"Sir, sigurado po kayo na aalis na tayo?" tanong ni Roger sa binata. Walang salitang tumalikod na si Rafael at lumabas ng naturang shop. Napangiti si Jenny nang makitang umalis na sina Rafael. Nakaramdam siya ng lungkot pero mas gusto niyang wala ito dahil hindi siya makababa sa venue. "Kanina k
"Sir, lumabas na po si Ms. Jenny." Imporma ni Roger sa amo na nakapikit lang habang nakaupo sa loob ng kotse. Pagkamulat ni Rafael ng mga mata ay mabilis niyang dinampot ang bulaklak na binili pa niya kanina sa isang malapit lang na flower shop. "Good luck, sir!" Mukhang excited na pahabol ni Rafa
"Hello everyone, sorry for the inconvenience. I'm here to buy a wedding ring but she's mad at me because of a misunderstanding." Namilog ang mga mata ni Jenny nang marinig ang tinig ng isang lalaki mula sa paging nila. Kahit hindi nakikita ang nagsasalita ay kilala na ito. Ang akala niya ay nakaali
Parang slow motion ang lahat at nakalimutan ni Jenny huminga habang hinihintay din ang pagbukas ng elevator. Unang bumungad sa kanila ay likod ng isang lalaking abala sa pagkuha ng bvideo kay Rafael. Todo effort ang camera man at animo'y propisyonal. "Shit, Mark, ano ang ginagawa mo?" ani Jenny sa
"Mahal, huwag ka nang magalit. Ikaw talaga ang nasa isip ko nang makita ang singsing na iyan. Binibili ko ng ten million ngunit ayaw nilang ibigay sa akin." Kinakabahang paliwanag ni Rafael at natakot na baka umayaw na ang dalaga dahil walang maisuot sa singsing sa daliri nito. Umawang ang bigig ng
"Tapos na ang papel ko dito kaya aalis na ako." Paalam ni Mark pero bigla ring lumingon kay Rafael. "Hindi ako tumatanggap ng pasalamat." "I will send the money to your bank account." Pormal na tugon ni Rafael. "What? Magkano ang ibabayad mo sa pagiging camera man niya?" Gulat na tanong ni Jenny s
"So, kailan mo balak pakasalan ang anak ko?" tanong ni Charles kay Rafael. "Kung maari ay bukas na po." Walang gatol niyang sagot sa ginoo. "Aba, talagang pati sa kasal ay gusto mo nang mabilisan? Hijo, husto ko nang engranding kasal para sa anak ko at hindi iyan magawa sa isang araw lamang." Pina
Masayang niyakap ni Rafael ang dalaga nang mapagsolo na sila sa garden. Ang relatives nila ay abala sa pag uusap pa rin at nasali na ang negosyo kaya humiwalay na muna silang dalawa. "Paano mo nga pala nalaman na na naroon ako sa shop?" tanong ni Jenny habang nakasandal ang ulo sa matigas na dibdib