Share

42

Author: iamAexyz
last update Huling Na-update: 2024-03-17 18:41:09
Bigla akong yumakap kay Nero at napasinghot ako dahil hindi ko mapigilang maiyak.

Habang iniisip ko baka hindi talaga niya ako gusto, siya naman iyong future ko ang inisip niya. Hindi ko inaasahan na pareho kami ng nararamdaman pero ngayong narinig ko na iyon mula sa kaniya na gusto rin niya ako pakiramdam ko sulit lahat ng pagpapapansin ko sa kaniya noon kahit na iniiwasan niya ako madalas.

"Hindi naman ako mabait, pero bakit ang swerte ko pa rin?" tanong ko sa kaniya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Natawa ito sa tanong ko. "Mabait ka naman. Pasaway ka lang talaga minsan."

Humiwalay ako sa kaniya at sinamangutan ko siya. Bakit ba masyado siyang honest? Hindi man lang niya ako sang-ayunan. Bola-bolahin ba. Kapag siya pa naman ang nambola sa akin mabilis akong mauto pero masyado siyang honest.

"Mas gusto mo ba ang pasaway na gaya ko kaysa kay Ellen na mukhang mahinhin at mabait?" kumunot ang noo nito sa tanong ko.

Magkaibang-magkaiba kami ng ugali ni Ellen, siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aliyah
nyahahahahhaha, San ba kasi makahanap nng Nero na gentlemen......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   43

    Mas naging masaya ang naging travel ko hindi lang dahil kasama ko si Nero kundi dahil sinusulit naming dalawa ang mga araw na magkasama kami. He is acting like a my boyfriend to me. Sweet, caring and very gentleman. Minsan nga ako na ang nagte-take advantage sa kaniya pero malakas talaga ang self-control niya. I love teasing him. Siya iyong tipong palaging malapit nang bumigay sa mga paglalandi ko pero nagagawa pa rin niyang magpigil. Ang huling distinasyon namin ay ang Yasaka Shrine o mas kilala bilang isa sa pinakasikat na Love Shrines sa Kyoto. Bawat Shrine na pinupuntahan namin ay palagi akong nanalangin. Ang Yasaka Shrine ay isa sa pinakasikat na Shrine dito sa Gion District. Pinaniniwalaan dito ang kwento ng mag-asawang diyos na sina Sasano-no-Mikoto at Kushinadahime-no-Mikoto. Ayon sa mga alamat, kung nais mong makahanap ng tunay na pag-ibig ay pwede kang manalangin dito at singuradong iyon ay matutupad dahil ang lugar ay sikat bilang lugar ng pag-ibig. Naghagis ako ng bary

    Huling Na-update : 2024-03-19
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   44

    Mabilis na sinundan ako ni Nero at pinigilan."Ramona," masuyong tawag niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kaniya kahit alam kong pilit lang iyon."Are you angry?" tanong nito sa akin. Umiling ako sa kaniya. "Hindi. Naiintindihan ko naman. Pero parang ang daya lang kasi. Kung kailan pareho natayo ng nararamdaman saka naman kailangan kong mag-aral sa probinsya. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko kina papa sa sa province ko gustong mag-college," pagdadahilan ko sa kaniya.Ayoko namang sabihin sa kaniya na nag-o-overthink ako malala. Isa pa, hindi ko na mababawi ang sinabi ko dahil maging sina Ate Rob ay doon na ako pinapag-aral dahil nga sa kasalanang nagawa ko. Ayoko namang sabihin pa nila kina mama at papa na naglasing ako at muntik nang mapahamak kung hindi lang ako sinundo ni Nero. Kapag nalaman pa iyon ng mga magulang ko mas lalo silang maghihigpit sa akin. Overprotective pa naman ang tatay namin.Pinaharap ako ni Nero sa kaniya at sinapo ang mukha

    Huling Na-update : 2024-03-19
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   45

