Home / All / Prowess In Love / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: ladynie_
last update Last Updated: 2021-09-12 11:06:55

Ang lungkot ko ay naroon pa rin, ngunit hindi ko na masyadong pinansin pa. Sanay na sanay sila sa pagpapa-gaan ng loob ko kaya kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila ko kay Ina.

Dali-dali na akong naligo at nag bihis dahil ngayon ang unang araw ng enrollment, at gusto kong mauna ako para fix ang schedule ko. Second year college na ako sa kursong Business Administration. Hindi iyan ang kursong gusto ni Ina sa akin, pero wala akong magawa sapagkat si Daddy ang pumili nun. Hindi naman niya ata ako pinilit, sadyang nahihiya lang akong mag reklamo. Isa pa ay, sabi ni mommy na para naman daw mapakinabangan ako ng kahit kaunti.

Saglit akong umupo sa aking kama. Winawagayway ko pa ang aking paa na para bang nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Pero ang totoo ay nag iisip ako— nag iisip ako kung ano ang mangyayari kung babalik si ina. Kung babawiin niya ba ako o kung ipapaubaya niya ako sa umampon sa akin. Kung magiging masaya ba kami sa pagkikita namin. Kung kilala pa ba namin ang isat-isa o hindi na. Sa mga ganitong sitwasyon ay kung ano-ano nalang ang iniisip ko pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko dahil sa murang edad ko ay nalayo ako sa piling ng nag-iisang pamilya ko. 

Nalulungkot man ay tumayo ako. Muling sinipat ang sarili ko sa salamin at nakangiting lumabas ng kwarto. Dapat ay makuntento ako sa kung anong meron ako ngayon. Dapat hindi ko ipakita sa kanila na malungkot parin ako habang sinisikap nilang pasayahin ako.

Pagkababa ko ay nakahanda na ang pagkain sa hapag kaya naman ay kumain na ako ng mag isa. Wala kasi sina mommy at daddy ngayon dahil may business trip sila sa Singapore. Maya-maya pa ay dumungaw sila Nana sa pinto kaya inaya ko na sila.

"Nana Luz, Ate Bicky sabay na po tayong kumain. Nakakabagot naman mag-isa dito." 

"Ay, naku wag na po ma'am Aerynne, mamaya na lang po kami." Pagtanggi ni ate Bicky

"Ate naman e, diba sabi ko wag ninyo 'ko tawaging ma'am pag tayo tayo lang? Sige na po Nana halina kayo, di ako kakain kung di kayo sasabay." 

"Hay naku naman Aerynne, tigilan mo na kaka-drama mo diyan at kumain ka na."

Ngumuso ako kay Nana at tumingin kay Ate Bicky.

"Halika na ate, sabayan mo na 'ko."

"Tigas talaga ng bunbunan nitong ni Aerynne, Nana,"

"Umupo ka nalang diyan Bicky at sabayan mo yan. Nakakalito talaga ang mood ng batang iyan." Reklamo pa ni Nana na ikinatawa ko ng bahagya.

"Oo nga Na, minsan gusto ko na siyang ipahatid sa Mental, eh."

"Hoy, ate grabe ka naman. Hindi ba pwedeng nangungulila lang ako?" mahinang sabi ko.

"Ganern? Akala ko trip mo lang, eh. Charot." Natatawang sabi niya. Hindi ko maintindihan kung peace-sign ba ang ginawa niya o quotation sign.

Nginiwian ko lang siya at ‘tsaka tumingin kay Nana Luz.

"Sama ka na rin Nana, tatawagin ko po si kuya Abner para sabay na tayong lahat."

