Share

CHAPTER 22

Author: Ms.aries@17
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

RED

Habang abala siya sa kanyang ginagawang pagtipa sa harapan ng kanyang personal computer, ng biglang nag ring ang kanyang phone.

Napansin niya na unregistered number lang ito at hindi pamilyar sa kanya. Wala sana siyang balak na sagutin ngunit baka masyadong importante.

"Hello?" sagot niya.

"Hello, sir? Kayo po ba si mr. Red Monteverde?" tanong ng tinig babae sa kabilang linya.

"Yes, speaking! Who's this?" pormal na tanong niya sa nasa kabilang linya.

"Ah, hello sir, magandang araw po. Gusto lang po namin sana kayong i- inform about po sa panganganak ni ms. Mendez, narito po siya ngayon sa hospital at kakapanganak lang niya." anang babae.

"Bakit ngayon n'yo lang itinawag?" kunot noong tanong niya rito.

"Pasensya na po sir, nahuli na po na nai- paalam sa inyo sa kagustuhan na rin po ni ms. Mendez na hindi na kayo maabala sa trabaho." anito.

"Saang hospital iyan?" tanong muli niya. Agad naman na sinagot ng babae kung sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 23

    CYNTHIA Lihim siyang napangiti habang nag di- dial sa kanyang phone. "Hello?" tinig mula sa kabilang linya. "O, ano? Nagawa mo na ba ang iniuutos ko sa iyo? Maayos mo bang nai-dispatsa?" tanong niya na may kahinaan ang tinig upang walang makarinig sa kanyang sino man. "Yes, ma'am. Okay na po at maayos na ang lahat." "Siguraduhin mo lang na walang magiging aberya iyan, ha? Dahil kung hindi malilintikan ka sa akin! Alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin!" banta niya rito. "Opo naman, ma'am. Maayos at malinis ang lahat, at sigurado ako na walang magiging aberya, ma'am." "Okay, I already transfered the money on your account. You may just check it for yourself," sabi niya sa kausap. "Okay, ma'am." anito na halatang masaya ang tinig. "Okay!" aniya at aktong ibaba na ang kanyang phone, ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at bumungad ang magulang ni Red. Pilit siyang ngumiti sa mga ito na umaktong tila hirap

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 24

    RED Habang hindi mapakali ang binata na nagparoo't parito sa paglalakad sa kabuuan ng kanyang sala, ay patuloy rin na sumasalit sa kanyang ala ala ang maamong mukha ni Sheena. Kahit na ilang buwan na ang nakararaan mula ng mawalan siya ng balita rito, ay hindi rin nawala ang dalagang guro sa kanya, kahit pa sa maikling sandali na nakilala niya ito. Alam niya na maaring may puwang na sa puso niya ang babae sa loob lamang ng ilang sandaling pagkaka-kilala niya rito. Hindi niya tuloy alam kung ito na nga ba ang sinasabi nilang love at first sight, ngunit magkaganun pa man, gulo pa rin ang isip niya dahil hindi na niya ito makita pa. Isa pa, ang tungkol kay Cynthia na alam niyang isa na ring balakid sa mga plano niya. Kahapon ng sabihin nila na nasa hospital ito at nanganak, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ito nadadalaw. Hindi pa rin niya nakikita ang hitsura ng naging anak nito at kung ano ang kasarian. Wala rin kasi siya sa atensyon kapag nagsasab

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 25

    REDTulala at hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatitig sa bangkay ng mga nasa harapan niya. Sino ba ang mag a- akala na sa bawat oras na laman ito ng isip niya, ay narito naman ito at piniling lumayo sa kanya? Sobrang nasorpresa siya ng sabihin ng mga kaibigan nito na si Sheena nga ang babaeng nakasiping niya ng gabing iyon, ngunit palaisipan pa sa kanya kung bakit si Cynthia ang nagisnan niya na nasa tabi niya. Matagal niyang tinitigan ang labi nito, ganoon din ang labi ng tatlong maliliit na anghel, bagaman at sarado iyon at hindi na rin ipinakita pa ang anino ng tao sa loob dahil sa maselang kondisyon na hindi makilala ang mga sunog na katawan Kulang na lang ay pakiramdam niya gusto niyang manakit ng mga oras na iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit at sama ng loob na nasa puso niya. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Sheena na masamahan siya sa mga panahong kailangan nito ng katulong at kaagapay. Kaya pala ganoon na lamang ang paninindigan

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 26

    RED Araw ng linggo ng ipasya niya na magtungo sa kaniyang bahay matapos ang ilang buwan na hindi pag-uwi rito. Hindi niya ipina-alam maging sa kanyang mga magulang ang kanyang pag bisita rito. Pagbungad pa lamang niya sa sala ng mapansin agad niya ang dalawang yaya na nagkakasaya sa paglalaro ng dalawang maliliit na sanggol. Ang totoo, mula ng isilang ang mga bata ay hindi pa niya nagawang dalawin ang mga ito. At hindi pa rin niya nagawang masulyapan ang mga mukha ng dalawang kambal. Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon, kahit hindi pa man niya nalalapitan at nakikita ang mga ito. Tila may nagtutulak sa kanyang lapitan ang kambal. Halatang nagulat rin ang mga taga pag alaga sa kanyang pag sulpot. "Ah, sir, kayo po pala!?" nagulat na sabi ng isa at bahagya pang yumukod. Walang imik na nilapitan niya ang mga ito. Nakahiga ang dalawang sanggol sa kani kanilang mga trolley at mukhang nakagayak. "Mukhang may lak

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 27

    Eight years later, Nakahinga ng malalim ang babaeng bagong dating mula pa sa Amerika. Blue fitted jeans, at red shirt ang suot nito. Three inch high heel na nakapag dagdag pa lalo sa taas nito, with black shades habang nakalugay ang mahaba, tuwid at itim na itim nitong buhok. Kasunod nito ang ilang mga lalaking naka uniform ng black habang bitbit nila ang kanyang mga bagahe. Sa unang tingin pa lang ay halatang bodyguard ang mga ito. Isang pulang kotse ang huminto sa tapat nito pagkalabas na pagkalabas pa lamang nito ng airport. Mabilis na nilapitan ito ng isang lalaking naka black uniform at agad na binuksan ang pinto niyon upang makapasok ang babae. Matapos na masigurong okay na ang babae ay sumakay naman ang iba pang lalaking kasama nito sa dalawa pang kasunod na sasakyan. Ilang sandali lang narating nila ang isang malaki at magarang mansyon na nasa pusod ng lungsod. Mabilis na nagsiyukuan at bumati sa bagong dating ang mga kasambahay ng mansyon.

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 28

    REDAraw ng pamamasyal niya kasama ang kanyang dalawang anak na naka ugalian na niyang gawin tuwing wala siyang pasok sa opisina. Ngunit kung minsan naman ay sinasadya pa niyang mag leave upang makasama ang mga ito. Ilang beses na rin niyang isinama sa pagbabakasyon sa labas ng bansa ang mga ito, ngunit dahil sadyang iyon yata ang hinihintay na pagkakataon ni Cynthia, kung kaya mas mabilis pa ito sa kanila na makapag handa kahit na hindi naman ito kasama sa kanilang plano. Gaya na lamang ng araw na ito. All smile pa ito habang sinasalubong siya pagpasok ng bahay. Kita niya na handa na rin ang kanyang mga anak na kasalukuyang nakaupo sa sala. "Hello, daddy! We're ready na." nakangiting sabi ng isa sa kanyang kambal na si Kylie. "Yes, dad. And you're late today." ani Kate naman. "And I am also with all of you, Red." nakangiti na sabi ni Cynthia. "Okay, ladies. Pack up your thing's and we will go." sagot niya na nakatingin sa kambal habang tila

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 29

    RED Nakauwi na siya sa kanyang condo matapos na maihatid ang mga kasama niya sa bahay kanina. May sarili naman na driver ang kanyang ina kaya nag kusa na rin itong umuwi. Matapos na makapag tanggal ng kanyang sapatos ay napa sandal siyang naupo sa sopa. Bahagya rin niyang nahilot ang kanyang sintido. Paulit ulit na bumabalik sa kanyang ala ala ang mukha ng babaeng nakasagutan ni Cynthia sa parke. Alam niya na hindi pa niya ito nakita kailanman, ngunit may pakiramdam siya na kay tagal na niya itong kilala. Weird man na isipin ngunit may kung anong interes na binuhay ito sa kanya matapos ang maraming taon. Minsan lang siyang nakaramdam ng ganito noong una niyang makita ang maamong mukha ni Sheena, ngunit ngayon, muli na naman itong naulit sa ibang babae na kahit pa nga ang pangalan nito ay hindi niya kilala. Tumayo siya at lumapit sa counter upang magsalin ng alak. Ilang sandali lang at tumawag sa kanya ang kanyang mama. "Hello, ma?" "H

