Kabanata 6 - Kasunduan
HINDI na naman matahimik ang kalooban ni Fabio. Kahit na kausap niya si Inez ay lumilipad naman ang isip niya sa kalawakan. Kanina pa siya sulyap nang sulyap sa kanyang orasan, habang nakaupo sa bench at pinanonood ang naglalaro na si Sofia. Hapon na. Parang papatak na ang ulan anumang sandali. And it said that the weather would start to get bad. Nasaan na ba si Ziana? Napapaisip si Fabio kung babalik pa ba iyon o baka nagbago ang isip. Damn that woman if she will not honor her words. Umaasa na siya na iyon ang magbabantay sa anak niya. Kahit paano ay parang may kaunting bilib siya sa aura ng babae na iyon. Anak iyon ni Greyson kaya baka naman namana ang galing ng ama kahit na paano. "Babe," untag ni Inez sa kanya sa tawag. Fabio looked at the screen of his phone and forced a gentle smile at his girlfriend. "You look so bothered again. 'Di ba at nag-hire ka na ng bodyguard? What's the matter again?" "I am thinking about the mastermind for the kidnapping threat. I want to solve the case in no time, within a month if possible so that I could give Sofi the normal life that she deserves," he sighed and glanced at his daughter. "Nandoon na ako pero paano naman kung wala naman talagang kidnapping na mangyayari? Masyado mo lang na pinoproblema ang sarili mo. Si Sofia, binabago mo ang buhay." "Are you saying that Shawy was somewhat lying?" Kunot-noo na balik atensyon niya sa babae. "It's not that but who knows? Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling. Take it easy, babe." Sa isip ay umiling siya. Hindi magagawa ni Shawy na gumawa ng kwento lalo na at tungkol sa kaligtasan ni Sofia. Kahit paano ay kilala na niya ang masambahay. Kahit na galing iyon sa mahirap na pamilya ay mababait ang mga iyon. Shawy loves Sofia so much since she was a baby. And for the past six years, ngayon lang naman nagsalita si Shawy tungkol sa isang kidnapping threat, bagay na hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala bilang isang ama. Anything could be possible. "I can't just ignore it, Inez. Isa pa, nag-aalala ako na hindi na bumalik ang bodyguard na nakausap ko. Hapon na pero wala pa rin siya. Baka wala siyang isang salita at pinaaasa lang niya kaming mag-ama sa wala—" "Nandito na ako," biglang sabi ng tao sa may gawing likuran niya kaya agad siyang napatingin, "Huwag mo na akong siraan sa kausap mo. I know how to honor my words, Attorney. Abogado ka nga, wala kang tiwala sa lahat ng tao." Hindi siya makaimik sa sinabi ni Ziana. Dala nito ang isang maleta, nakaposing sa may tagiliran niya. "Tita Ziana!" Malakas na sigaw ni Sofia at akmang tatakbo papalapit. "Stay there for a while, baby! May pag-uusapan lang kami ng pogi mong Daddy! I'll get you a bit later!" Anito saka ngumisi sa anak niya. "Okay po!" Nakangiti at masaya naman na sagot ni Sofia. "Who's that, babe?" Tanong naman ni Inez sa kanya. Nakalimutan na niya na nasa video call ang girlfriend niya. "I'll get back to you later, babe. Bye for now," paalam niya sa babae saka niya pinatay ang tawag nang hindi pa man lang iyon nakakasagot. "Bakit mo pinatay? Dapat ay makilala ako ng asawa mo para alam niya kung sino ang bodyguard ng anak niya," ani Ziana na nakatingin sa isinara niyang foldable phone. "I'll take you to your room," he answered instead, tapos ay binalingan niya ang anak, "stay here, Sofi. I'll call your yaya Shawy, okay?" "Okay po, Daddy!" Nag-two