"Uhmmm, saan mo ako dadalhin?" Inis na reklamo ni Jenny pero nanatiling nakapikit. "Home." Nakasingot na isinubsob niya ang mukha sa pagitan ng ulo at balikat ng binata kasabay nang pagpulupot ng mga paa sa baywang nito. Inaantok pa talaga siya dahil ang aga niyang nagising kanina at bumeyahe. "I
"P*ta, aray!" Daing ni Jenny pagkabagsak ng katawan sa sahig. "Shit, are you okay?" Inilang hakbang lang ni Rafael ang dalagang nahulog at agad na sinuri ang katawan nito. "Aray, mukha ba akong okay?" Mangiyak-ngiyak niyang singhal sa binata dahil sa inis. Kasalanan nito kung bakit siya nahulog sa
Nakahinga siya nang maluwag nang makita larawan iyon ng binata noong maliit pa at kasana ang parents. Kinabahan pa siya kanina at baka larawan nito at ng ex-girlfriend ang naroon. Muli siyang napangiti nang makitang walang ibang gamit pambabae sa loob ng silid ng binata. Nagpasya siyang lumabas ng
Patakbong pumasok si Rafael sa kusina nang marinig ang sigaw ni Jenny at kasabay nang paglagabog ng isang bagay. Nang makita itong nakahiga sa sahig ay ganoon na lang ang takot niya. "Be-be careful!" Pigil niya sa paglapit sa kaniya ng binata bago napangibit dahil totoong nasaktan siya. Napasobra a
Pagdating ng doctor ay hindi umalis si Rafael habang sinusuri nito ang dalaga. "Itaas mo ang t-shirt, hija, upang matingnan ko ang iyong injury." Utos ng manggagamot. Napatingin muna si Jenny sa binata na mukhang hindi gusto ang doctor na dumating. Ang akala niya kanina ay lalaki ang doctor, sak
"Hijo, huwag mo nang hayaang mahulog sa kama ang anak ko at baka hindi na kayo makabuo niyan ng marami kong apo." Patuloy na pakiusap ni Stella sa binata at pinalungkot ang mukha. "Mom?" Nandilat ang mga mata niya at mabilis na bumangon upang agawin na sana ang cellphone kay Rafael ngunit napaigik
"Sigurado ka na sa nanay mo ito?" tanong niya sa binata habang marahang dinidiligan ang mga bulaklak at baka mabalian ng sanga or dahon. "Yes, ito na ang buhay na bagay na alaala ko mula sa yumao kong ina." Napabuntong hininga si Jenny. Nagkasala pa siya kanina sa isipan at nilait niya ang mga bul
Napabangon si Rafael nang nasa tiyan na niya ang binti ng dalaga. Ang sarap na nang tulog nito pero siya ay hindi mapakali. Bukod sa nag iiba ang pakiramdam niya dahil nasa kama niya ang babaeng gumigising sa libido niya ay ang likot pa nito. Kapag wala siya ay tiyak nahulog na ito sa higaan. Tama n