Kabanata 10 "SOFIA!" Malakas ang boses na sigaw ni Fabio nang makita na wala ang anak niya sa kwarto nang umaga na iyon. He had a very bad dream, at nagising siya na gatla-gatla ang pawis niya sa noo, kahit na ang lamig sa kwarto dahil sa aircon. Agad siyang bumangon at tinungo ang kwarto ni Sofia, pero heto at wala rito ang bata. Pumihit si Fabio at naglakad patungo sa hagdan, salubong ang mga kilay. Alam niyang lagpas na ng alas syete ng umaga dahil tirik na ang araw sa bintana ng kwarto niya. "Shawy!" Mabalasik na tawag niya sa yaya ng anak niya. Agad naman iyon na sumulpot mula sa kusina. "P-Po, Sir?" Pupunas-punas ito sa hawak na basahan. "Si Sofi?" Tanong niya, masungit ang mga mata "I-Inilabas po ni Ma'am Ziana," aniya kaya lalo siyang nainis. "And you let her?" Dumagundong ang boses niya sa kabuuan ng sala. Hindi makaimik si Shawy kaya lumabas din si Lerma sa kusina. "May problema ba, Fabio?" Tanong ng may edad na babae. "Bakit hinayaan mo na isama siya, Shawy? Ika
Kabanata 11 MAHIGPIT na yakap ang nakuha ni Ziana mula kay Sofia nang sabihin niya na hindi na siya aalis. She instantly smiled when she felt the child's warm hug, as warm as her smile. Napakalayo ng ugali ni Sofia kay Fabio. Ang lalaking iyon ay galit sa lahat habang ang batang ito ay masayahin at malambing. "Gentle po ba si Daddy, Tita Ziana?" Sofia asked after cuddling her. Napakunot noo kaagad siya. Anong gentle? "G-Gentle saan po?" Anaman niya saka inayos ang manika nitong nakapilipit ang braso. "Sa iyo po. I told him to be gentle when talking to you. I don't want him to be harsh. Mabait naman po si Daddy. Problematic lang po siya siguro lately." "Ah," tango niya, "oo naman. Gentle ang Daddy mo. Napaka," aniya sa kabaliktaran dahil nga ang taas ng boses no'n kahit na nagso-sorry na sa kanya kanina, tapos ang mga damit niya sa luggage ay basta na lang isinaksak pabalik sa cabinet. Ano pa ba ang gagawin niya? "That's good to hear, Tita. From now on I'll keep an eye on him.
Kabanata 12 WALA naman nagtitinda ng tinapay pero may mga pandesal. Napangiti si Ziana habang nakatingin sa halos hubad na katawan ni Fabio sa may swimming pool. Nakasilip siya sa bintana, hawak ang kanyang smartphone. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Fabio? Kahit may asawa na ito, talagang wala ritong tatanggi na babae. Edukado, ubod ng yaman at ubod ng gwapo ang lalaki, not to mention masungit. Pero palagay niya ay hindi ito masungit sa Inez na iyon. Kung bago pa man magkaroon ng Sofia ay may relasyon na ang dalawa, nangangahulugan na mahigit ng anim na taon ang relasyon nito sa babaeng iyon. Agad siyang napasipol. Ang tagal na palang kabit ng babae na iyon. Naiiling siyang pumihit at naglakad papalabas ng kwarto. Binuksan niya ang pinto ni Sofia. Tulog pa ang bata kaya marahan niya ulit na isinara. It's just six in the morning. Tama lang na matulog na muna ang bata. Bumaba siya at lumabas ng bahay. Dumiretso siya sa kung saan naroon si Fabio. She saw
Kabanata 13 "SOFIA is so fond of her new body-yaya," iyon ang sabi ni Inez kay Fabio habang nasa video call sila at siya ay nagta-trabaho. Kaharap niya ang laptop, at the same time ay ang smartphone. Kanina ay ito at si Sofi ang magkausap. He makes sure to give his child quality time to talk to his girlfriend. Gusto niya ay kasama iyon sa relasyon nila dahil iyon naman ang sinabi niya kay Inez bago naging sila. Nang mamatay kasi si Ces, agad na nagpakita at nagsabi si Inez ng totoong damdamin para sa kanya. And they were really good friends for a year. Kliyente niya ang ina ni Inez nang iyon ay masangkot sa kasong cyber libel sa Universiy na pinagtatrabahuhan. After that, Inez bacame his friend. Kahit na si Ces ay kaibigan din ito kaya ang relasyon niya kay Inez ay hindi na basta lang. Pitong taon na silang magkarelasyon, isang taon na magkaibigang matalik, kulang-kulang anim na taon bilang mag-boyfriend. Ces' death was unexpected, but before her complications worsened, she told
Kabanata 14 "THANKS for your effort, Ziana," That's what Fabio said soon after they entered the house. Bitbit na ni Shawy si Sofia at pumanhik na para paliguan ang bata bago sila kumain. For girl was so tired. "Walang anuman. I told you, kahit wala akong anak ay alam kong magpasaya ng bata," sagot naman ng dalaga rito, na may kasamang ngiti, "You also did well. Look at us. Pareho tayong madungis." Sinuri niya ang sariling katawan. Natatawa na lang siya. Daig pa niya ang muling sumabak sa training sa galing sa paggapang "Anything for my daughter, Ziana." "Dapat lang," maagap na sagot niya, "Hindi dapat ipinagpapalit ang anak sa kahit na ano o kahit na sino." That answer was for him but at some point, parang patama niya rin iyon sa kanyang sarili, lalo sa kanyang totoong mga magulang na wala sa kanyang pakialam. "You've been with us for an hour. Akala ko ba may trabaho ka kaninang babalikan?" Natatawa na tanong niya dahil nakalimot na ito sa sinasabi nito kanina. Kanina lang n
Kabanata 15 SUOT ang kanyang salamin sa mata at nag-angat ng tingin si Fabio kay Ziana. She was standing at his office's door and made a warning knock, though it was open. Sumandal ito sa hamba. Bakit kailangan pa nitong pumosing? Wearing his night dress. How could this sexy lady choose to be a cop? Hindi niya pinansin ang itsura nitong parang bold star sa kanyang harapan. "Do you need anything, Lieutenant?" Sumulyap siya sa orasan ng laptop, "It's late. Alas onse na. Bakit gising ka pa?" He sounded old, but he's really old compared to this woman. Bente tres pa lang ito, at siya ay trenta y tres na. "Ipapaalam ko sana si Sofi sa iyo." Umarko ang mga kilay niya. "Come closer," he ordered and put down his glasses. He was bothered by her look. Maikli ang damit nito at malalim ang neckline. Mas pabor sa kanya na lalapit ito dahil hindi niya gaanong makikita ang kabuuan ng postura nito. She walked towards his table. "Ipapaalam mo si Sofi? Where will you go?" "Not only Sofi," she
Kabanata 16 "WOW!" Bulalas ni Sofia nang makita si Ziana na bumaba ng hagdan. Nakahawak sa magkabilang pisngi ang bata at nakanganga, namimilog ang magagandang mga mata. Nilalagyan ito ng ribbon ni Shawy nang siya ay bumaba. At masasabi niya na purong paghanga ang nakikita niya sa mga mata ni Sofia. "You're so lovely po talaga, Tita Ganda. I can't wait to go back to school to flex you." Natawa siya nang mahina at bahagyang tiningnan ang sarili. She's wearing a denim faded short, too short to be precise tapos ay t-shirt na itim. Sa baywang niya ay nauunang magyabang ang isang kalibre 45. "Totoo po Tita Ganda na punta po tayo sa malayo?" Tumango siya, "Para naman mag-enjoy ka sa bakasyon mo rito bago ka bumalik sa Manila. Lolo Albert invited you to go farming." "Gusto ko po! Gusto ko! Are there horses there?" "Parang rantso naman ang hinahanap ng baby ko sa akin a," natatawa niyang sagot nang mamwewang, "five hectares lang 'yon, Sofi, quite small to be a ranch but yes, may horse
Kabanata 17 MAINIT ang ulo na napahilamos ng mukha si Fabio gamit ang kanyang palad. After 1 hour of driving, here he is. Kababa lang niya ng nga bagahe saka sinagot ang tawag ni Inez. Ilang beses na kasi iyon na tawag nang tawag sa kanya, at hindi niya naman masagot dahil nagmamaneho siya. It never became his habit to talk over the phone while driving unless it's about Sofia. Sinasagot naman niya si Inez sa tuwing tumatawag iyon kahit na nagmamaneho siya, kaya lang kagabi ay natulog sila na may hindi pagkakaunawaan. For sure, the call today is a continuation of last night. Mas mabuting sagutin niya ay kapag hindi na siya nagda-drive para hindi magulo ang utak niya. And he was right. "Inez, hindi ikaw ito. Nag-aaway tayo pero hindi ganito. Isang araw at kahati mo na akong ginugulo ng tungkol sa issue kay Ziana," he told her. "Where are you? Nasa labas ka ba?" Iyon ang naging sagot nito sa halip na intindihin ang sinasabi niya. "Yes. Nasa farm kami. Albert invited us to come. It
Kabanata 48 "BABY, will you help me with this? Thank God you're here," Hindi magkadaugaga na tanong ni Ziana habang pilit niyang isinusuot ang tank top niyang kulay puti. Katatapos lang niyang maligo, at ito ang unang pagkakataon na hindi siya nagtawag ng makakatulong sa paliligo niya, who happens to be manang. Akala niya ay kaya niya, hindi pala. Hirap siyang magsuot ng damit ngayon. Buti na lang at narito si Sofia. Kahit bra ay wala siya. "Pakiabot mo baby itong hook ng bra at isabit mo." Wala siyang nakuhang sagot pero ramdam niyang may lumapit. Napakunot noo ang dalaga. Sofia is a lively girl. Hindi iyon pumapasok na hindi nauuna ang pagbati sa kanya. Akma na siyang lilingon nang biglang may humawak sa hook ng kanyang bra. She immediately turned her face and to her surprise, Fabio held her neck. "F-Fabio?" Kandautal niyang sabi pero hindi na iyon nasundan ng anumang salita dahil bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi habang hawak siya sa leeg. Naramdaman ni Ziana na
Kabanata 47 ISANG tikhim ang nagpalingon kay Ziana habang nakatayo siya sa may bintana, nakatingin sa mag-ama sa labas ng lumang bahay nila. Namamangha si Sofia sa mga makalumang bagay sa kanilang bakuran. Naroon ang mga naka preserve na lumang pang-araro sa bukid, lumang kubo, lumang kalan, mga lutuan at kung anu-ano pang mga lumang kagamitan. "Uncle," ngumiti na bati niya sa tiyuhin na nakangiti na rin sa kanya. "How do you feel now, anak? Wala ba sa iyong sumasakit?" "Wala naman, Uncle. Everything's going back to normal. Minsan nahihilo ako pero not to the extent na umiikot na ang paligid." "Magsabi ka kaagad kapag may hindi ka magandang pakiramdam para makapagpagamot kaagad. You've been through worst, honey." Tumango siya, "Tingin ko naman ay diretso na ang paggaling ko, Uncle. I am helping myself, too. I don't want to be like this forever." "You will get better in no time. I can see how strong you are. Si Fabio, kumusta?" Ngumiti ito kaya naman napalabi. "Si Uncle talaga
Kabanata 46.1 BUHAY na saksi pala si Shawy ha! Nakangiti lang si Fabio pero sa loob niya ay ang lakas ng tawa niya nang aminin ni Shawy na mukhang nagkamali nga ito ng akala, na malamang ay si Inez lang ang may pakana ng lahat na may relasyon na sila kahit na may asawa pa siya. "Nakakainis naman si Shawy," nakabusangot na kamot ni Ziana sa ulo habang papalabas sila ng bahay, "Ang lakas pa naman ng loob ko na makipag-deal, talo naman papa ako! Tsk!" Ani pa nito kaya naman natawa lang ang binata nang mahina. Nang tumayo ito sa may kahoy na mesa habang nagmamaktol ay tumayo naman siya sa likuran nito. "I am not a cheater," paglilinaw ulit niya. "Oo na!" Irap nito kaya lalo lang siyang natawa. "I have to help you understand it, Ziana. Importante sa akin na paniwalaan mo ako at malaman mo ang totoo kong pagkatao. Wala naman akong alam na ganoon ang pinagsasasabi ni Inez sa ibang tao tungkol sa amin. All this time, she was telling her friends that she was my other woman." "Sinong ma
Kabanata 46 FABIO smiled victoriously when he put the final ingredient on the tray, the flower. "Naks naman si Sir!" Shawy exclaimed when the woman entered the kitchen, inspired na inspired." "Come here. How do you find this presentation? And where is Sofi?" "Ay si Sofi po tulog pa," anito saka lumapit, sinipat ang inihanda niyang bowl ng sopas. He also has the garlic bread on the sides. "Maganda na po, Sir. Parang huling naghanda po kayo ng breakfast ay noong..." hindi nito itinuloy ang sasabihin kaya naghintay siya. "Noong?" "Noon pong nasa ospital si Ma'am Ces naiwan..." malungkot nitong sabi. He smiled. Yes. Naalala niya. And he swore to hell that moment that he would never prepare any meal for any woman again, dahil ang kanyang dala ay hindi na nakain, dahil nawala na si Ces ilang minuto matapos siyang dumating sa ospital. "It's okay. Anim na taon ng wala si Ces. Nakapag-move on na ako, Shawy." "Mukha nga po, Sir kasi ay naghanda na po kayo ulit ng meal." He smiled. Hi
Kabanata 45 "LEIUTENANT, nandiyan na po si Attorney," JK's voice made Ziana stop from checking the bush. Hawak niya ang kalibre 45 niya habang sinusungkit ang mga dahon ng halaman. Naglalaro kasi si Sofia roon at kinukuha lang ang manika sa kwarto. Nag-aalala siya na baka may naligaw na naman na ahas doon, anak ni Inez. Naiirita talaga siya sa patanggi-tanggi ni Fabio na may relasyon na ang dalawa hindi pa man lang patay si Ces. Hindi nag-abala ang dalaga na ipilig ang ulo para tingnan ang lalaki. Agad na kumulo ang dugo niya pagkarinig na nariyan na si Fabio, si Fabio na walang pakialam, si Fabio na sinungaling at mapagpanggap, malandi at lahat-lahat na. "O, ngayon?" Mataray na sagot niya sa lalaki. "E, baka lang po Ma'am gusto niyong salubungin ba." "Hindi ako magpapakapagod. Sige na, pumunta ka na roon." Naramdaman niyang tumalikodnna si JK kaya naiinis niyang binusiklat ang dahon. "Ni kuwit walang text tapos sasalubungin. Ano ako, hilo? Hindi pa ako tanga para salubungin a
Kabanata 44 Fabio found himself in front of Silas' mansion. This is the last plan on his list before he flies back to Legazpi tonight. For the very last time, he wants to talk to Inez to have a better closure. He couldn't just leave her just like that. Kahit paano ay napakalalim na ng kanilang pinagsamahan. "Sir Fabio!" Nakangiti na bati ni Dolores sa kanya nang makita siya sa loob ng bakuran. "Si Inez, manang Dolor?" "Ay naroon po sa pool, nagsu-swimming with her friends." He just made a simple nod. Naglakad siya papunta sa pool na nasa may likod na ng mansyon. May mga babae siyang nakikita na nakaupo sa gilid, naglalaro ng tubig. Mga kaklase ni Inez ang mga iyon, sina Shanti at Faye, kung hindi siya nagkakamali. Una na niyang inabisuhan si Inez na darating siya. Sumagot naman iyon sa pormal na paraan ng okay. Just that and nothing more. Perhaps she was already moving on. Lumingon ang dalawa ni Faye pero si Inez ay hindi niya nakikita. "Fabio!" Ani ng dalawa kaya medyo ngumit
Kabanata 43 ZIANA feels getting better every day. Lalo na sa umaga pag nagigising suya ay ang gaan ng pakiramdam niya. Natutuwa siya sa maliliit na effort ni Sofia sa kanya, tulad ng pagtutulak ng cart ng pagkain para raw hindi na siya maglakad papunta pa sa dining room. The dining room is just a few steps away from her room. Nagpabili pa iyon kay Fabio ng cart, at ang isa naman ay hindi tumatanggi sa kagustuhan ng anak. He bought a cart right away, a small one. Na-miss tuloy niya ang kanyang Daddy at ang mga tiyuhin niya na sumakabilang-buhay na. Wala rin siyang hinihingi na hindi ibinibigay ng mga iyon. Kaya siguro siya nag-aral na maging mabait na bata dahil may reward siyang nakukuha. And now that she's old enough to understand, dapat talaga ay mabuting tao lang siya para may reward siya sa Diyos, tulad ng extension ng kanyang hiram na buhay. She's not being spiritual but that's her belief as a normal Christian. And that's what her parents taught her. Biglang sumilip sa pinto a
Kabanata 42 SI Sofia ang pinakamasayang tao sa mundo nang dumating sila sa bahay. Kitang-kita ni Fabio ang pagmamahal ng bata sa dalagang kinuha niyang bodyguard, a kind of affection he never saw from Sofia to Inez, even for several years. Hindi niya maintindihan kung paano na hindi nakuha ng babae ang ganitong pagmamahal mula kay Sofia. Hindi naman kasi siguro nag-effort iyon na makuha. Salamat at hindi na sumama si Silas sa kanila. Napapakunot-noo na lamang siya sa tuwing magtatanong siya sa isip kung bakit ganoon na lang ang concern ng matandang lalaki kay Ziana. And he saw that man kissing her on the head. As a father, kakampi ang isang ama sa anak kahit na ano pa man. Sa sitwasyon ngayon, parang walang pakialam si Silas sa mararamdaman ni Inez, sa oras na malaman no'n na pumunta pa ang ama sa Legazpi para lang tingnan si Ziana. Walang estrangheri ang gagawa ng bagay na iyon sa isang kakikilala lang na tao, liban sa isang ama na nagmamahal sa anak. But that's so Impossible.
Kabanata 41.1 Salamat sa Diyos! Matapos ang tatlong araw ay cleared na si Ziana. Pinalalabas na siya ng doktor. Bilib din ang doktor sa tibay niya. Kung ibang tao lang daway baka naratay na, o baka umabot na ng isang bawan sa ospital. Ayaw niya kasi na sanayin ang sarili niya na nakahiga at dinaramdam ang sakit ng katawan. Nalisip niya na sumasakit din naman ang katawan niya noon sa training kaya itinatanim niya sa utak niya ngayon na sumabak lang siya ulit sa training at hindi siya nahulog sa mataas na floor ng mall. Dahan-dahan niyang isinusuot ang tsinelas nang bumukas ang pinto. Hindi siya makabaluktot dahil masakit pa ang balakang niya. Ayaw niyang ipilit. Kahit na malakas siya at malakas ang loob niya marunong naman siyang sumunod sa mga payo sa kanya ng doktor. Napatingin siya kay Fabio. "Let me," anito saka lumapit kaagad sa kanya. Isinuot nito sa kanya ang tsinelas matapos na yumukod sa harap niya. Galing ito sa labas at naghatid ng mga gamit sa sasakyan, kasama si Albe