Umiling si Nana at lalakad na sana nang nagpanggap akong ibababa ang aking kutsara at tinidor kaya naman ay nagsi-upuan na sila sa aking tapat. Napatawa na lamang ako nang kaunti sa mabilis niyang pagtugon. Sakanila lang ako nagkakaganito dahil sila lang naman ang maituturing kong kaibigan. Minsan nga kapag sila ang kasama ko ay naninibago ako sa sarili ko, ngunit mas nangingibabaw parin ang kasiyahan. Ganito ako noong bata pa ako, magiliw at nakakasabay sa mga matatanda. I can act freely whenever I'm with them.

"KUYA ABNEEEER!" pagtawag ko kay kuya nang tumatawa, batid kong nagmamadali na iyon ngayon.

"KUYA ABNER, ANO BA!" humagikhik kami ni ate Bicky nang marinig namin ang mabibilis na hakbang ni kuya Abner mula sa grahe.

"Ano nanaman Ryn, Diyos ko naman talaga oh, aatakihin ako sa 'yo kakamadali, e." Pag rereklamo nito at kinamot pa ang kanyang mukha na lalong nagpatawa sa amin.

"Ay ang gwapo naman." Saad ni ate Bicky na ikinalakas ng tawa namin lalo na dahil sa kakaibang boses na ginamit ni ate Bicky.

"Aba'y Abner, tumungo ka nga muna sa may gripo at hugasan mo iyang mukha mo." Tumatawa ding pag- uutos ni Nana Luz sa kaniya.

Nalilito namang tumingin sa amin si kuya kaya mas tumawa kami ni Ate Bicky.

"Kasi kuya ano—,"

"H'wag mo sabihin Aerynne." Pag putol ni ate Bicky sa sasabihin ko

"Aseite kuya." 

Maikling sabi ko at iminiwestra ko sakanya ang bahagi ng kaniyang mukha na may aseite at sabay ulit namin siyang tinawanan.

"Sabing h'wag sabihin, e." Kunwaring pagrereklamo ni ate.

"Ooops, wag mo kakamutin ulo mo at bilisan mo nang maghilamos at kakain na tayo. Hindi pwedeng paghintayin ang pagkain." Ani ni Nana na para siyang binubugaw. napatakbo naman si kuya Abner sa may gripo. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si kuya Abner na malinis na ang mukha.

"Oh, siya magsikain na tayo at nang makaalis na itong si Aerynne." 

Kumain kaming may ngiti sa labi at kung minsan ay nagtatawanan pa. Masaya ako dahil kahit minsan lang ay nararanasan kong tumawa dahil sa kanila.

"Ryn, wag ka kaya maging manang this year? Ano bet mo?" Saad ni Ate nang minsang natahimik kami.

"Aba ay maganda yan Bicks. Mas matanda pa tingnan 'tong si Aerynne kaysa kay Nana e." Sinamaan ko ng tingin si kuya Abner. Sasabat pa sana ako pero nasaway na kami ni Nana.

Nginiwian ko lang sila. Nakahiligan kong ngumiwi dahil kay ate Bicky, lagi kasi siyang nakaganito kapagka inaasar siya ni kuya Abner.

Nasa beynte tres pa lamang si ate Bicky habang si kuya Abner naman ay nasa kaniyang beynte syete taon na. Bago pa lamang sila dito, hindi kagaya ni Nana Luz na sa palagay ko'y lampas dalawang dekada ng namamasukan dito, mula pa sa mga magulang ni daddy.

Simula nang dumating ako dito ay sila na ang naging kaibigan at kalaro ko. Sila ang unang nakaalam ng kwento ng buhay ko at lagi nilang iniisip ang kapakanan ko. Pinapatawa nila ako dahil alam nilang sa panahong nakauwi na ang aking mommy't daddy ay pighati na naman ang mararamdaman ko.

"Aba'y tumutunganga ka nanaman diyan Aerynne, naku, magmadali ka at nang hindi ka abutin ng hapon doon." Paninirmon ni nana sa akin.

Binilisan ko naman ang kilos ko dahil kapag nag sermon si Nana walang amo at trabahante, lahat pantay. Minsan nga ay narinig ko siyang pinapagalitan si daddy. Nang matapos akong kumain ay dali-dali akong tumayo at nag pahid ng mukha.

