Kumukurap-kurap ang mga mata ni Thyra habang nakahiga at pinapakiramdaman ang sarili kung may lakas upang maupo."Umupo ka."Napabalikwas siya ng upo at inilibot ang paningin kung nasaan siya.Nasa isang madilim siyang kuwarto at tanging ang liwanag lang mula sa ilaw ang liwanag doon."A-Ano'ng kailangan niyo sa'kin?" Kabadong tanong niya saka tinakpan ang kaniyang sarili.May tatlong lalake sa loob ng kuwarto at may mga hawak silang baril. Nasa harapan niya ang kapatid ni Laureen."Mag-iingat ka sa mga susunod mong gagawin, dahil alam namin ang ginawa mo," sambit ng lalake. Malalim ang boses nito.Hindi siya nakaimik at napalunok nang maalala ang pagsumbong niya sa mga pulis dati.Sinamaan niya na lang ng tingin ito."Hindi mo alam kung ano'ng pinasok mo," dagdag pa nito saka naupo sa kaniyang harapan.Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay at paa saka isiniksik ang sarili sa sofa na kaniyang inuupuan."Masama kayong tao, kayo ng kapatid mo," lakas-loob niyang sabi.Nap
"Oh, 'ayan. Inumin mo na. Kanina ka pa reklamo nang reklamong masakit ang katawan mo," sambit ni Nadia saka iniabot kay Thyra ang gamot para sa sakit ng katawan."Thank you."Agad niya iyong kinuha at ininom.Nakangiting nakatingin sa kaniya ito kaya napakunot-noo siya."Ano na naman? Ano'ng gusto mo?" Tanong niya.Luminga-linga naman si Nadia sa paligid."Ngayong wala pa si Felip, sabihin mo sa akin kung bakit masakit ang katawan mo. At mukhang puyat ka pa."Napaiwas naman siya ng tingin."Kung anu-ano ang iniisip mo," sabi ni Thyra."Luh? Wala pa akong sinasabi," natatawang wika ni Nadia.Ini-relax naman ni Thyra ang kaniyang likod sa kaniyang upuan at umiling-iling."May ginawa kayo, 'no?" Pang-aasar nito saka sinundot ang tagiliran niya.Sinamaan naman niya ito ng tingin."A-Ano lang, naglinis lang ako kagabi, at medyo ginabi na rin," pagsisinungaling niya."You know what, magsinungaling ka na sa iba, huwag lang kay Nadia," sagot naman nito.Natawa naman si Thyra sa kaniya."Iba a
Nasa main gate si Thyra at walang tigil ang kaniyang pag-iyak habang niyayakap ang sarili.Sa tanong ni Laureen sa kaniya; ang kaniyang ama ang kaniyang pinili. Ang ibig sabihin ay kailangan niyang iwan si Brett.Naisip niyang sabihin muna kay Brett ang mga nalaman niya tungkol kay Laureen at ang mga ginawa nito sa kaniya, at kay Nadia.Sasabihin niyang napagod na rin siya upang mas kapanipaniwala ang kanilang hiwalayan.Kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na tama lang ang gagawin niya, para mas makapag-focus na rin si Brett sa kaniyang mga negosyo, at sa kaniyang mga pangarap, na hindi na siya kasama.Mas importante para sa kaniya ang kaniyang ama, na siyang tanging pamilya na lang niya. At hindi niya alam ang gagawin kapag nawala pa ito.Pinakalma ni Thyra ang kaniyang sarili nang ilang minuto at inayos ang kaniyang sarili. Dahil sa sunod-sunod na pagkakaaksidente niya ay bahagyang nagbago na rin ang kaniyang itsura dahil sa kaniyang mga peklat at pasa sa katawan.Inabot siya ng ila
