Lumipas pa ang mga araw, dumating ang weekend, friday half day lang sila kaya mula sa opisina ay didiretso na sila sa resort sa Batangas, nagrent sila ng bus na masasakyan, bale dalawang bus ang nirentahan nila, sumakay na sa bus sina Matt at Leina at magkatabi sila"Mahal, bumili ako ng makakain natin sa biyahe" ani ni Matt "Pero burger lang eh""Sige Mahal, maya maya na lang busog pa naman ako, ikaw?""Sige maya maya na nga lang"Tumingin naman si Leina sa labas at hinapit siya ni Matt, saka sinandal ang baba nito sa balikat niya habang ang kamay nito ay nasa tiyan niya, hinalikan niya pa sa pisngi si Leina, ngumiti naman ang babae, wala nang pakialam ang mga kaopisina nila, alam na kasi ng mga ito ang relasyon nila"Mahal selfie tayo" ani Leina"Sige" ani ni Matt, at nagselfie nga sila sa ganung ayos"Mahal gagawin ko tong profile pic" ani ni Leina, hindi naman kumibo si Matt, nakita niya ngang pinalitan ni Leina ang profile pic pero kinuha ni Matt ang phone pero hindi pa rin inaal
Kinabukasan ay bumaba sila sa resto para sa kanilang breakfast buffet, nakaupo na sina Leina at Matt at nagsimula nang kumain"Mahal ko, nagutom ako sobra" ani ni Leina"Napagod kasi tayo kagabi, ako rin gutom na gutom eh""Ikaw kasi eh""Wow ah, pinagbigyan lang kita"Natatawa namang hinampas ni Leina sa braso si Matt "Sobra ka, last na yun ayoko na" ani ni Leina habang kandahaba ang nguso, niyakap naman siya ni Matt at hinalikan sa pisngi"Ang Mahal kong nag arti arti nanaman" ani ni Matt, natawa naman si Leina"Ikaw kasi" ani ni Leina, ibinaba ni Matt ang kamay niya sa legs ni Leina, niyakap naman ni Leina ang braso niya habang ngumunguya, tapos ay sinandal ang ulo niya sa balikat nito, nang mapansin ni Matt si Sir Carlo na titingin tingin sa kanila"Mahal, yung may crush sayo titingin tingin dito""Ikaw talaga, nakita mo nanaman si Kaloy""Hmm, akin to Kaloy" ani ni Matt, natawa naman si Leina sabay halik sa balikat ni Matt, pagkatapos kumain ay nagpunta na sila sa may Gazeebo at
Sunday after lunch, pabalik na sila sa Manila, habang sakay sila ng bus ay nakatulog si Leina sa balikat ni Matt, nagbabrowse naman ng sa phone niya si Matt nang lumapit si Aldrin"Pre, pasabay ako ahh, dami kong bitbit eh""Oo sige, eh si Sarah?""Susunduin daw siya ng Kuya niya, ako lang ang sasabay, iistorbohin ko muna kayong dalawa""Loko, sige okay lang" ani ni MattHalos alas kwatro na ng makabalik sila sa opisina, nag aayos naman ng mga gamit nila si Leina at Aldrin habang pinapainiti ni Matt ang kotse niya"Leina, pasensiya na ha? Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan ko""Nyek, okay lang noh""Lika na" ani naman ni Matt, si Leina na ang nakaupo sa passengers seat, sa likod naman si Aldrin, maya maya ay naihatid naman nila ang lalaki, pagkahatid kay Aldrin ay naggrocery muna sina Matt at Leina"Mahal, ibibili kita ng mga personal mong gamit para pag sa bahay ka mag-istay may gamit ka na" ani ni Matt"Ha? Ganun yun?""Oo Mahal ganun yun""Mahal, si Ria ba may gamit din siya sa bah
