Share

Chapter 3

Author: Secret Writer
last update Last Updated: 2023-06-08 15:28:51

Nakatulog sa sofa si Leina at si Matt naman ay sa carpet sa lapag, muli kasing uminom si Matt pero hindi na uminom si Leina, maya maya ay nagising si Matt, hawak ang ulo niya, napatingin siya sa sofa at nakita niya si Leina, pilit niyang inalala ang nangyari nung nakaraang gabi, bumangon siya ang nagpunta sa kusina, nagtimpla siya ng kape, maya maya ay nagising si Leina, nakita niya si Matt sa may kusina, bumangon siya at lumapit dito

"Pwedeng makimumog?" tanong ni Leina, tumango naman si Matt kaya nagpunta si Leina sa may lababo

"Gusto mong kape?" ani ni Matt, tumango naman si Leina, nagtimpla ng kape si Matt para sa kanya at iniabot "May tanong ako"

"Ano yun?"

"Kagabi? May nangyari ba kagabi?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kasi akong maalala"

"Eh di naglasing ka sa bar, nakita kita kaya inuwi kita dito, tapos ayaw mo akong pauwiin kasi gusto mo pa ring uminom"

"Yun lang?"

"Oo yun lang, kung iniisip mo kung may nangyari sa ating dalawa, wala po" ani ni Leina "Pero sana meron" bulong ni Leina sa sarili

"Okay Salamat"

"Saan?"

"Sa paghatid mo sa akin"

"Wala yun"

"Marunong ka palang magmaneho"

"Oo tinuruan ako ng pinsan ko, pero wala akong lisensiya"

"Ha? Nagdrive ka ng walang lisensiya?"

"Oo, pero ayus lang, hindi naman ako nahuli, wag kang mag-alala, safe rin ang sasakyan mo"

"Okay, pasensiya na, di bale, ihahatid na lang kita sa inyo"

"Hindi na Matt, okay lang, ako na lang ang uuwi sa amin, magpahinga ka na lang, mukha kasing may pinagdadaanan ka"

Napatingin si Matt kay Leina na tila nagtataka "Bakit mo nasabi?"

"May sinabi ka kasi sa akin na iniwan ka ng pinakamamahal mong babae" ani ni Leina "Andito naman ako" bulong ulit niya sa sarili

"Sorry, napagsabihan pa ata kita ng sama ng loob"

"Okay lang, mukha naman kasing kailangan mo talaga ng kausap"

Napatingin ulit si Matt kay Leina, maganda naman si Leina, mabait rin at kalog, medyo matagal na rin silang magkasama sa opisinang pinagtatrabahuhan at hindi rin lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya, pero hindi na lamang niya pinapansin at hindi niya sinasabing alam niyang gusto siya nito "Salamat"

"Wala yun, siyanga pala uuwi na rin ako, malamang hinahanap na ako ng Mama ko, ang alam niya kasi pinsan ko ang mga kasama ko"

"Ayaw mo ba talagang ihatid kita?"

"Hindi na nga, magpahinga ka na lang"

"Sige kahit hanggang baba lang, isasakay na kita ng taxi"

"I-Ikaw"

"Antayin mo ako magbibihis lang ako saglit"

"Okay" ani ni Leina, tumalikod naman na si Matt para pumasok sa kwarto niya, nakabalik naman na si Leina sa sala at inantay si Matt, paglabas nito ay nakawalking shorts na ito na blue at white na plain shirt, "Ang gwapo shet!" bulong ni Leina sa sarili "Naku malalaglag panty ko" patuloy niya sabay ngiti

"Why are you smiling?" kunot noong tanong ni Matt

"Ha? Ah eh wala, may naalala lang ako"

"Okay, lika na" ani ni Matt, tumayo na si Leina at lumabas na sila ng unit ni Matt, hawak naman nito ang phone habang naglalakad sila at hindi rin naman siya kinakausap, maya maya ay nasa baba na sila ng building nang may humintong kotse sa harapan nila "Leina, Salamat sa lahat, eto nagbook na lang ako ng masasakyan mo pauwi, tama naman siguro ang address" sabay patingin ng phone nito kay Leina

"O-Oo tama naman"

"Pasensiya na sa abala, sumakay ka na"

"S-Sige Salamat Matt" saka siya sumakay, pag sakay niya ay sumilip si Matt sa driver at binigay ang bayad dito

"Leina ingat, bayad na rin to"

"S-Salamat ulit" ani ni Leina at saka tumalikod si Matt at bumalik na sa loob ng building,

Maya maya ay nakauwi na si Leina sa bahay nila, pag pasok niya ang nakasimangot ang mama niya at masama ang tingin sa kanya habang nakaupo ito sa sofa

"At san ka naman galing?"

"May sinamahan lang po akong kaibigan"

"Babae o Lalake?"

"Ma naman"

"Sagutin mo ang tanong ko"

"L-Lalaki po"

"Leina ano ba yan? Hindi ako natutuwa, may nangyari ba sa inyo?"

"Wala Ma, promise wala talaga"

"Sinasabi ko sayo ah"

Lumapit si Leina sa ina at saka yumakap dito "Ma wag ka nang magalit please"

"Ayoko nang maulit to, hindi porket kaya mo nang buhayin ang sarili mo hindi mo na ako susundin"

"Opo"

"Sige na, may pagkain dyan sa mesa tapos magpahinga ka na"

Ngumiti si Leina at humalik sa ina "Thank you Ma, I love you po"

"Wag na akong bolahin"

Niyakap ng mahigpit ni Leina ang ina "Hmmmm, ang mama kong maganda na mana sa akin"

"Kapal ng mukha mo, ako pa talaga ang mana sa yo" nangingiting ani ni Aling Linda "Sige na kumain ka na at matulog na"

"Sige po" at saka siya tumalikod at kumain na, pagkatapos kumain ay naligo na siya at pumasok na sa kwarto niya, nagpatuyo lang siya ng buhok at nakatulog na.

Sa condo naman ni Matt, hindi maalis sa isip niya si Ria, hindi niya alam kung ano ba pagkukulang niya dito at hiniwalayan siya nito, umiinom nanaman siya, at wala siyang balak lumabas, ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari kagabi, mabuti na lang andun si Leina at inalalayan siya pauwi

Kinabukasan, nagkasalubong sina Leina at Matt sa may lobby

"Hi" ani ni Leina

"Hi" nakangiting sagot ni Matt

"Okay ka na? Papasok ka ba?"

"Yeah, papasok ako kesa nasa bahay"

"Ahm, balita ko nakaleave si Ria"

Napabuntunghininga si Matt "Sana hindi na siya nagleave, magreresign naman na ako"

Nanlaki ang mata ni Leina sa narinig "Magreresign ka?"

"Oo, matagal na dapat yun eh pero dahil masaya pa ako dito, hindi ko ginawa, at saka wala na rin akong reason to stay"

"Pwede namang ako na lang ang reason mo to stay" ani ni Leina sa mahinang boses

"Ha?"

"Ah eh wala, goodluck, pupunta ka na rin ba sa Canada?"

"Hindi ko pa alam, yan ang hindi ko pa naplano eh"

"Sana wag" bulong ni Leina sa sarili niya "Okay, sige ah una na ako" malungkot na ani ni Leina at tumalikod na

"Ahm Leina"

"Yes?" sabay harap kay Matt

"Thank you ulit"

"Wala yun, sige bye"

"Bye"

Bumalik si Leina sa pwesto niya na malungkot, at napansin yun ni Sarah, kaopisina at kaibigan niya rin

"Bakit mukhang malungkot ka?" ani ni Sarah

"Shhh" lumapit siya dito at saka bumulong "Si Matt magreresign na raw"

"Ha? Si Ria nagleave, si Matt naman magreresign, ano yun? Ikakasal na ba sila?"

"Ikakasal agad? Hindi ba pwedeng nagbreak na sila?"

"Ha? Break na sila?"

"Wag kang maingay, basta mamaya kukwento ko sayo, wag kang madaldal, gugupitin ko yang dila mo"

"Ang morbid mo naman"

"Madaldal ka eh"

"Hindi na nga" ani ni Sarah.

