Enrollment pa lang ay hindi na madali para sa akin, sobra kung makatitig sa akin ang mga kapwa ko estudyante na wari ba ay kikitilan nila ako ng buhay. Hindi man ako nakatingin sa kanila ay ramdam ko naman ang mga titig nila. Paano pa kaya kapag tuluyan na ngang magsimula ang klase, paniguradong mas lalong mapapahamak ako. Marahil ngayon ay nagpipigil pa sila kasi kapag may kaguluhang mangyayari ngayon paniguradong hindi sila papayagan pa na pumasok dito.
"We're almost done, Aerynne," Bulong ko sa sarili ko nang kahit papaano ay lumakas naman ang loob ko.
Ang kaninang mga lalaking kumausap sa akin ay naging matunog. Kahit saang parte ng campus ay sila ang usapan, ngunit kahit ganun ay hindi ko parin alam ang pangalan nila. Ang alam ko lang ay galing silang America pero lumaki sila dito. Hindi rin nawala sa usapan nila ang pakikipag-usap sa akin ng dalawang yun, and it's giving me goosebumps.
Sa ngayon ay nasa ika-apat na proseso na ako at hindi parin nawawala ang mga nanunuyang tingin nila sa akin. Sa mga nagdaang proseso ay may nang iinit na sa akin, may isa nga na hinila pa ang uupuan ko sana, kaya naman ay napaupo ako sa tiles. Malalakas na tawanan nila ang nangibabaw. Mabuti nalang at nasaway sila ng isang Admin ng School.
"Thank you, please proceed to the Registrar office for your room assignment." Usal ng SAO staff
Tinanguan ko na lamang siya ng marahan at ginawaran ng tipid na ngiti. Malapit lang dito ang Registrar lalo na at nasa iisang building lang naman lahat ng offices. Napailing na lang ako sa isipan ko. Ang daming tao sa paligid, bawat paghakbang ko ay dapat alerto ako.
Bakit ba kasi kakaiba ang paaralang ito, hindi ko malaman kung bakit bawal na kung sino-sino ang magpa-enroll sa estudyante, sa ibang paaralan naman ay pwedeng mag-utos ng kung sino. Samantalang dito kahit pa magulang ay hindi pinapayagan, kaya naman lahat ng mag-aaral ay nagsasayang ng oras at pasensya sa pag kompleto ng proseso. Bagama ay maganda na rin 'yun dahil natututo kami sa mga dapat gawin.
Tuloy-tuloy ang naging paglakad ko at nanatiling nakayuko ang ulo. Ayokong salubungin ang mga pamatay na tingin ng mga kapwa ko studyante, maaaring maging daan nila yun para mag bukas ng isang larong sila lamang ang nasisiyahan.
Kailan pa ba matatapos ang ganitong set-up ng buhay ko? Sawa na akong paalalahanan ang sarili kong yumuko. Sawa na ako sa paulit-ulit na linyang nakatatak sa utak ko.
"Okay lang yan Aerynne. Atleast handa ka sa mga maaaring mangyari sa'yo." Nakangiting bulong ko ulit sa sarili ko.
Habang patuloy na naglalakad ay may biglang umakbay sa akin, lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko kasabay ang walang pasubaling na panginginig ng aking katawan. Isang hagikhik ang nagpa-angat ng paningin ko. Mas lalo akong nabigla nang makilala ko siya. Siya yung nag tanong sa'kin kanina, yung malakas tumawa.
"Chill! Ako lang to hahaha, bakit nanginginig ka uy?" Saad niya at tumatawa pa.
Pinilit kong alisin ang kamay niya sa balikat ko pero hindi niya 'ko hinayaang gawin yun. Naging malala ang panginginig ko at may umalalay naman sa akin sa kabila sa pamamagitan ng pag hawak sa may siko ko.
"Relax ka lang Miss baka atakihin ka sa takot niyan. We're not goin' to eat you, a'right?" Madiin ang pagkakasabi niya noon na lalong nagpakaba sa akin.
"S-stay away f-from me, p-please I'm b-begging you." Ani ko nang gumagaralgal ang boses.
