rate this book po. 😊

| 5
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 196

    Luna's POV Mas lalong lumakas ang tunog ng camera shutters at ang ingay ng mga reporters nang humakbang ako palabas ng building. Sunod-sunod ang pag-flash ng mga camera sa mukha ko, nakakasilaw at nakakahilo. “Mrs. Del Fuego, totoo bang sinaksak niyo ang inyong biyenan?” “Ano ang motibo niyo sa pag-atake kay Anabelle Del Fuego?” “Gaano katagal niyong pinagplanuhan ang krimen?” “Ano ang masasabi niyo sa mga ebidensyang hawak ng pulisya?” Tangina. Nagkaroon ng buhol sa sikmura ko sa dami ng tanong na pilit nilang isinisiksik sa akin. Parang mga buwitre. Hindi ako makakilos. Hindi ako makapagsalita. Parang ang bigat ng bawat hakbang ko habang itinutulak ako ng mga pulis papunta sa police van. “Hindi ko ginawa ‘yon,” mahina kong sabi, pero nilamon lang ng ingay ang boses ko. Wala ni isa ang nakarinig. Patuloy nilang isinaksak sa mukha ko ang mga microphone, mga cellphone, at kung ano pang pangkuha ng video. Para akong isang kriminal na ibinabalandra sa harap ng publiko. Nakaka

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 197

    Luna's POV Malamig. Mabaho. Masikip. ‘Yun agad ang sumalubong sa akin nang tuluyang bumukas ang rehas at itulak ako sa loob ng selda. Napatigil ako saglit. Parang ayaw pumasok ng mga paa ko. Pero wala akong nagawa nang biglang lumapat ang pinto sa likod ko. Malakas. Malamig. Nakakabingi. Ako… nasa kulungan. Pakiramdam ko, para akong itinapon sa isang bangungot na hindi ko matakasan. Parang biglang sumikip ang paligid. Parang wala akong matakbuhan. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang iniangat ang tingin ko. May mga babaeng nakaupo sa sulok, ang iba’y nakatingin sa akin na para bang sinusukat ako ng tingin nila. Isa sa kanila, isang matandang babae na mukhang matagal nang nakakulong, ang lumapit sa akin. Maitim ang mga mata niya. Walang bakas ng awa. “Mukha kang mayaman,” aniya, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ano’ng kaso mo, ha? Pumatay ka ng asawa mo?” Napasinghap ako. “Hindi.” Natawa siya. “Nagpapanggap kang inosente, pero napanood ka namin sa TV. Ika

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 198

    Luna's POV Nasa isang sulok lang ako ng malamig na selda, nakakuyom ang mga palad habang pinipigilan ang tuluyang pagbuhos ng luha ko. Hindi ako dapat humina. Hindi ako dapat sumuko. Pero Diyos ko, ang bigat-bigat na. Nang marinig ko ang yabag ng isang pulis papalapit sa akin, agad akong napatingin. “Del Fuego, may dalaw ka ulit.” Nanlaki ang mga mata ko. Sino na naman? Si Yaya Ana lang ang alam kong dadalaw sa akin. Ayokong makita si Alexus, lalo na’t hindi ko alam kung naniniwala na ba siya sa akin o hindi pa rin. Dahan-dahan akong tumayo. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa visiting area. Pero nang makita ko kung sino ang naghihintay sa akin, hindi ko napigilan ang paghagulgol. “Arturo…” Si Arturo Sandoval. Ang matalik kong kaibigan. Ang tanging taong alam kong kayang ipaglaban ako sa kasong ‘to. Napangiti siya sa akin, pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Agad kong dinampot ang telepono para makausap siya. “Luna,” aniya, mahina ang boses. “I’m so

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 199

    Luna's POV Hindi ko alam kung paano ako nakatayo ngayon sa harap ng matarik na pintuang bakal ng kulungan. Ilang araw lang ang lumipas simula nang makulong ako, pero pakiramdam ko ay ilang taon akong nawala sa labas ng mundong kilala ko. Pansamantalang kalayaan. Iyon ang sinabi sa akin ni Arturo habang inaayos niya ang mga papeles para sa piyansa ko. Alam kong hindi pa ito ang katapusan ng laban ko, pero kahit papaano, mas makakahinga na ako sa labas—mas malapit sa mga anak ko. Sa tabi ko, nag-aayos ng mga dokumento si Arturo habang binabantayan ng pulis ang proseso ng pagpapalaya sa akin. "Sigurado ka bang ayos lang ito, Arturo?" mahina kong tanong. "Alam mong hindi biro ang kasong ito." Tiningnan niya ako, ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha ay hindi nagbago. "Hindi kita papayagang mabulok sa loob ng selda, Luna. Kahit sino pa ang kalaban natin." May kung anong bumara sa lalamunan ko. "Salamat," bulong ko. "Huwag kang magpasalamat," aniya. "Mas marami pa tayong

