[KLIO KRIXTON] Alangan akong buksan ang pinto ng kwarto ni Bria ng makabalik ako ng hospital. Hawak ko pa din ang seradura at kumukuha pa ng bwelo. "Ate Klio.." Napatalikod ako paharap sa tumawag sa akin. "Anong ginagawa mo? Hindi ka pa ba papasok??" Nakangiting tanong ni Tyron. Sakto ang dating niya. Ayoko kasing makita ako ng Cammie na yun. "Walang kasama si Ate Bria kaya wag ka ng mag alala.." Labas ang dimple nitong ngisi. Sabay kaming pumasok. "Iwan mo muna kami Tyron.." Utos ni Bria at kinakabahan ako sa boses nito. Galit nanaman siya sakin. "Next time wag mo kong pangunahan, Klio.." Maawtoridad na saad nito at tumango tango lamang ako. Nagtagpo ang mga palad ko at napako saking kinatatayuan. "Inaantok ako kaya dapat pag gising ko andyan ka lang.." Payak na hayag niya. Wala naman din ako naging kontra dahil iniiwasan kong magalit nanaman siya. Marahan nitong ipinikit ang kanyang mata saka naman ako naupo sa may couch. Ilan sandali pa ng masiguro kong tulog na nga siya a
[BRIA BRIXTON] Pag gising ko si Klio agad ang hinanap ng mata ko.. Ilan sandali naalala kong hindi nga pala siya dito natulog dahil sa galit ko. Sa totoo lang hindi naman ako sa kanya galit kundi sa sitwasyon. Bakit ba hindi maputol putol ang meron sila ni Devin. Bakit ba hindi siya tigilan nito kahit kasal na siya sa akin. Sa aking pagkakaupo naisip kong tumayo pero naging mahirap ito dahil sa binti ko. Wala akong choice kundi ang tawagin nanaman si Klio. "KLIO!!" Malakas na sigaw ko pero walang lumalapit. Muli kong sinigaw ang pangalan niya pero wala pa din. Napilitan na akong gumalaw, ang buong pwersa sa dalawang braso ko at sa kabilang paa. Msakit pa ding talaga ang binti ko. Napalupasay ako sa sahig na lalong nag painis sa akin. Hindi ako sanay ng ganito na kailangan ko pa ng alalay sa ibang tao. Napapailing na lang ako sa sitwasyon ko ng biglang bumukas ang pintuan. "Bria!" Singhal nito palapit sa akin. Ang mga mata ko ay nahigop ng nakakaakit niyang balat. Mukhang kagagal
[NARRATOR] Lumipas ang halos one month at muling nakabalik ng trabaho si Bria pati na rin si Klio bilang assistant niya. Excited si Klio na makita ang nag iisang kaibigan niya sa company pero wala na ito roon. Nalungkot ang mukha niyang napaisip. Oo nga pala at nilipat na ito ni Bria sa ibang department. Iba na ngayon ang nakapwesto sa table ni Yumi. Tulala siyang nakatingin lang roon. "Ms. Alam mo ba saang department nalipat yung pinalitan mo rito?""Opo.. Sa accounting po.." Gumanti ng ngiti si Klio matapos makuha ang nais. "You have a new best friend already.. huh.." Isang pamilyar na boses agad ang kumuha ng atensyon niya. "Pwede mo bang ibalik ito si Yumi??" Salubong ni Klio sa matapang na mukha ni Bria. "Why? Ang mahalaga hindi ko siya tinanggal gaya ng gusto mo.." Formal na sagot ni Bria. Hindi siya nakapag isip ng ibabato rito at namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Bakas ang lungkot sa mukha ni Klio na naupo na lang sa kanyang pwesto. Tahimik lang din si Bria n
[KLIO KRIXTON] "Klio kanina ka pa hinahanap ni Ms. Bria.." Salitang bumungad sa akin ng matapos ang break ko at makabalik. Anu nanaman kaya ang tumatakbo sa isip niya sa pagkakataong ito. Kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa office ng asawa ko. Napaangat ako ng kilay ng makita ko ang mga pagkaen. "SHIT! GIYERA NANAMAN ITO.." Sambit ko saking isipan. Away nanaman ang kasunod nito. "Where have you been??" "Bakit hindi kita makontak??" "Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin??" Sunod sunod ang mga tanong nito na parang armalite. May balak ba siyang pagsalitain ako. "Saan duon ang gusto mong sagutin ko?" May pagka pilosopo kong banat sa kanya. Masyado bang big deal ang pagkawala ko ng one hour? Hindi naman yun oras ng trabaho. "Sinasadya mo ba talagang inisin ako?" Nanlilisik ang mata nitong nakatitig lang sa akin. "I took my break sa rooftop.. Hindi mo talaga ako makokontak kasi hindi ko pa napapaayos yung phone ko.. Lastly kailangan ko bang magpaalam sayo??" Matapang k
