Naupo ako sa right side ni Ate Ren, naging gawain na namin minsan ang hindi magluto at umorder na lang ng kung ano-ano sa labas kaya hindi na ako nagtataka na walang matinong ulam kundi fried chicken ang nasa harap ko.Napatingin ako kay Nero nang bumalik na ito. Akmang uupo ito sa tabi ko nang bigla itong hinila ni Ate Rob sa tabi niya kaya ang nangyari si Ate Raf ang naupo sa tabi ko. Ang nasa tapat ko ay si Ate Rob at si Ate Raf naman ang katapat ni Nero.Mga nakaupo kami sa carpet floor dito sa sala."Ram, kain kana, pa-despidida yata 'to para sa iyo," alok sa akin ni Ate Ren at binigyan naman ako ni Ate Rob ng isang pinggan.Nagtatakang tumingin ako kay Nero pero ngumiti at nagkibit balikat lamang ito. "Despidida? Hindi naman mag-aabroad si Ramona," kontra ni Ate Rob at tumingin kay Nero. "Oa naman, dati nga mineral water nagpapalibre ako sayo, siningil mo pa ako. Tapos ngayon may pakain na pang ganito." Nag-aakusang tiningnan ito ni Ate rob pero tinawanan lang ito ni Nero."Hin
Napatingin ako sa pick-up na nasa harapan ko. Kagabi nang matulog ako ay wala namang ganito sa garahe namin, pero maagang umalis si Ate Ren at pagbalik niya ay ibang sasakyan na ang dala niya. "Kanino iyan?" tanong ko habang nakaturo sa puting pick-up car. "To nobody," simpleng sagot nito nagtungo sa likod ng kotse. "Move, put your things," utos nito kaya binuhat ko ang isang kahon. "Don't tell me you stole this one again," saad ko habang ikinakarga naming dalawa ang mga gamit ko. "Nope, this is one of the trashes in his garage, I just pick it up." "His garage? Who?" tanong ko at tiningnan siya habang nagdududa ang tingin ko. She winked at me. "My sugar daddy," she playfully answered. Napatingin ako kay Ate Raf na tumulong sa amin sa pagbubuhat. Si Ate Rob ay nasa loob pa para i-check kong nabunot ba namin lahat ng de-kuryenteng nakasaksak at napatay ang mga ilaw o nasarado ba ng maayos lahat ng bintana at pinto. Ganoon siya palagi, kailangang check na check ang bahay bago umali
Nakadapa ako sa kama habang malaki ang mga ngiti ko. Ka-chat ko ngayon si Nero, isang buwan na rin ako rito sa probinsya at madalas ay nagkakausap kami tuwing gabi.Sa umaga kasi ay sumasama ako kina Ate Raf at Ate Rob sa farm. Si Ate Ren kasi ay isang linggo lang nanatili rito at bumalik na rin sa Maynila.Napaupo ako sa kama nang biglang mag-ring ang cellphone ko dahil tumatawag si Nero."Hello?""Ramona." Napakagat ako sa labi ko nang banggitin niya ang pangalan ko."You miss me?""Damn much," anito at bahagyang natawa sa kabilang linya.Napalabi ako sa sinabi niya. "Dapat kasi dati pa lang sinagot mo na ako, para matagal na sanang tayo," wika ko sa kaniya."You know I can't. Baka mas malala pa sa ex mo ang nangyari sa akin kung ginawa ko iyon," wika nito pero ramdam ko sa boses nito ang asar ng sabihin ang salitang ex.Naalala ko na naman ang mukha ni Gael dati. Si Ate Ren ang salarin noon. Napaisip tuloy ako na baka mafia boss ang sugar daddy kuno ni Ate kaya nagawa niya iyon ka
Dumating ang holidays at umuwi ang mga kapatid ko sa probinsya upang magkakasama kaming mag-celebrate ng pasko at new year gaya ng nakaugalian ng pamilya namin.Gaya ng dati ay marami na namang tao sa bahay na naghahanda para sa paparating na pasko. May mga tauhan ang mga magulang ko na tumutulong sa pagluluto habang ako naman ay tumutulong sa mga kababaihan sa paggagayat ng mga gulay.Habang si Ate Rob at Ate Raf naman ay katulong ni Mama sa pagluluto ng leche plan at kung ano-ano pang matatamis na deserts."Ate Ramona, sabi ni crush ka daw po ni Kaloy," sabi sa akin ng ni Lila, isa sa mga anak ng mga trabahador."Hoy, hindi, a! " namumulang tanggi naman ng tinutukoy nito."Naku, kabata-bata mo pa, may crush kana," pang-aalaska naman ng isang matanda kay Kaloy.Siguro ay nasa sampong taong gulang pa lamang si Kaloy. "Hindi ko naman crush si Ate Ramona, e. Nagagandahan lang ako sa kaniya," naiiyak nang tanggi ni Kaloy dahil sa pang-aasar sa kaniya ng mga nasa paligid namin."Ganoon
