Home / All / Prowess In Love / Chapter 1

Share

Prowess In Love
Prowess In Love
Author: ladynie_

Chapter 1

Author: ladynie_
last update Last Updated: 2021-09-12 11:06:46

"Paalam anak ko, pangako babalikan kita dito." 

Pasimple niyang pinunasan ang luha ko kaya ramdam na ramdam ako ang lamig ng kaniyang nanginginig na kamay. Imbis na tumigil sa pag-iyak ay mas lalong bumuhos ang luha ko.

"P-pero Ina, hindi ba pwedeng dito nalang po muna tayo mamalagi? K-kung ayaw mo po dito Ina ay sasama nalang ako sa iyo."

Pagsusumamo ko kay Ina. Alam kong mahirap ang kalagayan namin ngayon, pero ang kaalamang mawawalay ako sakanya ay mas lalong mahirap. Ang isiping hindi ko mararamdaman ang mga haplos niya sa akin ay parang bumibiyak sa puso ko.

Hinihiling kong kahit papaano ay mabago ang desisyon niya. Ngunit ang kanyang sunod-sunod na pag-iling ang nagpahina sa akin. Buo na ang pasya niya. Iiwan niya nga ako. Nanginig ang labi ko habang pinipigilan ang hagulhol ko. 

"Alam mong hindi maaari anak ko, ayaw kong masaktan ka. Kita mo naman kung gaanong nakakatakot ang mga Mamang iyun hindi ba? Paano kung awayin ka din nila gaya ng ginawa nila sa amin nila Mang Nestor?"

Napakakalmado ng pagkakasabi ni Ina ngunit kahit anong paliwanag niya ay hindi ko siya kayang intindihin. Alam ko kung gaano kapanganib pero ayokong mag-isa. Gusto kong lumaban kasama niya. Nanginginig na itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ang pisngi niya. Hinahagod-hagod ko iyon. Hindi pa man siya naka-alis ay nagluluksa na ang puso ko.

"Pero, Ina, diba sabi mo hindi ka aalis sa tabi ko hangga't may buhay ka pa? Hindi ba pwedeng lumaban nalang tayo ng magkasama?" 

Ayun na naman ang pag-iling niya. Pigil na pigil niya ang kanyang luha pero kahit ganun ay batid kong gusto na niyang umiyak. Ibinulong ko sakaniya ang aking pagmamakaawa, ang aking hinagpis. Sa bawat salitang binibigkas ko ay nanlalambot ang aking Ina. Sa bawat sandaling dinidiin ko ang pagkaka-kapit sa kaliwang braso niya ay nararamdaman ko ang pagpipigil niyang yakapin ako.

"Mangyayari 'yon anak, pero sa ngayon iiwan na muna kita dito. Kapag natakasan ko na sila ay babalik ako, tutuparin natin ang pangarap natin at magkasama tayo hanggang sa pagtanda ko. Pangako ko 'yan."  Pagti-tiyak niya,

Inayos at pinagpagan niya ang aking maduming damit at tsaka niya hinipo ang akin buhok. Bahagyang inangat ang tingin kay Madre Juanna na agad naman niyang ibinalik sa akin.

"Paalam, Ajah ko. Pangako babalikan kita dito. Mahal na mahal kita. Huwag mo masyadong isipin ang paglalayo natin, ha."

Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sa akin at bago niya akong hinalikan sa pisngi. Tumalikod na siya at bahagyang pinahid ang pisingi niya. Ayaw niya akong iwan pero gagawin niya. Ayaw niya akong masaktan pero sinasaktan niya. 

"INA! HUWAG KA PONG AALIS."  

Palakas nang palakas ang sigaw ko habang nakikiusap sa kaniya, maging ang pag-iyak ko ay tumindi habang tinatawag siya. Lumingon siya at muling ngumiti sa akin pero sa pagkakataong ito ay hindi niya na pinigilan pa ang luha niya.

"Ina," bulong ko.

"Ingatan ninyo ang anak ko, Madre Juanna. Huwag mong hayaan na maampon siya. Kahit gaano pa katagal sisisguraduhin kong babalik ako. Maraming salamat. Paalam." 