[NARRATOR]Uminit ang mukha ni Bria ng makita ang kamay ni Devin na humawak sa braso ni Klio. Umuwang ang butas ng ilong ni Bria habang nakatitig sa dalawa. "What the fuck are you doing here?" Naninigas ang mga pangang hayag ni Bria. Nanlilisik ang mga tingin nitong tumuon kay Devin. Sabay na tumayo si Devin at Klio. "Umalis ka na Devin.. Hindi mo alam kung anung ginagawa mo.." Balisang pakiusap ni Klio. "Bakit pumapayag ka ng ganito, Klio?? Pwede kang sumama sa akin.. Ilalayo kita rito.. Mas magiging masaya ka kung ako ang kapiling mo.." "What?? Asawa ko ang kinakausap mo ng ganyan.. Get out!!" Nakakuyom ang kaniyang kamao sa kaniyang tagiliran, umabante ang kanyang dibdib, nanlilisik ang tingin kay Devin. "Asawa?? Ganito ba ang turing mo sa isang asawa???" Nanlaki ang mga mata ni Devin, nakatitig ng husto kay Bria. "Devin, please just go.. Anu ba?? Pinahihirapan mo lang lalo ako sa ginagawa mo!" Nanginginig ang mga labi ni Kliong saad. Kunot at salubong ang mga kilay. "Matata
[NARRATOR] Bago umuwi ng bahay si Bria at Klio nagpasya silang kumaen sa labas para maiba naman. Sa isang kilala at mamahaling resto pinapunta ni Bria si Klio. Namangha ang mga mata nito pag pasok dahil napupuno ng ilaw ang buong paligid. Habang nakahapit sa braso ni Bria naging abala ang paningin niya sa pag usisa. "Nagustuhan mo ba??" Basag ni Bria sa katahimikan. Walang naging sagot si Klio kundi ang pagtango nito. Napuno din ng pagtataka sa isip ni Klio dahil wala man lang ni isang guess. Buong pag galang na iginaya ni Bria si Klio sa kanyang magiging pwesto. Sumilay ang ngiti sa labi ni Klio. Naging payak lang naman ang mukha ni Bria na umupo na din sa tapat niya. Dumating ang waiter at kinuha ang nais nilang kainin. "Your choice, Klio.. This is your night.." Formal na hayag ni Bria nakatingin lang sa direksyon ni Klio. Ngumiti ng tipid si Klio saka kinuha ang menu. Matapos ibigay ang lahat ng nais niyang kainin umalis ang waiter at pumalit naman ang mga manunugtog.. "Bak
[BRIA BRIXTON] Bakit parang hindi ko matagalan ang pagtatampo ni Klio at nag iiba ng direksyon ang bawat hakbangin ko. Ang dapat mag isa kong paglabas ng country ay nauwi sa pagsama sa kanya. Ang dapat pagtulog namin ng hindi sa iisang kama ay di ko mapanindigan. Mahimbing na itong natutulog matapos syempre ng pag ta talik namin. Ang mata ko ay napako sa maputi niyang likuran. Napapatanong ako sa aking isipan kung anu nga ba siya sa akin. May halaga na ba siya ngayon? May pagmamahal na ba akong nararamdaman para sa kanya? Pagmamahal ba ito o pangangailangan lang? Alin man sa dalawa ay hindi ko alam. Napakagat labi akong napahaplos sa kanyang hubad na balikat. Marahan akong lumapit at nilapat ang labi ko sa makinis niyang balat. Hindi nagtagal at yumakap ako sa kanya. Gumalaw ito, humarap sa akin, dinantay ang kamay at binti sa aking katawan. Isiniksik ang kanyang mukha malapit sa aking leeg na nag iwan lang ng makitid na pagitan. Ang mainit niyang hininga ay ramdam ko. Perpektong
[NARRATOR] Marahang lumakad si Klio ng makapasok na siya ng bahay ngunit hindi niya inaasahan ang mga susunod na kaganapan. "SAN KA GALING?" Nagitlag siya ng marinig ang galit na tinig ni Bria. "Amm.. Makinig ka muna sakin, Bria.." "Hindi ka talaga marunong mag paalam? Buong araw kang wala.. Saan ka nga nanggaling?" Nauutal na muling sinubukan ni Klio na magsalita pero hirap siya kung paanu magsisimula. Nanginginig ang mga kamay niyang pinaglalaruan ang bawat isa. "Klio, I am talking to you. Bingi ka ba?? Mahirap bang sagutin ang tanung ko? Saan ka ngang galing??" "Anu kasi Bria wag ka sana mag isip agad ng kung anu ano, please.." Natatakot na pakiusap ni Klio. Batid niyang magagalit ito ng husto. "TELL ME NOW!" Nakasimangot ang mukha nitong hindi nawala ang pagkakatitig kay Klio. "Pinuntahan ko si Devin sa hospital! Ti-tinawagan ako ni Trixie. Muntik na siyang mamatay dahil sakin.." "Devin nanaman??!" Nanigas ang pangang lumipad ang palad ni Bria sa mukha ni Klio sanhi para
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako