EliezahNILIPAT na sa bakanteng kwarto si Mr. Willis para makapagpahinga na. Medyo malaki ang health center nila rito. Inayos ko ang pagkakakumot kay Mr. Willis at pagkatapos ay umupo ako sa plastic na upuan na nasa tabi ng bintana. Malapit ng mag-gabi at hindi parin nagigising si Mr. Willis. Tumayo ako at sinarado ang bintana. Malamig na kasi ang hangin. Pagkatapos kong isarado ang bintana ay lumapit ako sa kama ni Mr. Willis at tiningnan kong okay lang ba siya. Mukhang okay lang naman siya kaya lumabas muna ako sa kwarto para tawagan ang HQ. Baka nag-alala na sila ngayon kasi malapit ng mag-gabi. Saka kumakalam narin ang sikmura ko. Kailangan kong bumili ng pagkain. "Nurse, may mabibilhan bang pagkain diyan sa labas?" Tanong ko sa nurse na nakasalubong ko sa may pinto. "Yes Ma'am. Lakad ka lang diyan, may tindahan dyaan." Sagot ng nurse at tinuro ang hindi kalayuan. "Salamat po." Tumango lang ang nurse at pumasok na sa loob ng center. Pinuntahan ko muna ang kotse at kinuha ang
Eliezah"MATULOG ka na." I coated my words with firmness and immediately turned my back. Lihim kong hinawakan ang dibdib ko at hinagod iyon. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa rib cage ko. Why is it like this? I sighed many times and it took a minutes before it gets back to normal again. Nawala na ang antok ko. Binuksan ko ng konti ang bintana at dumungaw roon. Malamig ang simoy ng hangin pero maganda sa pakiramdam. Tumingin ako sa maitim na langit. Walang bituin at puro ulap na maitim ang naroon. Mukhang uulan yata ano mang oras. Mukhang matatagalan pa yata kami rito. Sigurado akong nag-aalala na ang HQ ngayon kung nasaan na kami at baka nagpatupad narin si General ng search and rescue operation. I hope they will find us soon. Mr. Willis is still in pain and it would be hard for us to get a cab here cause only few vehicles goes here. Well, baka may mahingian kami ng tulong rito. Bukas magtatanong ako kung may nagbebenta ba dito ng gasolina para makabili ako. Tumingin ako sa relo
Eliezah"DO they know each other?" Tanong ni Kieffer habang nakaturo sa pinto. Kumiling ang ulo ko. "I don't know. Baka crush niya si Mr. Willis kaya ganun siya maka react." Nakapamulsa na sagot ko. "Maybe. Pero... Aish! Ano bang nangyari sa kanya? Kainis naman!" Maktol ni Kieffer at naunang naglakad papunta sa kwarto ni Mr. Willis. I chuckled and followed him. Pagkapasok namin ay naabutan namin na nakayakap si agent 00015 kay Mr. Willis pero nang matanaw kami ni Mr. Willis ay agad niyang tinulak si agent 00015. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papunta sa silya at binigay iyon kay agent 00015 na agad din namang umupo. "Kukuha lang ako ng ibang silya," sabi ko kay Kieffer at tumango naman siya. Badtrip na badtrip ang mukha niya. Busangot. Lumabas ulit ako sa kwarto at nanghiram ng silya sa nurse at dinala ito sa kwarto. "How are you? Saan ka ba tinamaan?" Rinig kong tanong ni agent 00015 pagkapasok ko. "Okay lang ako." Sagot ni Mr. Willis. What's going on between them?
EliezahPAGKARATING namin sa HQ ay naabutan ko si Mr. Willis na naghihintay sa may gate. Ang tigas talaga ng ulo. Huminto ako sa tapat niya. "Ba't nandito ka? Diba dapat nasa loob ka?" Salubong na kilay kong tanong sa kanya. "Hinintay kasi kita." Sagot niya. Umismid ako. "Oh sige na, pasok na. I-pa-park ko lang itong motor sa garage." Tumango siya at dahan dahan na naglakad papasok. Tss. Bumaba ako sa motor at tumakbo palapit sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at pina-akbay sa balikat ko at inalalayan siyang maglakad. Gulat siyang napatingin sa akin. "Ang tigas kasi ng ulo mo!" Inis na sambit ko pero matamis lang na ngiti ang sinukli niya. Naglakad na uli kami. Nakita kami ni agent 00099 at tinulungan niya akong alalayan si Mr. Willis na makapasok. "Salamat agent 00099." Sabi ko ng maka-upo na si Mr. Willis sa couch. "Wala yon agent 00013! Sige alis na ako. May binabantayan kasi ako ngayon." Sabi niya at tumakbo na palabas. Nameywang ako sa harap ni Mr. Willis. "At ikaw! Dito
EliezahDAYS had passed and naghilom na naman ang sugat ni Mr. Willis at nagsimula narin siya sa training niya. Subsob siya sa training niya habang ako naman ay sumabak sa isang buwang mission abroad. Kasama ko si agent 00099 at si agent 00012. They were my lookout habang sinasagawa ko ang mission. My mission is to destroy a disk na gawa ng isang technology genius business tycoon na may kakayahan daw ang disk na ito na ma-hack ang lahat ng satellite at sirain ang mga ito. Kaya hinahabol siya ng mga masasamang tao para magamit sa kasamaan ang disk. Ang tanging paraan lang daw nito ay ang sirain ang disk para wala nang maghahabol. However, the disk was stolen and the owner was being hostage by the thief. And that is my mission. To save the owner and destroy the disk developed by him. Ang babaliw lang din naman kasi ng mga genius na 'to eh, gagawa-gawa ng mga ganito-ganyan not minding na maraming maghahabol sa gawa nila. Ang nakaka-irita pa nito ay kailangan ko pang magpanggap na is
Eliezah"WHO are you?" Tanong ng isa habang nakatutok ang baril niya sa'kin. "Oh, ahm, where is the restroom here? I can't find it?" I lied as my gaze darted at the silver gray door behind them. "There's no restroom in here. You better go away before we shoot you for invading here." Sabi ng isa at nilapitan ako saka tinulak. Nasa malapit na kami sa hagdanan ng hawakan ko ang kamay ng lalaking tumutulak sa'kin. Hinila ko siya at sinipa ng malakas. Nagulat ang ibang kasamahan niya at nagpaputok ng baril pero bago pa nila nagawa iyon ay naunahan ko na sila. Tumunog ang alarm at tumawag ng back-up ang isa pero hindi niya na natuloy kasi binaril ko na siya. Mabilis ang pangyayari na halos hindi ko na masundan. May isa pang tumayo at handa ng umatake. Ngumiti ako at sinipa siya na mas lalong nagpataas ng slit sa hita ko. Napairap ako nang makita na nakalantad na ang hita ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakabulagtang mga katawan. Akala ko ba tight security dito? I guess my expectati
EliezahNALIGO ako ng mabilisan at saka nagpalit agad ng damit. Cargo pants and isang gray t-shirt ang sinuot ko. Ah! I feel refreshed!Lumabas ako sa banyo at lumapit sa tatlo na seryosong nakaupo sa sala. Parehong tutok na tutok sa screen ng laptop ni agent 00099. "Oh tapos na ba?" Tanong ko ng makaupo sa tapat nilang tatlo. "Tinawagan na namin si General at tayo na raw ang bahala para sirain ito." Tugon ni agent 00099 habang nakatutok parin sa laptop niya. "How about you Mr. Clinton? You are the one who made that thing. Maybe you knew how to destroy that." Seryoso na sambit ko. "Yeah, I-I knew..." pabulong na sagot niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip niya kasi hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Madilim na ewan. Inusod ni agent 00099 ang laptop niya kay Mr. Clinton. Hinila ni Mr. Clinton ang CD ROM Drive at tinanggal mula roon ang disk at may kung ano siyang ginawa roon na hindi namin malaman. Lahat kaming nanonood sa kanya ay namamangha sa ginagawa niya.
EliezahSUNDAY ng umaga ay nagpunta ako sa bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako. Tulog pa si Mr. Willis nang umalis ako at hindi ko nalang siya ginising kasi alam kung pagod siya kagabi. Niyaya kasi siya ng ibang kasamahan na sumama sa maliit na party sa ibaba kasi celebration daw dahil isa na siyang ganap na agent. Hindi na ako sumama sa kanya nang yayain niya ako kasi pagod rin naman ako sa byahe namin kinaumagahan ng araw na iyon. Pagkarating ko sa gate ng bahay namin ay bahagyang nakabukas iyon. Nasa loob na marahil si Manong Jorgie. Nasabi ko kasi sa kanya na ipapalinis ko ang buong bahay at nag-boluntaryo siyang siya na ang maglilinis, maghahanap nalang rin daw siya ng makakatulong niya. Naisip ko kasing dito na ulit ako titira. Tanggap ko na ang nangyari and all I can do is to take care of those memories. Iyon nalang ang meron ako. Pinapasok ko ang motor ko at naabutan ko si Manong Jorgie na nagwawalis sa mga tuyong dahon sa medyo may kataasan ng mga damo