Magkaharap na kaming kumakain nang hindi ko na naman napigilan ang sarili kong magtanong. Pero this time, hindi diretsahan. Pag-aaralan ko ang kanyang mga isasagot sa akin. Kailangan ko pa rin timbangin ang lahat at hindi yung manghusga agad kagaya nang ginawa ko sa kanya tungkol sa kanyang asawa. “Iba na naman pala yung mga guard natin?” “Oo eh. Hindi mo pa ba alam?” “Alam ang alin?” pagmaang-maangan ko. “Pinatay yung bagong guard natin dahil sa utang na hindi niya nababayaran o siguro dahil na rin sa droga.” “Oh my God! Seryoso ka? Pinatay talaga? Paano mo alam na pinatay dahil sa utang o sa droga.” “I should know. Tinulungan ko ang pamilya niya na magkaso doon sa nahuling pumatay.” “Ibig sabihin, nahuli na yung mga pumatay?” “Oo. Nakakulong na nga actually.” Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanyang kinuwento. Alam ko kasing si Aling Pacing
Bago ito lahat sa akin at dahil lagi naman akong nag-iisa sa bahay, natutunan kong gamitin ang oras na makabuluhan. Nanonood ako sa youtube ng mga tutorials, nakatutok ako sa mga movies about socialite and I tried to imitate them. Kahit yung kilos ng kanilang mga mata. Tikwas ng kanilang daliri, paraan ng pagsasalita. Arte ng mgha kilay at mata, alam kong gayahin at gawin. Ngayon, gusto kong gawin ang lahat with class. Kung hindi napansin iyon ng asawa ko, ngayon kailangan niyang makita ang kaibahan ng Nadine na tatanga-tangang probinsiyana noon at Nadine na palaban ngunit may class na ngayon.Hinayaan kong makipag-usap muna si Jason sa iba pang naroong bisita. Ayaw ko namang isipin niya na hindi ko kaya ang sarili ko. If there is someone I need to impress, it is him. Hindi yung iba na ngayon ko lang makikilala. Hindi yung iba na wala naman talagang pakialam sa akin kundi sa asawa ko na ang tingin yata sa akin ay isa pa ring probinsiyanang tatanga-tanga. Not me, Jason. D
“Oh, please. Don’t judge him. Hindi namin nakakasama ang pamangkin ko sa iisang bahay kaya maaring mali ako sa mga sinabi ko sa’yo ha. Ito’y warning lang. Red flag kung baga. Kung may nakakakilala dito sa kanya. Well, ikaw dapat iyon.” Huminga ako nang malalim. Kailangan may mapagsabihan ako ng pananakit niya para kung may mangyari sa kanya at least may nakakaalam. Kahit pa alam kong sa kamag-anak niya at least suntok sa buwan na may pinagsabihan ako. Huminga ako nang malalim. Bahala na. “Those were not rumors po. Nananakit po talaga si Jason. At kung sakali ho na may mangyari sa akin at least nasabi ko sa inyo na tama po ang mga bali-balita.” “Oh my God. So it is true na mabigat talaga ang kamay ng pamangkin ko?” “Oho.” Hanggang sa may lumapit na babae sa amin. Nakikilala ko na isa sa mga anak ni Tita. “Excuse me Nadine, I just need my Mom. Kailangan na niyang magsalita for our guests. I
“Now, look at yourself,” tinignan ako ng babae na parang nang-uuyam. “You are fat, ugly, illiterate and deprived gold digger! Sa tingin mo, hindi papatol sa iba ang asawa mo sa ganyang hitsura mo? Nakakahiya ka!” singhal sa akin ng babae sabay dura sa aking mukha. Para akong nabuhayan ng dugo. Tumayo ako sag alit. Wala pa ni isang nandura sa akin. “Nakakahiya? Naririnig mo ba ang sarili mo, bitch! Kasal kami. Asawa niya ako. Who do you think you are? Feeling entitled? Ano ka? Tinitira lang sa CR? Pampalipas-libog? Pa-iyot? Sorry pero hindi ang kagaya mo ang mangmamaliit lang sa akin,” singhal ko rin. Nang aambaan ko siya ng sampal ay mabilis na siyang umatras siya. Halatang takot at muling hinawakan ni Jason ang kamay ko at galit ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Oh, see? Nakita mo kung gaano ako protektahan ng asawa mo na gusto ako?” “Enough okey!” binitiwan niya ako at hinarap niya ang babae. Isang malakas na sampal ang pi
