May mga bala ng baril na halos dumaplis sa aking balikat. Hanggang sa alam niyang safe ako ssa tinaguan kong malaking pabilog na haligi ng building. Muli niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. Nang alam kong nakalagpas na sa akin ay saka na ako lumabas sa aking tinaguan. Alam kong wala nang kakayanan pa si Jason na barilin ako kaya pahabol kong inasinta ang gulong ng kanyang sasakyan. Iyon lang ang kaya kong gawin ngayon, ang pabagalin ang takbo ng sasakyan ni Jason ngunit nagpatuloy lang ito sa pagpapaharurot sa sasakyan. Mukhang hindi ko na maililigtas pa si Nadine. Kapag malaman ni Jason na maskara lang ang ginagamit ni Nadine para mabago ang hitsura ay paniguradong wala na kaming lusot. Sira ang plano. Iisa na lang ang pwede kong gawin, ang makipagpatayan sa aking betsfriend para kay Nadine. Bagay na iniiwasan kong mangyari. Wala sa plano ang patayin si Jason ngunit kung buhay ni Nadine ang nakataya, isa lang sa amin ni Jason ang mabubuhay.Tumakbo ako para sumakay sa aking sasa
“Ang dami mong satsat! Bugbugin nga ‘yang tang-inang ‘yan. Kulang pa yata eh!” Kitang-kita ko kung paano siya pagtulungan bugbugin. Hindi ko kinakayang pagmasdan pa ang kanyang mukha. Basag ang ilong, putok ang labi at ilang beses siyang namilipit habang sinusuntok siya sa sikmura. Hindi niya ininda ang sakit. Tiniis niya ang bawat suntok at sipa sa kanya kasabay ng pagmamakaawa niyang pakawalan ako. Hindi niya alam kung anong pakiusap ang kanyang gagawin. Kitang-kita sa mga mata niya yung hirap.Naroon lang ako, nakatunghay sa ginagawa nilang pananakit kay Russel at wala akong magawa. Walang nagawa ang matagal naming mga trainings ni Russel Anong magagawa ng kagaya kong hawak ng mga armadong lalaki kundi ang umiyak at sumigaw lang. Tanging paghingi ng kaunting awa para sa aking mahal ang humihikbi kong dalangin sa Diyos. Kung hindi ako pakikinggan ng Diyos sa aking mga naghuhumiyaw na panalangin, sino ang sa amin ang tutulong? Sino sa kanilang mga halang ang kaluluwa ang makinig sa a
JASON’S POINT OF VIEWMula nang dumating si Margie sa buhay ko, nabaling sa kanya ang nararamdaman ko kay Nadine. Damn it! Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta nalipat na lang sa kanya ang nararamdaman ko lalo na nang tinulungan ni Nadine si Emma na itakas. Narealize ko, anong silbing mahalin ko ang babaeng kalaban na ang turing sa akin? Ni hindi ko siya makausap. Hindi mahagilap. Hindi ko alam kung saan siya nagtatago. Samantalang may bago nang nagpapatibok nang muli sa puso ko.Bakit si Margie? Hindi ko rin masagot ng diretsuhan. Nakitaan ko siguro si Margie ng katangiang kawangis na kawangis ng kay Nadine ngunit may ilang pagkakaiba na akala ko nang una ay hindi ko tipo sa isang babae. Oo, nasa kanya yung ganda at kaseksihan ng tipo ng babaeng hinahanap ko ngunit yung dapat probinsiyanang madaling mapaniwala, mahirap at inosente, wala kay Margie ang mga iyon. Nawala yung kagustuhan kong dapat makabingwit ng kagaya pa rin ng nauna kong asawa. Itong si Margie, palaban, matalino,
NADINE’S POINT OF VIEWTagumpay kami ni Russel na makuha ang lahat ng yaman ni Jason. Napakabilis lang lahat nang pangyayari. Talagang ginamit namin ang pagkakataong wala sa sarili si Jason. Nang mapirmahan niya ang lahat, agad na inasikaso ni Russel ang pagbili sa lahat ng mga shares ni Jason maliban sa kanyang mga ari-arian. Ngunit malaking kawalan na ni Jason na walang naiwan siyang negosyo at lahat din ng pera niya ay nasimot na. Pasasaan at mawawala rin ang mga properties ni Jason lalo pa’t hindi rin naman siya nagbayad sa mga existing loans niya sa mga bangko. Sinigurado naming kasabay ng paglaho ng kanyang kayamanan ang paglaho ni Margarette sa buhay niya. Naiisahan din pala ang tuso. Nagamit namin ni Russel in our advantage ang tangka at ginawa niyang pag-droga sa akin. Hindi siya nagtagumpay na angkinin ako pero nagtagumpay kami sa plano namin sa kanya. Bago kami bumaba sa hotel nang umagang pinunatahan niya ako ay hinintay na muna naming ni Russel na madala sa
