Verde Club.
Nakatingin si Kristoff sa dalawang pares ng babae at lalaki na kapapasok lamang ng club. Malibang ang unang pareha ay mukhang typical yuppies habang ang nahuhuli'y masyadong mixed-match. Ang babae'y mukhang manang na dadalo sa misa habang ang kapareha nito ay tila isang die hard fan ng Metallica noong mga panahong usong-uso pa ang mga heavy metal band.
He couldn't help noticing either na parang hindi komportable ang babae sa kapareha nito. Panay ang piksi nito sa tuwing hahawakan ito o aalalayan ng kasama.
Napailing siya at tahimik na tinuya ang sarili. Wala siyang pakialam sa buhay ng mga ito. Naroroon lamang siya upang maglibang. Ang pansamantalang makalimot sa bigat ng responsibilidad na kanyang pinapasan. Managing a transnational consumer goods company is a big responsibility. Idagdag pa roon ang pangungulit ng kanyang mga magulang na mag-asawa na siya at bigyan ang mga ito ng apo.
Na para bang ganoon lamang iyon kadali. Sa estado niya sa lipunan ay hindi ganoon kadali ang pumili ng babaing mapapangasawa. He hates gold diggers.
Especially social climbers.
**
"Mag-enjoy ka nga, Cath! Kaya kita pinilit na sumama rito ay para mabawasan 'yang pagka-manang mo," wika ng kaibigang si Janette kay Catherine.
Bagay na mabilis na ikinataas ng mga kilay ng bente-nuwebe anyos na dalaga.
"Sana ay kumain na lang tayo sa labas," ani Catherine at inilibot ang tingin sa buong club.
Napairap naman si Janette. "Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang sitwasyon at samantalahin ang pagkakataong magkaroon ka man lang ng social life."
"Social life? Kung ang ideya mo ng pakikipagsosyalan ay ang pagtiisan ko ang presence ng lalaking rockstar na pinaglipasan ng panahon at may mga kamay na daig pa ang galamay ng isang octopus—pasensya na, pinsan, pero hindi mo ako mapipilit mag-enjoy."
"You are such a prude."
"Palalampasin ko 'yang sinabi mo."
"Well, forgive me for being frank, but you should know that you are not exactly a beauty queen material para pangaraping magkaroon ng isang guwapong prince charming!"
Ang maanghang na salitang gustong isagot ni Catherine sa kaibigan ay kaagad na bumara sa kanyang lalamunan. Nagkaroon din siya ng pagkakataong isipin muna ang bibitiwang mga salita. Dahil kung hindi niya kokontrolin ang sarili ay baka makapagsalita siya ng lampas sa kanyang limitasyon.
Si Janette lang ang kaibigan niya. Matagal na sila magkakilala pero ngayong buwan lang ulit sila nagkita matapos ang apat na taon. Kaya naninibago na siya sa ugali nito.
"Excuse me. Pupunta lang ako sa restroom," pasintabi niya sa kaibigan bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya sa dakong huli.
"You know what? I think it's about time that you give up your virginity."
Ang balak niyang pagtayo ay biglang naudlot dahil sa sinabi ni Janette.
"Pagdating sa bagay na 'yan ay wala ka na sigurong karapatang panghimasukan ang desisyon ko, Janette," mariing sabi niya.
"Hmn... not if I can help it," wika nitong may imbing ngiti sa mga labi.
Kung anuman ang ibig nitong sabihin doon ay wala na siyang pakialam. Nagtungo na siya sa restroom at iniwan itong nag-iisa sa kanilang mesa.
"Have some of this." Inabot ni Janette sa kanya ang baso na puno ng kulay blue na inumin.
"Alak?" maang na tiningnan ni Catherine ang nagpapawis na basong iniaabot ng kanyang kaibigan.
"Cocktail lang 'yan, and please don't make a fuss about it. Halos juice lang yan at hindi kaparehas nitong iniinom ko."
At para hindi na humaba ang usapan ay tinanggap na lamang niya ang inumin. At totoo naman, halos lasang juice nga lamang iyon. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya nang hindi pa siya nakakadalawang baso ng inuming iyon ay parang lightheaded na siya. At ang kakatwa pa roon ay tila biglang naging napakakulay ng kanyang paligid.
Ganoon ba ang epekto ng alak sa mga first timer uminom? Palibhasa umabot siya sa ganoong edad na hindi man lang nasasayaran ng alcohol ang kanyang lalamunan. Naninibago lamang siya marahil. Sinikap niyang ipagkibit-balikat ang kakatwang pakiramdam na iyon. Hindi nagtagal at natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa gitna ng dance floor at sumasayaw.
"Baka gusto mong lumipat tayo ng ibang lugar?" tanong ng isang lalaki. Napasinghap siya at parang biglang kinilabutan nang madama ang mainit na hininga malapit sa kanyang punong-tenga. Nakapagtataka dahil sa halip na makadama ng repulsion ay tila kabaliktaran niyon ang nadarama niya.
At kailan pa niya ito pinahintulutang akbayan siya? Tinangka niyang lumayo ngunit parang ayaw sumunod ng kanyang katawan.
Nasisiraan na ba ako ng bait o nagkakaganito lamang ako dahil sa impluwensya ng alak?
Tumingin siya kay Janette at giling na giling din ito sa pagsayaw. Nag-thumbs up pa ito sa kanya para sabihing ituloy ang ginagawa niya.
"Gusto mo bang sumama sa akin?" muling tanong ng lalaki sa tabi niya.
Sa kabila ng epekto ng 'alak'—o kung anumang concoction iyong inihalo sa ininom niya ay sumipa pa rin ang matinong kaisipan sa kanyang utak.
"B-Babalik ako. Hintayin mo ako rito," aniya sa lalaki habang pinagagana ang utak kung paanong malalansi ito. "Kailangan ko lang magbanyo."
"Sure. Sasamahan na kita. Kailangan ko ring pumunta ng men's room."
Lihim siyang napangiwi. Inalalayan siya nito sa siko at iginiya patungo sa direksyon ng restroom.
Pinilit gawing kaswal ni Catherine ang pagngiti at tumango. Nauna siya nitong pinapasok ng palikuran. Mabuti na lamang at magkalayo ang men's room at ladies' room. Nang matiyak na nagtungo na ito sa panlalaking palikuran ay kaagad siyang lumabas. Bagama't parang may nagkikislapang Christmas lights sa paningin niya ay sinikap niyang paglabanan ang kung anumang kakaibang enerhiyang kumakalat sa kanyang buong sistema.
Sa pagmamadaling makalabas sa establisiyementong iyon ay hindi niya sinasadyang bumangga sa isang solidong bagay. Na nang mag-angat siyang tingin ay naisip niyang maling tukuyin niya itong bagay dahil isa iyong tao.
Isang tao na ang tindig at porma ay maaaring mapagkamalang artista.
"Ayos ka lang ba?"
Nang tumuwid siya ng tayo ay muntik na siyang sumuray.
"Hey," ipinitik-pitik nito ang mga daliri sa harapan ng kanyang mukha upang marahil ay ibalik sa pokus ang mga mata niyang biglang umikot.
"Cath... Catherine..." sabi niya.
"What?"
"Catherine ang pangalan ko, hindi 'hey'." Nakuha niya pang magtaray kahit pakiramdam niya ay babagsak na siya.
"Uh... my name is Kristoff."
"Kristoff," parang kaysarap paulit-ulit na bigkasin ang pangalan nito. Sa isip ay parang gusto niyang humalakhak. Ang kausap niya ay isang estranghero na wala pang limang minuto niyang nakikilala ang pangalan. Subalit sa pagitan nito at ni Dick ay parang mas may tiwala pa siya rito kaysa sa huli. "Nice meeting you, Kristoff. Sige, kailangan ko nang umalis."
"Sandali."
Nang tangka niya itong lampasan ay hinawakan siya nito sa isang braso. Na bagama't magaan lamang ay muntik na siyang mapapitlag sa pagdaloy roon ng kakaibang sensasyon.
"Kung balak mong takasan 'yong lalaking kasama mo ay may alam akong mas mabilis na daan. Come with me." Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya sa daang tinutukoy nito.
Lalaking kasama niya? Paano nito nalaman? Pinanonood ba siya nito?
Pakiramdam ni Catherine ay para siyang nakalutang sa alapaap habang hawak-hawak ni Kristoff kamay niya. O marahil ay epekto pa rin iyon ng kakaibang high na pinagdaraanan niya. Nasa ilalim nga lamang ba siya ng impluwensya ng alak o may iba pang inihalo si Janette sa ininom niya?
"Here we are."
Naputol ang daloy ng kanyang mga iniisip nang magsalita ang kanyang kasama at matambad sa mga mata niya ang hangganan ng pribadong daan na pinagdalhan sa kanya ni Kristoff.
Sa isang panig ay nasulyapan niya ang pahabang pool na ang dulo ay hindi niya maabot ng tanaw.
"K-kaninong bahay ito?"
"Sa kaibigan ko. Huwag kang mag-alala. Ligtas ka rito. Hindi ka mahahanap ng lalaking kasama mo."
"Ligtas?" Nagtatanong ang tinging ipinukol niya kay Kristoff.