Related chapters

  • Rebound Love   Chapter 4

    Kasalukuyan nasa canteen sina Leina at Sarah dahil Lunch Break na nila"Ano nang kwento? Paano mo nasabi na break na sina Matt at Ria?" ani ni Sarah kay Leina pagkaupo nila"Kasi nung weekend, nagbar kami ng mga pinsan ko, nakita ko si Matt na lasing na lasing, as in, ayun hinatid ko sa kanila at dun niya naikwento na wala na nga sila ni Ria""Teka, parang merong mas interesting kesa sa break up nila" ngingiti ngiting ani ni Sarah"Ha?""Sabi mo lasing na lasing si Matt, at inihatid mo siya sa kanila, umamin ka sa akin Leina, siguro nirape mo si Matt noh?""Gago mo, ako talaga ang mangrerape? Hindi ba pwedeng siya?"Nanlaki ang mga mata ni Sarah "May nangyari sa inyo?""Ang tungek mo, wala noh""Eh bakit sabi mo hindi ba pwedeng siya ang nangrape? Sus umamin ka na, sige na""Tse! Sabi mo kasi nirape ko si Matt"Tawang tawa naman si Sarah "Joke lang, pulang pula ka na o"Hinawakan ni Leina ang magkabilang pisngi "Tarantado ka kasi""Hindi nga, seryoso na, break na sila?""Oo nga""Eh b

    Last Updated : 2023-06-10
  • Rebound Love   Chapter 5

    Naihatid na ni Matt sina Aldrin at Sarah, ang huli niyang ihahatid ay si Leina, malapit na sila sa may labas ng Subdivision nang biglang iliko ni Matt ang kotse papasok sa Subdivision"Matt, bakit?" ani ni Leina"Ihahatid kita hanggang sa inyo""Hindi naman kailangan""Okay lang, gusto ko makauwi ka ng safe""S-Salamat" ani ni Leina "Leina sawayin mo ang sarili mo, baka ka maihi" bulong niya sa sarili"San ba street niyo dito?""Ah dyan kakanan ka""Okay" iniliko nga ni Matt ang kotse "San ang sa inyo?""Ayun, yung gate na green, tapos may tindihan" ani ni Leina, tumango naman si Matt, ilang saglit lang ay nasa tapat na sila ng gate "Matt salamat ulit ah, ingat ka pag-uwi" ani ni Leina habang tinatanggal ang seat belt"Okay" nakangiting ani ni Matt, nang biglang sumilip si Aling Linda"Hala si Mama" ani ni Leina "Sige na Matt, salamat ulit, ingat" at lumabas na siya sa kotse, pero kinatok na ni Aling Linda ang bintana sa side ni Matt, binuksan naman ito ni Matt"Good Evening Mam" ani

    Last Updated : 2023-06-11
  • Rebound Love   Chapter 6

    Lumipas pa ang mga araw, lalong nahuhulog ang loob ni Leina kay Matt pero nahihirapan pa rin siyang magdesisyon, isang araw bago sila umuwi ay namasyal muna sila Leina at Matt sa may park, wala naman kasing pasok kinabukasan"Ano Leina? Sigurado ka ba ayaw mo pa umuwi? Baka pagod ka na?" "Okay lang, nagtext naman ako sa Mama ko" ani ni Leina at naupo sila sa may bench, naupo naman si Matt na nakadikit kay Leina at hinawakan ang kamay nito"Leina, ano nang desisyon mo?""Ang sabi mo Matt, like mo ako, pero hindi mo ako love""Leina, give me a chance please, try natin, alam ko magwowork to""Paano kung hindi?""Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?""Natatakot ako Matt""Leina please?"Napatitig si Leina kay Matt, at alam niyang mahal na niya talaga si Matt, at nakahanda na siyang magtake ng risk para makasama ito "Sige Matt" nakangiting ani ni Leina"So tayo na?" ani ni Matt"Oo Matt, tayo na""Yes!" sabay yakap kay Leina "Pangako gagawin ko lahat para maging okay tayo""A

    Last Updated : 2023-06-12
  • Rebound Love   Chapter 7

    Oras na ng uwian, nagkita sa may parking sina Matt at Leina, at napansin ni Leina na nakasimangot si Matt"Matt, may problema ba?""Si Sir Carlo""Bakit?""Alam mo bang type ka niya?""Ha? Hindi ah""Manhid ka ba Leina? Hindi mo ba napapansin yung mga tingin niya sayo?""Hindi""Alam mo ewan ko sayo, si Ria hindi ganyan"Hindi kumibo si Leina, at lumabas na ng sasakyan, pero hindi siya sinundan ni Matt, tumulo ang luha niya, sakto naman na may dumaan na taxi, pinara niya ito, masama ang loob niya kay Matt, ni hindi man lang siya sinundan nito, maya maya ay may nagtext sa kanya"Sorry, hindi ko sinasadya" ani ni Matt, hindi niya yun nireplayan at inoff na lang niya ang phone niya, hanggang sa nakauwi siya sa kanila, hindi siya kumikibo at dumiretso na lamang sa kwarto, dun niya binuhos ang sama ng loob, halos alas otso na nang katukin siya ng Mama niya"Nak, may bisita ka" ani nito habang kumakatok, tumayo si Leina at binuksan ang pinto "Si Matt nandyan" at nakita niya nga si Matt sa m

    Last Updated : 2023-06-13
  • Rebound Love   Chapter 8

    Uwian na nila, nasa biyahe sina Matt at Leina nang tanungin ni Matt si Leina kung ano ang inuutos nito sa kanya"Leina, ano pala ang pinagagawa sayo ni Sir Carlo?""Nagpapagawa siya ng program, gusto niya magkaroon tayo ng parang Team Building, pero yung mga simple lang daw, para raw mas enjoy""Ahh, daan muna tayo sa condo""Bakit?""Dun na tayo kumain, bili tayo ng pizza""S-Sige, pero ihatid mo ako ah""Oo naman"Bumili muna sila ng pizza at saka sila pumunta sa condo, nakaupo sila sa sofa, inakbayan naman ni Matt si Leina"Mas masarap yung ganito lang" ani ni Matt"Oo nga""Alam mo, iniisip ko na talagang magresign""Ha? Itutuloy mo pa rin ba?""Sana, pero nag-iisip pa ako, gusto ko kasi kahit paano hawak ko na ang schedule ko, sinabihan nga ako nila Mama na magbusiness na lang, kaso ano ang ibibusiness ko?""Ano ba ang passion mo?""Hmm, magluto""Eh di mag-aral ka ng culinary arts tapos magbusiness ka ng resto or made to order na food trays o kaya sa mga events""Hmmm, pwede, i

    Last Updated : 2023-06-14
  • Rebound Love   Chapter 9

    Pagkaakyat nila sa room ay nag ayos na si Matt, pagkatapos niyang mag ayos ay si Leina naman, paglabas ni Leina sa banyo ay bihis na siya, nakabili sila ng pantulog na cotton dress sa baba, actually para itong oversize tshirt kay Leina, napatingin si Leina kay Matt na nakahiga sa kama habang nanonood ng tv"O, lika na" ani ni Matt "dito ka sa right side ko""S-sige" ani ni Leina, lumapit siya kay Matt at tumabi dito"Natawagan mo na ang Mama mo?""Tatawagan ko pa lang" kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang ina "Hello Ma""Hello nak, asan ka sobrang lakas ng ulan ah, ang Ate Bea mo andito, dito na matutulog at hindi makauwi""Ma, hindi rin po kami makauwi, wala na po kaming madaanan""Eh saan kayo?""Sa hotel po""Kasama mo si Matt?""O-opo"Saglit na hindi nakakibo si Aling Linda "Nak, malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali""Opo Ma""Sige bukas na tayo mag-usap, wala na rin naman akong magagawa, mag-iingat na lang kayo""Opo Ma, ingat rin po kayo" sabay off ng phone"Anong s

    Last Updated : 2023-06-16
  • Rebound Love   Chapter 10

    Kinabukasan ay gumanda na ang panahon, after lunch ay inihatid na ni Matt si Leina sa bahay nito"Ma, andito na po kami" ani ni Leina"O andito na pala kayo" ani ni Aling Linda, sabay napatingin kay Matt, nakaramdam naman ng kaba si Matt"G-Good afternoon po Tita""Good afternoon" siya namang labas ni Bea mula sa kwarto ni Leina"Ate Bea" ani Leina"Uy Leina, buti nakauwi ka na""Oo nga, grabe kasi ang baha""Sinabi mo pa, kaya nga hindi ako nasundo ng Kuya Ricky mo, pero maya maya andito na yun" ani nito sabay tingin kay Matt"Ahm, Ate si Matt, boyfriend ko""Hi Matt" bati ni Bea"Hi Ate Bea""Gwapo ah, siya ba ang kasama mo?""O-Oo"Napangiti si Bea at tumingin kay Aling Linda "Tita mukhang makakahigop tayo ng sabaw ah""Eh sana nga, bago pa lang ang dalawang yan eh""Tita, wala naman sa tagal yan, nasa pagmamahalan nila yun, kung gaano yun katibay""Sana nga matibay ang pagmamahalan nila""Sa tingin ko naman""Ahm, uuwi na po ako Tita, Ate Bea" ani ni Matt "Hinatid ko lang po talag

