Hindi ko gustong magpahalata na I do care for Emma. Kailangan maramdaman niya na gusto ko lang siyang masolo. Iyon lang ang habol ko kuno. “Iyon lang naman ang gusto ko, ang umalis na siya rito para kung sakaling maging tayo, ayaw ko nang may ibang babaeng nakakasama. Ayaw kong may sabit ka. I just want her to go pero dahil babae ako, I am still after her safety.” “Ako nang bahala roon.” Pumasok siya sa loob ng bahay. Sinilip ko siya. Hindi siya umakyat papunta sa aming kuwarto. Ibig sabihin, nagsisinungaling siya. Hanggang sa nakita ko si Becky. May dalang tray ng pagkain. Lumabas siya sa main door na parang wala lang. Hindi niya yata ako napansin. Hindi ako pwedeng umalis. Kailangan akong maabutan pa rin ni Jason pagbaba niya pero nangyari na ito noon. Ginagawa na ito ni Aling Pacing noon kay Joana at malakas ang kutob ko na si Tatang ang nakakulong kung saan nakakulong noon si Joana. Akala ko ba maayos ang kalagayan ni Tatang? Hindi. Hindi
Pagbalik ko sa pinag-iwanan sa akin ni Jason kanina ay naroon na siyang nakapamaywang. Halatang hinahanap niya ako kung saan ako pumunta. Kailangan kong maka-isip ng kapani-paniwalang palusot.Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan.“Saan ka galing? Bakit ka biglang nawala?” tanong ni Jason sa akin. Iba ang kanyang tingin. Tinging punum-puno na ng pagdududa. Tinging nakita ko sa kanya nang panahong nagbago na ang turing niya sa akin nang bago pa man niya ako sinaktan.“I’m sorry. I was looking for a comfort room. I can’t find anyone to ask to. Where is it?” tanong kong parang clueless.Nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Nawala ang pagdududa. “Come, I’ll just accompany you inside.” Pumasok kami sa bahay niya. I was expecting na sana makita ko si Ivan. Kung may koneksiyon kami ni Jason, iyon na lang ang anak namin at hindi kailanman rason ang pagkakaroon ng anak para manatili sa isang toxic relationship. Hindi iisa ang lalaki sa mundo. Hindi nakabubuti sa akin at sa aki
Buong lakas ko siyang hinala palabas. Tumilapon siya sa kalsada. Hindi pa niya naitatago ang kanyang tirik na tirik na parang hinliliit lang na nakatigas na alaga. “Ma’am Nadine? Tang-ina!” nakita kong bubunutin na dapat niya ang baril niya pero inunahan ko nang pinagbabaril ang kanyang ga-siling ari. Hindi ko siya papatayin. Gusto kong may magsasabi kay Jason sa akin ginawa bilang si Nadine. Kailangan kong sirain ang paa niya at kamay. Yung buhay siya pero wala na siyang kwenta. Kailangang maputol ang ari niya, paa at kamay niya nang hindi na makapaminsala pa at habang buhay niyang pagsisihang nagpabayad siya kay Jason para gumawa ng masama dahil lang sa pera.Nagsisigaw na si Dennis. Duguan ang inasinta kong ari niya, mga kamay at hita. Doon ko inubos ang bala ng aking baril.Nagsisigaw si Emma. Tinakpan niya ang kanyang tainga. Halatang takot na takot.“Emma! Si Ate Nadine. Si Ate Nadine mo ito! Ligtas ka na Emma. Ligtas ka na!” umiiyak kong sinabi.“Ate Nadine? Ate Nadine! Salam
Dinala ko muna sila sa isang hotel sa Quezon City kinabukasan dahil hindi ko sila maihahatid na hindi ko maiayos muna lahat. Doon muna sila nanatili habang inaayos namin ni Emma ang lahat. Namili kami ng alam kong pangangailangan nilang lahat. Nag-open din ako ng account para kay Emma sa isang bangko. Naglagak ako ng pera sa kanyang account. Hindi ko na muna sa kanya ibinigay ang passbook niya. Saka ko na lang ibibigay kapag alam kong nasa ligtas na lugar at settled na. Yung lugar na hindi na malalaman pa ni Jason.Lulan ng aking sasakyan, tumungo na kami sa lugar ng Nanay niya na matagal na nilang hindi nauuwian sa Bongabon, Nueva Ecija. Kahit ipagpatanong pa ni Jason kung saan lumipat ang pamilya ni Emma ay hindi rin naman niya malalaman dahil wala naman talaga nakakaalam sa mga kapitbahay nila sa Naic Cavite kung tiga saang probinsiya talaga sila.Nang palubog na ang araw at nasa bukirin na kami sa bahaging iyon ng Nueva Ecija ay binuksan namin ang bintana ng sasakyan ko. Malamig