"Well, Cath, you gave me the impression that you were a damsel in distress who needs rescuing from a notorious villain... I rescued you."
Malakas na natawa si Catherine sa biro ni Kristoff. Hindi pa rin naaalis ang epekto ng alak sa ulo niya."Thank you, Kristoff. If I may be so bold, can I give you a kiss for your chivalry?" pakiramdam niya ay isa siya sa mga paborito niyang heroine sa mga binabasa niyang historical romance. And she's out to seduce her dashing knight.Ngumiti ang lalaki na parang naaaliw. Pakiramdam niya ay nalusaw ang kanyang puso at nanlambot ang kanyang mga binti sa napaka-simpatikong ngiti.Pagkatapos ay bahagyang kumiling ang ulo nito. "I'd be a fool to refuse such an offer, my lady."Para siya biglang nakipag-karera sa mabilis na pintig ng kanyang puso. Katulad ng sinabi kanina ng kanyang pinsan, hindi siya pang-beauty queen material.Ngunit ng mga sandaling iyon pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang diyosa sa balat ng lupa. Kusa niyang tinawid ang espasyo sa kanilang pagitan. At dahil matangkad ito bahagya pa siyang tumingkayad upang ipatong ang mga kamay sa balikat nito at subukang ila
Masakit ang buong katawan at parang binugbog si Catherine nang magising siya. Nag-iisa na lang siya sa kama. Mataas na rin ang sikat ng araw na naglalagos sa salaming dingding kung saan tanaw na tanaw ang mga nagtataasang building sa labas. Hinapit niya ang kumot sa dibdib nang maisip na baka kanina pa may nanonood sa kahubdan niya. Mabuti na lamang at mukhang tinted ang salamin.Dahan-dahan siyang bumangon sabay ngiwi nang makaramdam ng sakit sa pagitan ng dalawang hita. Halos hindi niya maitikom ang mga iyon. Pakiramdam niya ay may kamaong nakapasak sa pagkababae niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Nakita niya ang kanyang mga hinubad sa ibabaw ng isang silya.Kipit ang kumot, paika-ika siyang lumapit sa silya at kinuha ang mga damit. Hinanap niya ang banyo. Pagbukas niya ng pinto ay napasinghap siya dahil ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang repleksyon niya sa salamin. May bahagyang putok ang lower lip niya at tadtad ng maraming marka ang leeg at punong dibdib n
Kumakabog ang dibdib at nanginginig ang kamay ni Catherine habang hinihintay ang resulta sa hawak na home pregnancy test kit. Nang sa palagay niya ay mabibitiwan niya iyon ay kaagad niyang ipinatong sa ibabaw ng hinihigaan. Kagat ang hinlalaking hinintay niya ang result. Ilang minuto lang naman iyon ayon sa instruction na kalakip ng kit.Pero ang ilang minutong paghihintay ay tila katumbas ng isang dekada. Hindi siya mapakali. Gusto niyang ipikit ang mga mata nang sa wakas ay matapos ang paghihintay.Pero kahit nakapikit man o nakamulat ay halos nakatitiyak na siya sa result...Gayunpaman ay nangalog ang kanyang mga tuhod nang makumpirma niya ang kanyang hinala.Two lines... Meaning? Positive. Buntis siya. Nabuntis siya...Hindi niya alam kung dapat siyang umiyak sa tuwa dahil sa isang bagong buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan, o dapat siyang umiyak sa takot dahil hindi siya sigurado kung ano ang buhay na maibibigay niya rito. Hindi niya alam ang gagawin.May dalawang buwan na

Verde Club.Nakatingin si Kristoff sa dalawang pares ng babae at lalaki na kapapasok lamang ng club. Malibang ang unang pareha ay mukhang typical yuppies habang ang nahuhuli'y masyadong mixed-match. Ang babae'y mukhang manang na dadalo sa misa habang ang kapareha nito ay tila isang die hard fan ng Metallica noong mga panahong usong-uso pa ang mga heavy metal band.He couldn't help noticing either na parang hindi komportable ang babae sa kapareha nito. Panay ang piksi nito sa tuwing hahawakan ito o aalalayan ng kasama.Napailing siya at tahimik na tinuya ang sarili. Wala siyang pakialam sa buhay ng mga ito. Naroroon lamang siya upang maglibang. Ang pansamantalang makalimot sa bigat ng responsibilidad na kanyang pinapasan. Managing a transnational consumer goods company is a big responsibility. Idagdag pa roon ang pangungulit ng kanyang mga magulang na mag-asawa na siya at bigyan ang mga ito ng apo.Na para bang ganoon lamang iyon kadali. Sa estado niya sa lipunan ay hindi ganoon kadali