Napakunot ang noo ko sa lalaking katabi ko matapos kong umupot sa designated seat ko. Mukhang tulog na agad ito at may suot na sumbrero at naka-shades pa ito kaya hindi ko makita ang mukha. Medyo nakayuko din kasi ito. Pero pakiramdam ko kilalang-kilala ko ito.Hindi ko na lang pinansin ang presesnya ng kalapit ko hanggang sa makalipad na ang eroplano pero nang bigla itong kumilos at alisin ang sombrero ay nanlaki ang mga mata ko."Kuya Nero?" hindi makapaniwalang saad ko.Medyo napalakas pa ang boses ko kaya medyo napayuko ako para hindi ako makita ng mga ibang pasahero."What are you doing here?" pabulong na tanong ko sa kaniya.Paanong nandito rin siya? I am not expecting to see him right now at katabi ko pa talaga?"I should be the one asking you. I came here first," balewalang sagot nito at hinubad ang suot na shades."I am obviously going to Japan," saad ko habang pigil ang boses ko."Me too.""Are you stalking me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.He gave me a sarcasti
Nilingon ako ni Kuya Nero nang maramdaman nito na hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Muli itong bumalik at nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko bago niya ako hinila papasok ng elevator. Hinigit ko pabalik ang kamay ko mula sa kaniya pero hindi niya iyon pinakawalan bagkos ay isinilid pa niya sa loob ng jacket niya ang kamay naming dalawa. Napatanga na lang ako sa ginagawa niya. Dumayo pa ba siya ng Japan para lang pakiligin ako? Hindi ko na mapigilang mapangiti dahil sa ginawa niya. Kung kahibangan man ang nararamdaman ko ngayon, sasamatalahin ko na. Matagal ko nang pinangarap na mangyari ito. Kahit na parang nakaw na sandali lang ang labas wala na akong pakialam. Pagbalik ko naman ng Pilipinas sa probinsya na ako at maaring matagal na panahon na bago ulit kami magkita. Naglakad lang kami patungo sa isang restaurant. Pansin ko lang parang sanay na sanay na si Kuya Nero rito sa Japan. Pumasok kami sa isang Izakaya, iyon ang tawag sa retaurant dito sa Japan kung saan
Nang makarating na kami sa hotel ay agad na kinuha ko ang kamay ko pagkakahawak ni Kuya Nero at inilagay iyon sa bulsa ng jacket ko. Hindi naman na siya umimik sa ginawa ko. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng hotel room namin. "Thanks for the dinner," saad ko sa kaniya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya. Pabagsak na nahiga ako sa kama. Pero muli akong bumangon para linisin muna ang sarili ko bago matulog. Bukas ng umaga ay maaga akong gigising dahil bukas ako magsisimulang gumala ng gusto. Medyo may jetlag pa rin kasi ako kaya magpapahinga muna ako. Pupunta rin ako ng Kyoto at doon na mananatili ng limang araw. Pwede naman sana akong dumiretso ng flight kahapon mula Pilipinas to Osaka papuntang Kyoto pero gusto ko munang gumala sa Tokyo. Sa bukas ng madaling araw na lang ako magbabyahe papuntang Osaka. Gagala muna ako bukas maghapon sa buong syudad. Gaya ng plano ko ay gumala ako sa Tokyo dala ang camera
"Who in my sisters told you to follow me? Is it Ate Ren or Ate Rob?" tanong ko sa kaniya dahil silang dalawa lang naman ang may kakayahan na utusan si Kuya Nero. Kilala ko si Ate Raf, hindi niyon magagawang pasundan ako."No one," sagot nito. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo pero ang hirap kasing basahin ng mukha niya."Don't lie. I am not stupid Kuya Nero, I know that you are not here for vacation. I can easily guess everything. Don't tell me that your itinerary and mine are just coincidence. It's Ate Ren, isn't it?" pag-uusig ko sa kaniya. All my sisters knew my feelings about him at si Ate Rob, never siya nagbigay ng comment about it pero lagi niyang sinasabi na bata pa ako. Kaya pakiramdam ko ayaw niya sa akin para kay Kuya Nero.He looked at my eyes. "She said about your tour, but she did not told me to follow you. I got your itinerary from Rob," pag-amin nito.Naguguluhang napatingin ako sa kaniya. "My sisters did that? Why?"Why would Ate Rob gave him my itinerary?He
On our third day in Kyoto we went to Arashiyama Bamboo Grove, isa sa pinakasikat na lugar. It is one of the city's most photographed landmarks, alongside the torii tunnels of Fushimi-Inari-Taisha Shrine and Kinkaku-ji Temple. Sabay kaming lumakad sa gitna ng mga nagtataas bamboo tree na para bang dinadala ka sa ibang dimensions. Bahagya akong nagpahuli kay Nero para kunan siya nang litrato pero gaya ng dating mga naunang kuha ko sa kaniya lagi yata niyang nararamdaman na pipicturan ko siya kaya muli na naman siyang lumingon. Napangiti ako bago ko clinick ang camera na hawak ko. Nakalagay ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng jacket niya habang nakalingon sa akin at may magandang ngiti sa mga labi niya. Isa sa hindi ko malilimutan sa trip ko na ito ay ang magagandang ngiti niya, malayo sa Nero na kilala ko na palaging seryoso ang mukha. Ngayon hindi ko alam pero parang ang gaan-gaan ng atmosphere niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Nonomiya Shrine.
