"Dad? Why are you here?" Tanong ni Brett saka sumulyap kay Thyra.Napalunok si Thyra at itinago ang kabang nararamdaman nang mapansin niyang nakasuot siya ng dress. Ipinagdasal na lang niya na hindi iyon mapansin ng ama ni Brett."May meeting ako with the owner. Kayo, what are you two doing here? And why do you seem to be hiding?" Kunot-noong tanong ni Benjamin at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dawala.Hindi naman makapagsalita si Thyra."May bibilhin lang kami. At ngayon na lang ulit kami nakalabas. We didn't have bodyguards with us, so we were hiding," sagot ni Brett at inayos ang kaniyang damit.Tumango-tango naman si Benjamin."No need to hide. May mga kasama akong bodyguards. Sumabay na kayong dalawa sa akin."Nagkatinginan naman sina Thyra at Brett."Okay," sagot ni Brett.Magkatabi namang naglakad ang mag-ama, habang si Thyra ay nasa likod nila. Sinenyasan naman siya ni Brett na tumabi sa kaniya, kaya agad siyang tumabi."Hindi bagay ang dress mo para diyan ka sa likod
Napakunot-noo si Thyra at napakuyom ang kaniyang mga palad."Wala kang karapatan para sabihin sa kanila.""I know. But what can you do about that? A maid and her boss?" Natatawang sambit ni Laureen at tinignan siya mula ulo hanggang sa kaniyang paa."Hmm? Hindi bagay. Hindi bagay si Brett sa'yo. You are just like a rag that he uses for cleaning," dagdag pa nito.Nag-roll eyes naman si Thyra."I already knew that you had bad plans for him, pero hindi ko inasahang papatulan ka niya. Ew! Gross!" Nandidiring saad nito."Talaga? Sigurado ka bang ako may balak sa kaniyang masama?" Sarkastikong tanong ni Thyra.Umiling-iling si Laureen habang nakangiti."Let's see your courage when you have no allies. You gold digger."Mas lalo namang nakaramdam ng inis si Thyra."Ang sama mo talaga, 'no? Matanda ka na nga, ganiyan ka pa ring mag-isip. Ano ba ang makukuha mo sa pagdikit sa pamilya ni Brett?"Lumabi naman si Laureen na parang nang-aasar."You will never know.""Pera? Lupa? Ano ba ang gusto mo
Napakuyom ang mga palad ni Thyra na nakapatong sa kaniyang mga hita at umiwas ng tingin.Huminga siya nang ilang beses saka nakangiting tumingin kay Benjamin.Tumango-tango siya."S-Sige po, Sir. Pero mahal ko po ang anak niyo.""I know, but you can't handle Brett's world. But I hope you live quietly, I hope you can finish your studies," sagot nito.Napangiti ulit si Thyra ngunit may halo iyong lungkot at sakit.Pinigilan niyang maiyak sa harapan nito."I just want Brett to have a good life. At hangad ko rin ang kasiyahan mo, kahit hindi na kay Brett, hija," sinserong sambit ng ama ni Brett."O-Opo. Thank you, Sir."Tumango naman ito saka napaubo."You're home," saad ni Brett saka lumapit sa kanila habang may hawak na isang bote ng wine at dalawang wine glass.Napakunot-noo ito nang makita siya nang malapitan."Are you okay? Where did you get that?"Muntik na niyang hawakan ang mukha ni Thyra, ngunit napatigil siya nang maisip niyang kasama nila ang kaniyang ama."She got into an acci
Kumukurap-kurap ang mga mata ni Thyra habang nakahiga at pinapakiramdaman ang sarili kung may lakas upang maupo."Umupo ka."Napabalikwas siya ng upo at inilibot ang paningin kung nasaan siya.Nasa isang madilim siyang kuwarto at tanging ang liwanag lang mula sa ilaw ang liwanag doon."A-Ano'ng kailangan niyo sa'kin?" Kabadong tanong niya saka tinakpan ang kaniyang sarili.May tatlong lalake sa loob ng kuwarto at may mga hawak silang baril. Nasa harapan niya ang kapatid ni Laureen."Mag-iingat ka sa mga susunod mong gagawin, dahil alam namin ang ginawa mo," sambit ng lalake. Malalim ang boses nito.Hindi siya nakaimik at napalunok nang maalala ang pagsumbong niya sa mga pulis dati.Sinamaan niya na lang ng tingin ito."Hindi mo alam kung ano'ng pinasok mo," dagdag pa nito saka naupo sa kaniyang harapan.Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay at paa saka isiniksik ang sarili sa sofa na kaniyang inuupuan."Masama kayong tao, kayo ng kapatid mo," lakas-loob niyang sabi.Nap
