Pagdating ko sa bahay ay agad na naupo akp sa sofa. Marahan kong pinukpok ng kamao ko ang balikat ko. Pakiramdam ko pagod ako. Nakakapagod naman talaga magtrabaho pero syempre hindi naman ako prinsesa para humilata lang maghapon. Kailangan kong magtrabaho para may pang deserve ko ito ako. Napatingin ako sa pintuan ng tumunog ang doorbell. Tinatamad na tumayo ako upang pagbuksan kung sino man ang nasa labas. Napakunot ang noo ko na makita ko si Stella na nasa labas habang malaki ang ngiti. Mabilis na pumasok ito ng pagbuksan ko siya ng gate. “Anong meron?” tanong ko sa kanya. Nakapamewang na lumingon ito sa akin. “ Nakalimutan mo na ba? Friday today, ibig sabihin class reunion natin.” “Oh!” Oo nga pala. Nakalimutan ko na dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. “Grabe. Nakalimutan mo talaga?” “I am sorry. I was just too busy.” Umirap ito sa akin bago naupo. “ Nakalimutan mo agad ang usapan natin ilang araw pa lang ang nagdadaaan. Gaano ka ba ka-busy? Baka naman may iba ka nang pi
Nagtungo kami sa may bartender. Nag-order nang tequilla si Stella. "No, I will not drink that," tanggi ko sa kaniya. Tumirik ang mga mata nito sa akin. "We are here to have fun. Anong gusto mong inumin?" "Anything that is not too strong," sagot ko sa kaniya. Ayokong uminom at malasing kaya hindi ako iinom ng hard liquor. Wala ng susulpot para sunduin ako kaya kailangang ingatan ko ang sarili ko. "Just give me Cosmopolitan," saad ko sa bartender na agad na tumango sa akin at nag-mix ng alak. Hindi ko kasi kaya ang iniinom ni Stella. Pure tequilla na may slice of lemon lang. Malikot ang mga mata ni Stella na tumitingin sa paligid. Palinga-linga ito na para bang may hinahanap. "There are a lot of boys here, but obviously, we are in the bar, and most of them are only here to have fun. Serious people are hard to spot," reklamo nito sa akin. "Why are you too eager to find a boy? As if you will take them seriously too. Just sit and stay pretty, they will eventually come to get you,"
Buong lakas ko siyang itulak dahilan para mapalayo siya sa akin. Nanlilisik ang mga mata kong sinampal siya ng malakas. Napabaling ang mukha nito dahil sa ginawa ko. "HOW DARE YOU! HOW DARE YOU TO KISS ME? Do you really think I was the same Ramona who is crazily in love with you? Claiming what's yours again?" Mapait na natawa ako habang pinipigilan ko ang luha kong huwag pumatak. Gusto ko siyang saktan, pagsasampalin hanggang sa mamanhid ang mga palad ko pero mas pinili kong ikuyom ang mga iyon. "I was never yours, there was never been us because you broke your promise. You ghosted me, don't you remember? So stop acting like there is still something between us! Wala kang karapatang halikan ako... wala kang karapatang angkinin ako na para bang pagmamay-ari mo. You already wasted your chance, so stay away with me. I don't love you anymore, and I will never love you again," puno ng galit na pahayag ko bago binuksan ang pinto at iniwan siya sa loob. Marahas na pinahid ko ang mga labi ko
Napatakip ako sa mata ko nang magmulat ako at tumama ang araw sa mukha ko. Alam kong tanghali na pero wala pa akong balak na bumangon. Tinatamad akong kumilos. Mataas na ang tirik ng araw sa labas pero dahil weekends at walang pasok ay pwede akong hindi bumangon ng maaga kaya nagpainin pa mun ako sa higaan ko bago ako tuluyang bumangon. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para mag-inat bago ako nagtungo sa banyo. Pagtingin ko sa salamin ay napasimangot ako nang makita ko ang mugto kong mga mata. Ang pangit ko, kasalanan ito ng pangit na Nero na iyon. Pagkatapos kong maghilamos ay nagtungo ako sa kusina para lamnan ang kumukulo kong tiyan. Hindi rin pala ako nakapag-dinner ng maayos kagabi. Ngunit pagdating ko sa ibaba ay naabutan ko si Ate Raf. "Anong oras ka dumating?" tanong ko sa kaniya at naupo na sa harap ng mesa dahil may pagkain na. "Kaninang five lang umaga, may flight ako mamayang hapon," sagot nito habang kumakain ng agahan. "Did you cry?" kunot noong tanong nito habang na