Mahigpit na hinawakan ni Madre Juanna ang balikat ko nang magsimula ng maglakad si ina palayo sa amin.

"INA! INA NAMAN!! BALIKAN MO AKO INA! HUWAG MO 'KONG IIWAN!" 

Walang tigil akong sumigaw at nagmamakaawa sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng Madre. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko kayang kumawala sakaniya.

"INA! INA! INA!"

Paulit-ulit ko siyang tinawag ngunit kahit ang lingunin ako ay hindi na niya nagawa.

*

"INAAA!" Pabalikwas akong bumangon sa aking pagkakahiga habang nanginginig at lumuluha. 

Siya na naman. Napanaginipan ko na naman si Ina. Sobrang pangungulila na naman ang nararamdaman ko. Parang bata akong umiiyak habang inaalala na naman siya— ang mga panahon kasama ko siya.

Nungulila ako sa kaniya. Dahil sa pag-iwan niya ay hindi ko na muling naramdamang gumaan ang puso ko.

Kung ang ibang anak na iniwan ay nagtanim ng galit sa magulang nila. Kung ang iba piniling tapusin ang buhay nila, ako naman ay narito nananatiling mahina at umaasa.

"Ina, miss na miss na po kita, hindi mo pa ba ako babalikan?" 

Habang iniisip ang mga pangyayari sa buhay ko ay lalo lamang akong nanlupaypay. Sa mga taon na pananatili ko sa bahay ampunan ay purong pag-iyak at pag tunganga lang ang nagawa ko, ni kaibigan ay hindi ako nagkaroon. Kung mayroon man ay ang mga Madreng kasama ni Madre Juanna lang. 

Makalipas ng ilang taong pangungulila ay naampon ako ng mag-asawang matagal na pala akong gustong ampunin. Ngunit imbis na matuwa ay mas lalo lamang akong nalungkot. Mas sumidhi lamang ang pangungulila ko. Hiniling kong makalimot upang kahit papaano ay mabawasan ang alalahanin ko.

Minsan ay hindi ko maiwasang manginig kapag kasama ko ang umampon sa akin. Oo, binihisan nila ako, pinakain, binigyan ng mga bagay na hindi madaling bilhin, ngunit hindi naging sapat iyon upang sumaya ako. Si Mommy ay naging malupit sa akin sa unti-unting paglaki ko, habang si Daddy naman ay parang gusto na akong ibalik sa ampunan. Napaka-iyakin ko, nakapahina ko at higit sa lahat napaka-walang kwenta ko, iyan ang pinaparamdam nila sa akin. 

Pinag-aral nila ako sa magandang paaralan. Magandang paaralan pero may masasamang mag-aaral. Lagi akong napagkakaisahan. Lagi akong kinakawawa. They love pulling my hair, throwing my belongings away from me, ang sabi nila ay wala akong karapatan na gamitin ang magagarang gamit.  Masaya silang nakikitang para akong basurang nagpagulong gulong kahit saan. Masaya silang nakikitang nahuhulog ako sa hagdanan.

"I hate my life,” bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pag patak.

Mayroon talagang mga tao na ginagawang katatawanan ang buhay mo. They know I'm adopted and they don't like the fact that a tycoon adopted me. They don't like the fact that I'm way richer than them. Kung hindi ako iniwang mag-isa marahil hindi ko pinagdaanan ang mga bagay na iyon. Ang malakas na katok at sigaw ni Nana Luz ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan.

"AERYNNE! DIYOS KO, GUMISING KA, ANAK!" 

Nakaupo lamang ako sa aking kama habang patuloy na humihikbi. Batid kong nag-aalala na naman ni Nana Luz dahil sa biglaang pag-iyak ko. Ilang beses ko ng napanaginipan si Ina at maging ang mga armadong lalaki na pumasok sa bahay namin noon, katunayan ay kamuntik narin akong hindi magising dahil sa takot at panginginig ko, bagay na hiniling kong mangyari na lamang kesa mabuhay sa mundong sa tingin ko hindi ko dapat kinabilangan. Muli ay narinig ko ang malakas na magkatok ni Nana Luz. 

