Hindi agad nakaimik si Thyra at pakiramdam niya ay nabingi na siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso."A-Ano? Ba—Bakit?" Naguguluhang tanong niya."Mahal kita, Thyra. Kaya ako nagseselos kasi mahal kita. Matagal na. I just don't know how to say it. I was scared. I was afraid that you might not like me," saad ni Brett. Napalunok pa ito habang nakatingin sa kaniya.Napaisip naman si Thyra sa mga nagawa niya at ang mga nangyari."P-Paano si Laureen?" Tanong niya.Napakunot-noo naman ito."What about her?""Nakita ko kasi siya sa kuwarto mo, at nakita kong h-hinal*kan ka niya sa office mo sa building niyo," sabi ni Thyra."What? No. Noong nakita mo siya sa office ko, I pushed her. Lasing siya noon. At lasing din siya noong nakita mo siya sa kuwarto ko," sagot ni Brett habang nakakunot-noo.Napalunok naman siya."My sister is with her, dumaan lang sila sa bahay. Pinayagan ko lang na humiga si Laureen doon, because she's wasted. Pero umalis din sila agad," dagdag pa nito.Napakagat-labi si
"A-Ano..."Hindi makapa ni Thyra ang sasabihin dahil seryoso ang mga itong nakatingin sa kaniya."Kailan pa?" Tanong ni Nadia.Bumilis ang tibok ng puso ni Thyra. Plinano niyang huwag munang sabihin sa kanilang dalawa dahil alam nila ang pinagdaanan niya mula nang magtrabaho siya kay Brett."One week na," mahinang sagot ni Thyra saka siya napalunok."Congrats! Kaya naman pala ayaw mong umalis doon," saad ni Felip saka ito ngumiti.Ang hindi naman alam ni Thyra ay nanginginig ang mga kamay ni Felip.Napakamot ng ulo si Thyra."Naghahanap pa kasi ako ng oras para sabihin sa inyo.""Kasi ang akala mo ay hindi namin matatanggap?" Tanong ni Nadia.Dahan-dahan naman siyang tumango."Sa'kin ay okay lang. Basta hindi ka niya sasaktan. I always felt that he treated you differently, but I didn't think you would be his girlfriend," komento ni Nadia saka lumapit sa kaniya."Nangako naman siya kay Papa na hindi niya ako sasaktan," saad niya saka inayos ang kaniyang laptop."Alam na ni Tito?" Tanon
Napakunot-noo si Thyra at parang hindi makapaniwalang tumingin kay Brett."A-Ano? Hihiwalayan mo ako dahil lang inihatid ako ni Felip? At kasalanan ko bang hindi ka sumasagot sa tawag? Tapos sisigaw-sigaw ka?" Inis na sambit niya.Napalunok naman si Brett saka lumapit sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Thyra."I-I'm sorry, love. I'm just jealous. Lagi ka niya kasing nakakasama. I'm so stressed, at nadadamay ka. I'm also thinking a lot," paliwanag nito.Tumango naman si Thyra saka huminga nang malalim."Kumalma ka. Kaibigan ko si Felip. At wala siyang gagawing masama sa akin. Wala ka bang tiwala sa akin?" Tanong niya habang nakatingin sa kaniya."Of course I trust you, love. I'm sorry. Nabigla lang ako," malambing na wika ni Brett saka siya niyakap."Are you tired? Gusto mo na bang matulog?" Tanong nito saka siya pinakawalan."Oo, gusto ko nang matulog.""Matagal ka sigurong nakatayo sa kakahintay. I'm sorry. May tinapos pa kasi ako. And my cellphone is on silent mode
"Dad? Why are you here?" Tanong ni Brett saka sumulyap kay Thyra.Napalunok si Thyra at itinago ang kabang nararamdaman nang mapansin niyang nakasuot siya ng dress. Ipinagdasal na lang niya na hindi iyon mapansin ng ama ni Brett."May meeting ako with the owner. Kayo, what are you two doing here? And why do you seem to be hiding?" Kunot-noong tanong ni Benjamin at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dawala.Hindi naman makapagsalita si Thyra."May bibilhin lang kami. At ngayon na lang ulit kami nakalabas. We didn't have bodyguards with us, so we were hiding," sagot ni Brett at inayos ang kaniyang damit.Tumango-tango naman si Benjamin."No need to hide. May mga kasama akong bodyguards. Sumabay na kayong dalawa sa akin."Nagkatinginan naman sina Thyra at Brett."Okay," sagot ni Brett.Magkatabi namang naglakad ang mag-ama, habang si Thyra ay nasa likod nila. Sinenyasan naman siya ni Brett na tumabi sa kaniya, kaya agad siyang tumabi."Hindi bagay ang dress mo para diyan ka sa likod
Napakunot-noo si Thyra at napakuyom ang kaniyang mga palad."Wala kang karapatan para sabihin sa kanila.""I know. But what can you do about that? A maid and her boss?" Natatawang sambit ni Laureen at tinignan siya mula ulo hanggang sa kaniyang paa."Hmm? Hindi bagay. Hindi bagay si Brett sa'yo. You are just like a rag that he uses for cleaning," dagdag pa nito.Nag-roll eyes naman si Thyra."I already knew that you had bad plans for him, pero hindi ko inasahang papatulan ka niya. Ew! Gross!" Nandidiring saad nito."Talaga? Sigurado ka bang ako may balak sa kaniyang masama?" Sarkastikong tanong ni Thyra.Umiling-iling si Laureen habang nakangiti."Let's see your courage when you have no allies. You gold digger."Mas lalo namang nakaramdam ng inis si Thyra."Ang sama mo talaga, 'no? Matanda ka na nga, ganiyan ka pa ring mag-isip. Ano ba ang makukuha mo sa pagdikit sa pamilya ni Brett?"Lumabi naman si Laureen na parang nang-aasar."You will never know.""Pera? Lupa? Ano ba ang gusto mo
Napakuyom ang mga palad ni Thyra na nakapatong sa kaniyang mga hita at umiwas ng tingin.Huminga siya nang ilang beses saka nakangiting tumingin kay Benjamin.Tumango-tango siya."S-Sige po, Sir. Pero mahal ko po ang anak niyo.""I know, but you can't handle Brett's world. But I hope you live quietly, I hope you can finish your studies," sagot nito.Napangiti ulit si Thyra ngunit may halo iyong lungkot at sakit.Pinigilan niyang maiyak sa harapan nito."I just want Brett to have a good life. At hangad ko rin ang kasiyahan mo, kahit hindi na kay Brett, hija," sinserong sambit ng ama ni Brett."O-Opo. Thank you, Sir."Tumango naman ito saka napaubo."You're home," saad ni Brett saka lumapit sa kanila habang may hawak na isang bote ng wine at dalawang wine glass.Napakunot-noo ito nang makita siya nang malapitan."Are you okay? Where did you get that?"Muntik na niyang hawakan ang mukha ni Thyra, ngunit napatigil siya nang maisip niyang kasama nila ang kaniyang ama."She got into an acci
Kumukurap-kurap ang mga mata ni Thyra habang nakahiga at pinapakiramdaman ang sarili kung may lakas upang maupo."Umupo ka."Napabalikwas siya ng upo at inilibot ang paningin kung nasaan siya.Nasa isang madilim siyang kuwarto at tanging ang liwanag lang mula sa ilaw ang liwanag doon."A-Ano'ng kailangan niyo sa'kin?" Kabadong tanong niya saka tinakpan ang kaniyang sarili.May tatlong lalake sa loob ng kuwarto at may mga hawak silang baril. Nasa harapan niya ang kapatid ni Laureen."Mag-iingat ka sa mga susunod mong gagawin, dahil alam namin ang ginawa mo," sambit ng lalake. Malalim ang boses nito.Hindi siya nakaimik at napalunok nang maalala ang pagsumbong niya sa mga pulis dati.Sinamaan niya na lang ng tingin ito."Hindi mo alam kung ano'ng pinasok mo," dagdag pa nito saka naupo sa kaniyang harapan.Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay at paa saka isiniksik ang sarili sa sofa na kaniyang inuupuan."Masama kayong tao, kayo ng kapatid mo," lakas-loob niyang sabi.Nap
"Oh, 'ayan. Inumin mo na. Kanina ka pa reklamo nang reklamong masakit ang katawan mo," sambit ni Nadia saka iniabot kay Thyra ang gamot para sa sakit ng katawan."Thank you."Agad niya iyong kinuha at ininom.Nakangiting nakatingin sa kaniya ito kaya napakunot-noo siya."Ano na naman? Ano'ng gusto mo?" Tanong niya.Luminga-linga naman si Nadia sa paligid."Ngayong wala pa si Felip, sabihin mo sa akin kung bakit masakit ang katawan mo. At mukhang puyat ka pa."Napaiwas naman siya ng tingin."Kung anu-ano ang iniisip mo," sabi ni Thyra."Luh? Wala pa akong sinasabi," natatawang wika ni Nadia.Ini-relax naman ni Thyra ang kaniyang likod sa kaniyang upuan at umiling-iling."May ginawa kayo, 'no?" Pang-aasar nito saka sinundot ang tagiliran niya.Sinamaan naman niya ito ng tingin."A-Ano lang, naglinis lang ako kagabi, at medyo ginabi na rin," pagsisinungaling niya."You know what, magsinungaling ka na sa iba, huwag lang kay Nadia," sagot naman nito.Natawa naman si Thyra sa kaniya."Iba a
Kinabukasan ay hindi nagpunta si Brett sa meeting nila kasama ang kaniyang parents dahil alam niyang makikita niya ang kaniyang kapatid.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya rito dahil sa mga nalaman.Pinatawag niya ang kaniyang mga tauhan sa kaniyang bahay upang utusan ang mga ito."Ano'ng iuutos niyo sa amin, boss?" Tanong ng isa.Nakakunot-noong umiinom ng wine si Brett habang nakatingin sa labas ng bintana sa sala. Bahagya siyang nakatalikod sa mga ito."Look for my sister's men. Her people four years ago. Find out who are the people who beat Thyra's father," may awtoridad na sambit nito."Ano'ng gagawin namin sa kanila, boss? Dadalhin po ba namin sa hideout?"Humarap naman si Brett sa kanila."Take them there, and I want to see them before I punish them. If I can't go there, cripple them as they did to Tito.""Pipilayin po namin?" Tanong ng isa.Tumango naman siya saka uminom ng wine."Kailangang maranasan nila what they did to Thyra's father."Napakuyom ang kaniyang mga palad at
Napakuyom ang mga palad ni Brett at hindi mapigilang mamuo ang kaniyang luha.Tumingin siya kina Thyra at marahas na binuksan ang kaniyang sasakyan saka siya bumaba."W-What did you say?" Agad niyang sambit.Nanlaki ang mga mata nina Thyra at napatakip pa si Nadia sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat."T-Tara na, Nads," aya ni Thyra saka bumaling kay Nadia at agad siyang tumayo."No! You stay here!" Wika ni Brett at hinawakan ang kaliwang braso ni Thyra.Napatingin naman si Thyra at marahas na binawi ang kaniyang kamay."Huwag mo akong hawakan," may diin niyang sabi.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Nadia sa kanilang dalawa."Tell me the truth. I want you to tell me now in front of me what I heard earlier," seryosong wika ni Brett na parang nagmamakaawa.Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang sa kaniya."Tell me, please," sinserong dagdag pa nito habang naluluha."Wala ka nang dapat malaman," mahinang sabi ni Thyra."But I heard you say Thrina is my daughter," saad nito."
Nakasuot ng shades si Brett habang nakatingin kay Thrina na naglalaro sa park. Kasama nito ang kaniyang lolo."Sir, may ipapagawa pa po ba kayo ngayong nahanap na natin ang bata?" Tanong ng tauhan niya habang nakaupo sila sa hindi kalayuan."Nothing. You can leave now.""Paano po kayo, Sir?""I can handle myself. I'll just talk to the kid later," sagot niya saka inayos ang kaniyang suot na facemask at shades.Tumango naman ito saka umalis doon.Biglang nag-ring ang cellphone ng lolo ni Thrina at masayang kinausap si Thyra sa tawag.Tumayo naman si Brett at hindi inalis ang paningin kay Thrina na naglalaro sa slide. Nakatalikod naman ang kaniyang lolo habang kausap ang kaniyang ina at may ilang hakbang ang layo.Maingay din ang mga batang naglalaro doon.Nang masigurado ni Brett na busy si Thyrone ay nilapitan niya si Thrina. Ang bata naman ay nag-explore sa mga swings doon."Hi!" Masiglang bati niya.Napakunot-noo naman si Thrina at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ito sumagot."I
Bumalik si Brett sa kaniyang sasakyan at kunot-noong nakaupo roon.Tinawagan niya ang may-ari ng mall at nagsinungaling siyang may emergency siya kaya hindi na siya matutuloy na pumunta roon.Mabilis ang tibok ng kaniyang puso at naisip na tawagan ang isa niyang tauhan."I will order something," sambit ni Brett."Find out where Thyra Haze Del Fuego is. Also find out when she gave birth, and who Felip Dela Vega was in her life," utos niya.Umiigting pa rin ang panga niya at hindi mapakali.Napapikit siya nang maalala ang mukha ng batang nakausap niya. Kanina pa nakaalis sina Felip, ngunit hindi maalis sa isipan niya ang tagpong iyon."That's why she looks like someone. But I have to be sure," mahinang wika ni Brett.Huminga siya nang malalim at umalis na ro'n. Nagtungo muna siya sa kaniyang bahay upang magpakalma."I'll just pass the 30 minutes, I've already spent 30 minutes. Sayang naman ang isang oras na overtime," nakangiting saad ni Thyra sa kanilang dining supervisor."Sige. Kailan
"Nadia, pakibantayan naman si Thrina. Kukunin ko lang 'yong mga ibang pagkain sa loob," sambit ni Thyra.Agad namang lumapit si Nadia kay Thrina at nakipaglaro sa kaniya.Nakasalubong naman niya sa loob si Felip."Nakuha ko na lahat ng food, babe," saad nito."Sige, babe. Nakapag-set up na rin naman ako."Naglabas ng panyo si Felip at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Thyra.Napangiti naman siya."Thank you, babe."Nagtungo sila sa garden ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.Kasama nila sa iisang bahay ang ama ni Thyra, at umuuwi naman si Felip tuwing weekends sa family house nila upang samahan ang kaniyang ina.Nakapagpundar sila ni Thyra ng sarili nilang bahay.Naabutan nilang pinapanuod ng lahat si Thrina habang sumasayaw sa gitna kasama si Nadia."Papagurin mo ang Tita Nadia mo, anak. Mahina na ang mga tuhod niyan," komento ni Felip.Natawa naman sila.Nag-make face naman si Nadia at tumigil sa pagsasayaw."Hello? You are one year ol
"A-Ano?"Hindi naalis ang paningin niya kay Felip at dahan-dahang binawi ang kaniyang kamay."F-Felip, seryoso ka ba?" Kunot-noong tanong niya.Tumango naman ito habang nakangiti."Yes, Thyra, I'm serious.""P-Pero nakakahiya. Hindi mo naman anak ang baby ko. Ayokong ipaako sa'yo ang responsibilidad bilang ama sa hindi mo naman kaanu-ano. A-At isa pa, unfair 'yon sa'yo," wika ni Thyra."Why would that be unfair to me? Kaya nga ako nagpriprisinta dahil paninindigan ko," sagot ni Felip.Umiling naman siya."P-Paano ka? Paano ang mga pangarap mo para sa sarili mo kung magkakaroon ka ng responsibilidad sa akin? Ni hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend," nahihiyang sabi niya.Tila nakuryente na naman si Thyra nang hawakan ulit ni Felip ang kaniyang kamay."I hid it for a long time. I hid it from you for several years. At ayoko nang ilihim pa ang nararamdaman ko," panimula nito.Napalunok si Thyra."Matagal na kitang mahal, Thyra. Sobrang tagal na. Mahal na mahal kita, that even if I get
