"Sure ka?! Nako Avy! Paniguradong babakuranan ka ng Aivan na 'yan! Nako nako!" Ani Lizette habang ngumunguya ng french fries, "Eh bakit naman kasi pinayagan pa ni Tito Blake 'yang Aivan na 'yan?! Naloka naman ako!"
Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa cellphone ko, "Excited na excited pa naman si Aivan habang kausap ko kanina sa cellphone."
"Eh gaga ka kasi!" Napa-aray ako nang hilahin ni Liz ang buhok ko, "Paanong hindi magiging excited? Eh, araw-araw mong kinakausap si Aivan, malamang excited 'yun na makita ka! At isa pa, apat na taon kayong hindi nagkita! Sigurado ako na kaya excited ang lalaking iyon ay dahil gusto ka na niyang asarin!"
"Kaya nga eh." Sabi ko, 'yon din kasi ang nasa isip ko. "Sobra pa naman ang lalaking iyon. Konting may mapansin, ginagawan agad ng malisya."
"Hayaan mo na nga siya, Avy..." Sabi ni Liz, "Siguro naman, lulubayan ka na niya noh? Teenagers na kaya kayo! Lagpas na nga sa teens, actually."
Sa aming klase ay parang lumilipad ang isipan ko. Hindi kasi talaga maalis sa isipan ko ang sinabi ni Aivan na uuwi na siya rito sa Pilipinas.
Paano kung guluhin niya ako?
Guluhin na naman niya ako?
Hanggang sa maka-uwi ako sa dorm ko ay parang lumilipad ang isipan ko.
Kumain lang ako ng hapunan at pagkatapos ay ginawa ang ilang mga assignments ko. Nang mahiga ako sa kama ko ay saka lang ako nagbukas ng facebook ko at sakto sa newsfeed ko ang status update ni Aivan.
Aivan Gonzales
1 hour ago near New York, USA.
Bye New York! — Travelling from New York, USA to Manila, Philippines.
1,037 likes 175 comments 17 shares
Nagulat ako nang mabasa ko iyon.
Akala ko ba next week pa siya uuwi? Bakit parang mas napa-aga pa yata ang uwi niya? Mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng kaba. Baka kasi pagdating niya rito sa Pilipinas ay ako agad ang puntahan niya.
Mabuti nga at hindi na ako ginulo pa ni Aivan sa facebook messenger, siguro ay nasa eroplano na ang lokong iyon kaya ngayon ay wala nang nagcha-chat sa akin. Siya lang naman kasi ang bumubulabog sa facebook ko.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising. Sabado nga pala ngayon, ibig sabihin ay wala akong pasok. Balak ko sanang pumunta sa SM mamaya para doon na lang muna mananghalian pagkatapos ay saka ako uuwi sa bahay.
Tuwing sabado kasi ay umuuwi talaga ako sa bahay nila Daddy at Tita Cassandra, ang araw ng sabado at linggo lang kasi ang natatanging free day ko.
Gusto ko na rin namang makita si Allen, ang bunsong kapatid ni Aivan. Mabait kasi ang batang iyon hindi katulad ng kapatid niya na tila sinumpaan ng tadhana sa sama ng ugali.
Naligo na ako at pagkatapos ay saka nagluto ng aalmusalin ko. Nagprito lang naman ako ng hotdog at itlog at saka nagsangag ng kanin.
Nasa aktong kumakain ako nang marinig kong may kumatok. Para bang tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Wala naman kasing bumibisita sa akin tuwing sabado, si Liz kasi ay bihira lang naman akong puntahan dito sa dorm ko.
Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko si Zach, "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
Tumabi naman ako para makadaan siya papasok ng dorm ko, "Pumasok ka na muna." Sabi ko pa.
Pagpasok niya ay umupo naman siya sa sofa, "Hindi rin naman ako magtatagal dito, Avy.." Sabi niya.
"Ano bang sadya mo?" Ang tanong ko.
"Kanina, nagja-jogging ako, nakita ko si Tito Blake sa hardin ng bahay nila. Kausap niya si Tita Cecilia at Tito Danilo, noong makita ako ni Tito Blake, tinanong niya ako kung nakakausap ko raw si Aivan.." Sabi niya sa akin.
"Anong sabi mo sa kanila?"
"Sabi ko hindi." Sabi ni Zach kasabay ng pag-iling, "Huling beses kong naka-usap si Aivan last month, inaway niya ako dahil hindi ko sinabi sa kanya na may nanliligaw pala sa'yo."
Napakunot naman ang noo ko, "Bakit? Ano bang mayroon at naitanong ka ni Daddy?"