Nang nakita ako ng receptionist ng building ay nakita kong tumawag na aagad siya pagkatapos niya akong batiin at paupuin. Alam kong susunod na si Russel at ang kanyang secretary. Kinakabahan ako sa gagawin kong panggagantso kay Jason. Hindi ito madali. Isang krimen ang aking ginagawa. Hindi ko man mukha ang nakikita pero maling-mali pa rin talaga ito.Nadatnan kong aburido at problemado si Jason nang pinapasok ako ng kanyang secretary. May pilit na ngiti sa kanyang labi nang mabungaran ko siyang nakatayo at hawak ang kanyang cellphone. Nilapitan niya ako at niyakap. Nang akmang hahalikan ako sa labi ay maagap ko siyang hinawi palayo.“We are at your office. Let’s talk about business and not about us.”“Where is that formalities coming from?”“Please. Pagkatapos nito at kapag magkakasundo tayo, you can always have me. Gusto kong magsama tayo sa New York as husband and wife. You and me, Jack. Just you and me.”“Seryoso ka?” sumilay ang ngiti sa labi niya.“I’ve never been so serious wit
RUSSEL’S POINT OF VIEWI never consider myself, perfect. I am far from being perfect. But I am trying to. May mga nagawa rin naman kasi akong pagkakamali sa buhay. Ngunit sa kabila no’n, sinisikap kong piliin lagi kung anong tama at uunahin kung ano ang kailangan. Marami akong mga naging kaibigan ngunit iba ang pagkakaibigan namin ni Jason.Nagsimula iyon nang aksidenteng nadulas ako at nabagok ang ulo ko sa gilid ng semento dahilan para dumiretso ako sa swimming pool at walang malay akong nalublob. Kung wala si Jason na nakakita sa akin at nagligtas noon, maaring patay na ako noon. Isang utang na loob na hindi ko alam kung hanggang kailan ko pagbabayaran. Isang pangyayari sa buhay ko na kung siya ang nasa kalagayan ko noon, gagawin ko rin sa kanya o sa kahit kaninong tao. Ngunit hanggang saan at kailan ang tama na? May hangganan nga ba ang pagbabayad ng utang na loob? May expiration date?Mula noon, naging sunud-sunuran na ako sa lahat ng gusto ni Jason. Kung ano ang utos niya, walan
May mga bala ng baril na halos dumaplis sa aking balikat. Hanggang sa alam niyang safe ako ssa tinaguan kong malaking pabilog na haligi ng building. Muli niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. Nang alam kong nakalagpas na sa akin ay saka na ako lumabas sa aking tinaguan. Alam kong wala nang kakayanan pa si Jason na barilin ako kaya pahabol kong inasinta ang gulong ng kanyang sasakyan. Iyon lang ang kaya kong gawin ngayon, ang pabagalin ang takbo ng sasakyan ni Jason ngunit nagpatuloy lang ito sa pagpapaharurot sa sasakyan. Mukhang hindi ko na maililigtas pa si Nadine. Kapag malaman ni Jason na maskara lang ang ginagamit ni Nadine para mabago ang hitsura ay paniguradong wala na kaming lusot. Sira ang plano. Iisa na lang ang pwede kong gawin, ang makipagpatayan sa aking betsfriend para kay Nadine. Bagay na iniiwasan kong mangyari. Wala sa plano ang patayin si Jason ngunit kung buhay ni Nadine ang nakataya, isa lang sa amin ni Jason ang mabubuhay.Tumakbo ako para sumakay sa aking sasa
“Ang dami mong satsat! Bugbugin nga ‘yang tang-inang ‘yan. Kulang pa yata eh!” Kitang-kita ko kung paano siya pagtulungan bugbugin. Hindi ko kinakayang pagmasdan pa ang kanyang mukha. Basag ang ilong, putok ang labi at ilang beses siyang namilipit habang sinusuntok siya sa sikmura. Hindi niya ininda ang sakit. Tiniis niya ang bawat suntok at sipa sa kanya kasabay ng pagmamakaawa niyang pakawalan ako. Hindi niya alam kung anong pakiusap ang kanyang gagawin. Kitang-kita sa mga mata niya yung hirap.Naroon lang ako, nakatunghay sa ginagawa nilang pananakit kay Russel at wala akong magawa. Walang nagawa ang matagal naming mga trainings ni Russel Anong magagawa ng kagaya kong hawak ng mga armadong lalaki kundi ang umiyak at sumigaw lang. Tanging paghingi ng kaunting awa para sa aking mahal ang humihikbi kong dalangin sa Diyos. Kung hindi ako pakikinggan ng Diyos sa aking mga naghuhumiyaw na panalangin, sino ang sa amin ang tutulong? Sino sa kanilang mga halang ang kaluluwa ang makinig sa a
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k