Dumating ang graduation nina Ate Rob kaya sumama ako kina mama at papa sa Maynila para sa manood.I brought my baby, the camera that Anon gave me. This my favorite. Iyong umabot na sa akin ng taon ang camera pero wala pa rin akong ideya kung sino ang nagbigay sa akin."Ramona, let's go! Baka ma-late tayo!" narinig kong sigaw ni mama. Agad na kinuha ko ang maliit na paper bag at isinilig sa tote bag na dala ko bago nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko.Naghihintay na sa akin sina Ate Rob nang makababa ako. Agad naman kaming sumakay ng kotse papunta sa university niya.Ako ang naging photographer nina ate. Kinuhaan ko siya ng mga litrato, meron ding kasama niya ang mga magulang ko.Napatigil ako nang makita kong papalapit sa amin si Nero habang malaki ang ngiti sa mga labi."Hi, Nero, congratulation, dear," bati ni Mama nang lumapit si Nero sa amin at bumeso sa ina ko."Thanks. Tita," he answered with smiled.He looked at me and gave me a smile. "Congratulations," I said with at him
Buong bakasyon na nasa farm lang ako namalagi. Si Ate Roberta ay nagsimula nang mamahala sa farm namin, mas nag-angkat pa siya ng mga baka dahil nais niyang magpatayo ngnegosyo na may kinalaman sa goat milk in the future.Pareho kaming sumasama ni Ate Raf sa fam kay Ate Rob pero minsan ay hindi ko alam at nawawala na lamang si Ate Raf, hindi ko alam kung saan-saan siya nagsusuot.Lumipas ang bakasyon at bumalik na ulit ako sa eskwela, si Ate Raf sa Manila dahil doon siya pumapasok habang si Ate Rob na ang nagpapatakbo ng negosyo namin.Maayos naman ang naging takbo ng college life ko pero unti-unti nang nagbabago ang love life ko. Mas naging busy na si Nero dahil sa trabaho kaya kung dati ay madalang kami mag-usap ngayon ay mas dumalang pa.I know that he is busy kaya kapag hindi siya nagrereply sa mga text ko ay hindi ako nagrereklamo pero hindi ko alam kung anong nangyayari.I felt like he is starting drift away.I sat on my bed, I can't focus on my study knowing that Nero is not an
Buong magdamag akong umiyak. Nakatulog na ako sa kaiiyak ko kaya kinabukasan ay mugto ang mga mata ko. Wala akong kumilos pero sinikap ko pa ring bumangon dahil may pasok pa ako."What happened to your eyes?" tanong ni mama ng nag-aagahan kami kinabukasan.Kinusot ko ang mata ko at ngumiti sa kaniya. "Napuyat lang po ako, late na kasi ako nakatulog dahil nag-review pa ako," pagdadahilan ko at yumuko para uminom ng kape nang hindi niya mapansin na nagsisinungaling ako."Next time don't stay up late, mukha kang nakahithit dahil sa hitsura mo," wika ni mama at inabutan ako ng sandwich."Opo." Tumingin ako kay Ate Roberta na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa akin. Sa kaniya ako umiyak kagabi pero kahit nakalipat na ako sa kwarto ko ay ayaw pa ring tumigil ng luha ko kaya nag-iniyak pa rin ako.Ang hirap kasing tanggapin, akala ko talaga kaya niya akong hintayin gaya ng ipinangako niya pero hindi pala. Gaya rin lang siya ng ibang lalaki na puro salita.Mula nang malaman ko kay A
I was playing with Antonia when my phone rang. Kinuha ko iyon at naupo sa kalapit ng pamangkin ko na naglalaro. Nandito kami ngayon sa crib niya, mabuti na lang at malaki ito, kaya kahit ako pwedeng mahiga rito."Hello?""Hello, do you still know me?"Natawa ako sa tanong niya. "Of course, how could I forget my best friend?""Oh, best friend mo pa pala ako, akala ko hindi na dahil kung hindi kita tatawagan hindi ka nagpaparamdam. Hoy babae, may balak ka pa bang magpakita sa akin? Mahigit isang taon na tayong graduate pareho, pero ni anino mo hindi pa rin nagpapakita sa akin," walang prenong reklamo nito."Sorry, I was just a little bit busy," hingi ko ng paumanhin sa kaniya o mas tamang sabihing pagdadahilan ko."Lagi ka namang busy, kahit anong pagpapayaman gawin mo hindi mo na malalampasan ang yaman ni Ate Ren," pagtatalak nito.Napaikot ang mata ko sa sinabi nito. "Should I find my own sugar daddy?" pagbibiro ko sa kaniya."Ay, sama ako," anito at humalakhak kaya natawa na rin ako.
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a