Kinabukasan hindi pumasok si Leina, ihahatid niya kasi sa terminal ang Mama niya, uuwi ito ng Davao para sunduin ang pinsan niya, palabas na sila nang huminto ang sasakyan ni Matt at lumabas ito"Hi Tita, Leina" ani ni Matt, nagkatinginan naman sina Leina at Aling Linda"Ahm, anong ginagawa mo dito?" ani ni Leina"Sinusundo kita" pero napansin niyang nakamaong skirt at plain white blouse lang si Leina "Hindi ka papasok?""Aalis kasi si Mama, pupunta siya sa Davao ihahatid ko sa terminal""Eh di sasamahan ko na kayo""May pasok ka diba?""Hindi na ako papasok, sasamahan ko na lang kayo" sabay hawak sa kamay ni Leina, pasimpleng binawi ni Leina ang kamay"Sige Matt, pakihatid mo na nga lang kami, baka matraffic pa kami at lalong matagalan" ani ni Aling Linda, ngumiti si Matt at binuksan ang pinto sa likod, sumakay naman si Aling Linda, napanganga naman si Leina sa mama niya"Lika na Mahal" ani ni Matt, walang nagawa si Leina kundi ang umikot sa passengers seat, pinagbuksan naman siya ng
Kinabukasan, maagang nagising si Leina, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng almusal nila ni Matt, scrambled eggs, corned beef at sinangag ang niluto niya, naghahain na siya nang lumabas si Matt sa kwarto"Good Morning Mahal ko" ani ni LeinaNgumiti si Matt at lumapit sa kanya saka siya niyakap at dinampian ng halik sa labi "Good Morning Asawa ko" napatingin si Leina sa kanya "Mas masarap pakinggan diba?"Wala sa loob na tumango si Leina at napailing "Kain na tayo, wag mo lalaitin luto ko ah""Bakit ko naman lalaitin, eh luto to ng Mahal ko" sabay tingin sa nakahain sa mesa, hinatak niya ang isang upuan at pinaupo si Leina "Upo ka na Mahal, mag almusal na tayo" tapos ay siya naman ang naupo at nagsimula na silang kumain"Masarap?" tanong ni Leina"Oo naman, and I love your scrambled eggs, parang malasado lang, gusto ko yung ganyang luto Mahal""Thank you" nakangiting ani ni Leina, pagkatapos kumain ay nag-ayos na sila papasok sa opisina.Maya maya ay nasa parkin
Kinabukasan pumunta sina Leina at Matt sa isang bar kung saan ginanap ang birthday ni Sir Carlo, andun ang lahat, kahit si Ria ay andun rin"Mahal, upo ka muna dito" ani ni Matt kay Leina "Pupuntahan ko lang si Aldrin""Sige Mahal" nakangiting ani ni Leina, pagkatalikod ni Matt ay tinabihan naman ni Ria si Leina"Talagang ayaw mong tumigil noh?" ani ni Ria "Ayaw mo talaga kaming tigilan ni Matt""Alam mo ikaw ang tumigil, tumigil ka na sa mga guni guni mo meron pa kayong relationship ni Matt, dahil wala na, akin na siya, hindi ko siya pababayaan, hindi ko siya iiwan gaya ng ginawa mo sa kanya""Tingnan natin Leina, dahil sa akin lang si Matt, hindi siya sayo""Okay, wala naman na akong magagawa sa gusto mong isipin, basta ako alam ko ang totoo, ako ang mahal ni Matteo Ledesma, ako lang, wala nang iba, walang Ria" ani ni Leina, inambahan siya ng sampal ni Ria nang may humawak sa kamay nito"Subukan mong saktan si Leina ako ang makakalaban mo" ani ni Matt "Umalis ka dito""Invited ako n
Lumipas pa ang ilang araw, tumawag si Aling Linda para sabihin na pabalik na siya kasama ang pinsan ni Leina na si Nene, kaya sinundo sila ni Matt at Leina sa airport, inaantabayanan na nila Matt at Leina ang dalawa"Tagal naman lumabas" ani ni Leina"Naiinip ka na?""Oo" nang bigla nakita ang Mama niya na may kasamang dalagita "Ayan na sila Mahal""Oo nga" ilang saglit lang ay magkakaharap na sila"O Nene" ani ni Aling Linda "Siya ang Ate Leina mo, at ito namang kasama niya ang Kuya Matt mo""Hi Nene" ani ni Leina"Hello po Ate Leina, ang ganda mo naman po""Salamat, maganda ka rin naman kasi magpinsan tayo""Ate ano mo siya?" sabay turo kay Matt"Boyfriend ko""Correction Mahal" ani ni Matt "Fiancé niya ako" sabay tingin kay Nene"Ano yun?" Napatingin naman ang dalawa kay Aling Linda, hindi naman ito kumibo at hinarap na si Nene "Ne, lika na uwi na tayo" "Sige po Tita" "Ako na po" ani ni Matt sabay kuha ng mga gamit nila Aling LindaMaya maya ay nakauwi na sila sa bahay nila Lein