"Oh, 'ayan. Inumin mo na. Kanina ka pa reklamo nang reklamong masakit ang katawan mo," sambit ni Nadia saka iniabot kay Thyra ang gamot para sa sakit ng katawan."Thank you."Agad niya iyong kinuha at ininom.Nakangiting nakatingin sa kaniya ito kaya napakunot-noo siya."Ano na naman? Ano'ng gusto mo?" Tanong niya.Luminga-linga naman si Nadia sa paligid."Ngayong wala pa si Felip, sabihin mo sa akin kung bakit masakit ang katawan mo. At mukhang puyat ka pa."Napaiwas naman siya ng tingin."Kung anu-ano ang iniisip mo," sabi ni Thyra."Luh? Wala pa akong sinasabi," natatawang wika ni Nadia.Ini-relax naman ni Thyra ang kaniyang likod sa kaniyang upuan at umiling-iling."May ginawa kayo, 'no?" Pang-aasar nito saka sinundot ang tagiliran niya.Sinamaan naman niya ito ng tingin."A-Ano lang, naglinis lang ako kagabi, at medyo ginabi na rin," pagsisinungaling niya."You know what, magsinungaling ka na sa iba, huwag lang kay Nadia," sagot naman nito.Natawa naman si Thyra sa kaniya."Iba a
Nasa main gate si Thyra at walang tigil ang kaniyang pag-iyak habang niyayakap ang sarili.Sa tanong ni Laureen sa kaniya; ang kaniyang ama ang kaniyang pinili. Ang ibig sabihin ay kailangan niyang iwan si Brett.Naisip niyang sabihin muna kay Brett ang mga nalaman niya tungkol kay Laureen at ang mga ginawa nito sa kaniya, at kay Nadia.Sasabihin niyang napagod na rin siya upang mas kapanipaniwala ang kanilang hiwalayan.Kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na tama lang ang gagawin niya, para mas makapag-focus na rin si Brett sa kaniyang mga negosyo, at sa kaniyang mga pangarap, na hindi na siya kasama.Mas importante para sa kaniya ang kaniyang ama, na siyang tanging pamilya na lang niya. At hindi niya alam ang gagawin kapag nawala pa ito.Pinakalma ni Thyra ang kaniyang sarili nang ilang minuto at inayos ang kaniyang sarili. Dahil sa sunod-sunod na pagkakaaksidente niya ay bahagyang nagbago na rin ang kaniyang itsura dahil sa kaniyang mga peklat at pasa sa katawan.Inabot siya ng ila
Agad siyang lumapit kay Laureen at hinatak ang buhok nito.Wala naman doon si Brett."Hayop ka!"Hinila niya ito hanggang sa mahulog ito sa kama. Napatili naman si Laureen.Agad itong tumayo at tinakpan ang kaniyang sarili gamit ang kumot.Masama ang tingin nito kay Thyra. Nanlilisik din ang mga mata niyang nakatingin kay Laureen."Ano pa ba ang kailangan mo? Nag-usap na tayong si Papa ang pinipili ko—""Exactly! Ang tatay mo ang pinipili mo, so you have no rights over Brett!""Sinabi kong bigyan mo ako ng panahon para makipag-usap kay Brett nang maayos! Bakit ganito?" Lumuluhang sambit niya.Natawa naman si Laureen."Ang bagal mo kasi. Kaya nauna na ako sa'yo," nakangising wika nito."A-Ano'ng ginawa niyo?" Mahinang tanong niya at napatakip sa kaniyang bibig habang umiiyak."What's on your mind? You're not young enough to not know, Thyra," nakakaasar na sabi ni Laureen.Napatigil siya at nakatitig lang kay Laureen."Now, get out. Because with just one call from me, your father can di