Lumipas pa ang mga araw, papasok na sa opisina sina Matt at Leina nang may makasabay sila sa elevator na hindi inaasahang tao, si Ria, nagkatinginan silang tatlo, magkahawak kamay pa sina Matt at Leina, tuluyan nang pumasok ang dalawa dahil malelate na sila"K-Kamusta Matt, Leina" ani ni Ria, nagkatinginan naman ang dalawang tinanong"Okay lang" ani ni Matt "Nakabalik ka na pala""Oo, ngayon lang ulit""Good for you""I don't think so, parang wala na kasi akong babalikan" ani ni Ria, hindi naman kumikibo si Leina, pero pakiramdam niya ay iba ang pinatutungkulan nito, hinapit naman ni Matt si Leina sa sa bewang at hinalikan sa noo"Aabot kaya tayo?" ani ni Matt"Sana, may 3 minutes pa tayo para maka time in" maya maya ay bumukas na ang elevator"Mahal bilis" ani ni Matt"Sandali baka madapa ako""Pasanin kita""Ayoko baliw ka talaga" natatawang ani ni Leina, nagmamadali silang maglakad habang magkahawak kamay, si Ria naman ay nakatingin lang sa kanila, nasasaktan siya sa nakikita, hind
Nagkita sa isang restaurant sina Ria at Matt, sa restaurant kung saan nagpropose si Matt kay Ria, hindi na sila natuloy sa mall, dahil nauna na si Ria duon"Anong gusto mong pag-usapan natin?" ani ni Matt"Matt" ani ni Ria sabay hawak sa kamay nito "I missed you"Umiling si Matt at kinuha ang kamay niya "I already have Leina""I know, pero hindi ako naniniwala na mahal mo siya, ang bilis naman para makalimutan mo ako""Oo Ria, nung una hindi ko mahal si Leina, masasabi ko pa nga na kaya ko siya niligawan kasi gusto ko na kalimutan ka, pero habang tumatagal totoong napapamahal na siya sa akin""Nangulila ka lang, andito na ulit ako, pwede na tayo ulit""Ano yun? Pag ayaw mo aalis ka at makikipaghiwalay sa akin ng walang dahilan tapos pag gusto mo na ulit, babalikan mo ako?""Sorry Babe" iyak na ani ni Ria "Mali ako, nagkamali talaga ako, patawarin mo ako, please come back to me, I love you so much, I still love you, kahit umalis ako, ikaw pa rin talaga mahal ko""Wala na Ria, tapos na
Pagkatapos iwan ni Leina si Matt ay umuwi ito sa condo at hindi na ito pumasok, galit na galit siya sa sarili niya, naisip niya na sana hindi na lang siya nakipagkita kay Ria, sana hindi na lang niya inalam ang dahilan kung bakit siya iniwan nito, okay naman sila ni Leina, ngayon pati si Leina ay nasaktan niya, pero hindi siya papayag na mawala si Leina sa kanya, kaya lang hindi niya alam kung paano ito haharapin, dumating ang oras ng uwian, nag aabang ng masasakyan si Leina nang makita siya ni Aldrin"Leina sakay na"Sumakay naman si Leina "Salamat""Okay lang, kamusta ka na? Nagkausap na kayo ni Matt?""H-hindi, wala na kaming dapat pag-usapan""Leina, payong kaibigan lang, kailangan pag-usapan niyo ni Matt ang problema, para mas malinawan niyo ang nangyayari, kesa parehas kayong nasasaktan""Si Matt? Masasaktan? Baka nga tuwang tuwa pa yun, narinig ko kanina si Ria kausap siya, magkikita raw sila at babawi sa nawalang panahon sa kanila" nang biglang umiyak si Leina "Alam mo kung ga
Kinabukasan hindi pumasok si Leina, ihahatid niya kasi sa terminal ang Mama niya, uuwi ito ng Davao para sunduin ang pinsan niya, palabas na sila nang huminto ang sasakyan ni Matt at lumabas ito"Hi Tita, Leina" ani ni Matt, nagkatinginan naman sina Leina at Aling Linda"Ahm, anong ginagawa mo dito?" ani ni Leina"Sinusundo kita" pero napansin niyang nakamaong skirt at plain white blouse lang si Leina "Hindi ka papasok?""Aalis kasi si Mama, pupunta siya sa Davao ihahatid ko sa terminal""Eh di sasamahan ko na kayo""May pasok ka diba?""Hindi na ako papasok, sasamahan ko na lang kayo" sabay hawak sa kamay ni Leina, pasimpleng binawi ni Leina ang kamay"Sige Matt, pakihatid mo na nga lang kami, baka matraffic pa kami at lalong matagalan" ani ni Aling Linda, ngumiti si Matt at binuksan ang pinto sa likod, sumakay naman si Aling Linda, napanganga naman si Leina sa mama niya"Lika na Mahal" ani ni Matt, walang nagawa si Leina kundi ang umikot sa passengers seat, pinagbuksan naman siya ng