Palihim kong iginala ang mata ko sa paligid. Ang mga mapanuya at mala tigreng mata na nakatutok sa akin kanina ay mas dumami dala ng mga lalaking pumapagitna sa akin. I am now close to crying. Pakiramdam ko ay ano ma'ng oras ay aatakihin ako ng mga estudyanteng kanina pa nagpipigil na lapitan ako.
Ikakapahamak ko talaga ang dalawang ito, alam kong kahit hindi nila ako pansinin ay paglalaruan parin ako ng mga studyante. Pero iba to, alam kong ibang kapahamakan ang mangyayari sa akin dahil dito.
"Oh! Bawal ka bang lapitan, gurl? magtatanong lang naman sana kami, e. Strict parents mo, te? Hahahah Kasi ganito yun, transferee kami from States at hindi namin kabisado ang campus niyo kaya magpapasama lang kami kung saan ang registrar, nakita ko kasing tapos ka na sa SAO, kaya siguradong doon din ang punta, diba? Tama ako no? Tama?" Mahabang paliwanag niya habang tumatawa parin. Napaka-ingay niya.
"Yeah, Actually we're not comfortable to mingle with those flirty girls tsaka yung mga lalaki, they're so immature." Nahihimigan ko ang pagka inis sa boses niya.
"Hahaha Oo nga miss kaya tulungan mo na kami. alam mo kanina nung nag tanong ako dun sa isang lalaki sabi niya 'not my problem, paki ko bang maligaw ka' napaka immature talaga ,diba? akala mo naman 'sing gwapo ko siya." Daldal niya pa.
"Ang ingay mo nanaman Jayron," singhal ng kasama niya.
"Ah, j-just dont t-talk to me p-please, the student might get mad,"
I just can't leave them here lalo na't mukhang mainit din ang dugo ng mga lalaki sakanila at ayaw din naman nila mag tanong sa mga babaeng nakatingin sa kanila ng malagkit.
"Cool! Hahaha bakit parang iwas na iwas ka ata sa mga tao? Alam mo, kanina ka pa kasi namin napapansin na nakayuko lang, nakita ka namin pagbaba mo palang sa sasakyan nyo tapos naka yuko ka na agad. Hehe sorry kung napaka ingay ko ah,"
Ang ingay niya, hindi siya nakokontento ng kaunti lang ang sinasabi. Para nang mas babae pa siya kaysa sa akin.
"She said don't talk to her Jayron, can't you understand?"
"Ay sabi ko nga, o sige lakad na hahaha magpapakilala ako habang naglalakad tayo mamaya mo nalang sabihin ang pangalan mo."
Gaya ng sinabi nung Jayron ay naglakad na nga ako, ng nakayuko parin. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa akin dahil mas lalo lamang akong tatakutin nuon.
"By the way ako nga pala si Jayron Vince Agonzado at siya naman ang pinsan ko," pakilala niya sa akin
"Dre pakilala ka naman uy! Panis laway talaga yang trip mo e no?" Tawa niya at nakarinig naman agad ako ng isang sapak
"Yah! Why did you slapped my butt?" Singhal nuong isa na ikina-tawa ko ng bahagya.
"Sabi ko magpakilala ka, gago! San ba nagpupu-punta yang utak mo ha?"
Para namang may ibinubulong yung isa kaya medyo natagalan bago siya nakasagot.
"tsk. Venrick- Venrick Rosh Agonzado." Napipilitang banggit niya sa pangalan niya.
Bahagya na naman akong natawa dahil sa kapikunan niya.
"So ayun nga, gaya ng sinabi ko kanina e galing kaming States bale 3 years kaming nandun kasi doon naka base ang Business ng parents namin. Pero di naman pareho ang business namin, bale yung sa amin e Hotels then kila Venrick naman ay restaurant, Meron kaming branches around the world pero mas marami nga lang ang branch nila Venrick kasi meron din sila sa mga hotels namin-" Paunang kwento niya.
"Second year na kami, Engineering. Baka mag taka kung bakit hindi Business ang kinuha namin. Ganito kasi yun, gusto naming maging Engineer kaya pinagbigyan kami ng parents namin na mag-aral sa kursong gusto namin pero pagkatapos nun ay mag-aaral naman kami ng Business Management." Patuloy niya pa.
