I don't know how to absorb everything. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng nalaman ko no'ng gabing iyon. Hindi maalis sa isipan ko kung paanong inaresto ang daddy ko, kung paano s'yang nasasaktang ngumiti saakin, at kung paanong sinabi ni mommy saakin ang kasalanang ginawa n'ya. "He's not a murderer, Rox! Your dad didn't do it on purpose! He just protected himself!" Napatay ni daddy iyong huling naging kliyente n'ya... Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa nangyari. Naupo ako sa madilim at sulok na bahagi ng k'warto ko at tahimik na umiiyak habang iniisip ang sunod-sunod na problemang dumating. I can't believe it. Kinikilabutan at natatakot ako sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni mommy na nakagawa ng ganoong kasalanan si daddy. "I'm sorry Alisha. I'll make it up to you. I'm really sorry. I love you. You know that right?"Natigilan ako sa ginagawang paghakbang papunta sa gate ng school namin nang madaanan ko ang waiting sched malapit sa school ng marini
"Ate, are you c-crying?" I immediately wiped away my tears when I heard Miro's voice. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong gising na habang tiim na nakatingin saakin. Ang maamong mukha ng kapatid ko ay tila pumapawi sa sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang."No, Miro... Ate is not crying." Pagsisinungaling ko pa sa kanya. Alam kong pilit n'yang akong inaaninag gamit ang mga mata n'ya kahit hindi niya naman kaya. Isang mapait na ngiti lang ang nailabas ko. I put my hand on his hand when he sat on his bed. "But I heard your sobs. Why are you crying? Did someone hurt you?" Mahina pa n'yang tanong. Marahan kong nakagat ang ibaba kong labi at pinigilang muling maiyak nang dahil sa sinabi n'ya. Everyone is hurting ate, Miro... They are hurting me... Gusto kong magsumbong sa kanya. Feeling ko ngayong wala akong mapuntahan at kapatid ko lang ang kakampi ko dahil kahit si Gideon ay hindi ko magawang lapitan dahil isa din s'ya sa dahilan kung bakit nasasaktan ako.Halos i
Trigger Warning: SuicideMy dad left just like that. Pakiramdam ko ng sandaling malaman ko ang tungkol sa nangyari sa kanya ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Tuluyan na akong nawalan ng lakas na ipagpatuloy pa ang paghihilom ng puso ko. Iniwan na nila ako. Iniwan na ako ng pamilya kong nangakong sasamahan akong abutin ang pangarap ko. I hugged my knees as I hugged the darkness. I was alone while my wounded heart was constantly bleeding. No one was there to comfort me. I have no one left but myself. I saved myself from drowning as my heart shouted for help. The darkness started to give me a blanket while my tears and sobs started to give me constant comfort. Parang nung isang buwan lang ang ayos pa ng lahat. Parang noong isang buwan lang magkakasama pa kami sa isang hapag kainan...Tapos biglang isang araw tila binawi na ang sayang naranasan ko. Binawi silang lahat saakin. Gideon... I need you, baby... Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanghihinang inabot ang cellphone k
I was too independent before. Mas'yado akong nakampante na palagi ay kaya ko at palagi ay kaya kong masolusyunang mag-isa ang mga problema ko. Nguni't gumuho ang lahat ng biglang nalang nagsunod-sunod ang problema ko. Nagsunod-sunod ang pagkawala nila ng lahat saakin. Akala ko kaya ko. Akala ko ay madali lang akong makakabangon. But then, it's not that easy to take another step after having the darkest days of my whole life.I'm not sure how I'm going to take another step after falling into a deep hole.I failed to achieve my dreams. I lost my brother. I lost my mom. I lost my dad and I lost my bestfriend. There was no one left to hold me and tell me that everything was going to be okay. No one was there to comfort me. I hug and comfort myself instead. The pain inside me didn't leave. I remember how I mourned for my best friend alone. I remember how I cried in front of her grave.Ni hindi ko napansin noon na may kakaiba sa kanya... Hindi ko alam na 'yung best friend kong inakala k