"Kasi hindi na tumatawag si Aivan... Tapos ang sabi pa ni Tita Emilyn kay Tito ay hindi na raw umuuwi si Aivan."
"Ha?" Kunot-noong tanong ko. "Hindi ba alam ni Daddy na uuwi na si Aivan?" Tanong ko pa.
Kibit-balikat si Zach, "Siguro hindi pa. Galit si Aivan sa Papa niya, eh. In-unfriend at binlock ni Aivan lahat ng family members niya sa facebook di ba? Kaya wala sa pamilya niya ang nakaka-alam na uuwi na siya ng Pilipinas."
Napahawak naman ako sa noo ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Ibig sabihin ay matagal na palang hindi nakakapag-usap si Daddy at si Aivan? At bakit nagawang magsinungaling sa akin si Aivan na pinayagan na pala siya ng Daddy niya na umuwi ng Pilipinas kahit na ang totoo ay hindi.
"Ano kaya kung sabihin ko kay Daddy na pauwi na si Aivan dito?" Suwestiyon ko sa kanya.
Muli siyang kumibit-balikat, "Ikaw bahala, Avy. Pero sigurado ako na kapag nalaman ni Aivan na ikaw ang nagsumbong kay Tito Blake ay talagang malilintikan ka. Alam mo ang ugali ni Aivan, loko-loko iyon."
Napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa cellphone ko, "Kinakabahan ako, Zach. Baka dito siya dumiretso sa dorm ko." Kinakabahang sabi ko sa kanya.
"Talagang dito siya dideretso, ikaw lang naman ang pwedeng malapitan niya rito bukod sa akin... Ang kaso nga lang nitong huling pag-uusap namin nag-away kami, kaya sigurado ako na sa'yo dideretso ang gagong iyon."
Wala ako sa sariling napayuko, para bang hindi ko na alam kung ano ang pwede ko pang gawin.
Kinakabahan kasi ako sa posibleng mangyari sa oras na puntahan niya ako dito sa dorm ko.
"'Wag ka mag-alala, Liz.... Hindi ka na naman siguro sasaktan non, baka naman nagbago na kasi si Aivan? Ang bibig lang siguro niya ang walang pinagbago dahil walang preno ang pagsasalita niya."
"Sana nga iyon lang," dahil kung pati ang ugali niya ang hindi nagbago ay talagang dapaet na akong kabahan.
"Tawagan mo na lang kami ni Liz kapag nagkaroon ng problema. Pupuntahan ka kaagad namin dito."
Tumango ako at saka ngumiti, "Sige. Salamat sa pagpunta at pagbibigay sa akin ng impormasyon. Nang dahil sa'yo ay nalaman ko na nagsisinungaling na naman pala si Aivan."
Huminga naman siya ng malalim bago magsalita, "Ngayon lang kasi siya siguro naglakas loob na lumayas ng tuluyan, dahil sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho si Aivan sa Amerika na hindi alam nila Tita Emilyn, at talagang nag-iipon siya para maka-uwi na dito sa Pilipinas."
Bahagya pang napa-awang ang labi ko sa aking narinig, "Hindi ko alam na nagtrabaho pala siya,"
Ngumisi naman siya, "Mataas ang pride ng gagong iyon, kaya hindi niya talaga ipapaalam sa'yo. Ayaw niyang kinakaawaan siya lalo na kapag ikaw."
"Ha?"
Muli siyang kumibit-balikat, "Sige, tawagan mo nalang ako kapag nagkaroon ng problema." Sabi niya at tumayo na, "Parating na siguro si Aivan, sa ngayon nasa airport na siguro siya ng Maynila." Sabi niya pa pagkatapos tumingin sa wrist watch niya.
"Mag-ingat ka pauwi."
Tumango naman siya at saka ibinaling ang tingin sa akin, "Ikaw ang mag-ingat."
Pag-alis ni Zach sa dorm ko ay agad rin naman akong naligo at pagkatapos ay nagbihis na ng maayos na damit. Plano ko kasi talagang pumunta ng SM para doon mananghalian at para makabili ako ng mga pagkain.
Nang makarating ako sa SM ay sa McDo kaagad ako dumiretso, tanghali na rin kasi. Nag-order lang ako ng two-piece chicken at nag-take out ng isa pang order na para naman kay Aivan. Sa tingin ko kasi: sa dorm ko talaga siya didiretso. Wala naman siyang ibang mapupuntahan gayong hindi pala niya kinakausap si Daddy at hindi man lang siya nakapagpaalam.
Pero pag-uwi ko sa dorm ay wala pa rin si Aivan hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, wala pa rin si Aivan. Hindi ko naman maiwasang hindi mag-alala dahil baka may iba nang nangyari kay Aivan.
Saan naman kaya pumunta ang isang iyon?
Pagkatapos kong magsimba ay pumunta na muna ako sa bahay para bisitahin sina Mommy at Daddy Blake pati na si Allen.
"Nakakausap mo pa ba si Aivan?" Tanong sanakin ni Daddy.
Umiling ako, "Hindi po eh."
"Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay ng Tita niya sa Amerika." Sabi niya sakin, "Baka naglayas na naman eh."
Napatahimik ako at parang hindi ko na alam ang sasabihin, "Susubukan ko na lang po siyang tawagan. Ilang araw na rin po kasi siyang hindi tumatawag sa akin."
Araw ng Lunes.
Katatapos lang ng ikalawang subject ko, breaktime ko ng thirthy minutes. Kaya may panahon pa ako para kumain ng almusal ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal kaninang umaga dahil sa pagmamadali.
Habang kumakain ako ng pizza sa canteen ay may naririnig akong mga bulongan sa mga katabi kong babae.
"Ang gwapo noh? Nakakaloka bes!" Sabi ni girl na maputi.
"Oo bes! My gad! Gusto ko ngang magpabuntis eh, kahit bingot bubuhayin ko!" Sabi ng babaeng kulot.
"Ang gwapo talaga ng transferee na 'yon. Nakita n'yo ba 'yung girlfriend niya?" Sabi pa ng isang babae na medyo blonde ang buhok.
Sa puntong iyon ay tuluyan na akong napatingin sa tatlo. "Hello? Sino tinutukoy niyo?" Tanong ko sa kanila.
Ngunit nawala naman ang pagkakangiti nila nang sumingit ako, "Che!" Sabi nila at sabay-sabay na tumayo.
Bwiset naman!
Nagtatanong lang, tatarayan pa ako. May naiisip naman kasi akong lalaki na pwede nilang pag-usapan, sino pa ba? Hmmm...
Habang itinutuloy ko ang pagkain komay may umupo sa harapan ko kaya napatigil ako at nang makita ko kung sino iyon ay tuluyang nanlaki ang mata ko sa gulat.
"A—Aivan..."
Ngumisi siya at pagkatapos ay kinuha ang hawak kong pizza at siya na ang umubos non, "Gulat ka noh?" Tanong niya habang ngumunguya.
Agad naman akong umiling. "H—Hindi noh!"
Ngumisi naman siya, "Hindi naman halata sa mukha mo." Sabi niya.
Hindi ko alam pero sa tingin ko ay talagang namumula ang pisngi ko. "S—Saan ka ba tumuloy? Di ba noong isang araw ka pa umuwi?" Tanong ko pa sa kanya.
Hindi naman siya sumagot, bagkus ay tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako kaya ngayon ay sabay na kaming naglalakad, ngayon ko lang napansin na nakausot na pala siya ng uniform ng school namin.
Sa kakahila niya sa akin, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng comfort room, pumasok kami sa CR ng panlalaki kaya 'yung mga taong naroon ay nagulat nang makita ako.
Itinaas ni Aivan ang kamay ko, "Itong babaeng ito....." Napatigil si Aivan pero nakataas pa rin ang kamay ko dahil sa kanya, tumingin muli siya sa mga lalaki. "Avygail ang pangalan nito, at kung sino man ang lalaking lalapit dito... Bubugbugin ko."
Sabay-sabay na lumabas ang lalaki nang marinig nila si Aivan, kaya agad kong binitawan ang kamay niya at saka siya hinampas, "Ano bang ginagawa mo?! Naloloko ka na ba?!"
Ano akala niya sa akin? Katulad pa rin ng dati na hindi na lalaban sa kanya? Haller?!
Lalabas na sana ako ngunit hinawakan niya ang baywang ko at isinandal ako sa pader ng CR, nang tingnan ko siya ay napaka-seryoso ng mukha niya.
"Naka-black list ba ang pangalan ko sa dorm na tinutuluyan mo?!" Asik niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim, "Ha? Hindi ah."
Sumama naman lalo ang tingin niya sa akin. "Hindi ako pinapapasok ng security dahil bawal daw ako doon! Ano bang problema? Ipina-black list mo ako di ba?!"
"H—Hindi..."
Sino naman kayang pwedeng gumawa non?