"Oh halika na," pag anyaya sa akin ni kuya Abner sabay dampot sa aking mamahaling bag.

Mamaya pagkaalis ko'y balik na naman sa normal ang lahat. Ang tahimik at inaaping ako. Nasa sasakyan na kami ay hindi na ako kinausap pa ni kuya, pero batid ko ang pag sulyap sulyap niya sa akin. Gusto niya akong kausapin pero nahihirapan siyang mag bukas ng usapin, marahil ay nagsisimula nanamang malungkot ang aking mukha.

Nang nakarating kami ay dali-daling lumabas sa Driver's seat si kuya para pagbuksan ako.

"Mag ingat ka Ryn, ha, at tsaka tawagan mo ako kung malapit ka nang matapos nang mabalikan kita agad." Sabi ni kuya habang pinag bubuksan ako ng pinto.

"Oo na po prinsesa, Ajah," aniya at tumawa.

Bahagyang nagsitayuan ang balahibo ko. Ajah. Pangalan kong dati ay si ina lang ang nakaka alam. Unti-unti ay gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi pero bago yun makita ni kuya Abner ay patalikod akong kumaway

"Bahala ka na nga diyan, bye ingat po,” ani kong may pabirong tono.

Hindi ko na ulit siya nilingon pa.

Sa bawat hakbang ko papasok ay mabilis na tumitibok ang aking puso, ang aking mga binti ay kusang nanginginig at batid kong ang aking mukha ay makikitaan na ng pagkatakot, kaya naman ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng nakayuko ang ulo. Memoryado ko ang paikot-ikot sa campus kahit nakayuko lamang ako 'pagkat sa araw araw na pag lakad ko dito ang lupa lamang ang tinitingnan ko.

Mas lalong lumala ang aking kaba nang marinig ko na ang boses ng mga estudyanteng nagkalat sa kahit saang bahagi ng paaralan. May nag sisigawan at nag tatawanan na wari ba ay ako ang pinag uusapan. May pakunwaring nag aaway kasunod ang malakas na pagkalabog ng hinampas na upuan.

Binilisan ko ang aking paglakad upang mabilis na makarating sa pila ng mga estudyanteng kabilang sa aking departamento. Nang tuluyan na akong makarating ay inangat kong kaunti ang aking ulo at inayos ang pagkakalagay ng aking salamin. 

Marami na ang nakapila, mukhang matatagalan ata ako. Bahagya kong tiningnan ang relo ko. Baka abutin ako ng tanghali rito.

Nabigla ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"What the heck, dre mag ingat ka naman," asik ng isang lalaki

"Bobo mo kasi dre, tanungin mo na kasi kung tama ba 'tong pinaglinyahan natin," pagalit namang ani ng isa pang lalaki.

Sunod-sunod pa ang naging sagutan nila. Napayuko ako lalo dahil marami na naman naka tingin sa gawin namin ngayon.

Ang ingay nila, baka makilala ako ng ibang estudyante dito. Mas lalo kong iniyuko ang aking ulo sa takot na may makapansin sa akin at pag pyestahan nanaman ako.

"Psst. Miss, uy. Hahaha," saad ng isa.

"Dre, ayaw mamansin e." 

"Ask her again." Aning isang striktong boses.

"Hello? Pwede mag tanong?" 

Gusto ko sanang lumingon pero sa takot na gagawing katuwaan lang ako ay hindi ko n lang sila pinansin at nanatiling walang kibo.

"Uy miss, ito ba ang linya ng engineering department?" Sabi ng isa sa mga lalaking nasa likod ko habang patuloy akong kinakalabit.

Unti-unti ay pinilig ko ang aking ulo sa kanilang gawi.

"No, this line is for Business Administration sir." Mahinang sabi ko

"Oh- ha? Okay, thankyou. May I know your name please?" Buti at narinig niya.