"Diyos ko itong batang 'to, nasaan na ba kasi ang susi nito Abner? Bilis naman at baka kung ano nang nangyari kay Aerynne," wika ni Nana Luz

Gumagaralgal ang boses ni Nana kaya naman ay kahit nanghihina pa ay tumayo ako nang hindi na siya mabahala pa. Patuloy parin ang aking pag-iyak habang naglalakad ako tungo sa pintuan. Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Sinalubong naman ako ng yakap ni Nana at hinaplos ang aking likod. 

"Nana," usal ko at sinuklian ang yakap niya.

Tuloy-tuloy parin ang agos ng aking luha kung kaya't maging sa kuya Abner ay hinahaplos na ang aking ulo. Sila lang ang mayroon ako. Sila yung laging nandiyan para alalayan at gabayan ako. Sila lamang din ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ay nagagawa kong tumawa. 

"Nanaginip ka na naman ba, anak?" tanong ni Nana sa akin na hindi ko magawang sagutin.

Kay aga-aga pa ay nanghihina na ako. Mas napahikbi lamang ako nang makita ko ang lungkot sa mata ni Kuya na ngayon ay nasa likod ni Nana. Tiningnan ko siya pa parang humihingi ako ng simpatiya.

"Ayos lang 'yan Aerynne, h'wag mo masyadong dibdibin ang mga nangyari," ani ni kuya Abner na nagpalala sa aking paghikbi. 

Paanong hindi dibdibin? Kung kaya ko lang, edi sana noon ko pa ginawa.

"Oo nga naman anak, hindi ka namin pababayaan, kaya huwag ka ng malungkot. Nalulungkot din kami sa tuwing nalulungkot ka," ani ni Nana habang hinahaplos ang aking likod.

"Ang hirap lang po kasi. Pwede naman na mamiss ko nalang si ina, b-bakit kailangan pa na sa ganitong paraan. Panaginip? Paulit-ulit na pagpapaalalala 'yun ng mga nangyari sa amin. Tsaka Nana, ang tagal niya pong wala." 

Para akong batang nagsusumbong sa pagkakataong ito. Ang paghikbi ko ay mas lumakas at hindi ko na mapigilan ang pagyugyog ng aking balikat.

"Huwag ka mag-alala Ryn, walang ina na kayang kalimutan ang anak," pagtitiyak ni Nana sa akin. 

"At tsaka hindi naman natin nakakalimutang dumalaw sa ampunan diba, Ryn? Kapag bumalik ang nanay mo paniguradong malalaman naman natin 'yon."

"H'wag mo din sana isiping pabigat ka Aerynne, baka yan ang dahilan kaya ka nahihirapang mamuhay ng masaya ngayon. Dahil diyan sa negatibong pag- iisip mo."

"Salamat po Nana, salamat kuya Abner. Salamat kasi nandiyan kayo. Salamat k-kasi m-minahal niyo ako. H-hindi niyo ko pinabayaan. Sobrang bigat na po ng nararamdaman ko pero nariyan kayong lagi para pagaanin ang loob ko." Halos hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil sa sunod-sunod na paghikbi.

"Walang wala iyon Aerynne, alam mo yan. Anak na ang turing ko sa iyo, kaya naman kung nangungulila ka sa nanay mo ay maaari mo naman akong yakapin. Maaari kang mag kwento sa akin,” malumanay sa sabi ni Nana at inalis ang pagkakayap niya sa akin.

"Baka naman nasobrahan lang sa pagpapatawa yan Nana. Bakit ba kasi kiniliti ni Bicky yan kahapon, eh." biglang sabat ni kuya nang pabiro.

Napatawa naman ako ng kaunti kahit pa may luha sa pisngi ko. Marahil hindi na naman maipinta ang mukha ko ngayon. Minsan talaga ay nagbibiro si Kuya sa mga ganitong sitwasyon. Alam niya kasi'ng madaling pagaanin ang loob ko, na kahit ang luha ko ay umuurong kapag may narinig akong nakakatawa.

"Ano akala mo sa'kin kuya? Batang naiihi pag nasobrahan ng tawa?" banat ko din sa kanya ng pabiro habang nanginginig ang labi.

"Oo, kaso yung mata mo nga lang ang umiihi," aniya at tumawa ng napakalakas.

Unti-unti ay naibsan ang kalungkutan sa amin kaya naman ay suminghap si Nana at tinapik ang likod ko.

"Hay naku. Oh siya sige, tama na ang iyak at mag ayos ka na ng iyong sarili. Ikaw naman Abner tigilan mo na pang aasar mo kay Aerynne at baka umiyak lang lalo 'yan." Bumitaw si Nana sa yakap at pinahid ang aking luha.

Bahagya akong tinapik ni kuya Abner sa balikat at tumatawa-tawa pa. Mabilis nawawala ang negatibong pag-iisip ko sa tuwing nagbibiro siya.

"Aba'y tigil ka na sa kaka-iyak mo dyan Ryn, nagmumukha ka nang bruha. Di ka pa naman maganda," pagbibiro niya pa ulit at sa pagkakataong ito ay ginugulo ang buhok ko.

Kakaiba ang accent niya sa pagsasalita dahil nga ay Ilonggo siya. Marahil iyon ang dahilan kaya ako natatawa sakaniya.

"Kuya naman, e. Paanong hindi mag mumukhang bruha kung ginugulo mo lalo ang buhok ko? At tsaka maganda ako, di lang ako nag aayos," sagot ko sakanya. 

Piningot niya ang ilong ko at pabiro akong sinampal.

"Aysus naman talaga 'tong batang to, oh. Edi mag ayos ka, di ka naman namin pinipigilan." 

Nginiwian ko lang siya. Inayos niya naman ulit ang buhok ko at ngumiti sa akin ng napakalaki.

"Salamat kuya," niyakap ko si kuya Abner at pinisil niya naman ang pisngi ko bago pumasok sa aking silid.

Atleast, I have them.

Related chapters

  • Prowess In Love   Chapter 2

    Ang lungkot ko ay naroon pa rin, ngunit hindi ko na masyadong pinansin pa. Sanay na sanay sila sa pagpapa-gaan ng loob ko kaya kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila ko kay Ina.Dali-dali na akong naligo at nag bihis dahil ngayon ang unang araw ng enrollment, at gusto kong mauna ako para fix ang schedule ko. Second year college na ako sa kursong Business Administration. Hindi iyan ang kursong gusto ni Ina sa akin, pero wala akong magawa sapagkat si Daddy ang pumili nun. Hindi naman niya ata ako pinilit, sadyang nahihiya lang akong mag reklamo. Isa pa ay, sabi ni mommy na para naman daw mapakinabangan ako ng kahit kaunti.Saglit akong umupo sa aking kama. Winawagayway ko pa ang aking paa na para bang nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Pero ang totoo ay nag iisip ako— nag iisip ako kung ano ang mangyayari kung babalik si ina. Kung babawiin niya ba ako o kung ipapaubaya niya ako sa umampon sa akin. Kung magiging masaya ba kami sa pagki

    Last Updated : 2021-09-12
  • Prowess In Love   Chapter 3

    Enrollment pa lang ay hindi na madali para sa akin, sobra kung makatitig sa akin ang mga kapwa ko estudyante na wari ba ay kikitilan nila ako ng buhay. Hindi man ako nakatingin sa kanila ay ramdam ko naman ang mga titig nila. Paano pa kaya kapag tuluyan na ngang magsimula ang klase, paniguradong mas lalong mapapahamak ako. Marahil ngayon ay nagpipigil pa sila kasi kapag may kaguluhang mangyayari ngayon paniguradong hindi sila papayagan pa na pumasok dito. "We're almost done, Aerynne," Bulong ko sa sarili ko nang kahit papaano ay lumakas naman ang loob ko. Ang kaninang mga lalaking kumausap sa akin ay naging matunog. Kahit saang parte ng campus ay sila ang usapan, ngunit kahit ganun ay hindi ko parin alam ang pangalan nila. Ang alam ko lang ay galing silang America pero lumaki sila dito. Hindi rin nawala sa usapan nila ang pakikipag-usap sa akin ng dalawang yun, and it's giving me goosebumps. Sa ngayon ay nasa ika-a