    Last Updated : 2023-06-17
  • Rebound Love   Chapter 11

    Kinalunesan, sabay ulit pumasok sina Leina at Matt, lumabas na ng kotse si Leina nang habulin siya ni Matt"Bakit nang iiwan ka?" ani ni Matt"Eh diba ganun naman talaga tayo, nauuna ako sayo"Hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina "Hindi na Mahal ko, simula ngayon sabay na tayo, kahit sa lunch mamaya sabay tayo""Baka.." nang bigla siyang halikan sa labi ni Matt, saglit lang, ngumiti siya, inakbayan siya ni Matt at naglakad na sila, pagdating sa opisina ay inihatid pa siya nito sa pwesto niya"Later Mahal ah? Sabay tayo maglalunch""Sige Mahal""I love you""I love you too""Gusto kita ikiss kaya lang bawal dito PDA""Mamaya na lang" ani ni Leina, napangiti si Matt"Sige mamaya na lang, punta na ako sa pwesto ko" at saka ito tumalikod, si Sarah naman ay nakanganga at nakatingin sa kanila"Anong meron?" ani nito, narinig ito ni Matt kaya bumalik ito at lumapit kay Sarah"She's mine, all mine" sabay kindat kay Leina at saka umalis naNapatingin naman si Sarah kay Leina "Wow, hindi nga?"

    Last Updated : 2023-06-18

Latest chapter

  • Rebound Love   Last Chapter

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, mula nang bumalik sila galing sa Pangasinan ay hindi na nagkita pa sina Aldrin at Sarah, muli silang magkikita ngayong araw ng kasal ni Leina at Matt, nasa simbahan na si Aldrin at Matt"Pre, kinakabahan ka noh?" ani ni Aldrin"Oo, okay lang ba itsura ko?""Oo, papayag ako na mas gwapo ka sa akin ngayon, pero ngayon lang""Wow ah" natatawang ani ni Matt, siya namang hinto ng van, bumaba ang mga magulang nila, ang mga bata, si Nene at si Sarah, napatingin si Aldrin kay Sarah, at ramdam niya sa puso niya na talagang namiss niya ang babaita niya"Kids, behave lang, walang tatakbo, anong sabi ni Ninang Sarah?" ani ni Sarah sa mga bata"Act like a lady" ani ng tatlo"Okay very good""Ninang Sarah, ang ganda mo po" ani ni Tintin, ninang na rin ang tawag nito sa kanya at okay lang din naman ito kay Sarah"Siyempre, lahat tayo maganda, pero pag dumating na si Mommy, sigurado ako siya ang pinaka pretty""Sarah" tawag ni Matt sa kanya, napatingin naman

  • Rebound Love   Chapter 70

    Nilapitan ni Leina ang kaibigan habang nakalubog ito sa tubig"Mardz" ani ni Leina sabay yakap dito "May problema ba?"Biglang tumulo ang luha ni Sarah "May mahal na siyang iba Mardz, sinabi niya sa akin kanina" ani ni Sarah"Si Aldrin?""Oo, wala talaga, I think kailangan ko na rin magmove on sa kanya, wala namang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko""Yaan mo na Mardz, makikita mo rin yun lalaking totoong magmamahal sayo""Sana nga Mardz, gusto ko na rin ng baby eh, naiinggit na nga ako sayo""Ano ka ba? Dont worry darating din yun, malay mo andyan lang yan sa tabi tabi, hindi mo lang napapansin kasi lagi kayong magkasama ni Aldrin""Kaya nga, pagbalik natin sa Manila hindi na ako masyadong sasama sa kanya, iiwasan ko na siya"Hindi naman na nakakibo si Leina at niyakap na lang ulit si Sarah, maya maya ay lumapit na rin sina Aldrin at Matt, hindi nga pinansin ni Sarah si Aldrin, hindi rin ito pinansin ni Aldrin dahil sa pag-aakalang napikon lang ito sa pambubuska niya kanina sa ma