"Ang pormal pre, hahaha," bulong niya sa kasama niya pero rinig ko.

Bahagya kong itinaas ang mukha ko pero di ko parin magawang tingnan siya. Instead of giving him my name ay itinuro ko kung saan banda ang linya ng Engineering sabay balik ng aking mga mata sa tiles. Batid kong sa kanilang pag kausap sa akin ay isang panibagong laro ang mabubuksan. Laro kung saan ako mismo ang laruan. Katuwaang ako ang dahilan. 

"Breathe, Aerynne," pag papa-alaala ko sa sarili ko.

Nakakatawang isipin kasi bakit sila sa akin naghahanap ng kasiyahan kung ako nga mismo ay hindi alam kung paano pasayahin ang sarili ko. Nakakatawang sa tulad ko pang walang lakas para makipag katuwaan sa kanila. Hindi ko man lang magawang umasa dahil wala namang dapat asahan. Ako lang din ang ma-aagrabyado kung ganun. I smile weakly and still looking at the ground. 

"Let's not participate on their game this year Aerynne." 

Related chapters

  • Prowess In Love   Chapter 3

    Enrollment pa lang ay hindi na madali para sa akin, sobra kung makatitig sa akin ang mga kapwa ko estudyante na wari ba ay kikitilan nila ako ng buhay. Hindi man ako nakatingin sa kanila ay ramdam ko naman ang mga titig nila. Paano pa kaya kapag tuluyan na ngang magsimula ang klase, paniguradong mas lalong mapapahamak ako. Marahil ngayon ay nagpipigil pa sila kasi kapag may kaguluhang mangyayari ngayon paniguradong hindi sila papayagan pa na pumasok dito. "We're almost done, Aerynne," Bulong ko sa sarili ko nang kahit papaano ay lumakas naman ang loob ko. Ang kaninang mga lalaking kumausap sa akin ay naging matunog. Kahit saang parte ng campus ay sila ang usapan, ngunit kahit ganun ay hindi ko parin alam ang pangalan nila. Ang alam ko lang ay galing silang America pero lumaki sila dito. Hindi rin nawala sa usapan nila ang pakikipag-usap sa akin ng dalawang yun, and it's giving me goosebumps. Sa ngayon ay nasa ika-a

    Last Updated : 2021-09-12
  • Prowess In Love   Chapter 4

    Lumipas ang ilang linggo na wala akong ginawa kundi makipag-kulitan kina Nana Luz, tinutulungan ko din sila sa paglilinis ng mansyon. Hindi din nawala ang tawanan namin lalo na habang tinuturuan ako ni Nana kung paano mag luto ng iba't-ibang putahe. Naging masigla ako dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang pasayahin ang isa't-isa. Sa mga nagdaang linggong yun ay hindi ko na napa-panaginipan o naaalala ang masasakit na alala namin ni ina ng magkasama. Oo, namimiss ko siya pero hindi na ulit ako umabot sa puntong iiyak ng parang walang katapusan. Marahil dahil sa araw-araw aking masaya kasama sila Nana. Kasalukuyan akong naghahanda ngayon dahil pupunta kami ng mall para mamili ng gamit ko sa paaralan. Isasama ko silang tatlo dahil ayaw ko namang mag isa lang akong umiikot sa mall. Isinukbit ko ang aking sling bag sa aking balikat at tiningnan kung naroon na ang aking pitaka at kung dala ko ang cellphone at credit card na b

    Last Updated : 2021-10-15
  • Prowess In Love   Chapter 5

    "Uwiiiiieh, salamat talaga Ryn at nakapagrelax kami kahit kaunti," maligayang sabi niya,Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha kahit na wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang bumili ng mga gamit ko sa paaralan at libutin ang mall kahit wala namang planong bilhin, maliban sa mga iyon.Nanood nalang din kami ng palabas kahit ayaw ni Nana kasi sayang lang daw sa oras."Salamat din sa inyo ate, Nana at kuya Abner. Alam kong may ginagawa kayong trabaho pero sinamahan parin ninyo ako rito." Saad ko ng hindi naaalis ang magandang ngiti sa aking mga labiSobrang dami ng ginagawa nila sa bahay kaya naman habang malaya sila at wala ang among nagpapasahod sa kanila naisipan kong isama sila sa aking pamimili nang makapag relax naman sila kahit papaano."Nako 'day, kahit nanakit ang paa ko kakalakad ay masaya ako. Sa edad kong ito at sa estado ko sa bu

    Last Updated : 2021-10-15
  • Prowess In Love   Chapter 6

    Naging mapayapa na ang pagtulog ko gabi-gabi nang dahil sa nangyari noong nakaraan, kung kaya'y maging sa pagkagising ko ay may napakagandang ngiti sa aking labi. Hindi ko maitago ang saya kaya naman ang lahat ng tao sa bahay ay hindi maiwasang mahawa sa akin.Kasalukuyan kaming nagdidilig ng mga halaman ni ate Bicky sa likod bahay, samantalang nag sasampay naman si Nana ng mga nilabahan niya."Ano ba naman yan Aerynne ayusin mo nga yan, binabasa mo'ko e," singhal ni ate sa akin.Naipilig ko naman ang ulo ko sa kanya ng may pagtataka. Basang-basa na ang mukha at damit niya."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." Paghingi ko ng pasensya habang ibinababa ang hose na hawak ko."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." panggagaya niya sa akin habang ngumingiwi pa."Kanina pa kaya kita tinatawag, tingnan mo yang halaman o nalulunod na sa s

    Last Updated : 2021-10-16
  • Prowess In Love   Chapter 7

    "Are you ready for school Aerynne?" Nagitla ako sa biglaang pagtanong ni mommy. Nandito kami ngayon sa hapagkainan, pinagsasaluhan ang pagkaing pinagtulungan naming lutuin kanina nina Nana at ate Bicky. "Ah opo mom, hinihintay ko na lamang po ang araw ng pasukan. Handa na lahat ng gamit ko maging ang mga librong siyang reperensyang gagamitin ng propesor namin." Naiilang na paliwanag ko. May ilang araw nari'ng maganda ang pakikitungo sa akin ni mommy, ngunit minsan ay hindi ko parin maiiwasang mailang at magtaka sa kanyang biglaang pagbabago. "Ahm. Didn't I told you not to speak straight tagalog, and urgh it sound so old fashion." Saad niya na parang nandidiri sa pamamaraan ko ng pagsasalita. Hindi naman sa hindi ako marunong sa paraan ng pananalita nila ngunit hindi lang talaga ako sanay sa ganoong paraan, lalo na't sa mga taong pananaliti ko dito ay hindi naman kami ma

    Last Updated : 2021-10-17
  • Prowess In Love   Chapter 8

    "Wuaaah, Ajah? Uy ikaw nga Ajah. Akala ko di na kita makikita." Nahugot ko ang hininga ko nang bigla akong yakapin ni Jayron ng mahigpin. "A-ah J-jayron, C-can't Breathe." Nauutal na sabi ko. "Ay hala sorry, naku. Walang hiya ka talaga Jayron." Sabi niya at ang ikinabihla ko ay nang bigla niyang batukan ang sarili niya. "Mag kakilala kayo?" Nahimigan ko agad ang pagtataka sa tinig ni Leizle. "Ay oo pangit, siya yung sinabi ko sayo nung nakaraan na kabisado ang buong campus kahit nakayuko lang." Sabi niya at tumawa. "Ay siya ba yun, Ajah ka kasi ng Ajah e Aerynne naman pangalan niya." Natawa ako kay Leizle dahil sa biglang pag suntok niya sa balikat ni Jayron. "Eh, kasi yung weirdo mong pinsan bigla nalang siyang tinawag na Ajah, kaya ayun Ajah na din tawag ko sakanya." "Pinsan mo din yun, gago. Pero ta

