"Tumigil ka at wala tayo sa sarili nating kompanya!" Bulyaw na niya kay Jacob. Nanlilisik ang mga mata ni Jacob sa kapatid at pilit na pinakalma ang sarili. Tama ang ama niya, hindi ito ang tamang lugar upang ilabas ang tapang nila. Nang muling mapatingin kay Jasmine ay uminit na naman ang ulo niy
"Good afternoon, chairman! Magalang na bati ni Oliver sa ama ni Ashley. "Nabalitaan kong pumunta rito kanina ang iyong ama, ayos ka lang ba?" Napatingin si Mark sa pisngi ng binata na bahagyang namumula. "Ayos lang po ako, salamat!" Tumikhim siya matapos makapagsalita lalo na nang mapatingin nama
"Bolero!" Inirapan niya ang binata at pinigilan ang mapangiti. "Tuloy mo ang pag-apply nitong cold compress sa panga mo at kailangan ko nang umalis." Ibinigay niya ang hawak dito at nagmamadaling umalis na. Hindi na niya pinigilan pa ang dalaga. Napangiti siya habang inilalapat ang hawak sa pisngin
"Dalhin din ninyo ang babaeng iyan sa opisina!" Galit na turo ni Celine kay Jasmine. "Hindi mo na ako kailangang hawakan upang sumama." Iniwas ni Jasmine ang braso sa lalaking sumunod sa utos ni Celine. "Naku, dapat hindi na siya lumaban. Intern lang siya pero ang lakas ng loob na lalabanin ang ma
"Mabuti at narito ka na." Malamig na bati ni Alvin sa anak. Napangiti si Celine, hindi na lang ang loob ng ina ni Oliver ang nakuha niya. Maging sa ama nito na nilapitan pa niya nakaraang lingo bago nakapasok sa kompanya. Noong una ay ayaw pa nitong makipag cooperate sa kaniya para kay Oliver. Per
"Kung gusto niya pong manatili sa kompanyang ito ay dapat niyang ayusin ang relasyon sa mga empleyadong nasasakupan niya." Ang taninging nasabi ni Oliver. Napabuntong hininga ang assistant. Ang utos sa kaniya ay huwag din munang alisin sa kompanya ang salarin. Pero kailangan niyang turuan ng leksy
Ngumiti si Jacob sa babae at tuluyan ng pumasok sa loob ng opisina nito. Kumatok naman siya ngunit walang sumasagot kaya binuksan na niya at naabutan nga niyang nagmumura ang babae. Mabilis a inayos ni Celine ang sarili nang makilala ang kapatid ni Oliver. "Napadalaw ka?" Pormal niyang tanong dito.
Lalong natuwa si Celine sa nakikitang galit sa mukha ni Ken. "Makipagtulungan ka sa akin kung gusto mong manatili lang sa iyo si Jasmine at sa akin naman si Oliver." "Gusto mong sirain sa isa't isa ang dalawang iyon?" Nang tumango si Celine ay napangisi si Ken. "Anong method ang gagamitin mo at paa