    Last Updated : 2021-09-12
  • Prowess In Love   Chapter 4

    Lumipas ang ilang linggo na wala akong ginawa kundi makipag-kulitan kina Nana Luz, tinutulungan ko din sila sa paglilinis ng mansyon. Hindi din nawala ang tawanan namin lalo na habang tinuturuan ako ni Nana kung paano mag luto ng iba't-ibang putahe. Naging masigla ako dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang pasayahin ang isa't-isa. Sa mga nagdaang linggong yun ay hindi ko na napa-panaginipan o naaalala ang masasakit na alala namin ni ina ng magkasama. Oo, namimiss ko siya pero hindi na ulit ako umabot sa puntong iiyak ng parang walang katapusan. Marahil dahil sa araw-araw aking masaya kasama sila Nana. Kasalukuyan akong naghahanda ngayon dahil pupunta kami ng mall para mamili ng gamit ko sa paaralan. Isasama ko silang tatlo dahil ayaw ko namang mag isa lang akong umiikot sa mall. Isinukbit ko ang aking sling bag sa aking balikat at tiningnan kung naroon na ang aking pitaka at kung dala ko ang cellphone at credit card na b

    Last Updated : 2021-10-15
  • Prowess In Love   Chapter 5

    "Uwiiiiieh, salamat talaga Ryn at nakapagrelax kami kahit kaunti," maligayang sabi niya,Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha kahit na wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang bumili ng mga gamit ko sa paaralan at libutin ang mall kahit wala namang planong bilhin, maliban sa mga iyon.Nanood nalang din kami ng palabas kahit ayaw ni Nana kasi sayang lang daw sa oras."Salamat din sa inyo ate, Nana at kuya Abner. Alam kong may ginagawa kayong trabaho pero sinamahan parin ninyo ako rito." Saad ko ng hindi naaalis ang magandang ngiti sa aking mga labiSobrang dami ng ginagawa nila sa bahay kaya naman habang malaya sila at wala ang among nagpapasahod sa kanila naisipan kong isama sila sa aking pamimili nang makapag relax naman sila kahit papaano."Nako 'day, kahit nanakit ang paa ko kakalakad ay masaya ako. Sa edad kong ito at sa estado ko sa bu

    Last Updated : 2021-10-15
  • Prowess In Love   Chapter 6

    Naging mapayapa na ang pagtulog ko gabi-gabi nang dahil sa nangyari noong nakaraan, kung kaya'y maging sa pagkagising ko ay may napakagandang ngiti sa aking labi. Hindi ko maitago ang saya kaya naman ang lahat ng tao sa bahay ay hindi maiwasang mahawa sa akin.Kasalukuyan kaming nagdidilig ng mga halaman ni ate Bicky sa likod bahay, samantalang nag sasampay naman si Nana ng mga nilabahan niya."Ano ba naman yan Aerynne ayusin mo nga yan, binabasa mo'ko e," singhal ni ate sa akin.Naipilig ko naman ang ulo ko sa kanya ng may pagtataka. Basang-basa na ang mukha at damit niya."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." Paghingi ko ng pasensya habang ibinababa ang hose na hawak ko."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." panggagaya niya sa akin habang ngumingiwi pa."Kanina pa kaya kita tinatawag, tingnan mo yang halaman o nalulunod na sa s

    Last Updated : 2021-10-16
  • Prowess In Love   Chapter 7

    "Are you ready for school Aerynne?" Nagitla ako sa biglaang pagtanong ni mommy. Nandito kami ngayon sa hapagkainan, pinagsasaluhan ang pagkaing pinagtulungan naming lutuin kanina nina Nana at ate Bicky. "Ah opo mom, hinihintay ko na lamang po ang araw ng pasukan. Handa na lahat ng gamit ko maging ang mga librong siyang reperensyang gagamitin ng propesor namin." Naiilang na paliwanag ko. May ilang araw nari'ng maganda ang pakikitungo sa akin ni mommy, ngunit minsan ay hindi ko parin maiiwasang mailang at magtaka sa kanyang biglaang pagbabago. "Ahm. Didn't I told you not to speak straight tagalog, and urgh it sound so old fashion." Saad niya na parang nandidiri sa pamamaraan ko ng pagsasalita. Hindi naman sa hindi ako marunong sa paraan ng pananalita nila ngunit hindi lang talaga ako sanay sa ganoong paraan, lalo na't sa mga taong pananaliti ko dito ay hindi naman kami ma

    Last Updated : 2021-10-17
  • Prowess In Love   Chapter 8

    "Wuaaah, Ajah? Uy ikaw nga Ajah. Akala ko di na kita makikita." Nahugot ko ang hininga ko nang bigla akong yakapin ni Jayron ng mahigpin. "A-ah J-jayron, C-can't Breathe." Nauutal na sabi ko. "Ay hala sorry, naku. Walang hiya ka talaga Jayron." Sabi niya at ang ikinabihla ko ay nang bigla niyang batukan ang sarili niya. "Mag kakilala kayo?" Nahimigan ko agad ang pagtataka sa tinig ni Leizle. "Ay oo pangit, siya yung sinabi ko sayo nung nakaraan na kabisado ang buong campus kahit nakayuko lang." Sabi niya at tumawa. "Ay siya ba yun, Ajah ka kasi ng Ajah e Aerynne naman pangalan niya." Natawa ako kay Leizle dahil sa biglang pag suntok niya sa balikat ni Jayron. "Eh, kasi yung weirdo mong pinsan bigla nalang siyang tinawag na Ajah, kaya ayun Ajah na din tawag ko sakanya." "Pinsan mo din yun, gago. Pero ta

    Last Updated : 2021-10-18
  • Prowess In Love   Chapter 9

    "Yah! Aerynne, halika na nandito na tayo." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko si Liezle."A-ahh Oo, salamat Liezle ah."Naiilang parin ako sakanya. Hindi ko parin magawang magsalita ng komportable."Ano ka ba wala yun, ano ka ba?" Natatawang niyang ani at binuksan ang kotse.Lalakad na sana ako habang dala ang mga pinamili ko nang bigla na lang din bumukas ang kotseng nasa unahan namin. Kotse yun ni Jayron at Venrick."Kami na niyan Jah."Gaya ng unang pagkakilala ko sa kanya ay magiliw parin ang pamamaraan ng pananalita niya.Hindi ko sana planong ilahad sa kanila ang mga dala ko pero bigla nalang iyong hinablot ni Ven sa akin."K-kaya ko na. Salamat." Nailang ako lalo dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko kanina."Ano ka ba naman Aerynne. Sige na sila na pagdalhin mo

    Last Updated : 2021-10-19

Latest chapter

  • Prowess In Love   Chapter 21

    Venrick and I was left alone in the gazebo. Wala kaming ibang pinag usapan kung hindi ang pageant na darating, he even listen to my answers to the possible questions given to us. Kain, usap, at cellpone lang inatupag namin hanggang sa mag alas 2. We planned to watch a theater show dahil wala pa siyang balak umuwi. Nang nasa pila na kami ng show ay nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya napahawak si Venrick sa siko ko."You okay, Jah?" Tumango ako sakanya. Hindi na ako nagabala pang magsalita. Eunice. Aside from Andrea, I have Eunice. She's one of the bullied student before but she ended up being Aria's friend, I suppose. Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang ngumiti at kumaway siya sa akin. Hindi ko siya nakita simula noong natigil ang gulo sa pagitan namin ni Aria. Maging si Aria ay hindi narin masyadong nagagawi sa amin kahit magkatabi lang ang building ng Business Administration sa Tourism. "Aerynne!" Tawag sa akin ni Eunice dahilan para manginig ako. Marahan kong nilingon