thumbs up ang anak niya saka nag-slide sa mini slide. He stood up and faced Ziana. Without a word, he took her luggage. Ito naman ang hindi nakapagsalita sa kilos niya. "Fia's mother was gone. Namatay siya sa panganganak dahil sa komplikasyon ng CS. I never knew she had a thyroid problem, and her heart wasn't in good condition," umpisa ng binata kahit na ayaw niya sanang buksan iyon. "I'm sorry to hear that, Attorney," sagot nito. "Sofia was her last memory left. Ang kausap ko kanina ay girlfriend ko," aniya pa at nakita niya ang pagtango nito. Sinenyasan niya si Shawy na puntahan si Sofia sa labas, at kahit na wala siyang salita ay naunawaan naman kaagad ng babae. Agad iyon na tumalima. Tumuloy sila ni Ziana sa pag-akyat sa hagdan. "Si Shawy," anito kaya sumulyap siya, "Gaano na katagal sa iyo? Ang mga tao mo?" "Si Shawy, since Sofia's birth. Si Manang Lerma ay College pa ako. Mga tauhan ko, mula nang kumuha ako ng bodyguards. Pinakamaikli na taon ay anim, pito. I know what you're thinking. Si Shawy ang nagsabi sa akin ng threat. She heard it when they entered the convenience store. I bet it was true because those men ran away when being chased by Sofia's bodyguards," aniya sa dalaga. Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto, sa kaliwa ng kwarto ni Sofia. "This will be your room. Ito ang kwarto ng bata. That's my room. Wala tayong pag-uusapan sa sahod, Leiutenant. Sa isang buwan na maayos ang anak ko sa pagbabantay mo, garantisado ko ang two hundred thousand. I just hope that before you leave, if the case isn't closed yet, you can give me a trustworthy person who will continue protecting my daughter," aniya rito sa tono na hindi niya alam kung siya ba ay nakikiusap o ano. Tumango ito, "Maghahanap ako ng tao na pwedeng maging kapalit ko. Tutulong din ako sa paghahanap sa mastermind. Uncle will help. Marami pa rin siyang koneksyon. Gusto kong malaman lahat ng impormasyon, itsura ng dalawang lalaki na sinasabi mo. Iyong girlfriend mo—" "Spare her," agad niyang salo sa sinasabi nito, "She's out of this." May katigasan ang salita niya at mukhang nakuha iyon ni Ziana peeo nanatili itong nakatitig sa kanya. "You know what, Attorney? Abogado ka at alam mo kung paano kumikilos ang kaso. Alam mo kung anong ginagawa sa mga taong involve sa isang kaso. Hangga't walang nahuhuli, lahat ay pwedeng maging suspect. Maging ikaw. Paano mo nasasabi na hindi kasama ang girlfriend mo rito? Asawa nga nakakagawa ng krimen, girlfriend pa kaya?" Giit nito sa kanya. "Inez is kind. I know her better than you," inis na sagot niya. Si Inez na nga lang ang karamay niya sa sitwasyon niya ngayon, pati ba naman iyon ay paghihinalaan pa niya? That is not fair. As a boyfriend, he must not do that. Ilang beses na niyang iniwan si Sofia kay Inez kaya walang dahilan para maging iyon ang mastermind sa lahat ng kasamaan na nangyayari ngayon. "In that case, ikaw ang bahala. Just let me do my thing, at huwag mo akong pakikialaman sa pagbabantay ko sa anak mo. You do yours. Ako ng bodyguard kaya ako ang nakakaalam ng dapat para sa seguridad niya. And it's such a pleasure protecting the billionaire's daughter," ngumisi ito pero nakaramdam siya ng tila ba insulto sa itsura ng mukha nito. Kinuha nito ang luggage mula sa kanya. "I'll be downstairs in a while. Ayusin ko lang ang gamit ko dahil ayaw kong may ibang humahawak sa mga gamit ko. I guess malinaw na rin sa iyo