    Pagdating namin sa bahay ay agad na naupo si Ate Ren sa sala. Itinaas pa nito ang paa sa ibabaw ng center table."You can take a rest now. I know you are tired," wika ni Ate Raf sa akin at Pero bago ako magtungo sa bathroom ay tinawagan ko muna si Stella."Hello?""Bruha," bungad ko sa kaniya. Parang bagong gising lang ito gayong alas dos na malapit nang mag-ala una ng hapon."Ramona, nakabalik kana?""Uh huh, kadarating ko lang," sagot ko. Ni-loud speaker ko ang tawag at ipinatong sa ibabaw ng dresser ko ang cellphone. Sinimulan kong hubarin ang suot kong pantalon."How's Japan?" excited na tanong nito."Ayon, maraming Hapon," pamimilosopo ko sa kaniya."Dapat iniwan mo na sa Japan iyang pagiging walang kwentang kausap mo," pikon na wika nito na ikinatawa ko."Just go here tomorrow and get your pasalubong," wika ko bago tuluyang hinubad ang pantalong maong na suot ko. Muntik pa akong matumba dahil medyo skinny iyon."Sure," mabilis na sagot nito. "Pero sabi ko naman sa'yo, dapat

    Huling Na-update : 2024-03-20
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   46

    Nagising ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.Inaantok na napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Stella na malaki ang ngiti.Napahawak ako sa noo ko at sinuklay ang buhok bago tinatamad na bumangon. Mabilis naman na lumapit sa akin si Stella at tumalon sa kama ko.Napatingin ako sa labas at nakita kong tirik na tirik na pala ang araw. Tinanghali ako ng gising. Bumabawi pa kasi ako ng tulog kaya parang gusto ko lang humilata at matulog buong araw. Mabuti na lang at bukas pa ang uwi namin sa probinsya kaya may time pa akong magpahinga bago bumyahe ulit.Napatingin ako sa relong nakasabit sa dingding. Mag-aalas nuwebe na ng umaga. Sobrang haba na pala ng naitulog ko."Did I wake you up?""You are asking the obvious," sagot ko sa kaniya at nag-inat.Lumabi naman ito sa akin at naupo sa kama. Bumangon naman ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Sumunod naman sa akin si Stella."Sabi mo kasi pumarito ako. Dapat sinabi mo agad na magpapahinga ka muna.

    Huling Na-update : 2024-03-21
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   47

    Naupo ako sa right side ni Ate Ren, naging gawain na namin minsan ang hindi magluto at umorder na lang ng kung ano-ano sa labas kaya hindi na ako nagtataka na walang matinong ulam kundi fried chicken ang nasa harap ko.Napatingin ako kay Nero nang bumalik na ito. Akmang uupo ito sa tabi ko nang bigla itong hinila ni Ate Rob sa tabi niya kaya ang nangyari si Ate Raf ang naupo sa tabi ko. Ang nasa tapat ko ay si Ate Rob at si Ate Raf naman ang katapat ni Nero.Mga nakaupo kami sa carpet floor dito sa sala."Ram, kain kana, pa-despidida yata 'to para sa iyo," alok sa akin ni Ate Ren at binigyan naman ako ni Ate Rob ng isang pinggan.Nagtatakang tumingin ako kay Nero pero ngumiti at nagkibit balikat lamang ito. "Despidida? Hindi naman mag-aabroad si Ramona," kontra ni Ate Rob at tumingin kay Nero. "Oa naman, dati nga mineral water nagpapalibre ako sayo, siningil mo pa ako. Tapos ngayon may pakain na pang ganito." Nag-aakusang tiningnan ito ni Ate rob pero tinawanan lang ito ni Nero."Hin

    Huling Na-update : 2024-03-22
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   48