Hinayaan ko lang siyang mag kwento.
"Sabi di dad na habang kaya niya pang itaguyod ang company ay magtrabaho muna ako ng kung anong gusto ko, pareho lang din yun sa sinabi ni tito, dad ni Ven. Ang ganda ng plano no? Hindi nakakasama ng loob kasi pinag bigyan kaming tuparin ang gusto namin habang naghihintay ng panahong ipapamana samin ang kompanya."
Tumango lamang ako. Totoong maganda ang pamamaraan ng mga magulang nila, sana ganun din sila daddy sakin. I want to be an Engineer too, pero dahil ayaw nila ay wala akong nagawa, I'm not into business pero wala akong markang bumababa sa nubenta. Nagsisikap akong wag silang ma disappoint sa akin specially si mommy, she'll hate me more kapag nangyari 'yon.
"You talked too much Jayron." Sita nung Venrick sakanya.
"Ngayon ka pa nag reklamong tapos na ako. Sus, ugali mo talaga"
Mahihimigan ang pagiging sarkastiko ng Jayron doon sa sinabi niya.
"W-we're here," saad ko at itinuro ang plaka sa ibabaw na may nakalagay na 'Registrar'
"Hmm thank you, whats your name?" Venrick ask.
I look straight to his eyes pero binaba ko ulit yun.
"Ahmm"
"What is it?"
"I-im Aerynne,"
"Full name please?"
Muli ko siyang tiningnan. Nakataas ang isang kilay niya pero walang mababasang kahit anong emosyon sa mukha.
"A-aerynne Ajah F-fuerte,"
Kinakabahan ako habang sinasabi ko sakanya ang pangalan ko. Ang kanyang matang nanunuri ang nagpatayo ng mga balahibo ko. Nakakailang siya kung tumingin, parang bang pa unti-unti ay tinutunaw niya 'ko.
"Hmm nice meeting you Ajah, just call me Ven and ah, see you around." At tumalikod na siya sa akin.
Nanatiling nakatingin sa akin si Jayron ng may pagtataka sa kanyang mata. Makahulugan siyang ngumiti sa akin at saka sumipol- sipol na sumunod kay Venrick. Napansin kong natahimik siya kanina habang nag uusap kami ni Venrick. Bakit kaya?
Naki-linya na ako sa window na nakalaan para sa mga Business Administration students. Nakahanay ang mga studyante depende sa kurso nito, hindi kalayuan ay naroon ang linya ng mga nag-aaral maging enhenyero. Namataan ko ang dalawang iyon na nag uusap, napansin kong nakakunot ang nuo ni Ven habang si Jayron naman ay walang pakundangang tumatawa.
Tinanaw ko saglit si Venrick at muling yumuko. Nakakapanibagong may tumawag sa akin ng Ajah, parang napakamalayang pag banggit ang ginawa niya, walang pag aalinlangan at napaka natural parang si Ina.
Ina!
Nakakapangulila. It makes me shiver, sa lahat ng bumanggit ng pangalan kong yun ay sila lamang ni ina ang may kakayahang gawin sa akin ito.
Hanggang sa matapos ang proseso ng Enrollment ay hindi mawala sa akin ang pagtawag niya da akin. Sa twing nababanggit ng isip ko ang mga katagang sinabi niya bago ang pangalan ko ay nanginginig ako hindi sa takot kundi sa pangungulila.
Malumanay.