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 200

    Luna's POV Tahimik akong nakatingin sa malawak na sala ng bahay ni Arturo habang mahigpit na yakap-yakap ang sarili. Malamig ang buong paligid, pero hindi ito galing sa aircon. Pakiramdam ko, ang lamig ay nagmumula sa loob ko—isang uri ng ginaw na hindi kayang takpan ng kumot o anumang yakap. “Sigurado ka ba rito, Luna?” Napalingon ako kay Arturo na kasalukuyang naglalagay ng mainit na tsaa sa harapan ko. Kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Hindi lang dahil sa sitwasyon ko, kundi dahil alam niyang mahirap sa akin ang humingi ng tulong sa iba. “Wala na akong ibang choice, Arturo,” sagot ko, pilit na tinatago ang panginginig ng boses ko. “Kung babalik ako sa apartment, siguradong babantayan lang ulit ako ng mga pulis. Wala pa akong laban.” “At si Alexus?” tanong niya. “Wala pa rin bang paramdam?” Napayuko ako. May mahigit isang daang tawag mula sa kanya kanina, pero ni isa, hindi ko nasagot. Hindi ko rin alam kung kaya ko. “May paramdam na.” Matalim akong napangiti. “Pero anong

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 201

    Luna's POV "Hindi... hindi totoo ‘yan." Halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa papel na hawak ni Daniela. Pakiramdam ko ay bumagsak ang buong mundo ko sa isang iglap. Hindi ko maipaliwanag ang bigat na bumalot sa dibdib ko, na parang tinanggalan ako ng karapatan bilang ina sa isang iglap. "Oh, pero totoo, Luna." Malamig ang boses ni Daniela habang nakangising inalalayan ang mga pulis papalapit sa amin. "Epektibo simula ngayon, ako na ang legal na tagapag-alaga ng mga anak mo. At may court order na nagbabawal sa iyong lumapit sa kanila." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Mabilis kong nilingon si Alexus, umaasang may kahit kaunting pagsisisi sa mukha niya, pero nanatiling walang emosyon ang ekspresyon niya. Naninigid ang panga niya, at bagama’t hindi niya ako direktang tinitingnan, alam kong naririnig niya ang lahat. "Alexus..." Mahina kong bulong, parang nagmamakaawa. Pero hindi siya sumagot. Kusa nang bumagsak ang luha ko. "Alexus, sabihin mong hindi mo ito gin

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 202

    Luna's POV Halos hindi ako mapakali sa sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na kalsada patungo sa Del Fuego mansion. Naka-disguise ako—suot ang hood ng jacket ni Arturo, habang ang buhok ko’y nakapusod sa ilalim ng cap. "Anong plano natin?" tanong ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa upuan. "Hahanapin natin ‘yung kasambahay na nag-report. Kailangan nating malaman kung paano natin madadala sina Bella at Bailey nang hindi nila namamalayan." Tumango ako, kahit alam kong hindi magiging madali ‘to. Pagdating namin sa likurang bahagi ng Del Fuego mansion, bumaba kami nang dahan-dahan. May madilim na bahagi sa may garden kung saan kami pwedeng dumaan. "Dito tayo," bulong ni Arturo, tinuturo ang isang maliit na pinto sa gilid. "Diyan dumadaan ang mga kasambahay." Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Kumatok siya nang tatlong beses, tapos isang beses pang mahina. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang isang babae—hindi pa siya katandaan, pero halatan

    Huling Na-update : 2025-03-05
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 203

    Luna's POV Mula sa sala, narinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto—hindi, hindi lang basta katok. Halos basagin na niya ang kahoy sa tindi ng hampas. "LUNA! BUKSAN MO 'TO!" Napakapit ako nang mahigpit kay Bella. Alam kong takot na takot siya sa naririnig niyang sigaw ng ama niya. "Mommy…" Mahinang iyak niya, habang nakayakap sa akin. "Huwag kang matakot, anak," bulong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero paano kung... paano kung kunin niya si Bella? Nagmadali akong tumayo. "Luna, ako na ang bahala," pigil ni Arturo, pero umiling ako. "Hindi, kailangan ko siyang harapin." Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang lumapit sa pinto. Sa sandaling binuksan ko ito, bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni Alexus. Halos pulang-pula ang mga mata niya, at bumibigat ang paghinga niya sa tindi ng emosyon. "Ano'ng karapatan mong kunin ang anak ko?!" sigaw niya agad, hindi pa man ako nakakabati sa kanya. Pinaghandaan ko ang galit niya, pero iba pala ang pakiramdam kapa

    Huling Na-update : 2025-03-06

Pinakabagong kabanata

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 42

    Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 41

    Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 40

    Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 39

    Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 38

    Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 37

    Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 36

    Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 35

    Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 34

    Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status