Habang kumakain sina Felip kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang ama ni Thyra ay hindi niya mapigilang tignan sila isa-isa."Salamat sa pagsama niyo sa amin ni Mommy. Alam kong magiging maayos din kami, hindi pa sa ngayon, pero balang araw," wika ni Felip saka siya ngumiti.Napangiti naman sila."Ang pamilya mo rin ang naging sandalan namin ni Papa kasi kami na lang dalawa. Kaya hindi rin namin kayo iiwan," saad ni Thyra saka hinawakan ang kamay ni Felip sa ilalim ng lamesa."Oo nga, hijo. Alam mo, puwede mo pa rin naman akong maging tatay," sabi naman ng ama ni Thyra."Oo nga. Tsaka binibiro mo nga si Thyra na ikaw ang manugang ni Tito," pang-aasar ni Nadia. Pinandilatan naman siya ni Felip.Natawa na lang sina Thyra."Thank you for coming. We are happy and our house is open for you all," komento naman ng ina ni Felip."Ano na po ang plano niyo, Tita?" Tanong naman ni Thyra saka binitawan ang kamay ni Felip."Babalik na ako sa opisina bukas. So that I can see what is happening ther
Napatakip si Thyra sa kaniyang bibig at bumilis ang tibok ng kaniyang puso."G-Grabe naman si Anthony," komento niya habang nakatingin sa sasakyan nito.Agad na bumaba si Anthony sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalake.Napalunok si Thyra at bumaba na rin siya.May mga sugat ang lalake at nahihirapan din itong gumalaw at tumayo.Nanginginig siyang lumapit, at mas lalong kinabahan nang mabilis na hawakan ni Anthony ang lalake sa kuwelyo nito at iniangat ito nang walang kahirap-hirap."A-Anthony, baka mamatay naman 'yan," pigil niya."You better answer us, and you better not be quiet," banta ni Anthony sa lalake at hindi pinakinggan si Thyra.Napaubo ang lalake at duguan ang noo nitong tumingin kay Anthony. Nakasuot ito ng facemask na itim.Humakbang naman palapit si Thyra at mabilis na hinablot ang facemask nito.Kumpirmadong ang boyfriend nga iyon ni Bettina."Nahuli ka rin namin," kunot-noong sambit ni Thyra.Napangisi naman ito kahit halatang nasasaktan sa posisyon niya.Napada*ng
"What? Why are you so shocked? Akala ko ba ay alam mo na?" Nakangising tanong ni Bettina.Mas lalong nakaramdam ng kaba si Thyra nang makitang may baril sa tabi nito.Siguradong mamamatay siya kapag may masabi siyang masama dahil wala siyang kalaban-laban."A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo kay Felip?" Tanong niya saka ito sinamaan ng tingin.Natawa naman si Bettina."What I want to happen is simple, Thyra. I just need your cooperation."Napalunok siya sa narinig at hindi makapagsalita.Sumeryoso si Bettina at umayos ng upo."Get out of here and get your whole family away. Nasira lang naman ang mga plano ko noong ipinakilala mo ang bastarda mong anak. I'm ready to buy your business, as long as you're gone. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Brett at kina Dad.""A-At kung hindi ako papayag—""Something bad will happen to you, and your family, especially to Thrina," pamumutol nito sa sasabihin niya.Napaawang ang bibig ni Thyra at sumikip ang
"N-Nasaan siya? Where's Brett?" Natatarantang tanong ni Thyra kay Anthony nang makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha."He's inside. Kasama niya sina Tita, Tito, Thrina and Tito Thyrone. He is still conscious, but he says he feels dizzy. Nauntog kasi siya," turo ni Anthony sa isang room doon.Napakagat-labi siya saka nagmadaling pumasok sa loob.Naabutan niyang umiiyak si Thrina habang hinahaplos ni Brett ang ulo nito.Umagos ang luha sa kaniyang mga pisngi nang makita niyang may mga gasgas sa katawan nito.Malapit nang maghilom ang sugat sa kaniyang tagiliran, ngunit nadagdagan na naman iyon."B-Brett," namamaos na sambit ni Thyra.Napatingin ito sa kaniya at matamlay na ngumiti."No. Don't cry. I told you, hindi ako basta-basta mamamatay," pabirong sabi nito.Patakbong lumapit si Thyra at niyakap si Brett. Nakatingin naman sa kanilang dalawa si Thrina at tumahan ito sa pag-iyak."Stop crying, love," mahinang saad ni Brett saka pinu
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba