"H'wag ka nang umiyak, Avy..." Pagpapatahan sa akin ng kaibigan kong si Lizette.
Sinamahan ako ni Liz sa CR, nagpaalam kami sa Guro namin. Gusto ko lang naman na ilabas ang lahat ng naipong luha ko mula pa kanina. Sobrang sakit ng mga ipinagsasabi at ipinangalandakan pa niya sa mga kaklase namin.
Alam ko naman na isa akong ampon. Matagal ko nang alam 'yon at matagal ko na rin namang tanggap iyon, pero sa sinabi ni Aivan kanina na wala akong kwenta at pabigat lamang ako sa kanila at lahi pa ako ng walang kwenta ay iyon ang pinaka-hindi ko matanggap.
Hindi ko alam ang iba pang pagkakakilanlan ng Nanay ko pero, alam ko naman sa sarili ko na mabuti siyang tao. Lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na kahit na iniwanan niya ako ay mahal na mahal pa rin naman niya ako.
"Avygail.... Kinakabahan ako sa'yo, Kumalma ka lang!" Ani Liz na tila kabado sa tabi ko.
Sa pag-iyak ko ay unti-unting bumibilis ang paghinga ko. Alam ko na ang sintomas ng nararamdaman ko ngayon, Inaatake na naman ako ng asthma.
"T—Teka lang! T—Teka lang! Dadalhin kita sa Clinic!" Naaalarmang sabi ni Liz pero hindi ko na iyon inalintana pa dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.
Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may humahawak sa kamay kol kaya iminulat ko ang mata ko at tinignan ko kung sino ang taong humahawak sa kamay ko.
"Mabuti at gising ka na! Gaga ka talaga! Iyak ka kasi ng iyak kaya ka inatake ng hika!" Ani Lizette sa akin. "Nandito kanina ang adviser natin, nalaman kasi ni Ma'am Ramiro na ang pinagmulan ng lahat ng ito ay si Aivan! Kaya hayon at ipinatawag niya ang magulang niyo." Sabi pa niya.
Naalarma ako nang marinig ko ang sinabi niya, "Paano nalaman ni Ma'am Ramiro? Sinumbong mo ba si Aivan?" Tanong ko.
"Gaga! Syempre hindi! Alam ko naman na gusto mong isikreto na lang yung ginagawa sa'yo ng baliw na iyon. Ang nagsumbong lang naman ay walang iba kung hindi ang mga epal na kaklase natin. Narinig kasi nila ang lahat ng mga sinabi ni Aivan kanina." Sabi pa niya.
Excuse na sana ako sa klase pero pinili ko na lamang na pumasok sa susunod na klase dahil okay na naman ang pakiramdam ko, si Lizette naman ay pumunta na sa pwesto niya habang ako ay gayon din ang ginawa.
Saglit akong napabaling ng tingin sa kinape-pwestuhan ni Aivan pero nakayuko lamang siya, Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Sana naman ay matauhan na siya sa lahat ng mga pinagsasabi at pinaggagawa niya sa akin.
Nang matapos ang klase ay agad akong nagpaalam sa kaibigan ko dahil gusto ko na talagang makauwi para makapagpaliwanag kina Tita Cassie at Daddy Blake. Gusto ko lang na linisin ang pangalan ko sa nangyari kanina.
Pagdating ko sa Car Park ay nakita ko na ang sasakyan at si Kuya Ryan. Hindi ko naman kasabay si Aivan sa tuwing ako ay papasok o di kaya naman ay pauwi na, may sarili kasi siyang service, minsan nga ay siya na ang nagmamaneho ng sasakyan kapag wala si Daddy at Tita Cassandra.
Pag-uwi ko sa bahay ay naroon na si Tita Cassandra, "Good afternoon po." Sabi ko at nagmano ako sa kanya.
"Mabuti at okay ka na, may natanggap akong tawag kanina galing sa teacher mo at nalaman ko na inaway ka na naman ni Aivan..." Sabi niya sa akin habang ine-examine ako, doctor kasi si Tita Cassandra, "Pupunta sana ako kanina kaso may operasyon ako. May inoperahan ako kaninang pasyente..."
"Okay lang po iyon, Okay na naman po ako." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya, "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Aivan.... Wala naman akong naiisip namdahilan kung bakit hanggang ngayon ay galit na galit siya sa'yo.... Kaya ako na ang hihingi ng patawad para sa kanya, Huwag kang mahihiyang magsumbong sa akin o sa Daddy Blake mo."
Napatango ako. "O—Opo, sorry din po.."
Wala pa si Aivan, marahil ay may practice na naman siya ng basketball habang si Daddy Blake naman ay pauwi na pala galing sa business meeting. Dapat ay sabay sila na uuwi ni Tita Cassie ang kaso lamang ay may set na schedule si Tita sa hospital ngayong araw. Si Daddy Blake ay susunod na lamang sa pag-uwi mamaya.
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay siya namang pagdating ni Daddy Blake kaya agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako, "Opo, ayos na po ako."
Ngumiti siya at pagkatapos ay pinantayan ako ng taas at saka ako hinalikan sa pisngi, "May pasalubong ako sa'yo, H'wag mo na lang ipaalam sa Kuya Aivan mo dahil baka kunin niya na naman 'to sa'yo.."
Tumango ako sa kanya at saka din bumukas ang pintuan at pumasok si Aivan, Lumapit siya kay Daddy para magmano pero nanlaki ang mata ko nang hilahin ni Daddy ang kwelyo ni Aivan kaya kinabahan ako.
Tinignan ko ang paligid para sana tawagin ko si Tita Cassandra ngunit natandaan ko na bumalik pala siya sa hospital kani-kanina lamang.
"Ano na naman 'tong ginawa mo kay Avygail, huh?! Inatake na naman siya ng hika nang dahil sa kalokohan mo! Hindi ka ba nahihiya sa pinaggawa mo? Maraming nakakakita at maraming nakakaalam sa ginagawa mong kalokohan kay Avygail!"
Nanlaki ang mata ko nang suntukin ni Daddy si Aivan kaya lumapit ako sa kanila para umawat, mabuti na lang at medyo kumalma na si Daddy.
"Sa susunod na malaman ko na pinaiyak mo na naman si Avygail, malilintikan ka na talaga sa akin!" Aniya at pagkatapos ay pumunta namsa kwarto niya.
Naiwan kaming dalawa ni Aivan, at nang mapabaling ang tingin ko sa kanya ay masama na pala ang tingin niya sa akin.
Nagulat ako nang hilahin niya ako patungo sa may hardin ng bahay, Huminto kami sa harap ng pool at nakita kong nakatitig lang sa hawak kong karton si Aivan, kaya kinabahan ako at huli na para itago iyon dahil kinuha niya sa akin ang karton at binuksan para makita ang laman.
Napatawa siya nang makita ang lamang ng karton, "Iphone 7 plus.. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal 'to, ha?" Aniya habang ipinapakita sa akin ang cellphone.
Hindi na lamang ako naka-react nang ilagay niya sa bulsa niya ang cellphone na bigay sa akin ni Daddy. Napayuko ako para itago ang nagbabadyang mga luha ko.
Hinawakan ni Aivan ang baba ko para itaas ang paningin ko sa kanya, "Tumigil ka sa pag-iyak mo, bubwit. Hindi ako naaawa sa'yo, kahit na bugbugin pa ako ng paulit-ulit ni Papa.... Lagi mong tatandaan na sampid ka lang dito, ampon ka lang. Iniwan ka ng malanding Nanay mo dahil wala kang kwenta, dapat sa'yo binebenta!" Aniya at marahas na binitawan ang baba ko at saka umalis.
Habang ako ay naiwang umiiyak.
Kinagabihan ay kumpleto kami sa hapagkainan, Maaga kasing umuwi si Tita Cassandra, habang si Daddy naman ay sinundo kanina si Allen na nagbakasyon sa bahay ng mga magulang ni Daddy.Si Allen ay bunsong anak ni Tita at ni Daddy, Seven years old na siya ngayon. Walong taon ang tanda namin ni Aivan sa kanya.
"Gonzales, Aivan! Anong gulo na naman ang pinasok mo at nakipag-away ka na naman sa section c?" Tanong ng aming Guro na kapapasok lang sa classroom.Napalingon naman ako sa pwesto ni Aivan sa may bandang likuran, Katabi niya ang kaibigan niyang si Eric at Zach."Sorry, Ma'am.."
Ilang beses kong pinagdikit ang mga palad ko at pinagkuskos iyon, Muli akong napatingin sa wall clock na nasa itaas ng black board, 3:15 PM!Sabi sa akin ni Aivan kanina: Dapat daw ay naroon na ako sa gymnasium ng alas-tres ng hapon.Hindi naman naka-attend si Aivan sa klase dahil excuse siya ngayong araw, "Okay, class dismissed." Sabi ng aming Guro na si Ma'am Mandaue.Paglabas ng aming guro ay tumayo na ako, lumapit naman sa pwesto ko si Lizette. "Ano girl? Tara na? L
"Samahan mo na lang ako sa Mall? Maaga pa naman, eh.." Ani Lizette. "Nagpadala kasi yung Tiyahin ko, kaya kailangan kong kunin sa Pera Padala.." Sabi niya habang hinihila ako patungo sa terminal ng jeep.Pagdating namin sa mall ay nagpasya na muna kami ni Liz na kumain sa KFC. Hindi pa rin kasi kami nagtatanghalian at kanina pa din kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom.Habang sabay kaming kumakain ni Liz ay may umupong lalaki sa harapan namin, nang makilala ko kung sino iyon ay namilog ang mata ko.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at ini-lock ang pintuan. Habang ibinababa ko pa nga ang nga gamit ko sa kama ay siyang tuloy-tuloy na pagbagsak naman ng mga luha ko.Lagi nalang akong mali sa kanya! Wala naman talaga akong ginagawang tama sa kanya! Lagi niyang iniisip na isa akong malanding babae na tulad ng Nanay ko — na kahit kailan ay hindi ko pa man din nakikita.Ilang minuto pa ay tumayo ako at saka nagtungo sa harapan ng salamin. Tinignan ko ang braso ko na ngayon ay medyo namumula na at tiyak ako na mamaya-maya lamang ay magkakaroon na rin ako ng mga pasa.
Kinakabahan akong sumunod kay Daddy. For the nth time, ngayon ko lang ulit nakita na ganito siya kagalit. Nakakatakot siyang magalit, nakita ko na kasi siyang magalit noon kay Aivan, mayroon din namang pagkakataon na napapagalitan ako pero hindi naman ganitong katindi. Si Tita Cassandra naman ay naiwan sa labas habang kinakausap si Aivan.Halos hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng mga narinig ko kanina. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na pupunta na palang Amerika si Aivan at doon na mag-aaral pati maninirahan.Sa katunayan ay talagang lumuwag ang pakiramdam ko sa narinig ko kanina,
Magsasalita pa sana ako pero dahil narinig namin ang tunog ng katok mula sa pintuan ay napatigil kaming dalawa. Parehas kaming napatingin sa pinto."Avy?" Boses iyon ni Daddy!Nagpalitan kami ng tingin ni Aivan na ngayon ay paulit-ulit na napapalunok."Avy?! Nandiyan ka ba? Si Aivan ay wala sa kwarto niya." Si Daddy ulit iyon, "Yaya Marina, Kunin mo ang spare key ng kwarto ni Avy!"
"Sure ka?! Nako Avy! Paniguradong babakuranan ka ng Aivan na 'yan! Nako nako!" Ani Lizette habang ngumunguya ng french fries, "Eh bakit naman kasi pinayagan pa ni Tito Blake 'yang Aivan na 'yan?! Naloka naman ako!"Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa cellphone ko, "Excited na excited pa naman si Aivan habang kausap ko kanina sa cellphone."
Malakas kong inilapag sa kaharap kong mesa ang hawak kong cellphone. Iyang Aivan na iyan! Kung hindi niya pa naiwanan ang cellphone niya sa kwarto naming dalawa ay hindi ko pa malalaman ang kabulastugan niya!Nakakagigil! Humanda sa akin si Aivan pag uwi niya at pag-uwi ko rin sa trabaho ko!Si Pierce, ang anak naming dalawa ni Aivan ay nasa eskwelahan. Grade 1 na siya ngayong taon.Pitong taon na ang nakalipas simula ng maikasal kami ni Aivan.
"Tol, dinala sa clinic si Avygail." Sabi ni Eric sa akin.Napayuko ako at napahawak sa sentido ko, "H—Hindi ko naman sinasadyang sabihin na ampon lang siya.. Hindi naman talaga siya naging pabigat sa bahay... Nadala lang ako ng galit dahil sa ginawa ng Mama niya sa Mama at Papa ko." Sabi ko kay Eric."Eh, pre... Kung ano man ang naging kasalanan sa'yo ng Mama ni Avygail. Huwag mo na sanang idamay si Avygail lalo na at wala naman siyang alam sa nagawa ng Mama niya." Ani Eric.
"Sweetheart? Paki-kuha mo nga 'yung cellphone ko.. Baka kasi nag-text na si Mama." Utos ni Aivan sa akin.Nasa tabi ko lang naman ang cellphone ni Aivan. Ngayon ay nasa biyahe kami patungo sa garden kung saan gaganapin ang kasal namin na dalawang linggo pa naman mula ngayon.Halos tatlong buwan na ang nakalipas nang mangyari ang isang trahedya sa amin.Trahedya na halos baguhin na ang buhay ko.
Hindi ako iniwanan ni Aivan, kahit na sa tingin ko ay nahihirapan na siya dahil hindi ako nakakakita ay wala pa rin siyang patid sa kakaasikaso sa akin.Ngayon ay araw ng miyerkules. Kasama ko si Aivan ngayon at nasa bahay kami nila Daddy Blake.May magandang balita sa akin si Aivan. Sabi niya ay hintayin ko lang siya na matapos maligo at pagkatapos ay saka niya sasabihin ang 'good news' na sasabihin niya."Sweetheart? Kakatapos ko lang na maligo. Ano pang gusto mo? Gut
Nang bumalik ang malay ko ay napasigaw pa ako sa labis na sakit ng ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.Agad namang may humawak sa kamay ko, "Sweetheart... Nandito ako." Boses iyon ni Aivan.Unti-unting napakunot ang noo ko nang wala akong makita na kahit ano."A—Aivan.... Nasaan ako? Bakit hindi ako makakita?" Tanong ko habang ang kamay ko naman ay marahang humahaplos sa iyan ko. "Si baby natin?"
Halos hindi ko maidilat ng maayos ang mata ko dahil sa matinding pag-ikot ng paningin ko.Muli akong pumikit ng mariin dahil sa iniindang sakit ng ulo.Nang imulat kong muli ang mata ko ay nalaman kong nasa loob ako ng isang sasakyan.Nakatali ang kamay ko sa likod kaya hindi ko maigalaw ng maayos ang kamay.Lumingon ako sa nagmamaneho ng sasakyan
"Didiinan ko pa ba, sweetheart?"Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. Napahiyaw pa ako sa sakit na nararamdaman ko dahil mas lalo pang diniinan ni Aivan.Napahinga naman ako ng malalim matapos ang ilang minuto."Ayan na, Aivan.... Medyo nasasarapan na ako."Marahan naman niyang hinalikan ang labi ko at pagkatapos ay itinuloy na muli niya ang k
Problemado akong napahilamos sa mukha ko habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.Nakatulog lang ako sandali sa kwarto ay ganito na agad ang tumambad sa akin.Binalingan ko ng tingin si Aivan na nakayuko habang pinagdidikit niya ang dalawa niyang kamay na tila ba nahihiya pa sa akin."Tingnan mo ang ginawa mo sa fried chicken mo." Sabi ko sa kanya sabay turo sa fried chicken na n
Kinakabahan kong tinignan si Aivan. Hindi naman ako kinakabahan dahil kay Stacey, kinakabahan ako sa kung ano ang maaaring isagot ni Aivan sa tanong ni Stacey.Tumingin din sa akin si Aivan ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya.Halos mamilog ang mata ko nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at saka naman siya nagsalita."Nagmamahalan kami ni Avygail." Seryosong saad ni Aivan na ikinanganga naman ni Stacey.