“Ikaw!” sa akin siya nakatingin pero kay Russel nakatutok ang baril niya. “Itaas mo ang kamay mo at sumuko kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng kasama mo!”Wala akong magawa. Kailangan kong sumunod. Hawak niya ang buhay ni Russel. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano namin ito malulusutan.“Becky dali! Itali mo yang si Nadine habang hinihintay natin ang parating nang si Sir Jason!”Lumabas si Becky mula sa likod ng Papa niya. Nakangisi siyang parang demonyita. May hawak na kadena. Kadenang ginamit noong baliw-baliwan pa ako. Lahat ng paghihirap ko, lahat ng pambababoy sa akin ni Jason noon ay bumalik sa akin. Muling nanariwa sa akin ang aking panaginip. Ito na ba ang simula no’n? Mangyayari na nga ba ang aking panaginip? Hindi. Ayaw ko nang bumalik pa sa pagiging battered wife! Hindi ako dapat mamatay lalong hindi dapat magbuwis ng buhay si Russel. Wala sa amin ang mamatay.Nang makalapit na si Becky sa akin para kadenahan ako at akmang igagapos na muna ang kamay ko ay nag
“Hakbang pa Tang. Pilitin ninyo. Kayanin ninyo para makatakas na tayo sa impyernong ito at makasama ka na namin Tang.” Pagpapalakas ko sa loob ni Tatang. “Hinihintay na nila tayo. Nasasabik na si Nanang at mga kapatid ko sa inyo.” Pinipilit niyang ihakbang ang mga paa kahit alam ko kung gaano kasakit iyon. Nang nakalayo-layo na kami sa bahay kung saan siya binihag ay biglang may humila sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko kaya nahila ko rin si Tatang na sumama sa akin. Si Jason ang nakita ko. “Huwag kang maingay. Huwag kang gumawa ng kahit anong ingay!” bulong niya sa akin. Lumuwang ang aking paghinga. Boses kasi iyon ni Russel. “Dito, sundan ninyo ako rito. Naroon sila sa bandang iyon at nag-aabang.” “Huwag kang makinig sa kanya. Demonyo ‘yan. Isang hunyango. Pakitang tao lang ang ipinakikita sa’yo,” sabi ni Tatang. Pilit akong hinihila palayo kay Russel. “Tang, hindi siya ang totoong Jason. Si Russ
Nanginginig ako sa galit nang ibinaba ko ang tawag ni Mang Berto. Kung pwede ko lang sanang paliparin ang sasakyan ko, ginawa ko na. Sumasabog yung galit sa dibdib ko pero kung mahuli nila si Nadine at ang gagong kamukha ko, paniguradong sa akin pa rin ang huling halakhak. Pero sobrang sakit na sa ulo ang babaeng ito kaya ako nanginginig sag alit.“Ahhh Tang-ina ka Avy! Bakit mo ginagawa ito! Bakit hindi ako ang harapin mo!” singhal ko. Gusto kong manapak sa sobrang nararamdaman kong galit. “Kalma lang Jason. Kalma lang,” bulong ko sa aking sarili habang humihinga ng malaim. Kailangan ko ng mapagbalingan. Sinubukan kong tawagan si Margie. Mapapagaan niya ang loob ko. Mapapabuti niya yung nararamdaman ko. Hindi ako dapat galit na galit na darating sa bahay dahil baka mapatay ko pa ang aking dating asawa.“The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later!”“Fuck! Damn it! Nasaan ka ba Margie! Anong nangyari sa usapan natin
CHAPTER 71“Sir ano hong nangyayari sa inyo? Ano hong ginagawa ninyo sa anak ninyo! Patay na ho si Ivan! Pinatay ho ninyo ang bata, Sir!”Mabilis kong inilagay ang bata sa kama. Hindi na nga talaga ito humihinga pa. Damn it! Hindi dapat mamatay si Ivan. Kailangan ko siya.Ngunit kahit napahiga ko na siya sa kama ay hindi na ito gumagalaw pa. Bahagya kong itinaas ang kanyang baba habang nakahiga ang bata sa kama. Sinuri ko kung may paghinga. Pinakiramdaman ko nang hindi hihigit sa 10 segundo, pero wala. Damn it! Damn it! Hindi pwede ‘to! Bahagya kong itinagilid ang kanyang ulo at binugahan ko ng hangin ang kanyang bibig habang nakatakip ang kanyang ilong. Ninenerbiyos na ako. Pinagpapawisan.Damn it!Wala pa rin!“Mabubuhay ka anak! Mabubuhay ka! Hindi ka pwedeng mamatay!” bulong ko habang ako ay naluluha na.Muli kong inulit ang ginagawa kong CPR sa anak ko.Napakalakas na ng kabog ng aking dibdib.Nanginginig ang aking mga tuhod.Nanghihina na ako.Muli kong binugahan.“Ivan, anak! I
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k