Anguish, failures, and pain from the past have taught me lessons. It teaches me how to become stronger and how to develop self-confidence."Ilang taon ka na, Rox?" Tanong saakin ng isa sa mga kaklase ko noong pumasok ako ng senior high Leyte. I licked my lips. "21"Umawang ang labi n'ya. Nakita ko kung paanong nakakuha din ako ng atensyon mula sa iba ko pang mga kaklase at tila gulat na ako ang pinakamatanda sa kanila. "Talaga? Edi dapat college ka na?" Sabi pa saakin ng kausap ko. Tumango ako sa kanya habang inaayos ang bag ko. Kanina pang walang teacher na supposed to be dapat nagtuturo na. Mukhang hindi na naman papasok. "Oo...""Oh? Sabi na, 'e! Ang ate ko kase 21, second year college na. Anong ginawa mo sa dalawang taon? Tumigil ka?" Usisa pa niya. I just gave her a genuine smile and shake my head. "Nagpagaling ako." If you want to be strong, learn to enjoy being alone. "Nanay, can you braid my hair please?"Napatigil ako sa ginagawa kong pag babasa ng saktong pumasok sa l
Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ko matapos marinig ang sinabi ni Gideon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. How dare he say in front of me that I'm still his girlfriend after he cheated? Sa isang tila katahimikan at lahat kami seryoso ay hindi ko mapagilang matawa nalang bigla. My laugh sounds so sarcastic.Ito ang ayaw ko. Hindi ko ninais na makipagkita sa may-ari ng law firm namin at ang secretary nalang sana ni tita ang kakausap sa kanya dahil ayaw nang maugnay kay Gideon nguni't ngayon ay narito na s'ya at s'ya rin palang may-ari ng iba pang properties na gusto kong mabawi.Nakita ko naman kung paanong napaawang ang labi ni Gideon at tila nagtataka sa bigla kong tawa. "Really? You must be mistaken." I hissed. "If you're the owner of my properties..." I tiptoe. "How?""What?" Kumunot naman ang noo n'ya. "How much? How much do you need?" Magasapang kong sambit. Narinig ko ang tikhim nila tito Ismael sa sinabi ko kay Gideon. I feel the tension that is building i
"Make this conversation fast. I have no time. I still have my clients." Bungad ko na agad nang maupo sa harapan ni Gideon. Nasa isang restaurant ulit kami, malapit sa condo kung saan kami nakatira ni Gianna. A week had passed at ngayon ang itinakdang oras ni Gideon para sa muli naming pagkikita para pag-usapan ang tungkol sa properties na gusto kong makuha. He texted me. Noong una ay nagtaka pa nga ako kung paano n'ya nakuha ang numero ko, pero naalala ko si Tito Ismael. S'ya yata ang nagbigay. Tumikhim si Gideon at seryosong bumaling saakin ng tingin. "If you want your properties back, then at least be patient." My lips parted when he said those words. Hindi ko na nagawang makapagsalita nang tumawag s'ya ng waiter para mag-order ng pagkain. He didn't ask me what I wanted; he just ordered what he wanted.Hindi ko pa maiwasang palihim na tumikhim nang mapansin kong lahat ng inorder n'yang pagkain ay s'yang madalas din naming kainin noon. I slouched in my chair. Bakit nga ba ini
"I don't care, Roxana. I don't care," Nanatili akong tahimik at tulala kay Gideon. Parehas na may natuyong luha sa mga pisngi namin nguni't wala akong nagawa kun'di ang titigan s'ya. "Wala akong pake kung hindi mo na kailangan ng kahit sino. Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo." My jaw dropped. "Hindi mo ba ako narinig, Gideon? Sabi ko, hindi na kita kailangan! Kaya p'wede ba? P'wede bang layuan mo na ako? Sabihin mo na saakin kung anong gusto mo para makuha ko na iyong properties ko. P-Pagkatapos no'n--" I licked my lips and breath heavily. "Pagkatapos no'n, let's just pretend that we don't know each other anymore." Marahan s'yang umiling saakin. "Hindi, Rox... Naghintay ako ng sampung taon. Naghintay ako hindi para itulak mo lang ulit palayo." Hindi ako tumugon sa sinabi n'ya. Nakipaglaban lang ako ng tinginan sa kanya. "Hindi ko sinabing maghintay ka ng gano'n katagal, Gideon. It's your fault and not mine. Bakit hindi ka nalang maghanap ng iba diba? Why don't you just go a