    Last Updated : 2021-10-18
  • Prowess In Love   Chapter 9

    "Yah! Aerynne, halika na nandito na tayo." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko si Liezle."A-ahh Oo, salamat Liezle ah."Naiilang parin ako sakanya. Hindi ko parin magawang magsalita ng komportable."Ano ka ba wala yun, ano ka ba?" Natatawang niyang ani at binuksan ang kotse.Lalakad na sana ako habang dala ang mga pinamili ko nang bigla na lang din bumukas ang kotseng nasa unahan namin. Kotse yun ni Jayron at Venrick."Kami na niyan Jah."Gaya ng unang pagkakilala ko sa kanya ay magiliw parin ang pamamaraan ng pananalita niya.Hindi ko sana planong ilahad sa kanila ang mga dala ko pero bigla nalang iyong hinablot ni Ven sa akin."K-kaya ko na. Salamat." Nailang ako lalo dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko kanina."Ano ka ba naman Aerynne. Sige na sila na pagdalhin mo

    Last Updated : 2021-10-19
  • Prowess In Love   Chapter 10

    Time passes by too fast at pasukan na ngayon kaya naman ay inihahanda ko na ang sarili ko. Katunayan ay kasalukuyan kong tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin ng may hindi makapaniwalang tingin. Halos dalawang linggo na ang dumaan ngunit hindi parin ako nasasanay sa mga pagbabago, lalo na akin. Ang maalon kong buhok na dati'y hinahayaan ko lang na buhaghag at walang suklay, ngayon ay organisadong- organisado. Ang damit na noon ay simpleng blusa at pantalon lang ngayon ay dress na hapit na hapit sa katawan. Napangiti ako lalo nang maalala kong hindi na pala salamin ang susuotin ko ngayon kung hindi ang contact lense na binili namin. Sinukbit ko na sa aking balikat ang bag at nagmamadaling bumaba. Hindi na ako nag abala lang kumain dahil napag-usapan na namin ni Liezle na sa cafeteria nalang mag-agahan. "Nana, aalis na po ako." Paalam ko ng may paglalambing sakanya.

    Last Updated : 2021-10-20

Latest chapter

  • Prowess In Love   Chapter 21

    Venrick and I was left alone in the gazebo. Wala kaming ibang pinag usapan kung hindi ang pageant na darating, he even listen to my answers to the possible questions given to us. Kain, usap, at cellpone lang inatupag namin hanggang sa mag alas 2. We planned to watch a theater show dahil wala pa siyang balak umuwi. Nang nasa pila na kami ng show ay nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya napahawak si Venrick sa siko ko."You okay, Jah?" Tumango ako sakanya. Hindi na ako nagabala pang magsalita. Eunice. Aside from Andrea, I have Eunice. She's one of the bullied student before but she ended up being Aria's friend, I suppose. Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang ngumiti at kumaway siya sa akin. Hindi ko siya nakita simula noong natigil ang gulo sa pagitan namin ni Aria. Maging si Aria ay hindi narin masyadong nagagawi sa amin kahit magkatabi lang ang building ng Business Administration sa Tourism. "Aerynne!" Tawag sa akin ni Eunice dahilan para manginig ako. Marahan kong nilingon