  • Prowess In Love   Chapter 20

    "Daebak"Tahimik kaming nagkatinginan ni Zel tsaka sabay tumawa ng malakas."Ah, jinjja?" Pakikipagpalitan ng salita ni Liezle kay Jayron.Mukhang nabaliw na nga ata sa korean drama si Jayron. Simula noong semestral break ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag k-drama. Busy si Ven sa companya nila tapos Liezle ay sinulit ang bakasyon at tumanggap ng maraming project. Nasa States naman ako kaya naisipan kong mag suggest ng k-drama sakaniya para naman may pagka-busy-han siya. "Kambaliw? Ew nakakadiri.""Kambaliw? Sira na ata utak mo, dalawa lang kami kaya kambal lang, pero kung magsusuot ka din neto, baka pwede pang kambaliw. Ako si Kam, si Jah naman si Bal tapos ikaw si Liw. Nakakadiri utak mo parang kasing laki lang ng kulangot ko.""Shut up Liezle. We are eating. Umupo na kayong dalawa." That was Commander Ven."aye aye captain. "I finished my food at nauna na ngang tumayo si Venrick. Nagpaalam na kami kina Nana at tsaka umalis. We are using Jayron's car this time kaya siya ang m

  • Prowess In Love   Chapter 19

    "I'm sorry, I was just jealous." His words makes me uneasy all day. Halos hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari sa school at halos wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod nang sumunod sakaniya.We weren't talking though, minsan lang kapag inaaya niya akong libutin ang mga booth. Mas lalo lang nakakailang dahil sa biglang pagkawala ni Jayron at Liezle."Malapit na mag uwian. Di mo parin ba ako kakausapin?""H-ha? Ah...""May mali ba akong nasabi?""W-wala naman. A-ano kasi, V-ven... ""You're stammering again."Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya. Sino ba namang hindi mauutal."I said, I was jealous Ajah!" Napaigtad ako dahil sa diin ng pagkakasabi niya."B-bakit?""Really? Tinatanong mo?""H-ha? Ano ba V-venrick." Dapa

  • Prowess In Love   Chapter 18

    "Ready yourself, the parade will start anytime soon." Anunsyo ng department head namin.Nasa field na kaming lahat ngayon and we were lined up according to our course kaya malayo kami kina Jayron at Venrick.Speaking of Ven, hindi niya parin ako kinakausap ng matino simula noong friday. Liezle said, he was jealous of Rhed but I discarded that thought. Sino ba naman kasi ako diba?Kung hindi nga lang siguro dahil kay Jayron at Liezle ay hindi na niya ako kakausapin. His coldness isn't like before kasi sa pagkakataong ito ay mas malala pa.We are supposed to have dinner on their house last night pero hindi natuloy dahil ayaw niya daw muna ng maingay. Kaya ayun, pati si Zel ay nagtatampo narin sakaniya."Dae, ready ka na mainitan? Gagi, buti pala tinanggap ko yung project with Cammi, kung hindi baka sobrang gaspang ko after this parade." Hinahaplos-haplos niya yung balat niya na para bang mayroon

  • Prowess In Love   Chapter 17

    "Left, right, left, right, turn, pose" Nasa kalagitnaan kami rehearsal at ang tunog lang ng pinapalakpak na kamay ng instructor ang naririnig. Unlike the first and second, this rehearsal is kinda intense. Maging ang mga kaunting estudyanteng nanonood ay hindi magawang mag-ingay at i-cheer ang kandidato nila. This is also the first rehearsal that both girls and boys candidates were in one stage- partnering. Sa mga nakaraang rehearsal kasi ay pinaghiwalay kami para maituro sa amin ng maayos ang takbo ang pageant. It's weird but I admit, mas napadali ang lahat. Ang instructor ay naka focus lang sa isang pag tuturo. It's somehow frustrating lalo na at dito nalang kami naka focus unlike other students na wala nang ginawa kundi ang maglibit sa kabuoan ng school. Pero okay lang naman, gabi na kami nakakauwi kung minsan kaya nasisilayan parin namin ang light decorations ng mga booth. "Next, BA.