Agad siyang lumapit kay Laureen at hinatak ang buhok nito.Wala naman doon si Brett."Hayop ka!"Hinila niya ito hanggang sa mahulog ito sa kama. Napatili naman si Laureen.Agad itong tumayo at tinakpan ang kaniyang sarili gamit ang kumot.Masama ang tingin nito kay Thyra. Nanlilisik din ang mga mata niyang nakatingin kay Laureen."Ano pa ba ang kailangan mo? Nag-usap na tayong si Papa ang pinipili ko—""Exactly! Ang tatay mo ang pinipili mo, so you have no rights over Brett!""Sinabi kong bigyan mo ako ng panahon para makipag-usap kay Brett nang maayos! Bakit ganito?" Lumuluhang sambit niya.Natawa naman si Laureen."Ang bagal mo kasi. Kaya nauna na ako sa'yo," nakangising wika nito."A-Ano'ng ginawa niyo?" Mahinang tanong niya at napatakip sa kaniyang bibig habang umiiyak."What's on your mind? You're not young enough to not know, Thyra," nakakaasar na sabi ni Laureen.Napatigil siya at nakatitig lang kay Laureen."Now, get out. Because with just one call from me, your father can di
Habang kumakain sina Felip kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang ama ni Thyra ay hindi niya mapigilang tignan sila isa-isa."Salamat sa pagsama niyo sa amin ni Mommy. Alam kong magiging maayos din kami, hindi pa sa ngayon, pero balang araw," wika ni Felip saka siya ngumiti.Napangiti naman sila."Ang pamilya mo rin ang naging sandalan namin ni Papa kasi kami na lang dalawa. Kaya hindi rin namin kayo iiwan," saad ni Thyra saka hinawakan ang kamay ni Felip sa ilalim ng lamesa."Oo nga, hijo. Alam mo, puwede mo pa rin naman akong maging tatay," sabi naman ng ama ni Thyra."Oo nga. Tsaka binibiro mo nga si Thyra na ikaw ang manugang ni Tito," pang-aasar ni Nadia. Pinandilatan naman siya ni Felip.Natawa na lang sina Thyra."Thank you for coming. We are happy and our house is open for you all," komento naman ng ina ni Felip."Ano na po ang plano niyo, Tita?" Tanong naman ni Thyra saka binitawan ang kamay ni Felip."Babalik na ako sa opisina bukas. So that I can see what is happening ther
Tila nanlambot ang buong katawan ni Thyra at hindi alam kung paano titingin kay Brett nang hindi umiiyak."B-Baka puwede pa nating pag-usapan? Sinabi kasi ni Laureen—""No. Please. Umalis ka na, Thyra," tila nagpipigil ng galit na sambit ni Brett.Umiling-iling naman si Thyra saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay nito."Please, B-Brett? B-Baka... Baka kapag nalaman mo ang lahat ay maiintindihan mo ako," saad niya. Halos magmakaawa na siya.Umiling ito saka binawi ang kaniyang kamay at hindi makatingin kay Thyra."I know you are hurting, at nasasaktan din ako. Kaya please, leave now," mahinang wika ni Brett."P-Pero, love—""Huwag kang mawalan ng respeto para sa sarili mo," sabi ni Brett saka tumingin sa kaniya.Napalunok naman siya at mas lalong naiyak."B-Babalikan mo naman ako, 'di ba?"Napalunok si Brett at hindi sumagot.Ilang segundo siyang nakatingin kay Brett saka siya tumango.Hindi na siya nagsalita pa saka siya tumalikod. Bawat hakbang niya ay siyang lalong lumalakas
Napaupo si Thyra at hindi mapigilan ang nararamdaman.Tumulo ang kaniyang luha at napatakip sa kaniyang bibig habang nanginginig siya.Naupo si Nadia sa kaniyang tabi at hinaplos ang kaniyang likod."H-Hindi. P-Paano... Paano ko sasabihin kay Brett? Hiniwalayan niya na a-ako," umiiyak na sambit ni Thyra."Tell him. Alam kong marami ka pang pangarap, pero nandiyan na. You can't change it, and I hope you don't do anything bad to have your baby taken away from you," malumanay na wika ni Nadia.Napatingin naman si Thyra sa kaniya."N-Natatakot ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ako magiging mabuting ina?"Umiling naman ito."Sa pagkakakilala namin sa'yo, kaya mo 'yan. We know it's early, but you can probably raise a child.""Nasa legal age naman na ako, p-pero natatakot pa rin ako."Niyakap siya ni Nadia."Kailangan mong sabihin kay Sir Brett. May karapatan pa rin siyang malaman. And I hope your baby will be the way for your relationship to be good again."Hindi naman nakaimi