Kinabukasan, maagang nagising si Leina, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng almusal nila ni Matt, scrambled eggs, corned beef at sinangag ang niluto niya, naghahain na siya nang lumabas si Matt sa kwarto"Good Morning Mahal ko" ani ni LeinaNgumiti si Matt at lumapit sa kanya saka siya niyakap at dinampian ng halik sa labi "Good Morning Asawa ko" napatingin si Leina sa kanya "Mas masarap pakinggan diba?"Wala sa loob na tumango si Leina at napailing "Kain na tayo, wag mo lalaitin luto ko ah""Bakit ko naman lalaitin, eh luto to ng Mahal ko" sabay tingin sa nakahain sa mesa, hinatak niya ang isang upuan at pinaupo si Leina "Upo ka na Mahal, mag almusal na tayo" tapos ay siya naman ang naupo at nagsimula na silang kumain"Masarap?" tanong ni Leina"Oo naman, and I love your scrambled eggs, parang malasado lang, gusto ko yung ganyang luto Mahal""Thank you" nakangiting ani ni Leina, pagkatapos kumain ay nag-ayos na sila papasok sa opisina.Maya maya ay nasa parkin
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, mula nang bumalik sila galing sa Pangasinan ay hindi na nagkita pa sina Aldrin at Sarah, muli silang magkikita ngayong araw ng kasal ni Leina at Matt, nasa simbahan na si Aldrin at Matt"Pre, kinakabahan ka noh?" ani ni Aldrin"Oo, okay lang ba itsura ko?""Oo, papayag ako na mas gwapo ka sa akin ngayon, pero ngayon lang""Wow ah" natatawang ani ni Matt, siya namang hinto ng van, bumaba ang mga magulang nila, ang mga bata, si Nene at si Sarah, napatingin si Aldrin kay Sarah, at ramdam niya sa puso niya na talagang namiss niya ang babaita niya"Kids, behave lang, walang tatakbo, anong sabi ni Ninang Sarah?" ani ni Sarah sa mga bata"Act like a lady" ani ng tatlo"Okay very good""Ninang Sarah, ang ganda mo po" ani ni Tintin, ninang na rin ang tawag nito sa kanya at okay lang din naman ito kay Sarah"Siyempre, lahat tayo maganda, pero pag dumating na si Mommy, sigurado ako siya ang pinaka pretty""Sarah" tawag ni Matt sa kanya, napatingin naman
Nilapitan ni Leina ang kaibigan habang nakalubog ito sa tubig"Mardz" ani ni Leina sabay yakap dito "May problema ba?"Biglang tumulo ang luha ni Sarah "May mahal na siyang iba Mardz, sinabi niya sa akin kanina" ani ni Sarah"Si Aldrin?""Oo, wala talaga, I think kailangan ko na rin magmove on sa kanya, wala namang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko""Yaan mo na Mardz, makikita mo rin yun lalaking totoong magmamahal sayo""Sana nga Mardz, gusto ko na rin ng baby eh, naiinggit na nga ako sayo""Ano ka ba? Dont worry darating din yun, malay mo andyan lang yan sa tabi tabi, hindi mo lang napapansin kasi lagi kayong magkasama ni Aldrin""Kaya nga, pagbalik natin sa Manila hindi na ako masyadong sasama sa kanya, iiwasan ko na siya"Hindi naman na nakakibo si Leina at niyakap na lang ulit si Sarah, maya maya ay lumapit na rin sina Aldrin at Matt, hindi nga pinansin ni Sarah si Aldrin, hindi rin ito pinansin ni Aldrin dahil sa pag-aakalang napikon lang ito sa pambubuska niya kanina sa ma