Bumalik sa isipan ni Thyra ang sinabi ni Brett na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi niya naisip na maaari siya nitong palitan dahil mahal niya ito.Sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na niya sasabihing buntis siya at wala na ring mababago pa. Na hindi nila kailangang malamang dinadala niya ang isang parte ng pagkatao ni Brett na isang Forteluna.Parang nawalan siya ng hangin at hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Na buntis siya, ngunit wala na rin si Brett."Ilang buwan rin namin iyong pinag-usapan, but he only recently agreed," saad ni Leandra.Hindi naman makaimik si Thyra."Of course, dahil sikat doon ang mapapangasawa niya. Who would refuse such an influential person?" Komento ni Bettina saka tumingin kay Thyra.Napalunok naman siya nang mapansin iyon."Despite everything, he still followed what we wanted for him," wika ni Mrs. Forteluna.Hindi na alam ni Thyra ang kaniyang uunahing isipin. Ngunit alam niyang may gagawin ang mga ito kapa
Napaupo si Thyra at hindi mapigilan ang nararamdaman.Tumulo ang kaniyang luha at napatakip sa kaniyang bibig habang nanginginig siya.Naupo si Nadia sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang likod."H-Hindi. P-Paano... Paano ko sasabihin kay Brett? Hiniwalayan niya na a-ako," umiiyak na sambit ni Thyra."Tell him. Alam kong marami ka pang pangarap, pero nandiyan na. You can't change it, and I hope you don't do anything bad to have your baby taken away from you," malumanay na wika ni Nadia.Napatingin naman si Thyra sa kaniya."N-Natatakot ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ako magiging mabuting ina?"Umiling naman ito."Sa pagkakakilala namin sa'yo, kaya mo 'yan. We know it's early, but you can probably raise a child.""Nasa legal age naman na ako, p-pero natatakot pa rin ako."Niyakap siya ni Nadia."Kailangan mong sabihin kay Sir Brett. May karapatan pa rin siyang malaman. And I hope your baby will be the way for your relationship to be good again."Hindi naman nakaimi
Tila nanlambot ang buong katawan ni Thyra at hindi alam kung paano titingin kay Brett nang hindi umiiyak."B-Baka puwede pa nating pag-usapan? Sinabi kasi ni Laureen—""No. Please. Umalis ka na, Thyra," tila nagpipigil ng galit na sambit ni Brett.Umiling-iling naman si Thyra saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay nito."Please, B-Brett? B-Baka... Baka kapag nalaman mo ang lahat ay maiintindihan mo ako," saad niya. Halos magmakaawa na siya.Umiling ito saka binawi ang kaniyang kamay at hindi makatingin kay Thyra."I know you are hurting, at nasasaktan din ako. Kaya please, leave now," mahinang wika ni Brett."P-Pero, love—""Huwag kang mawalan ng respeto para sa sarili mo," sabi ni Brett saka tumingin sa kaniya.Napalunok naman siya at mas lalong naiyak."B-Babalikan mo naman ako, 'di ba?"Napalunok si Brett at hindi sumagot.Ilang segundo siyang nakatingin kay Brett saka siya tumango.Hindi na siya nagsalita pa saka siya tumalikod. Bawat hakbang niya ay siyang lalong lumalakas