  • Prowess In Love   Chapter 20

    "Daebak"Tahimik kaming nagkatinginan ni Zel tsaka sabay tumawa ng malakas."Ah, jinjja?" Pakikipagpalitan ng salita ni Liezle kay Jayron.Mukhang nabaliw na nga ata sa korean drama si Jayron. Simula noong semestral break ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag k-drama. Busy si Ven sa companya nila tapos Liezle ay sinulit ang bakasyon at tumanggap ng maraming project. Nasa States naman ako kaya naisipan kong mag suggest ng k-drama sakaniya para naman may pagka-busy-han siya. "Kambaliw? Ew nakakadiri.""Kambaliw? Sira na ata utak mo, dalawa lang kami kaya kambal lang, pero kung magsusuot ka din neto, baka pwede pang kambaliw. Ako si Kam, si Jah naman si Bal tapos ikaw si Liw. Nakakadiri utak mo parang kasing laki lang ng kulangot ko.""Shut up Liezle. We are eating. Umupo na kayong dalawa." That was Commander Ven."aye aye captain. "I finished my food at nauna na ngang tumayo si Venrick. Nagpaalam na kami kina Nana at tsaka umalis. We are using Jayron's car this time kaya siya ang m

  • Prowess In Love   Chapter 19

    "I'm sorry, I was just jealous." His words makes me uneasy all day. Halos hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari sa school at halos wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod nang sumunod sakaniya.We weren't talking though, minsan lang kapag inaaya niya akong libutin ang mga booth. Mas lalo lang nakakailang dahil sa biglang pagkawala ni Jayron at Liezle."Malapit na mag uwian. Di mo parin ba ako kakausapin?""H-ha? Ah...""May mali ba akong nasabi?""W-wala naman. A-ano kasi, V-ven... ""You're stammering again."Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya. Sino ba namang hindi mauutal."I said, I was jealous Ajah!" Napaigtad ako dahil sa diin ng pagkakasabi niya."B-bakit?""Really? Tinatanong mo?""H-ha? Ano ba V-venrick." Dapa

  • Prowess In Love   Chapter 18

    "Ready yourself, the parade will start anytime soon." Anunsyo ng department head namin.Nasa field na kaming lahat ngayon and we were lined up according to our course kaya malayo kami kina Jayron at Venrick.Speaking of Ven, hindi niya parin ako kinakausap ng matino simula noong friday. Liezle said, he was jealous of Rhed but I discarded that thought. Sino ba naman kasi ako diba?Kung hindi nga lang siguro dahil kay Jayron at Liezle ay hindi na niya ako kakausapin. His coldness isn't like before kasi sa pagkakataong ito ay mas malala pa.We are supposed to have dinner on their house last night pero hindi natuloy dahil ayaw niya daw muna ng maingay. Kaya ayun, pati si Zel ay nagtatampo narin sakaniya."Dae, ready ka na mainitan? Gagi, buti pala tinanggap ko yung project with Cammi, kung hindi baka sobrang gaspang ko after this parade." Hinahaplos-haplos niya yung balat niya na para bang mayroon

  • Prowess In Love   Chapter 17

    "Left, right, left, right, turn, pose" Nasa kalagitnaan kami rehearsal at ang tunog lang ng pinapalakpak na kamay ng instructor ang naririnig. Unlike the first and second, this rehearsal is kinda intense. Maging ang mga kaunting estudyanteng nanonood ay hindi magawang mag-ingay at i-cheer ang kandidato nila. This is also the first rehearsal that both girls and boys candidates were in one stage- partnering. Sa mga nakaraang rehearsal kasi ay pinaghiwalay kami para maituro sa amin ng maayos ang takbo ang pageant. It's weird but I admit, mas napadali ang lahat. Ang instructor ay naka focus lang sa isang pag tuturo. It's somehow frustrating lalo na at dito nalang kami naka focus unlike other students na wala nang ginawa kundi ang maglibit sa kabuoan ng school. Pero okay lang naman, gabi na kami nakakauwi kung minsan kaya nasisilayan parin namin ang light decorations ng mga booth. "Next, BA.