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, six months na si Baby Jayr at malapit na rin ang birthday ni Leina, isang araw, habang nananghalian silang pamilya ay napag-usapan nila ang celebration na gagawin para sa birthday ni Leina"Mahal hindi na kailangan" ani naman ni Leina"Hindi, kailangan nating icelebrate yun" ani ni Matt"Yung mga bata na lang ang tanungin natin kung anong gusto nila"O kids, anong gusto niyo para sa birthday ng mommy niyo" ani ni Matt sa mga anak"Daddy swimming" ani ni Chabelita"Opo Swimming" ani naman ni Cruzita"Ako rin po swimming" ani naman ni Tintin"O paano Mahal? Swimming daw" ani ni Matt"Okay swimming" nakangiting ani ni Leina"Invite natin sina Aldrin at Sarah tapos sa bandang north tayo pumunta, stay tayo dun kahit mga three days""Ikaw ang bahala, wala naman akong pera""Anong walang pera" natatawang ani ni Matt "Yung sweldo ko sa business natin binibigay ko sayo""Pera mo yun""Pera natin yun, para sa atin yun, ang mabuti pa Mahal maghanap na ta
Lumipas pa ang mga araw, naglelabor na si Leina, dinala na siya sa ospital ni Matt kasama si Aling Linda at Nene, sina Ferdie naman at Minda ang naiwan sa tatlong bata sa condo"Mahal, ang sakit na ng tiyan ko talaga" ani ni Leina"Relax ka lang Mahal ko""Parang dalawa rin ilalabas ko Mahal" nang biglang pumutok ang panubigan nito, tumawag na ng nurse si Aling Linda at dinala na sa delivery room si Leina, pagkatapos ng ilang oras ay nakaraos na rin si Leina, pumunta si Matt sa nursery para silipin ang anak niya, naluha siya sa tuwa nang makita si Baby Jayr, maya maya ay bumalik na siya sa kwarto ng asawa, andun na rin sina Ferdie at Minda kasama ang tatlong bata"Daddy!" nagtakbuhan ang tatlong bata sa kanya at isa isang humalik"Daddy si Baby Jayr po?" ani ni Tintin"Mamaya Ate dadalhin siya dito""Makikita na natin kapatid natin""Oo nga Tintin, basta ako magpapakain sa kanya ah" ani ni Cruzita"Pwede na siya kumain ng Jollibee?""Naku mga apo" ani ni Ferdie "Kayo pwedeng magJollib
Unti unti nang nag-uuwian ang mga bisita, nag aayos na rin sila nang mga regalo nang makaramdam si Tintin ng pag-ihi"Mommy naiihi po ako" ani ni Tintin kay Leina"Ahh teka lang anak" hinanap ng mata niya si Nene at nang makita ay kinawayan ito, lumapit naman si Nene "Ne, pakisamahan muna si Tintin sa CR please""Sige po ate" ani nito "Lika baby" at sinamahan na nito sa CR ang bata, ilang saglit lang ay lumabas na sila nang may biglang humawak kay Tintin"Anak, lika na uuwi na tayo""Kuya, bitawan mo siya" ani ni Nene"Anak ko to""Tulong!" sigaw ni Nene, lumapit naman ang guard sa kanila"Ano yun?""Kuya kinukuha niya ang pamangkin ko""Anak ko to" ani ni Joel, umiiyak naman si Tintin"Joel!" ani ni Aldrin kasama nito si Sarah at Kendra, napatakbo ang tatlo sa kanila, kinwelyuhan ni Aldrin si Joel "Ayaw mo talagang tumigil noh?" ani ni Aldrin, kinuha naman ni Kendra si Tintin at binuhat, nagkagulo na sa venue at nagpatawag na rin ng pulis ang manager, siya ring labas nina Leina at Ma
Nakauwi na sila sa condo, dinala agad ng mag-asawa si Tintin sa kwarto, malungkot pa rin ito pero hindi naman umiiyak"Baby, pag may gusto ka o gusto mo ng kausap andito lang kami, pwede mo kaming kausapin" ani ni Leina"Nak, wag kang mahihiya okay? Magsabi ka lang ng kahit ano, kung may kailangan ka" ani naman ni Matt"Daddy sino po yung mama kanina? Sabi niya siya ang Daddy ko" ani ni Tintin, nagkatinginan naman ang mag-asawa"Anak, pwede kang magrest muna, masyado kang pagod alam namin yun" ani ni Matt"Sleep ka muna, kayo nila kambal" ani naman ni Leina"Okay po""Bihisan muna kita tapos magsleep ka muna" ani ni Leina, kinuhanan niya ng damit si Tintin at binihisan ito, si Matt naman ay pinuntahan muna ang kambal sa sala, pinahiga na ni Leina si Tintin at hinalikan ito sa pisngi "Sleep ka muna baby" ani muli ni Leina, pumikit naman na si Tintin, maya maya ay pumasok sa kwarto ang kambal, binihisan rin ito ni Leina at pinatulog muna, nang makasigurado na tulog na ang tatlo ay lumab