  • Rebound Love   Chapter 69

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, six months na si Baby Jayr at malapit na rin ang birthday ni Leina, isang araw, habang nananghalian silang pamilya ay napag-usapan nila ang celebration na gagawin para sa birthday ni Leina"Mahal hindi na kailangan" ani naman ni Leina"Hindi, kailangan nating icelebrate yun" ani ni Matt"Yung mga bata na lang ang tanungin natin kung anong gusto nila"O kids, anong gusto niyo para sa birthday ng mommy niyo" ani ni Matt sa mga anak"Daddy swimming" ani ni Chabelita"Opo Swimming" ani naman ni Cruzita"Ako rin po swimming" ani naman ni Tintin"O paano Mahal? Swimming daw" ani ni Matt"Okay swimming" nakangiting ani ni Leina"Invite natin sina Aldrin at Sarah tapos sa bandang north tayo pumunta, stay tayo dun kahit mga three days""Ikaw ang bahala, wala naman akong pera""Anong walang pera" natatawang ani ni Matt "Yung sweldo ko sa business natin binibigay ko sayo""Pera mo yun""Pera natin yun, para sa atin yun, ang mabuti pa Mahal maghanap na ta

  • Rebound Love   Chapter 68

    Lumipas pa ang mga araw, naglelabor na si Leina, dinala na siya sa ospital ni Matt kasama si Aling Linda at Nene, sina Ferdie naman at Minda ang naiwan sa tatlong bata sa condo"Mahal, ang sakit na ng tiyan ko talaga" ani ni Leina"Relax ka lang Mahal ko""Parang dalawa rin ilalabas ko Mahal" nang biglang pumutok ang panubigan nito, tumawag na ng nurse si Aling Linda at dinala na sa delivery room si Leina, pagkatapos ng ilang oras ay nakaraos na rin si Leina, pumunta si Matt sa nursery para silipin ang anak niya, naluha siya sa tuwa nang makita si Baby Jayr, maya maya ay bumalik na siya sa kwarto ng asawa, andun na rin sina Ferdie at Minda kasama ang tatlong bata"Daddy!" nagtakbuhan ang tatlong bata sa kanya at isa isang humalik"Daddy si Baby Jayr po?" ani ni Tintin"Mamaya Ate dadalhin siya dito""Makikita na natin kapatid natin""Oo nga Tintin, basta ako magpapakain sa kanya ah" ani ni Cruzita"Pwede na siya kumain ng Jollibee?""Naku mga apo" ani ni Ferdie "Kayo pwedeng magJollib

  • Rebound Love   Chapter 67

    Unti unti nang nag-uuwian ang mga bisita, nag aayos na rin sila nang mga regalo nang makaramdam si Tintin ng pag-ihi"Mommy naiihi po ako" ani ni Tintin kay Leina"Ahh teka lang anak" hinanap ng mata niya si Nene at nang makita ay kinawayan ito, lumapit naman si Nene "Ne, pakisamahan muna si Tintin sa CR please""Sige po ate" ani nito "Lika baby" at sinamahan na nito sa CR ang bata, ilang saglit lang ay lumabas na sila nang may biglang humawak kay Tintin"Anak, lika na uuwi na tayo""Kuya, bitawan mo siya" ani ni Nene"Anak ko to""Tulong!" sigaw ni Nene, lumapit naman ang guard sa kanila"Ano yun?""Kuya kinukuha niya ang pamangkin ko""Anak ko to" ani ni Joel, umiiyak naman si Tintin"Joel!" ani ni Aldrin kasama nito si Sarah at Kendra, napatakbo ang tatlo sa kanila, kinwelyuhan ni Aldrin si Joel "Ayaw mo talagang tumigil noh?" ani ni Aldrin, kinuha naman ni Kendra si Tintin at binuhat, nagkagulo na sa venue at nagpatawag na rin ng pulis ang manager, siya ring labas nina Leina at Ma

  • Rebound Love   Chapter 66

    Nakauwi na sila sa condo, dinala agad ng mag-asawa si Tintin sa kwarto, malungkot pa rin ito pero hindi naman umiiyak"Baby, pag may gusto ka o gusto mo ng kausap andito lang kami, pwede mo kaming kausapin" ani ni Leina"Nak, wag kang mahihiya okay? Magsabi ka lang ng kahit ano, kung may kailangan ka" ani naman ni Matt"Daddy sino po yung mama kanina? Sabi niya siya ang Daddy ko" ani ni Tintin, nagkatinginan naman ang mag-asawa"Anak, pwede kang magrest muna, masyado kang pagod alam namin yun" ani ni Matt"Sleep ka muna, kayo nila kambal" ani naman ni Leina"Okay po""Bihisan muna kita tapos magsleep ka muna" ani ni Leina, kinuhanan niya ng damit si Tintin at binihisan ito, si Matt naman ay pinuntahan muna ang kambal sa sala, pinahiga na ni Leina si Tintin at hinalikan ito sa pisngi "Sleep ka muna baby" ani muli ni Leina, pumikit naman na si Tintin, maya maya ay pumasok sa kwarto ang kambal, binihisan rin ito ni Leina at pinatulog muna, nang makasigurado na tulog na ang tatlo ay lumab