“Nakasara na rin naman ang gate. Napakataas ng mga bakod palibot ng mansiyon. Oo, maaring nakikita mong kakahuyan sa likod. Pero hindi ka pa rin makakatakas dahil sa dulo ng kakahuyang iyan, may mataas pa ring bakod. Hindi ka makakawala sa ganitong paraan Nadine. Kailangan nasa labas ka para… “Nadineyyyyy! Putang-ina! Nadineyyyy!” dumagundong iyon na boses ni Jason. Alam kong alam na niya na wala ako sa kuwarto. Noon ay lalo na akong nataranta. Siguradong hahanapin muna niya ako sa loob ng bahay. Sa laki ng bahay alam kong makakalayo na ako kapag nahanap niya ako sa buong kabahayan. “Kailangan ko nang umalis Aling Pacing. Bahala na. Gusto kong subukan. Gusto kong gawan na lang ng paraan kaysa maabutan niya ako rito. Sasaktan din naman niya ako kahit wala akong gagawin.” “Huwag na Nadine. Huwag ka nang tumakas muna. Huwag mo nang palalain ang galit niya, please mapapahamak ka lang.” “Hindi. Hindi ako papayag na hindi
“Ah, si Lizzie. First love ni Jack. Nakilala niya ito sa Batangas nang nagbakasyon silang magkakaibigan doon. Maganda ang batang si Lizzie noon, kamukhang-kamukha mo. Dahil galing probinsiya, noong una, magalang, mahinhin at mahiyain ngunit nang naglaon, dahil gutom sa karanasan sa buhay mayaman nagbago ang lahat. Pero alam mo, may mabuting nangyari nang duamting si Lizzie sa buhay ng alaga ko. Doon ko nakita na kahit papaano, nagbago ang aking alaga. Pinakasalan niya agad si Lizzie. Minahal niya nang husto. Ibinigay ang lahat ng hinihiling nito, hindi lang sa kanya kundi ang pamilya na rin ni Lizzie na parang naging linta sa kanya. Kahit ramdam ni Jack na ginagatasan lang siya ng pamilya ni Lizzie, hindi niya pinansin. Todo bigay pa rin siya kahit pa pinagagalitan siya ng kanyang Mommy at Daddy dahil nagpapakatanga na siya. Hindi lang pamilya ang naging ganoon kay Jack, pati na rin ang mismo niyang asawa. Dahil alam ni Lizzie na mahal na mahal na siya ng kanyang asawa k
Wala akong maisip na isasagot kung bakit. Walang malalim na dahilan. “See? Walang malalim na dahilan? Wala tayong kasalanan, hindi ba?”Huminga ako ng malalim. Tumango.“Anong mga pangako niya sa’yo?”“Pag-aralin, mahalin, pagsilbihan. Mamuhay na parang prinsesa.”“Gaano ka talagal niligawan?”“Hindi ko alam kung naligawana ako. Kinilig lang ako, nasilaw sa kanyang mga pangako at pagkukunwari.”“Well parang ang ipinangako niya sa’yo ay naipangako niya rin naman sa akin. Natupad naman niya ang pangako niya nba pag-aralin ako kasi hindi ako agad bumigay. Hindi ko agad siya sinagot. Kaya wala sa tagal ng pagkilala sa kanya ang dahilan ng iyong kinasadlakan ngayon. Sadyang marunong lang siyang maglaro. Marunong siyang dumiskarte.”Huminga ako nang malalim. “Paano ka ba niligawan?”“Dahil naipangako niya noong nanliligaw siya na mag-aaral ako kahit hindi ko pa siya sasagutin ay ginawa niya para lang pagkatiwalaan ko siya. Pinag-aral ako kahit wala pang kami kasi
Naabutan pa naming hinahawakan ni Joana si Aling Pacing. Nagulat ang dalawa nang bigla akong ipinasok ni Jason at itinulak ako sa tabi nila. Wala sa amin ang makapagsalita lalo pa’t nakatingin sa amin si Jason na para bang ibang tao na talaga. Nakakatakot ang kanyang nanlilisik na mga mata. Nakakunot ang kanyang basa sa pawis na noo. Namumula ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata. “Naka-high siya. Gumamit uli siya ng ipinagbabawal na gamot,” bulong ni Joana na noon ay mabilis akong niyakap. Parang gustong niyang iharang ang kanyang sarili sa akin. “Kahit anong mangyari, hayaan mong ako ang sasalo sa bala niya. Ako ang dapat mamatay. Pagod na ako Nadine. Hindi na ako tatagal. Hindi ko na kaya kaya hayaan mong ibuwis ko ang buhay ko sa’yo pero mangako kang kapag may pagkakataon ka pa, tumakas ka at pagbayarin mo siya sa lahat ng kanyang kahayupan.” “Hindi. Walang mamamatay sa ‘tin. Hindi ako papayag na may magbubuwis ng buhay, Joana.” P
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k