Kung nasaan si Emma, inilalayo ako ng lahat. Batas na siguro iyon sa bahay. Kagaya ko rin noon, iniiwasan ng lahat si Emma. Isang tanong, isang sagot lang silang lahat sa kanya. Nakita ko nang mga sumunod na araw na nababagot na ito lalo na gabi na rin kung dumadating ang kanyang asawa na asawa ko. Minsan, dumidiretso pa rin si Jason sa kuwarto ko at nagkukunwarian akong tulog. Hinahaplos niya ang tiyan ko. Ibig sabihin mahal na mahal niya ang anak ko. Hindi niya ako sinasaktan dahil sa pinagbubuntis ko. Hanggang isang umaga nakita ko muling puno nang pasa ang mukha at katawan ni Emma. May mga parang paso pa ng sigarilyo sa kanyang makinis at maputing pisngi. Nagsisimula na ngang mangyari ang kinatatakutan ko. Ito na ang simula ng kalbaryo ni Emma.Maagang umalis noon si Jason. Naabutan na niya kasi ako noon sa kusina na pinapakain ng private nurse ko. Naramdaman kong palapit na si Emma sa akin nang bigla na lang akong kinuha ng nurse ko at inilayo sa kanya
Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumulwak na ang panubigan ko. Umagos iyon sa aking hita at nakita iyon ni Emma. “Oh Dyos ko. Nabasag na ang panubigan mo, Ate! Manganganak ka na! Ate Nadine, manganganak ka na! Tulong! Tulungan ninyo kami! Manganganak na si Nadine!” Mangyayari na nga. Ito na ang pinakakahihintay kong pagkakataon. Sana sa pagkakataong ito, makakatakas na ako nang tuluyan at sa tulong ni Emma, we can pull this out! Tinawagan muna ng private nurse ko si Jason. May kaba kami ni Emma nab aka hindi siya pasamahin sa hospital at hindi niya matulungan ngunit buo na ang plano ko. With or without Emma, I know that I can pull this off. Sobrang sakit na ng aking tiyan. Humihilab na hindi ko maintindihan. Sumasakit na rin ang aking likuran at balakang. Hanggang sa nagwawala na ko para makakuha ng atensiyon. Pwede ko namang pigilan ang sakit ngunit nangangailang ng mas matinding drama ang arte ko. Baliw eh kaya kailangan panindiga
“Emma! Saan ka pupunta! Emma!” boses iyon ni Jason. Hindi ko siya nilingon.Mabilis na akong pumasok sa loob.Pilit kong pinindot-pindot ang close ng elevator bago pa siya makarating at makapasok. Nang pasara na ang elevator ay nakita niya ang mukha ko. Nakita ko rin ang mukha niyang gulat na gulat. Alam na niyang hindi ako si Emma.Hindi siya nakahabol. Oh my God. Salamat at mukhang makakatakas na ako. Hindi bumukas ang elevator sa 4th floor at ako pa lang ang laman nito. Alam na ni Jason na ako ito. Hindi nakakatulong ang Hat at shades. Magagamit lang nila iyong palatandaan sa akin. Pero magagamit ko ito sa basement kaya tinupi ko ang hat at hinawakan. Inilagay ko sa ulo ko ang shades.Kinakabahan ako na baka paghinto ng elevator sa ibang floors ay naroon si Jason na nag-aabang. Tama, pwede siyang gumamit ng hagdan pababa at habulin ako. Patay! Huminto nga ang elevator sa 3rd floor. Kinakabahan ako. Sinasabi ng utak kong naroon na si Jason. Pagbukas ng elevator papasok
“Dali Neng! Sumakay ka na. Bilis!” sigaw sa akin ng matandang nakausap ko kanina. Mabilis akong sumakay at agad na isinara ang pintuan. Pinaharurot ng driver ang sasakyan. Paakyat ang bahaging iyon. Nakita kong malayo-malayo na ang humahangos na si Jason. BIgla akong kinabahan nang sa taas, sa exit ng mga sasakyan. Kailangan pa palang huminto doon para magbayad ng parking fee. “Oh my God! Maabutan niya ako. Maaabutan niya tayo!” sigaw ko na hindi mapakali. Alam ko kasi ang tagal ng mga babaeng kahera sa mga singilan ng parking fee at may card ka pang ibibigay. Nang matapat kami sa bayaran ng parking fee ay binuksan ng matanda ang bintana. Kumaway lang siya. Agad na nagbukas ang harang. “Thank you Mrs. Delacerna.” “Oh God mabuti kilala siya.” Tatlong dipa na lang si Jason. Kita ko ang galit at ngitngit sa kanyang mukha at dahil gabi na, maluwag na maluwag na ang daan. Mabilis na pinaharurot ng driver ni