'Ajah'
Lumipas ang ilang linggo na wala akong ginawa kundi makipag-kulitan kina Nana Luz, tinutulungan ko din sila sa paglilinis ng mansyon. Hindi din nawala ang tawanan namin lalo na habang tinuturuan ako ni Nana kung paano mag luto ng iba't-ibang putahe. Naging masigla ako dahil wala kaming ibang ginawa kundi ang pasayahin ang isa't-isa. Sa mga nagdaang linggong yun ay hindi ko na napa-panaginipan o naaalala ang masasakit na alala namin ni ina ng magkasama. Oo, namimiss ko siya pero hindi na ulit ako umabot sa puntong iiyak ng parang walang katapusan. Marahil dahil sa araw-araw aking masaya kasama sila Nana. Kasalukuyan akong naghahanda ngayon dahil pupunta kami ng mall para mamili ng gamit ko sa paaralan. Isasama ko silang tatlo dahil ayaw ko namang mag isa lang akong umiikot sa mall. Isinukbit ko ang aking sling bag sa aking balikat at tiningnan kung naroon na ang aking pitaka at kung dala ko ang cellphone at credit card na b
"Uwiiiiieh, salamat talaga Ryn at nakapagrelax kami kahit kaunti," maligayang sabi niya,Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha kahit na wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang bumili ng mga gamit ko sa paaralan at libutin ang mall kahit wala namang planong bilhin, maliban sa mga iyon.Nanood nalang din kami ng palabas kahit ayaw ni Nana kasi sayang lang daw sa oras."Salamat din sa inyo ate, Nana at kuya Abner. Alam kong may ginagawa kayong trabaho pero sinamahan parin ninyo ako rito." Saad ko ng hindi naaalis ang magandang ngiti sa aking mga labiSobrang dami ng ginagawa nila sa bahay kaya naman habang malaya sila at wala ang among nagpapasahod sa kanila naisipan kong isama sila sa aking pamimili nang makapag relax naman sila kahit papaano."Nako 'day, kahit nanakit ang paa ko kakalakad ay masaya ako. Sa edad kong ito at sa estado ko sa bu
Naging mapayapa na ang pagtulog ko gabi-gabi nang dahil sa nangyari noong nakaraan, kung kaya'y maging sa pagkagising ko ay may napakagandang ngiti sa aking labi. Hindi ko maitago ang saya kaya naman ang lahat ng tao sa bahay ay hindi maiwasang mahawa sa akin.Kasalukuyan kaming nagdidilig ng mga halaman ni ate Bicky sa likod bahay, samantalang nag sasampay naman si Nana ng mga nilabahan niya."Ano ba naman yan Aerynne ayusin mo nga yan, binabasa mo'ko e," singhal ni ate sa akin.Naipilig ko naman ang ulo ko sa kanya ng may pagtataka. Basang-basa na ang mukha at damit niya."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." Paghingi ko ng pasensya habang ibinababa ang hose na hawak ko."Ay hala pasensya ka na ate Bicky. Sorry talaga." panggagaya niya sa akin habang ngumingiwi pa."Kanina pa kaya kita tinatawag, tingnan mo yang halaman o nalulunod na sa s
"Are you ready for school Aerynne?" Nagitla ako sa biglaang pagtanong ni mommy. Nandito kami ngayon sa hapagkainan, pinagsasaluhan ang pagkaing pinagtulungan naming lutuin kanina nina Nana at ate Bicky. "Ah opo mom, hinihintay ko na lamang po ang araw ng pasukan. Handa na lahat ng gamit ko maging ang mga librong siyang reperensyang gagamitin ng propesor namin." Naiilang na paliwanag ko. May ilang araw nari'ng maganda ang pakikitungo sa akin ni mommy, ngunit minsan ay hindi ko parin maiiwasang mailang at magtaka sa kanyang biglaang pagbabago. "Ahm. Didn't I told you not to speak straight tagalog, and urgh it sound so old fashion." Saad niya na parang nandidiri sa pamamaraan ko ng pagsasalita. Hindi naman sa hindi ako marunong sa paraan ng pananalita nila ngunit hindi lang talaga ako sanay sa ganoong paraan, lalo na't sa mga taong pananaliti ko dito ay hindi naman kami ma
