Wala akong maisip na isasagot kung bakit. Walang malalim na dahilan. “See? Walang malalim na dahilan? Wala tayong kasalanan, hindi ba?”Huminga ako ng malalim. Tumango.“Anong mga pangako niya sa’yo?”“Pag-aralin, mahalin, pagsilbihan. Mamuhay na parang prinsesa.”“Gaano ka talagal niligawan?”“Hindi ko alam kung naligawana ako. Kinilig lang ako, nasilaw sa kanyang mga pangako at pagkukunwari.”“Well parang ang ipinangako niya sa’yo ay naipangako niya rin naman sa akin. Natupad naman niya ang pangako niya nba pag-aralin ako kasi hindi ako agad bumigay. Hindi ko agad siya sinagot. Kaya wala sa tagal ng pagkilala sa kanya ang dahilan ng iyong kinasadlakan ngayon. Sadyang marunong lang siyang maglaro. Marunong siyang dumiskarte.”Huminga ako nang malalim. “Paano ka ba niligawan?”“Dahil naipangako niya noong nanliligaw siya na mag-aaral ako kahit hindi ko pa siya sasagutin ay ginawa niya para lang pagkatiwalaan ko siya. Pinag-aral ako kahit wala pang kami kasi
Naabutan pa naming hinahawakan ni Joana si Aling Pacing. Nagulat ang dalawa nang bigla akong ipinasok ni Jason at itinulak ako sa tabi nila. Wala sa amin ang makapagsalita lalo pa’t nakatingin sa amin si Jason na para bang ibang tao na talaga. Nakakatakot ang kanyang nanlilisik na mga mata. Nakakunot ang kanyang basa sa pawis na noo. Namumula ang kanyang mukha lalo na ang kanyang mga mata. “Naka-high siya. Gumamit uli siya ng ipinagbabawal na gamot,” bulong ni Joana na noon ay mabilis akong niyakap. Parang gustong niyang iharang ang kanyang sarili sa akin. “Kahit anong mangyari, hayaan mong ako ang sasalo sa bala niya. Ako ang dapat mamatay. Pagod na ako Nadine. Hindi na ako tatagal. Hindi ko na kaya kaya hayaan mong ibuwis ko ang buhay ko sa’yo pero mangako kang kapag may pagkakataon ka pa, tumakas ka at pagbayarin mo siya sa lahat ng kanyang kahayupan.” “Hindi. Walang mamamatay sa ‘tin. Hindi ako papayag na may magbubuwis ng buhay, Joana.” P
“Ako na lang. Jason please. Patayin mo na lang ako tulad ng hinihiling ko sa’yo noon pa. Hirap na hirap na ako. Wala na rin naman ako kwenta sa’yo, hindi ba? Kung hindi mo rin lang naman ako palalayain. Kung ikukulong mo lang ako rito hanggang mamatay ako, hanggang manghina, please. Tapusin mo na lang ang lahat ng kalbaryo ko. Napagsawaan mo na ako, hindi ba? Hindi rin naman kita mabibigyan ng anak. Huwag lang si Nadine. Nakikiusap akong pauwiin mo na siya sa kanila. Palayain mo na siya. Tama na ang lahat ng ito. Maawa ka sa mga kagaya naming nabibiktima mo na wala namang direktang kasalanan sa’yo.” “At sino ka para magdesisyon sa gusto kong unahin?”“Alam ko. I am just nothing to you. Pero si Nadine, pwede pa siyang mabuntis. Pwede kang mabigyan ng anak. Pwede niyang tuparin ang kagustuhan mo. Kaya ako na lang. Huwag siya please?”“May point ka naman pero, wala eh. Sakit sa ulo rin pala ang putang inang ito. Akala ko, siya na. yung tatahi-tahimik lang. Susunod sa lahat
Sa mga sandaling may katalik na iba si Jason at nasa tabi lang nila ako kahit alam niya at naniniwala siyang baliw ako ay naroon pa rin naman yung pagpupuyos ng damidamin ko. Nailalabas ko lang yung galit ko kapag mag-isa na lang ako sa pamamigitan ng pagluha, pagmumura at panununtok sa aking manika. Alam kong puno ng CCTV ang bahay at nakikita kung aakto akong natural. Kahit nga ang edad na at hindi naman kagandahan kinuha niyang private nurse ko ay pinagdidiskitahan pa niyang patulan. Noon ko napatunayan na kahit sino basta inabot siya ng libog, papatos siya lalo na kung nakagamit na ng ipinagbabawal na gamot o lasing.Mahirap magpigil sa aking mga emosyon. Yung tumatawa kuno pero umiiyak ang loob ko. Mahirap magbaliw-baliwan. Sorang hirap magtiis ngunit kailangan. Ngayon, na magkakaanak pa kami. Maswerte sana ang batang isisilang ko dahil ipanganganak na mayaman ngunit anong maging buhay kaya niya sa piling ng kanyang ama? Gusto ko rin sanang maisama ang aking anak sa aking pagt
Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin na nagtatalik silang dalawa. Nakita kong ang ginagawang paghalik at paghaplos ni Jason kay Emma ay kagayang kagaya ng paghalik at paghaplos niya sa akin noong bago pa lang kami. Siya ang nakaibabaw kay Emma. Siya ang nagta-trabaho. Hindi iyon ginagawa ni Jason sa babaeng hindi niya gusto o sa babaeng pampalipas-libog lang. Gusto niya, siya ang tinatrabaho ng babaeng wala lang sa kanya. “Oh my God! Jason! Ang pinsan mo! Palabasin mo muna ang pinsan mo!” sigaw ni Emma. “Toys ko, andito mga toys ko. Kailangan ko mga toys ko… maglalaro si Nadine ng toys…” sagot ko na parang hindi nasasaktan sa nakikita ko. Agad akong tumakbo para kunin ang mga toys ko. Tumayo si Jason na hubo’t hubad at kumkislap pa ang kanyang nakatindig na ari na hinugot niya sa lagusan ni Emma. Halatang napipikon. Galit na galit na. Agad kong binuksan ang mga lagayan ng mga damit ko at sapatos na parang may hinahanap. N
Kung nasaan si Emma, inilalayo ako ng lahat. Batas na siguro iyon sa bahay. Kagaya ko rin noon, iniiwasan ng lahat si Emma. Isang tanong, isang sagot lang silang lahat sa kanya. Nakita ko nang mga sumunod na araw na nababagot na ito lalo na gabi na rin kung dumadating ang kanyang asawa na asawa ko. Minsan, dumidiretso pa rin si Jason sa kuwarto ko at nagkukunwarian akong tulog. Hinahaplos niya ang tiyan ko. Ibig sabihin mahal na mahal niya ang anak ko. Hindi niya ako sinasaktan dahil sa pinagbubuntis ko. Hanggang isang umaga nakita ko muling puno nang pasa ang mukha at katawan ni Emma. May mga parang paso pa ng sigarilyo sa kanyang makinis at maputing pisngi. Nagsisimula na ngang mangyari ang kinatatakutan ko. Ito na ang simula ng kalbaryo ni Emma.Maagang umalis noon si Jason. Naabutan na niya kasi ako noon sa kusina na pinapakain ng private nurse ko. Naramdaman kong palapit na si Emma sa akin nang bigla na lang akong kinuha ng nurse ko at inilayo sa kanya
Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumulwak na ang panubigan ko. Umagos iyon sa aking hita at nakita iyon ni Emma. “Oh Dyos ko. Nabasag na ang panubigan mo, Ate! Manganganak ka na! Ate Nadine, manganganak ka na! Tulong! Tulungan ninyo kami! Manganganak na si Nadine!” Mangyayari na nga. Ito na ang pinakakahihintay kong pagkakataon. Sana sa pagkakataong ito, makakatakas na ako nang tuluyan at sa tulong ni Emma, we can pull this out! Tinawagan muna ng private nurse ko si Jason. May kaba kami ni Emma nab aka hindi siya pasamahin sa hospital at hindi niya matulungan ngunit buo na ang plano ko. With or without Emma, I know that I can pull this off. Sobrang sakit na ng aking tiyan. Humihilab na hindi ko maintindihan. Sumasakit na rin ang aking likuran at balakang. Hanggang sa nagwawala na ko para makakuha ng atensiyon. Pwede ko namang pigilan ang sakit ngunit nangangailang ng mas matinding drama ang arte ko. Baliw eh kaya kailangan panindiga
“Emma! Saan ka pupunta! Emma!” boses iyon ni Jason. Hindi ko siya nilingon.Mabilis na akong pumasok sa loob.Pilit kong pinindot-pindot ang close ng elevator bago pa siya makarating at makapasok. Nang pasara na ang elevator ay nakita niya ang mukha ko. Nakita ko rin ang mukha niyang gulat na gulat. Alam na niyang hindi ako si Emma.Hindi siya nakahabol. Oh my God. Salamat at mukhang makakatakas na ako. Hindi bumukas ang elevator sa 4th floor at ako pa lang ang laman nito. Alam na ni Jason na ako ito. Hindi nakakatulong ang Hat at shades. Magagamit lang nila iyong palatandaan sa akin. Pero magagamit ko ito sa basement kaya tinupi ko ang hat at hinawakan. Inilagay ko sa ulo ko ang shades.Kinakabahan ako na baka paghinto ng elevator sa ibang floors ay naroon si Jason na nag-aabang. Tama, pwede siyang gumamit ng hagdan pababa at habulin ako. Patay! Huminto nga ang elevator sa 3rd floor. Kinakabahan ako. Sinasabi ng utak kong naroon na si Jason. Pagbukas ng elevator papasok
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k