"Bakit hindi mo pinansin iyong nag-iisang anak ng Fabrejas?" Napatingin ako kay mommy nang tanungin n'ya nalang ako bigla matapos kong seryosong sundan ng tingin ang batang babaeng iyon na sa tingin ko kasing edad ko din naman na halos malukot ang mukha sa pagkasimangot nang hindi ko pansinin matapos kaming ipakilala sa isa't isa ng mga magulang namin. I blinked. "Mukhang masungit," wala sa sarili ko nalang na nasabi na s'yang ikinailing ng mga magulang ko saakin. "Hindi masungit ang batang iyon, Gideon. Mas matanda ka lang doon ng isang taon. Napakalambing ng batang iyon, mabait at maganda." Oo nga... Malambing nga, lalo na ang boses. Mabait naman talaga at maganda...sobra. "Hayaan mo na, Louisa. Kilala mo naman ang anak mo, halos lahat ata ng babae ay iniiwasan n'yan. Umiiwas din ang babae sa kanya dahil akala ay laging may galit sa mundo ang itsura." Nakuhang biro pa ni daddy bago bahagyang ginulo ang buhok ko. I licked my lips as I look at 'that girl' again. She's so fine. S
"Edi hindi ka na talaga babalik dito? Doon na kayo titira sa La Castellana?" Tanong saakin ni Sandra nang bumisita s'ya sa condo ko sa Manila. Kahapon pa kami nakaluwas dito at ngayong umaga dumating si Sandra. Tulog pa ang sila Gianna at Gideon kaya kaming dalawa ni Sandra ang magkatulong sa paggawa ng agahan."Bibisita rin kami paminsan-minsan dito, nandito din naman ang ibang business ni Gideon." Sabi ko sa kanya. Bigla n'ya namang hinampas ang braso ko. "Intrimitida ka talaga, buti nalang ayos na kayo 'no? Happy ka na ulit!" She said and smiled at me. Bahagya akong napatawa at tinanguan s'ya. "Masaya ako noong kayo lang ang kasama ko, mas lalo nga lang akong sumaya nang magkaayos na kami ni Gideon..." I said. "You know what Sandra? You're right, lahat ng sinabi mo saakin noon at lahat ng advice...Lahat 'yon tama at hindi ako nagsisising sinunod ko. Ngayon masaya na ako kasama si Gideon at Gianna." "And I'm happy that you're happy..." She uttered and held my hand. "Rox, you ar
"Good morning, Atty. Fabrejas!" Nakangiting bati saakin ni Yael at ng ilang naroong lawyer sa law firm namin. Binigyan ko sila ng ngiti at tinanguan. "Good morning din," Naramdam ko ang marahang paghawak ni Gideon sa likuran ko at iginiya ako papunta sa ilang pang hindi ko kilalang under ng law firm namin. I will start working here. Inaayos ko na rin ang pag-alis ko sa dating pinagtatrabahuhan. Maybe one of this days babalik kami ng Manila. Hinayaan ko ding si Gideon na ang may hawak nitong firm dahil kahit papaano ay naging malaki na rin ang ambag n'ya rito."This is your office," binuksan ni Gideon ang isang k'warto at ganoon nalang ang pasinghap ko nang mapagtantong iyon ang office ni daddy noon. "Where is your office?" I asked.He smiled at me. "Sa kabila," "Thank you," I said, smiling. Before walking to my table, I gave him a quick hug.Hinawakan ko ang lamesang bago at hindi mapigilang mapadapo ang tingin sa titulong naroon. "Your father used to own the majority of this la
You're an idiot, Roxana Imelda. You're an idiot. Pinunasan kong muli ang luha ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Kauuwi ko lang nguni't hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Yael. Shiela, Shiela Angela. Yes, I remember now. She's Imperial's sister. How could I have forgotten?!How can I assume that she's Gideon's mistress?She's also a brat... It was her fault. How can he say that she was Gideon's girlfriend? Bakit n'ya akong pinaglaruan noon? Anong ginawa ko sa kanya? Ugh! She's a real brat! Gideon chose to fail his engineering course and switch to his college course... He's a lawyer, so it's possible that he was the one who opened the case. Possible din na s'ya ang nagpanalo ng kaso... Gideon... What did I do to deserve you? Tulala ako ng pumasok sa loob ng bahay namin. Inaasahan kong wala akong maabutan ni isang tao lalo na at maghahating gabi na. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Yael ay mas pinili kong bumisita muna sa puntod ng pamilya ko at ni Cleo
Gideon was nowhere to be seen when I woke up.And it makes me very nervous.Natulog ako kagabi kakaiyak nguni't hindi ko namang nagawang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Hindi ko nagawang sabihin sa kanya na gusto kong magkaayos na kami dahil natakot ako no'ng sabihin n'yang pagod na s'ya. I broke down in tears. I cry uncontrollably in his arms, as if that's what I needed before.Naalala ko kung paano din s'yang umiyak kagabi nguni't matapos noon ay parang ako pa 'yung kailangang patahanin saamin dalawa. I recall the last thing I said to him last night.I told him I was tired and that I wanted him to sleep next to me.I remember how I felt.I cuddled him because I was scared I'd lose him if I didn't.But the next morning, he wasn't beside me anymore. Wala na rin s'ya sa kwarto. "Ma'am!" Tila nagulat si ate Melody nang sumulpot ako sa kusina at naka pajama pa. I brushed my hair using my hands. Dali-dali pa akong naghilamos kanina. "Si Gideon?" Tanong ko agad kay ate. Sand
