Share

CHAPTER 2-Bad News

She woke up with the ringing of her phone. Pupungas-pungas niyang hinanap ang cellphone at nakita 'tong nasa ilalim ng unan.

“Yes po tita?” it's her tita Zafara.

She heard Zafara's crying at biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib.

Something happened ba?

“S-sav, m-my son. L-levin's in critical condition... I thought he's with you last night?” nanlaki ang mata ng dalaga at mabilis na bumangon.

She grabbed her clothes at mabilis na tumakbo patungo sa kotse.

“S-saang hospital po kayo tita?” the guilt and nervousness is eating her insanity. Nanginginig niyang isinuksok ang susi at ilang beses pa 'tong nahulog.

“St. Luke Medical Hospital. P-please, he's looking for you bago siya nawalan ng malay. S-sav, what happened?” bakas ang pag-aalala at takot sa boses ng ginang.

Mabilis niyang pinatakbo ang kotse at gustong-gusto na makarating sa hospital.

“T-tita papunta na po ako. Let's talk again later. Calm down okay? He'll be fine.” Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga.

“Mag-iingat ka hija.” Namatay na ang tawag at mas nag pokus siya sa pagpapatakbo ng sasakyan. What happened to Levin?

Why he's in critical condition? Pero bago siya natulog ay nasa bahay n'ya lamang ang binata. He left her after what happened.

Nasaktan man sa ginawa ng binata ay hindi niya na lamang pinagtuunan ng pansin ang sariling damdamin. Mas importante sa ngayon si Levin at ang kalagayan nito.

Lakad-takbo ang ginawa niya nang makarating sa hospital.

“Good morning doc,” saad ni nurse Cristy.

“Uhm morning too, alam mo ba kung saang room ang pasyenteng si Levin Montenegro?” nanlaki ang mata nito.

“Sa 7th floor po doc, he's in private rooms.” Tumango siya at nagpasalamat saglit.

Hinihingal na pinindot niya ang elevator at nang bumukas 'to ay hindi niya napaghandaan ang babaeng palabas.

“Gail,” mahinang wika niya.

The woman didn't smile. She just looked at her using her usual blank expression.

“What did you do?” she intimidatingly asked Savannah.

She gulped.

“I didn't do anything, Gail.” Hindi 'to sumagot bagkus ay tinalikuran siya nito.

Nanlulumong pumasok siya ng elevator. This is the result of her love to Levin. Kahit ang nag-iisang kaibigan niya bukod kay Levin ay galit sa kanya.

Anong magagawa niya? Both of them loves Sabrina more than her.

Pagkarating sa room na inookupa ng mga Montenegro ay tila nagdadalawang-isip pa siyang buksan ang pinto.

Yes wala siyang ginawang masama at walang kasalanan sa aksidenteng nangyari kay Levin pero the fact na nangako siya sa tita Zafara niya na aalagaan muna si Levin ay sapat na 'yon ng pagpapabaya niya.

“Don't be scared Savannah, she won't be mad at you.” Tumango siya sa sarili at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang maraming aparato na nakakabit sa katawan ni Levin at ang binatang walang malay na nakahiga sa hospital bed.

Kasama nito ang ina na nakayupyop ang ulo sa gilid ng kama.

Napaiyak siya sa nakitang kalagayan ni Levin. It's her fault, kung hindi siya natulog nang gabing 'yon mababantayan niya sana si Levin.

Nanghihinang napaupo siya sa sofa habang nakatitig sa binatang tila ay at peace kahit maraming gasgas sa katawan.

Napayuko siya, hindi niya kayang tingnan ang lalaking mahal na nasa ganitong kalagayan. She's a doctor ngunit ito ang pangalawang failed niya sa buhay.

Hindi niya naisalba ang buhay ng kapatid tapos ngayon hindi siya nakatulong sa pagliligtas sa buhay ng binata.

“Hija? Nariyan ka na pala...teka, umiiyak ka ba?” narinig niyang tanong ng kagigising lang na si Zafara.

Dahan-dahan siyang tumingin sa ginang at napaluha siya sa nakikitang pag-aalala sa mga mata nito.

“Tita I'm sorry! H-hindi ko po alam na umalis siya. T-tita k-kung binantayan ko po sana siya n-nung gabing 'yon h-hindi 'to mangyayari sa kanya. I'm really sorry tita, hindi ko po sinasadya,” she's crying while pleading.

Mas tumulo ang luha niya nang may mainit na yakap ang bumalot sa nanlalamig niyang katawan.

“Shh hindi mo kasalanan anak, alam kong iniuwi mo siya ng ligtas kagabi.” Nagtatakang tumingin si Savannah sa ginang, paano nito nalaman?

“Bumisita rito si Jaxon, he told me na tinulungan ka niya sa pag-aasikaso kay Levin maiuwi lang 'to and I'm thanking you for taking care and loving my son...” kulang pa ang salitang shock sa nararamdaman niya.

“P-paano niyo po nalamang mahal ko si Levin?” hindi siya makatingin ng diretso sa ina ng binata, nahihiya siya lalong-lalo na ay alam nito na ginagawa niya ang lahat ng 'to dahil may lihim siyang pagtingin.

Zafara patted her head. “Silly, I can see it in your eyes, I was there when I was in your age.” Napatango ang dalaga at niyakap ulit ang tita Zafara niya.

“Thank you po tita, maraming salamat po at hindi kayo nagalit sa 'kin.” She tightened their hug and she felt comfortable and warm in Zafara's embrace.

“It's thank you anak, my son is lucky to have you.” Naghiwalay nila ng yakap at sakto namang pagpasok ng dalagang si Casey.

“Ate Sav!” nagtatakbong lumapit 'to sa kanya at yumakap.

Hinaplos niya ang ulo nito at narinig niya ang mumunting iyak nito.

“My big bro's still sleeping ate, he's still going to wake up soon right?” bakas ang pagmamakaawa sa boses ng dalaga. She closed her eyes as tears running down her cheeks.

“Shh, everything's going to be alright. He will wake up soon, don't worry your kuya's one hell of a strong man.” Humina na ang iyak nito at humiwalay sa kanya ng yakap.

“Thank you po ate,” she smiled at Casey and caressed her cheeks.

“Be strong hmm? We can do this!” tumango ang dalaga.

Siya na muna ang naiwan na nagbabantay sa binata dahil nagpapahinga pareho ang mag-ina sa bahay ng mga 'to.

She stared at Levin's face.

“Miss na miss na kita Levin,” mahinang bulong niya.

It's been 3 months since he got into accident at nacoma.

“Please wake up soon baby.” Yumuko siya at idinampi ang labi sa labi ng binata.

She closed her eyes as she feel his lips against her, she moved her lips but what shocked her the most is when he kissed her back.

Nanlaki ang mata niya habang nakatitig sa binatang gising na. He's staring at her eyes too.

“B-baby,” mahinang bulong niya.

Inilapat ng binata ang palad sa batok niya at muling pinag-isa ang labi nila.

She closed her eyes as her tears fell. Levin's kissing her, Levin's awake!

“I missed you too...Sabrina,” tila bombang sumabog sa harapan niya ang sinabi nito.

He still thought she's Sabrina?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status