  • Prowess In Love   Chapter 16

    "Good day CBA students. We apologize for this sudden departmental meeting. Today we'll discuss things regarding the anniversary celebration of our school."Rinig na rinig sa buong gym ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Lahat ay may tuwa sa mukha dahil sa nasabing pag-uusapan."We already sort things out, but the sudden changes of administration occur. May mga programs na idadagdag, may mga partisipanteng papalitan. We decide not to announce this room to room or thru messages dahil alam naming marami ang hindi makikipagkaisa." Sabi ng department head namin.Grabe! Dapat sinabi nalang ng Director na bababa siya sa pwesto niya para hindi na uulit-ulitin ang mga nabuong programa. Sa totoo lang ay gahol kami sa oras, papasok na naman ang midterm tatlong linggo mula ngayon, kaya paniguradong oagkatapos ng foundation week ay papatayin na naman kami sa napakaraming paper works."We need ano

  • Prowess In Love   Chapter 15

    Third Person's Point of View"They already met, Madam." Sabi ng lalaki habang nakayuko.Napaka-seryoso ng mukha ng babae, ngunit nababakasan ng pangungulila dahil sa malungkot na kislap ng kaniyang mga mata."Okay, don't let him caught you. You're dismissed." Aniya at tumayoNang makalabas ito ay agad siyang pumunta sa couch at umupo roon habang niyayakap ang sarili. Kung kanina ay seryoso ito, ngayon naman ay nanlulupaypay at nagsituluan ang mga luha sa mata."Kaunting panahon nalang Ajah ko, kaunting panahon nalang. Patawad kung ngayon lang ako." Umiiyak niyang saad habang patuloy na hinahagod ang sariling mga braso.She missed her so much, walang araw na hindi siya nangulila sa anak niya. Subalit, dahil sa mga pangyayari sa buhay niya ag hindi niya magawang balikan ang nag-iisang dahilan kung bakit siya lumalaban. Ang kaniyang anak.

  • Prowess In Love   Chapter 14

    Sa mga nagdaang araw na kasama ko sila ay naging masaya ako. Hindi man kasing saya noong kasama ko pa si Ina, ay sapat na rin naman para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko noong panahong walang-wala ako.Mayroong mga lumalapit sa amin para makipag-kaibigan pero hindi rin nagtatagal ay umaalis, napaka baliw kasi ni Liezle, sobrang sarkastiko kung magsalita halatang ayaw niya sa tao.Noong nakaraang araw nga ay lumapit sa amin na lalaki para makipag grupo sa amin sa isang activity namin sa major subject, tinarayan niya lang at sinabing ayaw ng pinsan niya na may umaaligid sa aming ibang lalaki. Natawa naman ako dahil napaka protektibo niya nga, natatakot siyang tumanggap ng bagong kaibigan at baka 'yon pa ang mismong mam-bully sa akin."Hala, wala na ata tayong mapipiling ka-grupo Jah. Bawal pa naman daw na kulang ang member." Para siyang baliw na sinasapak ang legs niya habang sinasabi 'yon.

  • Prowess In Love   Chapter 13

    Lumipas ang apat na oras na klase ng mabilis. Sa pagkakataong ito ay uuwi kami agad. Wala ng kailangan pang asikasuhing group tasks at wala din balak gumala si Liezle kaya naman ay mananatili lang kami ngayon sa bahay nila.Wala si tita Alex kaya naman libre kaming mag ingay sakanila. Pero hindi ako komportable, bagaman ay maituturing ko na silang kaibigan ay naiilang parin akong pumunta sa bahay nila. Sinabi ko na man nang sa bahay nalang kami total ay ayos lang naman sa parents ko pero ayaw niya, sa bahay naman daw nila kami mag hasik ng lagim.Lagim talagaMinsan ay naiinggit ako sa pagiging carefree niya, kanina nga habang nasa gitna ng klase ay hindi ko na natiis at tinanong ko na nga siya kung paano niya nagagawa ang gano'n.Ngayon narito kami sa sasakyan ni Liezle, hinihintay naming matapos ang klase nila Jayron at Venrick kasi hanggang ala una pa sila."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status