“Well, tignan natin ang result ng MRI niya muna. Kapag naman maliit lang ang damage, curable. Kapag may nakikita na siya na makapagpapaalala sa kanya sa dati niyang mga karanasan o taong bahagi ng kanyang buhay, madali na niyang mabalikan ang lahat. This is not permanent. Huwag lang nating biglain ang biktima at piliting aalahanin lahat. Kusang babalik ang kanyang alaala. Let’s just take care of her na lang muna at pakainin ng masustansiya.”“Okey, Dok. Salamat po.”“Bisitahin ko lang muli siya. Good thing, nagising na siya after few weeks of coma.”“Oo nga Dok. Well, I presume kailangan mo nang mag-isip na muna ang ipangalan sa kanya until her memory comes back?”Tumango ang lalaki.Nang lumabas ang doctor at nurse ay nilapitan ako ng lalaki. Huminga siya nang malalim. Nang hawakan niya ang kamay ko ay agad ko iyong inilayo. May naramdaman akong pag-aalinlangan at takot na hindi ko alam kung saan nagmumula basta ayaw ko sa lalaki. Ayaw kong mahawakan ng lalaki.“I’m Russel.” Inilahad
“Dali Neng! Sumakay ka na. Bilis!” sigaw sa akin ng matandang nakausap ko kanina. Mabilis akong sumakay at agad na isinara ang pintuan. Pinaharurot ng driver ang sasakyan. Paakyat ang bahaging iyon. Nakita kong malayo-malayo na ang humahangos na si Jason. BIgla akong kinabahan nang sa taas, sa exit ng mga sasakyan. Kailangan pa palang huminto doon para magbayad ng parking fee. “Oh my God! Maabutan niya ako. Maaabutan niya tayo!” sigaw ko na hindi mapakali. Alam ko kasi ang tagal ng mga babaeng kahera sa mga singilan ng parking fee at may card ka pang ibibigay. Nang matapat kami sa bayaran ng parking fee ay binuksan ng matanda ang bintana. Kumaway lang siya. Agad na nagbukas ang harang. “Thank you Mrs. Delacerna.” “Oh God mabuti kilala siya.” Tatlong dipa na lang si Jason. Kita ko ang galit at ngitngit sa kanyang mukha at dahil gabi na, maluwag na maluwag na ang daan. Mabilis na pinaharurot ng driver ni
Nahihilo ako. Nawawalan na ng pag-asa. Pero hindi dapat ako patalo. Hindi pa ako dapat mawalan ng malay. Mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa bumalik kay Jason. Natanaw kong pababa na sina Diego at Berto para siguro siguraduhin kaming patay lahat. Wala si Dennis. Maaring si Emma ang binantayan niya. Kailangan kong makatakas bago pa sila tuluyang makababa. Binuksan ko ang pintuan sa atapat ko. Pero nanlumo ako. Naka-lock. Hindi ko mabuksan ang pintuan. Oh my God! Anong gagawa ko. Gusto kong makatakas. Nakikita ko na silang malapit na sa amin ang dalawa. Kahit sa bahaging kay Belen ay hindi ko rin mabuksan. Naka-lock din ito. Hanggang sa malapit na malapit na sila sa amin. Wala na akong kawala pa. Wala na sa mga kasama ko ang may malay dahil sa lakas ng impact ng aming pagkakahulog at tama sa kanila ng baril. Dahil tinted ang sasakyan hindi rin kami makita sa loob pero kitang kita ko sila mula sa loob ng sasakyan. Nanatili si Jason sa taas. Nakatanaw sa amin. Sinisiguro na mamatay la
Dumating ang araw na burol ni Mommy Mhie. Binuksan na Russel ang bahay niya para sa mga kaibigan ng mommy niya, kasama sa negosyo at kamag-anak at sa kahit sinong gustong makiramay. Hindi niya sinabi sa lahat kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang Mommy. Ang alam ng mga pumuntang nakiramay ay namatay ang matanda dahil sa matagal nitong karamdaman na breast cancer. Sa ilang gabing burol ng Mommy ni Russel ay doon naman ako gabi-gabi dinadalaw ng mga hindi ko maintindihang nakakapaghilakbot na panaginip. Hindi ko alam kung totoo ang mga bangungot na sinasaktan ako at pinahihirapan ng isang lalaking hindi ko mamukhaan. Lalaking humahabol sa akin at gusto akong patayin sa kakahuyan. May kaganapang pagpatay ng lalaking iyon sa isang babae at matanda. Malinaw sa panaginip ko ang isang pamilyar na malaking bahay at minsan ko ring naisip habang paantok na ako at nasa bingit ng pagtulog ang isang duguang sanggol na hinugot sa aking sinapupunan. Doon
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k