After two days mula nang makausap ni Matt ang Mama niya, pauwi na sila ni Leina sa condo, ipapakilala ni Matt si Leina sa mga magulang niya, maya maya ay nakauwi na sila, nakaupo si Leina sa sofa at tila kinakabahan, si Matt naman ay nasa kusina at nagsaing na, nilapitan niya si Leina at tinabihan"Okay ka lang Mahal?" sabay hawak sa kamay nito"Kinakabahan ako Mahal" amin ni Leina"Relax ka lang Mahal ko, andito ako""Normal naman ang nararamdaman ko noh?""Oo naman"Maya maya ay binuksan na ni Matt ang laptop at nagvideo call na ang mga magulang niya, lalong kinabahan si Leina nang makita sa monitor ang mga magulang ni Matt"Hi Ma, Hi Pa, si Leina po pala, ang magiging manugang niyo""H-Hello po Sir, Mam" bati naman ni Leina"Kamusta Iha?" ani ni Ferdie, ang ama ni Matt"M-Mabuti naman po Sir""What is your name again iha?" ani naman ni Minda, ang ina ni Matt"Mam, Leina po, Heleina Martinez""Hmm, so kamusta naman ang parents mo?""Ahm, wala na po akong ama, ang mama ko na lang po
Lumipas ang mga araw, hindi pa ulit nakakausap ni Leina ang mga magulang ni Matt, isang araw ay nagkaroon sila ng food tasting sa isang caterer, nagustuhan naman nila ang mga foods na inihain sa kanila, pauwi na sila, habang nasa biyahe ay antok na antok si Leina, hikab ito ng hikab"Mahal, antok na antok ka ata, hindi ka ba nakatulig kagabi?" ani ni Matt"Nakatulog naman, hindi ko nga alam kung bakit antok na antok ako eh""Hmm, gusto mo umuwi muna tayo sa condo para makapagpahinga ka, mamaya na tayo pumunta sa coordinator""Okay lang ba Mahal? Talagang antok ako eh"Ngumiti si Matt "Sige Mahal ko" maya maya ay nakarating na sila sa condo, dumiretso si Leina sa kwarto at nahiga saka natulog, napangiti naman si Matt at tinitigan ang natutulog na nobya, umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ito sa buhok"Ang Leina ko, ano bang nangyayari sayo?" bulong niya"Matteo ko, tulog tayo please, tabi tayo" ani ni Leina habang nakapikit, naramdaman niya kasing may humaplos sa buhok niya, nahig
Kinabukasan na nga nakapunta sa Wedding Coordinator ang dalawa, pinagplanuhan nila kung ano ang mga gagawin sa wedding, halos dalawang oras rin silang nakipagmeeting, pagkatapos ay napagkasunduan nilang maggrocery muna"Mahal, gusto ko ng strawberry" ani ni Leina"Strawberry? Meron ba nun dito?""Baka meron, sige na please""Oo naman, basta merong strawberry ibibili ko ang Mahal ko, sige punta tayo sa fruit section" ani ni Matt kaya nagpunta sila sa fruit section, nagkataon naman na meron duon, tuwang tuwa si Leina, 3 pack ang kinuha ni Matt, binuksan na ni Leina ang isang pack at kumain ng strawberry"Hmmm, sarap" tapos ay nakatitig sa strawberry, napangiti naman si Matt"O, bakit tinititigan mo pa yang strawberry?""Wala lang, gusto ko lang titigan"Natawa si Matt "Ang weird mo talaga, lika na, ang haba ng pila sa mga counters" at pumila na sila"Mahal, gusto ko Strawberry Milkshake""Ha?" "Oo gusto ko nun" sabay hatak sa manggas ng tshirt niya"Okay sige Mahal ko, pero take out na
Lumipas pa ang mga araw, dumating ang araw ng Civil Wedding nina Matt at Leina, nasa City Hall na si Matt kasama si Aldrin"Pre, congrats" ani ni Aldrin"Salamat""O, ano nang plano niyo ni Leina, buntis na pala siya, grabe Pre, kayo talaga sa isat-isa, imagine, nabuntis mo siya, eh kayo nga ni Ria, ilang taon kayo pero hindi mo siya nabuntis"Ngumiti si Matt "Oo nga eh, excited na rin akong makita ang baby namin""Sabi mo mukhang napaglilihihan ka ng misis mo""Oo nga, alam mo nga one time natutulog kami, biglang kinagat yung ilong ko, hindi pa namin alam na preggy na siya nun, ang sakit nun Pre, nabigla pa ako siyempre tulog ako, naitulak ko pa nga"Tawang tawa naman si Aldrin sa kwento ni Matt "Grabe baka kamukha mo baby niyo""Oo nga eh" natatawang ani ni Matt"Eh anong sabi ng parents mo?""Wala pa kaming sinasabi, siguro titiyempuhan ko na lang, ayaw rin kasi ni Leina na ituloy ang Church Wedding sa December, kasi baka malaki na raw ang tiyan niya, ayaw niya raw magmartsa na mal