ang terms ko bilang bodyguard ni Sofia. Ikaw ang ama, gawin mo ang obligasyon bilang ama. Ako ang magbibigay ng seguridad. I'll handle it," she smiled. Fabio nodded while staring at her face, particulary at her smile. Sumara ang pintuan ng kwarto pero nanatili ang binata na nakatayo sa harap no'n, hanggang sa matauhan din siya. He turned his back and went to his room. Dumiretso sa kanyang maleta at mula sa compartment ay kinuha niya ang mga importanteng papeles na ibinigay sa kanya ng NBI. The case is in progress. He's just hopeful to find those men in no time. Binasa niya ang mga nilalaman ng mga papel. Ipakikita niya iyon kay Ziana. Who knows it might help. Wala siyang hindi magagawa para sa kanyang anak. Nothing is imposible in this world. Leiutenant si Ziana. Kahit paano ay may mga kakilala iyon lalo pa at hindi lang iyon basta nag-exam sa NAPOLCOM. She was a graduate of PNPA. Wala rin problema na magbayad siya sa dalaga kahit na magkano pa, matulungan lang siya na madakip ang mga tao na iyon na sumusunod sa anak niya noon, para kunin. He has an option anyway, to keep her and bring her somewhere else. Pero hanggang kailan niya itatago ang kanyang anak? Kapag lumaki si Sofia at naisip na bumalik dito sa Pilipinas, anong mangyayari? Mabubuhay sa takot ang anak niya dahil sa pangyayaring ito ngayon. Ayaw niyang mangyari iyon. He wants a normal life for his only daughter, just like how he lived normally after what happened to him. Yes, Fabio was a victim of kidnapping when he was still eight. Ang memorya niya ay puno ng pangyayari na iyon at kahit na matanda na siya ay hindi niya nakalimutan kahit kailan. He was still carrying everything inside his head. Though the woman who kidnapped him was already gone, the trauma never died. And he doesn't want the same trauma for Sofia.mga comments wag kalimutan. haha
Kabanata 7 - Pagsilip sa Nakaraan NAKATITIG si Fabio sa isang babae, isang linggo matapos ang libing ng kanyang butihing yaya Pilar. Alam niyang naghihintay sila sa isang kamag-anak ng babae na papalit doon, matapos iyong mabanggaan ng isang kotse, ma-comatose at mamatay. Masakit pa rin ang kalooban niya sa pagkawala ng babae dahil ang sabi ng Daddy niya, mula pa lang noon ay iyon na ang nag-alaga sa kanya. Nakatayo lang siya sa may hagdan, nagmamasid sa bagong tao na dumating sa mansyon. Ipiniprisinta nito ang I.D's at mga papeles. The woman was lovely, so lovely. Matangkad ito at makinis ang balat. Parang hindi ito kamag-anak ng kanyang yaya Pilar. Sa batang isip ni Fabio, marunong siyang kumilatis ng maganda at hindi. At kahit naman hindi nag-aayos si Pilar at puno ng butas ang mukha dahil sa pinagtubuan ng mga taghiyawat, hindi matatawaran ang kabaitan ng kasambahay nilang iyon. Malayo ang itsura ng bago niyang yaya kay Pilar. Parang modelo ang babaeng ito at itim na itim ang
Kabanata 8 MALALIM ang titig ni Ziana sa bata na naliligo sa pool, habang nakaupo siya sa malapit, nagbabasa ng report tungkol sa testimony ni Shawy. Sa probinsya, bihira ang mga kabahayan na mayroong swimming pool. Naalala niya noon na inggit na inggit siya sa kaklase niyang anak ng Congressman dahil may pool iyon. Pinilit niya ang kanyang Daddy na magpagawa rin. Sabi niya ay magiging first honor siya kapag pinagawan siya ng Daddy niya ng pool. Kontra roon si Victoria, ang kanyang ina, pero nang marinig ni Albert at mga tiyuhin niya ay payag ang mga iyon. She was some kind of a spoiled brat before. She was a Daddy's girl just like Sofia. Lahat ng hilingin niya ay nakukuha niya. Kung hindi siya inampon ni Greyson, baka ni saplot ngayon ay wala siya. She hates kidnappers, just like how she hates her mother. Ayon sa kanyang ama ay isang kidnapper ang ina niya, at masisentensyahan daw iyon ng lifetime imprisonment kung hindi namatay. Her Daddy didn't elaborare much about her mother's
Kabanata 9 FABIO took away his eyes from Ziana the moment she stood up and left her seat. He was monitoring her movements. Yes, wala siyang tiwala sa kahit na sino. May kausap ito sa smartphone at palagay niya ay ang boyfriend nito iyon. It's just so funny that he doesn't trust anyone, but he is letting her share his problem with her colleagues. "Daddy?" Kaagad niyang naibaba ang kurtina at nilingon ang anak na kumukusot ng mga mata, habang nakaupo sa kama. "Sino po sisilip niyo?" Usisa ni Sofia. "Ha?" Natataranta niyang sagot. Hindi niya alam bakit siya natataranta na malaman nitong nakatingin siya kay Ziana. What's the problem if he was looking "Si Tita Ziana po?" Tanong pa nito kaya hindi naman siya makasagot. He couldn't lie. Damn it. He is a lawyer. "I...just saw her near the pool, sweetie. I thought she was a stranger in the night." humakbang siya papunta sa kama ng anak niya. "But it's already late, Dad. What is she doing there po? Is she okay?" He gently smiled and p
Kabanata 10 "SOFIA!" Malakas ang boses na sigaw ni Fabio nang makita na wala ang anak niya sa kwarto nang umaga na iyon. He had a very bad dream, at nagising siya na gatla-gatla ang pawis niya sa noo, kahit na ang lamig sa kwarto dahil sa aircon. Agad siyang bumangon at tinungo ang kwarto ni Sofia, pero heto at wala rito ang bata. Pumihit si Fabio at naglakad patungo sa hagdan, salubong ang mga kilay. Alam niyang lagpas na ng alas syete ng umaga dahil tirik na ang araw sa bintana ng kwarto niya. "Shawy!" Mabalasik na tawag niya sa yaya ng anak niya. Agad naman iyon na sumulpot mula sa kusina. "P-Po, Sir?" Pupunas-punas ito sa hawak na basahan. "Si Sofi?" Tanong niya, masungit ang mga mata "I-Inilabas po ni Ma'am Ziana," aniya kaya lalo siyang nainis. "And you let her?" Dumagundong ang boses niya sa kabuuan ng sala. Hindi makaimik si Shawy kaya lumabas din si Lerma sa kusina. "May problema ba, Fabio?" Tanong ng may edad na babae. "Bakit hinayaan mo na isama siya, Shawy? Ika
Kabanata 11 MAHIGPIT na yakap ang nakuha ni Ziana mula kay Sofia nang sabihin niya na hindi na siya aalis. She instantly smiled when she felt the child's warm hug, as warm as her smile. Napakalayo ng ugali ni Sofia kay Fabio. Ang lalaking iyon ay galit sa lahat habang ang batang ito ay masayahin at malambing. "Gentle po ba si Daddy, Tita Ziana?" Sofia asked after cuddling her. Napakunot noo kaagad siya. Anong gentle? "G-Gentle saan po?" Anaman niya saka inayos ang manika nitong nakapilipit ang braso. "Sa iyo po. I told him to be gentle when talking to you. I don't want him to be harsh. Mabait naman po si Daddy. Problematic lang po siya siguro lately." "Ah," tango niya, "oo naman. Gentle ang Daddy mo. Napaka," aniya sa kabaliktaran dahil nga ang taas ng boses no'n kahit na nagso-sorry na sa kanya kanina, tapos ang mga damit niya sa luggage ay basta na lang isinaksak pabalik sa cabinet. Ano pa ba ang gagawin niya? "That's good to hear, Tita. From now on I'll keep an eye on him.
Kabanata 12 WALA naman nagtitinda ng tinapay pero may mga pandesal. Napangiti si Ziana habang nakatingin sa halos hubad na katawan ni Fabio sa may swimming pool. Nakasilip siya sa bintana, hawak ang kanyang smartphone. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Fabio? Kahit may asawa na ito, talagang wala ritong tatanggi na babae. Edukado, ubod ng yaman at ubod ng gwapo ang lalaki, not to mention masungit. Pero palagay niya ay hindi ito masungit sa Inez na iyon. Kung bago pa man magkaroon ng Sofia ay may relasyon na ang dalawa, nangangahulugan na mahigit ng anim na taon ang relasyon nito sa babaeng iyon. Agad siyang napasipol. Ang tagal na palang kabit ng babae na iyon. Naiiling siyang pumihit at naglakad papalabas ng kwarto. Binuksan niya ang pinto ni Sofia. Tulog pa ang bata kaya marahan niya ulit na isinara. It's just six in the morning. Tama lang na matulog na muna ang bata. Bumaba siya at lumabas ng bahay. Dumiretso siya sa kung saan naroon si Fabio. She saw
Kabanata 13 "SOFIA is so fond of her new body-yaya," iyon ang sabi ni Inez kay Fabio habang nasa video call sila at siya ay nagta-trabaho. Kaharap niya ang laptop, at the same time ay ang smartphone. Kanina ay ito at si Sofi ang magkausap. He makes sure to give his child quality time to talk to his girlfriend. Gusto niya ay kasama iyon sa relasyon nila dahil iyon naman ang sinabi niya kay Inez bago naging sila. Nang mamatay kasi si Ces, agad na nagpakita at nagsabi si Inez ng totoong damdamin para sa kanya. And they were really good friends for a year. Kliyente niya ang ina ni Inez nang iyon ay masangkot sa kasong cyber libel sa Universiy na pinagtatrabahuhan. After that, Inez bacame his friend. Kahit na si Ces ay kaibigan din ito kaya ang relasyon niya kay Inez ay hindi na basta lang. Pitong taon na silang magkarelasyon, isang taon na magkaibigang matalik, kulang-kulang anim na taon bilang mag-boyfriend. Ces' death was unexpected, but before her complications worsened, she told
Kabanata 14 "THANKS for your effort, Ziana," That's what Fabio said soon after they entered the house. Bitbit na ni Shawy si Sofia at pumanhik na para paliguan ang bata bago sila kumain. For girl was so tired. "Walang anuman. I told you, kahit wala akong anak ay alam kong magpasaya ng bata," sagot naman ng dalaga rito, na may kasamang ngiti, "You also did well. Look at us. Pareho tayong madungis." Sinuri niya ang sariling katawan. Natatawa na lang siya. Daig pa niya ang muling sumabak sa training sa galing sa paggapang "Anything for my daughter, Ziana." "Dapat lang," maagap na sagot niya, "Hindi dapat ipinagpapalit ang anak sa kahit na ano o kahit na sino." That answer was for him but at some point, parang patama niya rin iyon sa kanyang sarili, lalo sa kanyang totoong mga magulang na wala sa kanyang pakialam. "You've been with us for an hour. Akala ko ba may trabaho ka kaninang babalikan?" Natatawa na tanong niya dahil nakalimot na ito sa sinasabi nito kanina. Kanina lang n
Kabanata 48 "BABY, will you help me with this? Thank God you're here," Hindi magkadaugaga na tanong ni Ziana habang pilit niyang isinusuot ang tank top niyang kulay puti. Katatapos lang niyang maligo, at ito ang unang pagkakataon na hindi siya nagtawag ng makakatulong sa paliligo niya, who happens to be manang. Akala niya ay kaya niya, hindi pala. Hirap siyang magsuot ng damit ngayon. Buti na lang at narito si Sofia. Kahit bra ay wala siya. "Pakiabot mo baby itong hook ng bra at isabit mo." Wala siyang nakuhang sagot pero ramdam niyang may lumapit. Napakunot noo ang dalaga. Sofia is a lively girl. Hindi iyon pumapasok na hindi nauuna ang pagbati sa kanya. Akma na siyang lilingon nang biglang may humawak sa hook ng kanyang bra. She immediately turned her face and to her surprise, Fabio held her neck. "F-Fabio?" Kandautal niyang sabi pero hindi na iyon nasundan ng anumang salita dahil bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi habang hawak siya sa leeg. Naramdaman ni Ziana na
Kabanata 47 ISANG tikhim ang nagpalingon kay Ziana habang nakatayo siya sa may bintana, nakatingin sa mag-ama sa labas ng lumang bahay nila. Namamangha si Sofia sa mga makalumang bagay sa kanilang bakuran. Naroon ang mga naka preserve na lumang pang-araro sa bukid, lumang kubo, lumang kalan, mga lutuan at kung anu-ano pang mga lumang kagamitan. "Uncle," ngumiti na bati niya sa tiyuhin na nakangiti na rin sa kanya. "How do you feel now, anak? Wala ba sa iyong sumasakit?" "Wala naman, Uncle. Everything's going back to normal. Minsan nahihilo ako pero not to the extent na umiikot na ang paligid." "Magsabi ka kaagad kapag may hindi ka magandang pakiramdam para makapagpagamot kaagad. You've been through worst, honey." Tumango siya, "Tingin ko naman ay diretso na ang paggaling ko, Uncle. I am helping myself, too. I don't want to be like this forever." "You will get better in no time. I can see how strong you are. Si Fabio, kumusta?" Ngumiti ito kaya naman napalabi. "Si Uncle talaga
Kabanata 46.1 BUHAY na saksi pala si Shawy ha! Nakangiti lang si Fabio pero sa loob niya ay ang lakas ng tawa niya nang aminin ni Shawy na mukhang nagkamali nga ito ng akala, na malamang ay si Inez lang ang may pakana ng lahat na may relasyon na sila kahit na may asawa pa siya. "Nakakainis naman si Shawy," nakabusangot na kamot ni Ziana sa ulo habang papalabas sila ng bahay, "Ang lakas pa naman ng loob ko na makipag-deal, talo naman papa ako! Tsk!" Ani pa nito kaya naman natawa lang ang binata nang mahina. Nang tumayo ito sa may kahoy na mesa habang nagmamaktol ay tumayo naman siya sa likuran nito. "I am not a cheater," paglilinaw ulit niya. "Oo na!" Irap nito kaya lalo lang siyang natawa. "I have to help you understand it, Ziana. Importante sa akin na paniwalaan mo ako at malaman mo ang totoo kong pagkatao. Wala naman akong alam na ganoon ang pinagsasasabi ni Inez sa ibang tao tungkol sa amin. All this time, she was telling her friends that she was my other woman." "Sinong ma
Kabanata 46 FABIO smiled victoriously when he put the final ingredient on the tray, the flower. "Naks naman si Sir!" Shawy exclaimed when the woman entered the kitchen, inspired na inspired." "Come here. How do you find this presentation? And where is Sofi?" "Ay si Sofi po tulog pa," anito saka lumapit, sinipat ang inihanda niyang bowl ng sopas. He also has the garlic bread on the sides. "Maganda na po, Sir. Parang huling naghanda po kayo ng breakfast ay noong..." hindi nito itinuloy ang sasabihin kaya naghintay siya. "Noong?" "Noon pong nasa ospital si Ma'am Ces naiwan..." malungkot nitong sabi. He smiled. Yes. Naalala niya. And he swore to hell that moment that he would never prepare any meal for any woman again, dahil ang kanyang dala ay hindi na nakain, dahil nawala na si Ces ilang minuto matapos siyang dumating sa ospital. "It's okay. Anim na taon ng wala si Ces. Nakapag-move on na ako, Shawy." "Mukha nga po, Sir kasi ay naghanda na po kayo ulit ng meal." He smiled. Hi
Kabanata 45 "LEIUTENANT, nandiyan na po si Attorney," JK's voice made Ziana stop from checking the bush. Hawak niya ang kalibre 45 niya habang sinusungkit ang mga dahon ng halaman. Naglalaro kasi si Sofia roon at kinukuha lang ang manika sa kwarto. Nag-aalala siya na baka may naligaw na naman na ahas doon, anak ni Inez. Naiirita talaga siya sa patanggi-tanggi ni Fabio na may relasyon na ang dalawa hindi pa man lang patay si Ces. Hindi nag-abala ang dalaga na ipilig ang ulo para tingnan ang lalaki. Agad na kumulo ang dugo niya pagkarinig na nariyan na si Fabio, si Fabio na walang pakialam, si Fabio na sinungaling at mapagpanggap, malandi at lahat-lahat na. "O, ngayon?" Mataray na sagot niya sa lalaki. "E, baka lang po Ma'am gusto niyong salubungin ba." "Hindi ako magpapakapagod. Sige na, pumunta ka na roon." Naramdaman niyang tumalikodnna si JK kaya naiinis niyang binusiklat ang dahon. "Ni kuwit walang text tapos sasalubungin. Ano ako, hilo? Hindi pa ako tanga para salubungin a
Kabanata 44 Fabio found himself in front of Silas' mansion. This is the last plan on his list before he flies back to Legazpi tonight. For the very last time, he wants to talk to Inez to have a better closure. He couldn't just leave her just like that. Kahit paano ay napakalalim na ng kanilang pinagsamahan. "Sir Fabio!" Nakangiti na bati ni Dolores sa kanya nang makita siya sa loob ng bakuran. "Si Inez, manang Dolor?" "Ay naroon po sa pool, nagsu-swimming with her friends." He just made a simple nod. Naglakad siya papunta sa pool na nasa may likod na ng mansyon. May mga babae siyang nakikita na nakaupo sa gilid, naglalaro ng tubig. Mga kaklase ni Inez ang mga iyon, sina Shanti at Faye, kung hindi siya nagkakamali. Una na niyang inabisuhan si Inez na darating siya. Sumagot naman iyon sa pormal na paraan ng okay. Just that and nothing more. Perhaps she was already moving on. Lumingon ang dalawa ni Faye pero si Inez ay hindi niya nakikita. "Fabio!" Ani ng dalawa kaya medyo ngumit
Kabanata 43 ZIANA feels getting better every day. Lalo na sa umaga pag nagigising suya ay ang gaan ng pakiramdam niya. Natutuwa siya sa maliliit na effort ni Sofia sa kanya, tulad ng pagtutulak ng cart ng pagkain para raw hindi na siya maglakad papunta pa sa dining room. The dining room is just a few steps away from her room. Nagpabili pa iyon kay Fabio ng cart, at ang isa naman ay hindi tumatanggi sa kagustuhan ng anak. He bought a cart right away, a small one. Na-miss tuloy niya ang kanyang Daddy at ang mga tiyuhin niya na sumakabilang-buhay na. Wala rin siyang hinihingi na hindi ibinibigay ng mga iyon. Kaya siguro siya nag-aral na maging mabait na bata dahil may reward siyang nakukuha. And now that she's old enough to understand, dapat talaga ay mabuting tao lang siya para may reward siya sa Diyos, tulad ng extension ng kanyang hiram na buhay. She's not being spiritual but that's her belief as a normal Christian. And that's what her parents taught her. Biglang sumilip sa pinto a
Kabanata 42 SI Sofia ang pinakamasayang tao sa mundo nang dumating sila sa bahay. Kitang-kita ni Fabio ang pagmamahal ng bata sa dalagang kinuha niyang bodyguard, a kind of affection he never saw from Sofia to Inez, even for several years. Hindi niya maintindihan kung paano na hindi nakuha ng babae ang ganitong pagmamahal mula kay Sofia. Hindi naman kasi siguro nag-effort iyon na makuha. Salamat at hindi na sumama si Silas sa kanila. Napapakunot-noo na lamang siya sa tuwing magtatanong siya sa isip kung bakit ganoon na lang ang concern ng matandang lalaki kay Ziana. And he saw that man kissing her on the head. As a father, kakampi ang isang ama sa anak kahit na ano pa man. Sa sitwasyon ngayon, parang walang pakialam si Silas sa mararamdaman ni Inez, sa oras na malaman no'n na pumunta pa ang ama sa Legazpi para lang tingnan si Ziana. Walang estrangheri ang gagawa ng bagay na iyon sa isang kakikilala lang na tao, liban sa isang ama na nagmamahal sa anak. But that's so Impossible.
Kabanata 41.1 Salamat sa Diyos! Matapos ang tatlong araw ay cleared na si Ziana. Pinalalabas na siya ng doktor. Bilib din ang doktor sa tibay niya. Kung ibang tao lang daway baka naratay na, o baka umabot na ng isang bawan sa ospital. Ayaw niya kasi na sanayin ang sarili niya na nakahiga at dinaramdam ang sakit ng katawan. Nalisip niya na sumasakit din naman ang katawan niya noon sa training kaya itinatanim niya sa utak niya ngayon na sumabak lang siya ulit sa training at hindi siya nahulog sa mataas na floor ng mall. Dahan-dahan niyang isinusuot ang tsinelas nang bumukas ang pinto. Hindi siya makabaluktot dahil masakit pa ang balakang niya. Ayaw niyang ipilit. Kahit na malakas siya at malakas ang loob niya marunong naman siyang sumunod sa mga payo sa kanya ng doktor. Napatingin siya kay Fabio. "Let me," anito saka lumapit kaagad sa kanya. Isinuot nito sa kanya ang tsinelas matapos na yumukod sa harap niya. Galing ito sa labas at naghatid ng mga gamit sa sasakyan, kasama si Albe