    Napatingin ako sa pick-up na nasa harapan ko. Kagabi nang matulog ako ay wala namang ganito sa garahe namin, pero maagang umalis si Ate Ren at pagbalik niya ay ibang sasakyan na ang dala niya. "Kanino iyan?" tanong ko habang nakaturo sa puting pick-up car. "To nobody," simpleng sagot nito nagtungo sa likod ng kotse. "Move, put your things," utos nito kaya binuhat ko ang isang kahon. "Don't tell me you stole this one again," saad ko habang ikinakarga naming dalawa ang mga gamit ko. "Nope, this is one of the trashes in his garage, I just pick it up." "His garage? Who?" tanong ko at tiningnan siya habang nagdududa ang tingin ko. She winked at me. "My sugar daddy," she playfully answered. Napatingin ako kay Ate Raf na tumulong sa amin sa pagbubuhat. Si Ate Rob ay nasa loob pa para i-check kong nabunot ba namin lahat ng de-kuryenteng nakasaksak at napatay ang mga ilaw o nasarado ba ng maayos lahat ng bintana at pinto. Ganoon siya palagi, kailangang check na check ang bahay bago umali

    Huling Na-update : 2024-03-22
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   49

    Nakadapa ako sa kama habang malaki ang mga ngiti ko. Ka-chat ko ngayon si Nero, isang buwan na rin ako rito sa probinsya at madalas ay nagkakausap kami tuwing gabi.Sa umaga kasi ay sumasama ako kina Ate Raf at Ate Rob sa farm. Si Ate Ren kasi ay isang linggo lang nanatili rito at bumalik na rin sa Maynila.Napaupo ako sa kama nang biglang mag-ring ang cellphone ko dahil tumatawag si Nero."Hello?""Ramona." Napakagat ako sa labi ko nang banggitin niya ang pangalan ko."You miss me?""Damn much," anito at bahagyang natawa sa kabilang linya.Napalabi ako sa sinabi niya. "Dapat kasi dati pa lang sinagot mo na ako, para matagal na sanang tayo," wika ko sa kaniya."You know I can't. Baka mas malala pa sa ex mo ang nangyari sa akin kung ginawa ko iyon," wika nito pero ramdam ko sa boses nito ang asar ng sabihin ang salitang ex.Naalala ko na naman ang mukha ni Gael dati. Si Ate Ren ang salarin noon. Napaisip tuloy ako na baka mafia boss ang sugar daddy kuno ni Ate kaya nagawa niya iyon ka

    Huling Na-update : 2024-03-22
  • Ramona's Obsession (Tagalog)   50

    Dumating ang holidays at umuwi ang mga kapatid ko sa probinsya upang magkakasama kaming mag-celebrate ng pasko at new year gaya ng nakaugalian ng pamilya namin.Gaya ng dati ay marami na namang tao sa bahay na naghahanda para sa paparating na pasko. May mga tauhan ang mga magulang ko na tumutulong sa pagluluto habang ako naman ay tumutulong sa mga kababaihan sa paggagayat ng mga gulay.Habang si Ate Rob at Ate Raf naman ay katulong ni Mama sa pagluluto ng leche plan at kung ano-ano pang matatamis na deserts."Ate Ramona, sabi ni crush ka daw po ni Kaloy," sabi sa akin ng ni Lila, isa sa mga anak ng mga trabahador."Hoy, hindi, a! " namumulang tanggi naman ng tinutukoy nito."Naku, kabata-bata mo pa, may crush kana," pang-aalaska naman ng isang matanda kay Kaloy.Siguro ay nasa sampong taong gulang pa lamang si Kaloy. "Hindi ko naman crush si Ate Ramona, e. Nagagandahan lang ako sa kaniya," naiiyak nang tanggi ni Kaloy dahil sa pang-aasar sa kaniya ng mga nasa paligid namin."Ganoon

    Huling Na-update : 2024-03-23

Pinakabagong kabanata

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 6

    Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 5

    THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 4

    Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 3

    NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 2

    Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   SPECIAL CHAPTER 1

    NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   FINALE

    Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   109

    RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N

  • Ramona's Obsession (Tagalog)   108

    RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a

DMCA.com Protection Status