"Wuaaah, Ajah? Uy ikaw nga Ajah. Akala ko di na kita makikita." Nahugot ko ang hininga ko nang bigla akong yakapin ni Jayron ng mahigpin. "A-ah J-jayron, C-can't Breathe." Nauutal na sabi ko. "Ay hala sorry, naku. Walang hiya ka talaga Jayron." Sabi niya at ang ikinabihla ko ay nang bigla niyang batukan ang sarili niya. "Mag kakilala kayo?" Nahimigan ko agad ang pagtataka sa tinig ni Leizle. "Ay oo pangit, siya yung sinabi ko sayo nung nakaraan na kabisado ang buong campus kahit nakayuko lang." Sabi niya at tumawa. "Ay siya ba yun, Ajah ka kasi ng Ajah e Aerynne naman pangalan niya." Natawa ako kay Leizle dahil sa biglang pag suntok niya sa balikat ni Jayron. "Eh, kasi yung weirdo mong pinsan bigla nalang siyang tinawag na Ajah, kaya ayun Ajah na din tawag ko sakanya." "Pinsan mo din yun, gago. Pero ta
"Yah! Aerynne, halika na nandito na tayo." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko si Liezle."A-ahh Oo, salamat Liezle ah."Naiilang parin ako sakanya. Hindi ko parin magawang magsalita ng komportable."Ano ka ba wala yun, ano ka ba?" Natatawang niyang ani at binuksan ang kotse.Lalakad na sana ako habang dala ang mga pinamili ko nang bigla na lang din bumukas ang kotseng nasa unahan namin. Kotse yun ni Jayron at Venrick."Kami na niyan Jah."Gaya ng unang pagkakilala ko sa kanya ay magiliw parin ang pamamaraan ng pananalita niya.Hindi ko sana planong ilahad sa kanila ang mga dala ko pero bigla nalang iyong hinablot ni Ven sa akin."K-kaya ko na. Salamat." Nailang ako lalo dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko kanina."Ano ka ba naman Aerynne. Sige na sila na pagdalhin mo
Time passes by too fast at pasukan na ngayon kaya naman ay inihahanda ko na ang sarili ko. Katunayan ay kasalukuyan kong tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin ng may hindi makapaniwalang tingin. Halos dalawang linggo na ang dumaan ngunit hindi parin ako nasasanay sa mga pagbabago, lalo na akin. Ang maalon kong buhok na dati'y hinahayaan ko lang na buhaghag at walang suklay, ngayon ay organisadong- organisado. Ang damit na noon ay simpleng blusa at pantalon lang ngayon ay dress na hapit na hapit sa katawan. Napangiti ako lalo nang maalala kong hindi na pala salamin ang susuotin ko ngayon kung hindi ang contact lense na binili namin. Sinukbit ko na sa aking balikat ang bag at nagmamadaling bumaba. Hindi na ako nag abala lang kumain dahil napag-usapan na namin ni Liezle na sa cafeteria nalang mag-agahan. "Nana, aalis na po ako." Paalam ko ng may paglalambing sakanya.
Dahil unang araw ng klase, pagod akong pumanhik sa loob ng bahay na para bang buong araw akong nakipagbuno sa labas. Wala akong nakitang kahit sino sa living room kaya hindi na ako nag-abala pang ipaalam ang pagdating ko. Diretso na akong umakyat sa kwarto ko at walang sabi-sabing tumihaya sa kama at unti-unting naka tulog. Pagkagising ko ay makulimlim na kaya dumiretso na ako sa dining area dahil medyo gutom na rin naman ako. Pagkadating ko doon ay naghahanda na sila Nana Luz ng pagkain kaya hinintay ko sila. "Sabay-sabay daw kayong kakain Ryn sabi ng daddy mo." ang sabi ni Nana habang busy sa pag aayos. "Ah, yes Nana sa living room po muna ako." Tugon ko kay Nana at dumiretso sa living. Hindi katagalan ay dumating na rin sila dad. Sinalubong ko sila ng ngiti at halik sa pisngi, bagay na dalawang linggo ko palang ginagawa. "Come. Let's
Venrick and I was left alone in the gazebo. Wala kaming ibang pinag usapan kung hindi ang pageant na darating, he even listen to my answers to the possible questions given to us. Kain, usap, at cellpone lang inatupag namin hanggang sa mag alas 2. We planned to watch a theater show dahil wala pa siyang balak umuwi. Nang nasa pila na kami ng show ay nakaramdam ako ng kaunting kilabot kaya napahawak si Venrick sa siko ko."You okay, Jah?" Tumango ako sakanya. Hindi na ako nagabala pang magsalita. Eunice. Aside from Andrea, I have Eunice. She's one of the bullied student before but she ended up being Aria's friend, I suppose. Mas lalong nanindig ang balahibo ko nang ngumiti at kumaway siya sa akin. Hindi ko siya nakita simula noong natigil ang gulo sa pagitan namin ni Aria. Maging si Aria ay hindi narin masyadong nagagawi sa amin kahit magkatabi lang ang building ng Business Administration sa Tourism. "Aerynne!" Tawag sa akin ni Eunice dahilan para manginig ako. Marahan kong nilingon