  • Rebound Love   Chapter 65

    Lumipas pa ang mga araw, mas madalas nang hindi okay si Ria, hindi na lamang nila pinapaalam kay Tintin ang kalagayan ng Mommy niya dahil mas malulungkot ito, isang araw, dinala ni Leina at Matt si Tintin sa mall para bilhan ng damit na isusuot sa birthday nito"Nak, ito o, ang ganda diba?" ani ni Leina, sabay pakita ng semi gown dress na color pink na may ribbon sa likod "Gusto mo to""Opo Mommy Leina" nakangiting ani ni Tintin"O sige, isukat mo na, tapos shoes naman ang bibilhin natin" ani ni Leina "Mahal papasukat ko lang to ah" ani ni Leina kay Matt"Sige Mahal, antayin ko na lang kayo dito""Sige" sabay talikod sa asawa, pinasukat niya ang dress sa bata at sakto naman ito kay Tintin "Ayan, ang ganda naman ng Ate Tintin ko""Eto po isusuot ko sa party ko Mommy Leina?""Yes nak, ayan ang isusuot mo""Ang ganda po Mommy Leina""Nagustuhan mo rin?""Opo, thank you po Mommy Leina, I love you" sabay yakap ni Tintin kay Leina"I love you too Tintin" ani ni Leina sabay halik sa lips nit

  • Rebound Love   Chapter 64

    Dumating ang araw ng weekend, isinama nila ang mga bata sa pagpapaultrasound ni Leina, isasama rin nila ang mga ito sa ospital kasi dadalawin rin nila si Ria sa ospital, nakahiga na si Leina at andun ang buong pamilya niya"Ano po yung nasa tv?" ani ni Chabelita"Kapatid niyo yan" ani ni Matt"Bakit ganun? Magara""Bakit magara?""Iba itsura niya hindi namin kamukha""Ssshh, alam niyo kayo wag kayong maingay"Nangingiti naman ang Doktor sa mga bata "Pag nakita niyo to ang cute nito" ani ng Doktor "Cute na cute tong baby brother niyo""Baby Brother?" ani ng tatlong bata"Yes baby brother""Talaga Dok?" ani ni Matt"Opo Sir, Congrats po sa inyo""Ilan kapatid namin?" ani ni Cruzita"Isa lang" ani ni Leina"Dapat dalawa rin""Wow anak, kaloka kayo ah""O mga Ate, aalagaan niyo si Jay-r" ani ni Matt"Jay-r pangalan niya?" ani ni Chabelita"Opo" "Ako magpapatulog sa kanya" "Ako magpapakain" ani ni Cruzita"Ako magpapaligo" ani naman ni Tintin"Wow naman ang babait ng mga Ate namin ah" an

  • Rebound Love   Chapter 63

    Lumipas pa ang mga araw, isang araw nasa school si Leina kasama si Sarah"Mardz, alam mo ba bilib talaga ako sayo, kahit praning ka napakabait mo" ani ni Sarah"Mardz, napamahal na kasi si Tintin sa akin, sa amin""Sabagay, bata yun, malay naman nun, at ang importante okay na okay na kayo ni Ria""Kaya nga, yun naman ang importante" sabay tingin sa tiyan niya "Sa weekend malalaman na namin ang gender ni baby""Sana boy""Kaya nga eh, sana boy, gusto ni Matt na magkaroon ng junior eh""Junior talaga? Yang asawa mo talaga""Bakit?" natatawang ani ni Leina "Maganda naman pangalan ng asawa ko ah""Oo naman, wala naman akong sinabing panget pangalan niya""Eh si Aldrin kamusta na kayo?""Anong kamusta kami? Ganun pa rin""Eh bakit nga pala andito ka? Mukhang wala kayong date""May date si Aldrin""Weh? Nakamove on na siya?""Oo nakamove on na siguro""Eh bakit mukhang hindi okay sayo?""Ano ka ba? Pakialam ko naman kay Aldrina""Sus, wag mo nga akong lokohin, alam kong crush mo si Aldrin"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status