"Are you okay?" napaangat ako ng tingin dahil sa tanong ni Kuya Sandro. Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman." "You are lying," saad nito at uminom ng orange juice na nasa harapan niya. Muli kong pinaglaruan ang pasta na nasa harapan ko. Kanina naman ay nagugutom ako pero ngayon parang bigla akong nawalan ng gana na kumain. Dapat inaasahan ko na iyon. Iyong makita siyang may kasamang iba. Pero nang makita ko sila ni Ellen pakiramdam ko dalawang beses niya akong niloko. Una nang ipinangako niyang handa niya akong hintayin. Pangalawa, nang sabihin niya sa akin na hindi niya gusto ang babae. Pero bakit ito ang kasama niya ngayon? Bumuntong hininga ako bago ko binitawan ang tinidor na hawak ko. "I am sorry. I really tried to forget him, but I always failed." Malungkot na ngumiti ako sa kaniya. "I wonder what he has that makes you crazy over him." "I am also asking the same question." He looked at me. Seryoso ang mukha nito habang ang tingin ay tila iinaarok ang kalooblooban ko. Uminom
Matapos ang nangyari ngayon ay bigla akong nawalan ng ganang lumabas ng bahay. Baka may makasalubong na naman akong hindi inaasahan. Kotang-kota na ako. Ngayon hindi na lang si Nero ang iniiwasan ko, maging si Kuya Sandro. Hindi ko tuloy alam kung papaano sasabihin kay Stella na nagtapat sa akin ang kuya niya. Bakit kasi nambibigla si Kuya Sandro? Wala man lang paligoy-ligoy. Nahihirapan tuloy ako ngayon kung papaano ko siya haharapin kapag nagkita kami. Pakiramdam ko magbabago na ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil sa nangyari. Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng spongebob at kumakain ng chips nang biglang may mag-doorbell kaya napilitan akong tumayo. Natigilan ako nang makita ko si Kuya Sandro mula sa labas ng gate. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi. Huminga muna ako nang malalim bago humakbang papalapit sa gate. Iyong nagtambay na ako sa bahay para hindi siya makasalubong kung saan man ako pupuntahan pero nandito naman siya sa harapan ko ngayon. "I am her
Naging maayos naman na ang trabaho ko sa hotel. Pakiramdam ko kusa na ring umiiwas sa akin si Nero at ipinagpapasalamat ko iyon. Nagawa kong tapusin ang buong panibagong linggo ko na wala kaming imikang dalawa. Pero kung umiiwas na sa akin si Nero, kabaliktaran naman iyon ni Kuya Sandro. Daig pa niya ang kabute na bigla na lang sumusulpot. "Wow, may pa-special delivery," ani ni Lucy habang hawak ko ang isang paper bag na may lamang pagkain. Kade-deliver lang nito at kahit hindi ko alamin kung kanino galing ay alam ko na kung sino ang nagpadala nito. "Ang sugid ng manliligaw mo. Everyday may libreng foods," wika sa akin ni Lara nang lumapit na ako sa table ko. Napatingin ako kay Nero nang bigla itong dumaan habang kasunod si Miss Jessy na tila hinahabol ang lalaki sa laki ng hakbang nito. Hindi naman ito lumingon sa gawi namin dahil deritso lang ang tingin nito papunta sa opisina nito. Inabot ko kay Lara ang hawak kong paper bag. "Gusto mo? Sayo na lang," alok ko sa kaniya. "Ayaw
"W-wife?" hindi makapaniwalang ulit ko kahit may naririnig naman na ako dati pa tungkol doon. Hindi ko lang inaasahang totoo pala iyon."Yes. We are married, " she confirmed.Ngumiti ako sa kaniya nang pilit kahit gusto nang pumatak ng luha ko. "Okay, ma'am. Excuse me, I need to go back to my work. It's nice meeting you, by the way," nagmamadaling paalam ko sa kaniya at lumakad paakyat pero bagkos na bumalik sa trabaho ko sa rooftop kung saan walang tao. "WHY? WHY? WHY YOU DID NOT WAIT? WHY DID YOU BROKE YOUR PROMISE?!" sigaw ko sa hangin habang tumutulo ang luha ko. "Why not me? Why am I still hurting like this?"Nanghihinang napaupo ako sa bench na naroroon at hindi ko na napigilang mapaiyak. Itinakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko habang pinipigilang mapahikbi ng malakas.Ang sakit. Doble ang sakit kaysa noong bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa akin. Ngayon pakiramdam ko tinutusok ng mga karayom ang puso ko. Ang tanga ko. Umaasa na naman ako. Umasa ako na baka may cha
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a