"Daebak"Tahimik kaming nagkatinginan ni Zel tsaka sabay tumawa ng malakas."Ah, jinjja?" Pakikipagpalitan ng salita ni Liezle kay Jayron.Mukhang nabaliw na nga ata sa korean drama si Jayron. Simula noong semestral break ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag k-drama. Busy si Ven sa companya nila tapos Liezle ay sinulit ang bakasyon at tumanggap ng maraming project. Nasa States naman ako kaya naisipan kong mag suggest ng k-drama sakaniya para naman may pagka-busy-han siya. "Kambaliw? Ew nakakadiri.""Kambaliw? Sira na ata utak mo, dalawa lang kami kaya kambal lang, pero kung magsusuot ka din neto, baka pwede pang kambaliw. Ako si Kam, si Jah naman si Bal tapos ikaw si Liw. Nakakadiri utak mo parang kasing laki lang ng kulangot ko.""Shut up Liezle. We are eating. Umupo na kayong dalawa." That was Commander Ven."aye aye captain. "I finished my food at nauna na ngang tumayo si Venrick. Nagpaalam na kami kina Nana at tsaka umalis. We are using Jayron's car this time kaya siya ang m
"I'm sorry, I was just jealous." His words makes me uneasy all day. Halos hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari sa school at halos wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod nang sumunod sakaniya.We weren't talking though, minsan lang kapag inaaya niya akong libutin ang mga booth. Mas lalo lang nakakailang dahil sa biglang pagkawala ni Jayron at Liezle."Malapit na mag uwian. Di mo parin ba ako kakausapin?""H-ha? Ah...""May mali ba akong nasabi?""W-wala naman. A-ano kasi, V-ven... ""You're stammering again."Nakakabigla naman kasi yung sinabi niya. Sino ba namang hindi mauutal."I said, I was jealous Ajah!" Napaigtad ako dahil sa diin ng pagkakasabi niya."B-bakit?""Really? Tinatanong mo?""H-ha? Ano ba V-venrick." Dapa
"Ready yourself, the parade will start anytime soon." Anunsyo ng department head namin.Nasa field na kaming lahat ngayon and we were lined up according to our course kaya malayo kami kina Jayron at Venrick.Speaking of Ven, hindi niya parin ako kinakausap ng matino simula noong friday. Liezle said, he was jealous of Rhed but I discarded that thought. Sino ba naman kasi ako diba?Kung hindi nga lang siguro dahil kay Jayron at Liezle ay hindi na niya ako kakausapin. His coldness isn't like before kasi sa pagkakataong ito ay mas malala pa.We are supposed to have dinner on their house last night pero hindi natuloy dahil ayaw niya daw muna ng maingay. Kaya ayun, pati si Zel ay nagtatampo narin sakaniya."Dae, ready ka na mainitan? Gagi, buti pala tinanggap ko yung project with Cammi, kung hindi baka sobrang gaspang ko after this parade." Hinahaplos-haplos niya yung balat niya na para bang mayroon
"Left, right, left, right, turn, pose" Nasa kalagitnaan kami rehearsal at ang tunog lang ng pinapalakpak na kamay ng instructor ang naririnig. Unlike the first and second, this rehearsal is kinda intense. Maging ang mga kaunting estudyanteng nanonood ay hindi magawang mag-ingay at i-cheer ang kandidato nila. This is also the first rehearsal that both girls and boys candidates were in one stage- partnering. Sa mga nakaraang rehearsal kasi ay pinaghiwalay kami para maituro sa amin ng maayos ang takbo ang pageant. It's weird but I admit, mas napadali ang lahat. Ang instructor ay naka focus lang sa isang pag tuturo. It's somehow frustrating lalo na at dito nalang kami naka focus unlike other students na wala nang ginawa kundi ang maglibit sa kabuoan ng school. Pero okay lang naman, gabi na kami nakakauwi kung minsan kaya nasisilayan parin namin ang light decorations ng mga booth. "Next, BA.