I don't know what I should do. Should I watch their reactions? Kailangan ko bang panoorin kung paanong malaglag ang panga nila matapos kong ihayag kung bakit wala na ang best friend ko? Alam ko na, alam ko na ni isa sa kanila ay wala talagang halos kaalam-alam. The night that Cleofa took her own life. I called for some help. Humingin ako ng tulong pero iisang tao lang yung nandoon. Si ate Jess lang. S'ya lang yung tumulong saakin na alisin si Cleofa doon upang madala namin sa hospital kahit wala na talagang pag-asa. I was the one who drove the car. Kahit wala na halos akong makita pinilit naming dalhin s'ya sa ospital. Walang dumating na tulong. Walang police. Walang kapitbahay na dumulog. Wala lahat. Wala kun'di kaming dalawa ni ate Jess. I didn't bring her to her home or have a decent funeral. I chose to mourn her in the hospital, doon sa punerarya nila doon ko s'ya pinagluksang mag-isa. And after that night, We've already laid her to rest. No one knows what really happened,
It's been a week since Gianna started studying at her new school. Naglakad ako papunta sa k'warto n'ya at naabutan ko s'ya roon na inaayos ang gamit niya.Ako palagi ang naghahatid sa kanya at pati na rin ang sumusundo. Kung minsan ay nagpepresinta rin si Gideon nguni't tinatanggihan ko. Sinasabi ko naman na kaya ko. Nito ring mga nakaraang araw mas napapadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko s'ya masyadong iniimikan at kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan yata namin. Well, I know it's always my fault. Alam ko palaging ako ang mali nguni't ipinipilit kong ako ang tama. He was patient, and I hated it. I hate the fact that I will always start a fight and then, in the end, he will be the one who says sorry. He was the one who was going to apologize. I'm getting toxic. I'm making myself toxic because I wanted him to stop. I wanted him to stop trying to fix everything, but day by day, I'm realizing that I'm still finding his presence. Day by day, I'm getting attached again. It
"Rox," Napalingon ako sa gawi kung nasaan ang pinto ng bathroom nang sandaling may tumawag saakin. I stared at him coldly. Maaga pa at kagigising ko lang. Akala ko naman ay umalis na s'ya sa kuwarto at nandoon na ulit sa opisina n'ya. I pursed my lips as I remembered what happened last night. We almost did it and, in half, he left and said sorry. I am disappointed, yes. I hate him, yes. I'm mad at him, yes.Nahihiya ako kapag inaalala ko iyong nangyari kagabi sa pagitan namin pero mas namumukod ang galit na nararamdaman ko. Why? Why can't he do that thing to me? Why does it feel like he was afraid to do that to me but can do it to someone else?Maybe it's Shiela...Hindi ko s'ya inimikan at pinagpatuloy nalang ang pagtatali sa buhok kong maikli naman. I looked at myself in the mirror. I looked wasted. There are smudges of lipstick on my lips and on the side of it. I remember how everything felt last night... God gracious, Roxana! Magtigil ka nga! "May pupuntahan ka ba ngayon
Kinabukasan ay nagising akong wala na ulit s'ya sa kwarto. Maaga akong nagising dahil balak kong maaga ring pumunta ng eskwelahan nguni't mas maaga namang nagising si Gideon. Ganoon ba s'ya ka busy? Nagsuot ako ng medyo pormal na damit. I'm wearing a white blouse and fitted pants. Inayos ko ang maikli kong buhok at naglagay ng pulang lipstick sa labi ko. I don't actually know what has gotten to me to wear make-up. I just feel that I need it.Kinuha ko ang ilang papel ni Gianna na hindi ko nakalimutang dalhin, especially her birth certificate. Dala ko ang isang envelope at maliit na shoulder bag nang lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina.Naabutan ko roon na nag-aagahan si Gideon at Gianna at may pinag-uusapan pa. Rinig ko ang hagikhik ni Gianna habang nagkukuwento sa kanya si Gideon. "Really tatay? You do those things before? That's crazy!" Napapalabi kong pinanood si Gianna na tumawa habang nakatingin sa kanya si Gideon."Maybe, maybe I'm that crazy... it's because of y