Lumipas pa ang mga araw, mas madalas nang hindi okay si Ria, hindi na lamang nila pinapaalam kay Tintin ang kalagayan ng Mommy niya dahil mas malulungkot ito, isang araw, dinala ni Leina at Matt si Tintin sa mall para bilhan ng damit na isusuot sa birthday nito"Nak, ito o, ang ganda diba?" ani ni Leina, sabay pakita ng semi gown dress na color pink na may ribbon sa likod "Gusto mo to""Opo Mommy Leina" nakangiting ani ni Tintin"O sige, isukat mo na, tapos shoes naman ang bibilhin natin" ani ni Leina "Mahal papasukat ko lang to ah" ani ni Leina kay Matt"Sige Mahal, antayin ko na lang kayo dito""Sige" sabay talikod sa asawa, pinasukat niya ang dress sa bata at sakto naman ito kay Tintin "Ayan, ang ganda naman ng Ate Tintin ko""Eto po isusuot ko sa party ko Mommy Leina?""Yes nak, ayan ang isusuot mo""Ang ganda po Mommy Leina""Nagustuhan mo rin?""Opo, thank you po Mommy Leina, I love you" sabay yakap ni Tintin kay Leina"I love you too Tintin" ani ni Leina sabay halik sa lips nit
Dumating ang araw ng weekend, isinama nila ang mga bata sa pagpapaultrasound ni Leina, isasama rin nila ang mga ito sa ospital kasi dadalawin rin nila si Ria sa ospital, nakahiga na si Leina at andun ang buong pamilya niya"Ano po yung nasa tv?" ani ni Chabelita"Kapatid niyo yan" ani ni Matt"Bakit ganun? Magara""Bakit magara?""Iba itsura niya hindi namin kamukha""Ssshh, alam niyo kayo wag kayong maingay"Nangingiti naman ang Doktor sa mga bata "Pag nakita niyo to ang cute nito" ani ng Doktor "Cute na cute tong baby brother niyo""Baby Brother?" ani ng tatlong bata"Yes baby brother""Talaga Dok?" ani ni Matt"Opo Sir, Congrats po sa inyo""Ilan kapatid namin?" ani ni Cruzita"Isa lang" ani ni Leina"Dapat dalawa rin""Wow anak, kaloka kayo ah""O mga Ate, aalagaan niyo si Jay-r" ani ni Matt"Jay-r pangalan niya?" ani ni Chabelita"Opo" "Ako magpapatulog sa kanya" "Ako magpapakain" ani ni Cruzita"Ako magpapaligo" ani naman ni Tintin"Wow naman ang babait ng mga Ate namin ah" an
Lumipas pa ang mga araw, isang araw nasa school si Leina kasama si Sarah"Mardz, alam mo ba bilib talaga ako sayo, kahit praning ka napakabait mo" ani ni Sarah"Mardz, napamahal na kasi si Tintin sa akin, sa amin""Sabagay, bata yun, malay naman nun, at ang importante okay na okay na kayo ni Ria""Kaya nga, yun naman ang importante" sabay tingin sa tiyan niya "Sa weekend malalaman na namin ang gender ni baby""Sana boy""Kaya nga eh, sana boy, gusto ni Matt na magkaroon ng junior eh""Junior talaga? Yang asawa mo talaga""Bakit?" natatawang ani ni Leina "Maganda naman pangalan ng asawa ko ah""Oo naman, wala naman akong sinabing panget pangalan niya""Eh si Aldrin kamusta na kayo?""Anong kamusta kami? Ganun pa rin""Eh bakit nga pala andito ka? Mukhang wala kayong date""May date si Aldrin""Weh? Nakamove on na siya?""Oo nakamove on na siguro""Eh bakit mukhang hindi okay sayo?""Ano ka ba? Pakialam ko naman kay Aldrina""Sus, wag mo nga akong lokohin, alam kong crush mo si Aldrin"