  • Prowess In Love   Chapter 16

    "Good day CBA students. We apologize for this sudden departmental meeting. Today we'll discuss things regarding the anniversary celebration of our school."Rinig na rinig sa buong gym ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Lahat ay may tuwa sa mukha dahil sa nasabing pag-uusapan."We already sort things out, but the sudden changes of administration occur. May mga programs na idadagdag, may mga partisipanteng papalitan. We decide not to announce this room to room or thru messages dahil alam naming marami ang hindi makikipagkaisa." Sabi ng department head namin.Grabe! Dapat sinabi nalang ng Director na bababa siya sa pwesto niya para hindi na uulit-ulitin ang mga nabuong programa. Sa totoo lang ay gahol kami sa oras, papasok na naman ang midterm tatlong linggo mula ngayon, kaya paniguradong oagkatapos ng foundation week ay papatayin na naman kami sa napakaraming paper works."We need ano

  • Prowess In Love   Chapter 15

    Third Person's Point of View"They already met, Madam." Sabi ng lalaki habang nakayuko.Napaka-seryoso ng mukha ng babae, ngunit nababakasan ng pangungulila dahil sa malungkot na kislap ng kaniyang mga mata."Okay, don't let him caught you. You're dismissed." Aniya at tumayoNang makalabas ito ay agad siyang pumunta sa couch at umupo roon habang niyayakap ang sarili. Kung kanina ay seryoso ito, ngayon naman ay nanlulupaypay at nagsituluan ang mga luha sa mata."Kaunting panahon nalang Ajah ko, kaunting panahon nalang. Patawad kung ngayon lang ako." Umiiyak niyang saad habang patuloy na hinahagod ang sariling mga braso.She missed her so much, walang araw na hindi siya nangulila sa anak niya. Subalit, dahil sa mga pangyayari sa buhay niya ag hindi niya magawang balikan ang nag-iisang dahilan kung bakit siya lumalaban. Ang kaniyang anak.

  • Prowess In Love   Chapter 14

    Sa mga nagdaang araw na kasama ko sila ay naging masaya ako. Hindi man kasing saya noong kasama ko pa si Ina, ay sapat na rin naman para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko noong panahong walang-wala ako.Mayroong mga lumalapit sa amin para makipag-kaibigan pero hindi rin nagtatagal ay umaalis, napaka baliw kasi ni Liezle, sobrang sarkastiko kung magsalita halatang ayaw niya sa tao.Noong nakaraang araw nga ay lumapit sa amin na lalaki para makipag grupo sa amin sa isang activity namin sa major subject, tinarayan niya lang at sinabing ayaw ng pinsan niya na may umaaligid sa aming ibang lalaki. Natawa naman ako dahil napaka protektibo niya nga, natatakot siyang tumanggap ng bagong kaibigan at baka 'yon pa ang mismong mam-bully sa akin."Hala, wala na ata tayong mapipiling ka-grupo Jah. Bawal pa naman daw na kulang ang member." Para siyang baliw na sinasapak ang legs niya habang sinasabi 'yon.

  • Prowess In Love   Chapter 13

    Lumipas ang apat na oras na klase ng mabilis. Sa pagkakataong ito ay uuwi kami agad. Wala ng kailangan pang asikasuhing group tasks at wala din balak gumala si Liezle kaya naman ay mananatili lang kami ngayon sa bahay nila.Wala si tita Alex kaya naman libre kaming mag ingay sakanila. Pero hindi ako komportable, bagaman ay maituturing ko na silang kaibigan ay naiilang parin akong pumunta sa bahay nila. Sinabi ko na man nang sa bahay nalang kami total ay ayos lang naman sa parents ko pero ayaw niya, sa bahay naman daw nila kami mag hasik ng lagim.Lagim talagaMinsan ay naiinggit ako sa pagiging carefree niya, kanina nga habang nasa gitna ng klase ay hindi ko na natiis at tinanong ko na nga siya kung paano niya nagagawa ang gano'n.Ngayon narito kami sa sasakyan ni Liezle, hinihintay naming matapos ang klase nila Jayron at Venrick kasi hanggang ala una pa sila."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status