Bumalik sa isipan ni Thyra ang sinabi ni Brett na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ngunit hindi niya naisip na maaari siya nitong palitan dahil mahal niya ito.Sa kaniyang narinig, naisip niyang hindi na niya sasabihing buntis siya at wala na ring mababago pa. Na hindi nila kailangang malamang dinadala niya ang isang parte ng pagkatao ni Brett na isang Forteluna.Parang nawalan siya ng hangin at hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Na buntis siya, ngunit wala na rin si Brett."Ilang buwan rin namin iyong pinag-usapan, but he only recently agreed," saad ni Leandra.Hindi naman makaimik si Thyra."Of course, dahil sikat doon ang mapapangasawa niya. Who would refuse such an influential person?" Komento ni Bettina saka tumingin kay Thyra.Napalunok naman siya nang mapansin iyon."Despite everything, he still followed what we wanted for him," wika ni Mrs. Forteluna.Hindi na alam ni Thyra ang kaniyang uunahing isipin. Ngunit alam niyang may gagawin ang mga ito kapa
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba
Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Thyra sa mukha ni Brett.Biglang nagmulat ng mga mata si Brett."What are you doing?"Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka inilayo ang kaniyang mukha at napatayo."M-May dumi lang sa mukha mo, tinanggal ko," pagpapalusot niya.Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.‘Ano ba ang ginagawa mo, Thyra?’"My left arm suddenly hurt because I slept on my side," wika ni Brett saka hinaplos ang kaniyang braso.Napalunok naman si Thyra saka naupo ulit."Saang banda? Imamasahe ko na lang," prisinta niya.Napangiti si Brett saka inilahad ang kaniyang braso.Huminga naman nang malalim si Thyra saka hinawakan iyon at minasahe."I wish I always had accidents so you could be here," malumanay na sambit nito.Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Thyra."Don't say that. Kasi hindi naman ako pupunta lagi."Lumabi si Brett saka tumingin sa nga kamay ni Thyra na nakahawak sa kaniya."Malambot pa rin ang
"Mommy! Si Daddy?" Agad na tanong ni Thrina habang tumatakbo palapit kay Thyra. Naghihintay naman siya sa labas ng operating room. Kasama nito sina Nadia, Anthony, at ang kaniyang ama. Nauna niyang tinawagan ang mga ito bago ang pamilya ni Brett.Nanginginig naman si Thyra na yumakap sa kaniyang anak. Umiiyak na ito."N-Nasa loob pa ang Daddy mo, baby," saad niya habang hinahaplos ang likod ng kaniyang anak."W-Who did this to Daddy, Mommy?" Umiiyak na tanong ni Thrina sa kaniya at nag-angat ng tingin.Napalunok naman siya."H-Hindi ko pa alam, anak."Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak, habang si Thyra ay hindi mapakali dahil sa kaba."Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Tanong ng kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang tabi."Nagpunta po kami sa shop para magpa-sculpt. T-Tapos napansin ni Brett ang isang lalakeng nakatingin sa amin. Umalis kami agad doon. Hindi ko naman inakalang susundan pala niya kami," sagot ni Thyra at hindi makatingin sa kanila."A-Ako nga dapat ang nasaksak, eh. Kaso
"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra."Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin."Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha."Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—""Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig."Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what