"Kausapin mo ang security mo, bayad naman ang dorm di ba? Binayaran ng Papa ko para sa'yo kaya kahit na tumira ako doon, wala kang karapatang magreklamo." Mariing sabi niya.
"I—Isusumbong kita kay Daddy!"
Ngumisi naman siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "Eh di, isumbong mo. pero bago mo magawa iyon, lulumpuhin muna kita sa kama nating dalawa."
Yes, gago si Aivan at matagal ko nang alam ang bagay na iyon."So...." Nang muli kong itaas ang paningin ko sa kanya ay nakangisi pa rin siya, habang tila may lumalarong kalokohan sa isipan niya, iyon kasi ang pakiramdam ko. "Will you let me to fuck you?"And second passed, hawak-hawak na ni Aivan ang sarili niyang pisngi habang masama ang mga matang nakatingin sa akin, "What the hell is that for? Bakit mo ako sinampal?!"
"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!"Napasimangot ako nang makita kong naghubad si Aivan nang suot niyang polo at sando, pagkatapos ay nahiga na sa kama ko."Hindi ka sa kama ko mahihiga!" Ang naiinis na sabi ko sa kanya, kinuha ko ang unan na yakap niya at saka iyon inihampas sa kanya, "Umalis ka diyan! Saan ako mahihiga ngayon ha?!"Nakak
Kung minamalas ka nga naman. Kanina lang ay napalabas pa ako ng Professor namin, dahil sa bwisit na Aivan na iyon. Sa next class na lang tuloy ako nakapasok.Kaninang next class ko ay pinatay ko na ang cellphone ni Aivan dahil baka biglang mag-ring na naman ang may sapi niyang cellphone, ayoko pa naman sa lahat na mapapagalitan ng teacher ko.Malapit na rin palang matapos ang klase ko. Sabi sa akin ni Aivan kanina; alas dos pa lamang daw ay nasa labas na siya ng classroom ko. Gusto daw niya kasi na mapanuod ko kung paan
Ang kapal! Ang kapal! Sobrang kapal!Ang dami ko na ngang labahin! Dinagdagan pa ng mga damit ni Aivan! Ang pesteng iyon! Kaya pala punong-puno ang bag niya dahil dinala rin niya dito ang mga damit niya na nagamit na niya.Ang kapal! Ang kapal! Sobrang kapal!Ako pa talaga ang balak niyang paglabahin ng damit niya?!Hindi na nga ako makangiti pa d
"Psstttt.... Gising na! Gising na!"Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi lang buong katawan ko ang nayuyugyog kundi buong pagkatao ko. Pagbukas ko ng mata ko ay sumalubong sa akin ang nakakalokong mukha ni Aivan.Nakangiti pa siya na tila nang-aasar.What the hell?!Marami naman akong pwedeng
"Bakit ba hindi ka makatingin sa akin?"Hindi pa man natutuyo ang buhok ko ay nahiga na kaagad ako sa kama ko. Si Aivan kasi, simula nang matapos akong maligo ay hindi na tumigil sa pang-aasar sa akin.Hindi na nga ako natutuwa sa mga sinasabi niya, pero hinahayaan ko na lang dahil alam ko naman na kapag sinabihan ko siya na tumigil ay hindi naman siya susunod sa akin."Hayyyy... Sarap pala talaga sa feeling na matulog tapos solved na solved noh?" Ani Aivan at kasunod non ay
"Bakit ba kasi wala kang imik? Napapa-isip tuloy ako kung may problema ka diyan!" Ani Lizette habang kumakain ng burger.Nasa canteen kami ngayon, recess time kaya dito kami dumiretso. Araw ng lunes ngayon. Ewan ko ba kung bakit lunes na lunes ay tinatabangan ako."Ano pa lang sabi ni Tito Blake at Tita Cassandra?"Napahinga naman ako ng malalim, "Eh di hayun.. Hindi pa rin nila alam kung nasaan si Aivan, gusto ko man sabihin sa kanila na nandito na si Aivan pero hindi ko mag
"Para kang baliw diyan, umayos ka nga!"Kasalukuyan kaming nasa unit ko. Kauuwi lang kasi namin, at may nabalitaan ako mula sa classmate ko na may nililigawan daw si Aivan na Ryzza ang pangalan mula sa tourism department.Tinanong ko lang naman sa kanya kung totoo ba ang kinweto sa akin ng classmate ko kanina na may nililigawan na siya. Kaya heto, kanina pa siya nagmumukmok at hindi ako pinapansin.Nakaupo lang siya sa kama ko habang nakayuko, pero kita ko mula dito sa pwetso
Malakas kong inilapag sa kaharap kong mesa ang hawak kong cellphone. Iyang Aivan na iyan! Kung hindi niya pa naiwanan ang cellphone niya sa kwarto naming dalawa ay hindi ko pa malalaman ang kabulastugan niya!Nakakagigil! Humanda sa akin si Aivan pag uwi niya at pag-uwi ko rin sa trabaho ko!Si Pierce, ang anak naming dalawa ni Aivan ay nasa eskwelahan. Grade 1 na siya ngayong taon.Pitong taon na ang nakalipas simula ng maikasal kami ni Aivan.
"Tol, dinala sa clinic si Avygail." Sabi ni Eric sa akin.Napayuko ako at napahawak sa sentido ko, "H—Hindi ko naman sinasadyang sabihin na ampon lang siya.. Hindi naman talaga siya naging pabigat sa bahay... Nadala lang ako ng galit dahil sa ginawa ng Mama niya sa Mama at Papa ko." Sabi ko kay Eric."Eh, pre... Kung ano man ang naging kasalanan sa'yo ng Mama ni Avygail. Huwag mo na sanang idamay si Avygail lalo na at wala naman siyang alam sa nagawa ng Mama niya." Ani Eric.
"Sweetheart? Paki-kuha mo nga 'yung cellphone ko.. Baka kasi nag-text na si Mama." Utos ni Aivan sa akin.Nasa tabi ko lang naman ang cellphone ni Aivan. Ngayon ay nasa biyahe kami patungo sa garden kung saan gaganapin ang kasal namin na dalawang linggo pa naman mula ngayon.Halos tatlong buwan na ang nakalipas nang mangyari ang isang trahedya sa amin.Trahedya na halos baguhin na ang buhay ko.
Hindi ako iniwanan ni Aivan, kahit na sa tingin ko ay nahihirapan na siya dahil hindi ako nakakakita ay wala pa rin siyang patid sa kakaasikaso sa akin.Ngayon ay araw ng miyerkules. Kasama ko si Aivan ngayon at nasa bahay kami nila Daddy Blake.May magandang balita sa akin si Aivan. Sabi niya ay hintayin ko lang siya na matapos maligo at pagkatapos ay saka niya sasabihin ang 'good news' na sasabihin niya."Sweetheart? Kakatapos ko lang na maligo. Ano pang gusto mo? Gut
Nang bumalik ang malay ko ay napasigaw pa ako sa labis na sakit ng ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.Agad namang may humawak sa kamay ko, "Sweetheart... Nandito ako." Boses iyon ni Aivan.Unti-unting napakunot ang noo ko nang wala akong makita na kahit ano."A—Aivan.... Nasaan ako? Bakit hindi ako makakita?" Tanong ko habang ang kamay ko naman ay marahang humahaplos sa iyan ko. "Si baby natin?"
Halos hindi ko maidilat ng maayos ang mata ko dahil sa matinding pag-ikot ng paningin ko.Muli akong pumikit ng mariin dahil sa iniindang sakit ng ulo.Nang imulat kong muli ang mata ko ay nalaman kong nasa loob ako ng isang sasakyan.Nakatali ang kamay ko sa likod kaya hindi ko maigalaw ng maayos ang kamay.Lumingon ako sa nagmamaneho ng sasakyan
"Didiinan ko pa ba, sweetheart?"Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. Napahiyaw pa ako sa sakit na nararamdaman ko dahil mas lalo pang diniinan ni Aivan.Napahinga naman ako ng malalim matapos ang ilang minuto."Ayan na, Aivan.... Medyo nasasarapan na ako."Marahan naman niyang hinalikan ang labi ko at pagkatapos ay itinuloy na muli niya ang k
Problemado akong napahilamos sa mukha ko habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.Nakatulog lang ako sandali sa kwarto ay ganito na agad ang tumambad sa akin.Binalingan ko ng tingin si Aivan na nakayuko habang pinagdidikit niya ang dalawa niyang kamay na tila ba nahihiya pa sa akin."Tingnan mo ang ginawa mo sa fried chicken mo." Sabi ko sa kanya sabay turo sa fried chicken na n
Kinakabahan kong tinignan si Aivan. Hindi naman ako kinakabahan dahil kay Stacey, kinakabahan ako sa kung ano ang maaaring isagot ni Aivan sa tanong ni Stacey.Tumingin din sa akin si Aivan ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya.Halos mamilog ang mata ko nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at saka naman siya nagsalita."Nagmamahalan kami ni Avygail." Seryosong saad ni Aivan na ikinanganga naman ni Stacey.