"Good day CBA students. We apologize for this sudden departmental meeting. Today we'll discuss things regarding the anniversary celebration of our school."Rinig na rinig sa buong gym ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Lahat ay may tuwa sa mukha dahil sa nasabing pag-uusapan."We already sort things out, but the sudden changes of administration occur. May mga programs na idadagdag, may mga partisipanteng papalitan. We decide not to announce this room to room or thru messages dahil alam naming marami ang hindi makikipagkaisa." Sabi ng department head namin.Grabe! Dapat sinabi nalang ng Director na bababa siya sa pwesto niya para hindi na uulit-ulitin ang mga nabuong programa. Sa totoo lang ay gahol kami sa oras, papasok na naman ang midterm tatlong linggo mula ngayon, kaya paniguradong oagkatapos ng foundation week ay papatayin na naman kami sa napakaraming paper works."We need ano
Third Person's Point of View"They already met, Madam." Sabi ng lalaki habang nakayuko.Napaka-seryoso ng mukha ng babae, ngunit nababakasan ng pangungulila dahil sa malungkot na kislap ng kaniyang mga mata."Okay, don't let him caught you. You're dismissed." Aniya at tumayoNang makalabas ito ay agad siyang pumunta sa couch at umupo roon habang niyayakap ang sarili. Kung kanina ay seryoso ito, ngayon naman ay nanlulupaypay at nagsituluan ang mga luha sa mata."Kaunting panahon nalang Ajah ko, kaunting panahon nalang. Patawad kung ngayon lang ako." Umiiyak niyang saad habang patuloy na hinahagod ang sariling mga braso.She missed her so much, walang araw na hindi siya nangulila sa anak niya. Subalit, dahil sa mga pangyayari sa buhay niya ag hindi niya magawang balikan ang nag-iisang dahilan kung bakit siya lumalaban. Ang kaniyang anak.
Sa mga nagdaang araw na kasama ko sila ay naging masaya ako. Hindi man kasing saya noong kasama ko pa si Ina, ay sapat na rin naman para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko noong panahong walang-wala ako.Mayroong mga lumalapit sa amin para makipag-kaibigan pero hindi rin nagtatagal ay umaalis, napaka baliw kasi ni Liezle, sobrang sarkastiko kung magsalita halatang ayaw niya sa tao.Noong nakaraang araw nga ay lumapit sa amin na lalaki para makipag grupo sa amin sa isang activity namin sa major subject, tinarayan niya lang at sinabing ayaw ng pinsan niya na may umaaligid sa aming ibang lalaki. Natawa naman ako dahil napaka protektibo niya nga, natatakot siyang tumanggap ng bagong kaibigan at baka 'yon pa ang mismong mam-bully sa akin."Hala, wala na ata tayong mapipiling ka-grupo Jah. Bawal pa naman daw na kulang ang member." Para siyang baliw na sinasapak ang legs niya habang sinasabi 'yon.
Lumipas ang apat na oras na klase ng mabilis. Sa pagkakataong ito ay uuwi kami agad. Wala ng kailangan pang asikasuhing group tasks at wala din balak gumala si Liezle kaya naman ay mananatili lang kami ngayon sa bahay nila.Wala si tita Alex kaya naman libre kaming mag ingay sakanila. Pero hindi ako komportable, bagaman ay maituturing ko na silang kaibigan ay naiilang parin akong pumunta sa bahay nila. Sinabi ko na man nang sa bahay nalang kami total ay ayos lang naman sa parents ko pero ayaw niya, sa bahay naman daw nila kami mag hasik ng lagim.Lagim talagaMinsan ay naiinggit ako sa pagiging carefree niya, kanina nga habang nasa gitna ng klase ay hindi ko na natiis at tinanong ko na nga siya kung paano niya nagagawa ang gano'n.Ngayon narito kami sa sasakyan ni Liezle, hinihintay naming matapos ang klase nila Jayron at Venrick kasi hanggang ala una pa sila."