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 30

    DIVINAMagmula ng makita niya ang mukha ng dalawang batang babae na yumayakap sa babaeng kanyang nakasagutan na si Cynthia, ay hindi na rin maalis alis sa kanyang diwa ng mga ito hanggang sa makabalik s'ya sa kanyang tahanan. Ang maamo at maliit nitong mga mukha ang patuloy na umuukilkil sa kanyang diwa. Ganoon rin ang labis na pananabik na kanyang nararamdaman na tila gusto niyang lapitan at yakapin ang mga ito. Alam niya na matagal ng panahon mula nang mawala sa kanya ang kanyang nag iisang kayaman, at hindi maikakaila na patuloy pa rin siyang nananabik sa mga ito kahit na tanggap na niyang wala na ang mga ito. Isa lang ang hangad niya kung bakit muli pa siyang ngabalik, iyon ay ang hanapin at kilalanin kung sino nga ba ang mga tao sa likod ng mga nangyari noon kung saan naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat lahat, pagkasira ng kanyang pagkatao at pagkawala ng itinuturing niyang kayamanan at napakahalagang regalo sa kanya ng diyos. Ngunit matapos ang naging

Pinakabagong kabanata

  • REVENGEFUL HEART   EPILOGUE

    "Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 58

    Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 57

    Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 56

    RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 55

    Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 54

    Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 53

    DIVINA Bakas sa mukha ang saya ng tatlong bata habang papalapit sa kanya. Hindi rin naman mapigilan nang ibang panauhin ang pumalakpak sa maka antig damdamin na tagpong 'yon. Marami ang masaya para sa kanila, habang ang iba naman ay naghahanap lamang ng maaaring mapag usapan at may ilan na tila wala lang pakialam. Magka ganun pa man ay hindi matatawaran ang sayang pumupuno sa puso ni Divina. Ngayon alam niya na ganap nang mabubuo ang pangarap niyang pamilya na akala niya noon ay tuluyan ng nabaon sa hukay. "Hello, Mommy?" sabi ng nakangiting si Kate. Kahit mukhang hindi naman ito masyadong nagulat sa nalaman. Siguro dahil sa umpisa pa lang ay may ganito nang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Samantalang si Kylie ay nanatiling tahimik at nakangiti. Malapad rin ang ngiti sa mga labi ni Tina. Marahil ay wala sa hinagap nito ang mga nagaganap. Matapos na malaman niya kung sino ang kanyang mga magulang at makalaya sa pamilyang umabuso sa kanya, ay heto s'ya ngayon at k

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 52

    RED Matapos na maka alis ang mga pulis kasama si Cynthia ay kaagad na nilapitan ni donya Georgina sina Red at Divina. Hindi siya matahimik matapos ang mga nasaksihan niyang eksena. Ang paligid ay hindi matapos tapos sa kanilang pagbu bulungan tungkol sa mga nasaksihan, ang ilan pa ay nagsimula ng mag upload ng kung ano anong video ang nakuha ng mga ito. Hanggang ngayon ay tila gusto n'yang magalit ngunit may isang bagay pa siyang kinakailangan alamin sa mga ito. Una, ay ang pagiging magkamukha ng dalawang bata sa sinasabing anak ni Divina. Ikalawa, ay pag aakusa ng mga ito kay Cynthia na hindi niya alam kung paniniwalaan ba n'ya o hindi. lkatlo, ay ang pag aresto kay Cynthia at pagpaparatang ng mga ito sa babae. Nakatayo ang dalawa na malapit sa may bukana ng malapitan niya. May ilan na nakatingin pa rin sa kanila habang nagbubulungan. "Pwede bang paki paliwanag ang lahat ng ito?" Kunot ang noo niyang sabi kay Red na halatang seryoso ang mukha

  • REVENGEFUL HEART   CHAPTER 51

    DIVINA "O ano? Natahimik ka, di ba? Ngayon mo sabihin sa harap mismo ng maraming tao na anak mo nga sila! Na kailanman wala kang niloko at inosente ka!" kalmado ngunit mariin na sabi niya. Lahat ay natuon ang pansin sa kanila. Maging si Donya Georgina ay unti unting nagkaroon ng idea sa tinatakbo ng usapan ng dalawang babae. "Ikaw ang sinungaling! Nasasabi mo ang lahat nang iyan dahil alam kong malaki ang gusto mo sa ama ng mga bata. Na kaya pinipilit mong lumapit sa kanila para pati s'ya makuha mo! Ikaw ang mang aagaw at magnanakaw! Wala akong ninanakaw sa 'yo kaya wala kang karapatan na paratangan ako! Wala kang patunay para sabihin iyan! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang kusang umamin sa harapan mismo ng mga taong ito? Nang sa ganun magkaalaman na!" gigil at galit na galit na sabi ni Cynthia. "Ah! Bilib din naman ako sa sarili mo, Ms. Cynthia. Ang lakas ng loob mo na hamunin ako kahit alam na alam o sa sarili mo na tama ako? O sige, tutal narito na rin naman

DMCA.com Protection Status