The moment Nero's lips started to move, I closed my eyes and opened my mouth to welcome his tongue. I know this is wrong, but the taste of his lips is making me insane. I am losing my mind and wanting for more. We kissed, he kissed me, and I kissed him back with the same intensity until I almost lost my breath. I was already catching my breath when he let go of my lips. My arms are still clinging to his neck. I looked at him with confusion in my eyes. “Why? ”I asked while still panting. He gave me another peck on the lips. “I always want to do it. I always want to kiss you, Ramona,” he answered. “But you have a girlfriend,” I said with a fang of pain in my heart. He already has a girlfriend, and what we did was cheating. I want him, but I don't want to be the cause of their breakup. I can't break another girl's heart. Bakit ba kasi ang sakit niyang mahalin? Bakit kailangang pa niyang ipakita sa akin na parang gusto rin niya ako gayong meron na siyang girlfriend? "I have a girlfr
Bigla akong yumakap kay Nero at napasinghot ako dahil hindi ko mapigilang maiyak. Habang iniisip ko baka hindi talaga niya ako gusto, siya naman iyong future ko ang inisip niya. Hindi ko inaasahan na pareho kami ng nararamdaman pero ngayong narinig ko na iyon mula sa kaniya na gusto rin niya ako pakiramdam ko sulit lahat ng pagpapapansin ko sa kaniya noon kahit na iniiwasan niya ako madalas. "Hindi naman ako mabait, pero bakit ang swerte ko pa rin?" tanong ko sa kaniya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Natawa ito sa tanong ko. "Mabait ka naman. Pasaway ka lang talaga minsan." Humiwalay ako sa kaniya at sinamangutan ko siya. Bakit ba masyado siyang honest? Hindi man lang niya ako sang-ayunan. Bola-bolahin ba. Kapag siya pa naman ang nambola sa akin mabilis akong mauto pero masyado siyang honest. "Mas gusto mo ba ang pasaway na gaya ko kaysa kay Ellen na mukhang mahinhin at mabait?" kumunot ang noo nito sa tanong ko. Magkaibang-magkaiba kami ng ugali ni Ellen, siya
Mas naging masaya ang naging travel ko hindi lang dahil kasama ko si Nero kundi dahil sinusulit naming dalawa ang mga araw na magkasama kami. He is acting like a my boyfriend to me. Sweet, caring and very gentleman. Minsan nga ako na ang nagte-take advantage sa kaniya pero malakas talaga ang self-control niya. I love teasing him. Siya iyong tipong palaging malapit nang bumigay sa mga paglalandi ko pero nagagawa pa rin niyang magpigil. Ang huling distinasyon namin ay ang Yasaka Shrine o mas kilala bilang isa sa pinakasikat na Love Shrines sa Kyoto. Bawat Shrine na pinupuntahan namin ay palagi akong nanalangin. Ang Yasaka Shrine ay isa sa pinakasikat na Shrine dito sa Gion District. Pinaniniwalaan dito ang kwento ng mag-asawang diyos na sina Sasano-no-Mikoto at Kushinadahime-no-Mikoto. Ayon sa mga alamat, kung nais mong makahanap ng tunay na pag-ibig ay pwede kang manalangin dito at singuradong iyon ay matutupad dahil ang lugar ay sikat bilang lugar ng pag-ibig. Naghagis ako ng bary
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a